Kabanata 26
This story was Completed on Patreon/Facebook group. Message to join. Thanks!
Kabanata 26
"Joaquin..." Pinalipas ko muna ang ilang araw pagkatapos mawala si Bucky bago ko kinausap si Joaquin. Palagi rin siyang nasa trabaho kaya wala kaming time na makapag-usap. At kapag umuuwi naman siya sa penthouse ay nakatulog na ako.
Ngayon nakahanap ako ng pagkakataon na makausap siya. Talagang nilabanan ko ang antok at hinintay siya na makauwi. These days I feel like I've become a sleepyhead. Parang palagi akong inaantok at walang energy. Mabuti na lang at wala na akong kailangang gawing trabaho kaya nasa bahay lang ako. At kung mayroon man na nag-o-offer pa rin ay tinatanggihan ko na muna.
"Joaquin, mag-usap tayo." Hindi pa kasi kami nag-uusap tungkol doon sa nangyari sa party...
Anja told me what happened and I was horrified... Fred was trying to dance with me...and Joaquin didn't like it...
Ang sabi pa ni Anja ay mukhang nagalit nga raw talaga si Joaquin... At kahit ang Kuya Anjo ko ay nagalit na rin sa nangyari. Ngayon nga ay nag-aaway pa sila ni Anja... And it's all my fault. And I want to correct it. "What happened the last time..." I opened the topic.
"That wasn't the first time that it happened..." Joaquin said coldly.
Napatingin ako sa mukha niya na iniwas niya rin sa akin. Naglakad siya at tinalikuran ako habang nagtatanggal ng necktie niya at sunod na tinupi ang sleeves ng dress shirt niya hanggang siko.
I knew that he was mad...
"I'm sorry..." I guiltily said.
"I don't understand... Why you would let yourself get drunk when you know of the possibilities..." he said.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagkatinginan kami ni Joaquin. Napalunok ako habang tinitingnan ang mga mata niyang malamig na nakatingin sa akin. Ito na yata ang unang beses na nakita ko siyang ganito. He's always been so understanding when it came to me... Pero ngayon pakiramdam ko ay napagod na rin siyang intindihin ako... I wanted to cry in front of him and beg him...
"I'm really sorry, Joaquin. I was careless..."
"You are a married woman. Pero nakikipagsayaw ka pa rin nang ganoon sa ibang lalaki?" Joaquin looked stressed and angry.
Naalala ko ang mga issue tungkol sa akin. I feel like it all gets to Joaquin now...
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko sa nagbabadyang luha.
Pagkatapos ay nagbuntong-hininga siya at muling nag-iwas ng tingin. As if he was trying to control himself and his emotions. When he looked at me again he's calmer. "I'm trying to...do my best. I've been trying to understand you, because I also want to see you happy... Even it means it would also frustrate me sometimes...make me jealous...scared..." He shook his head. "But I don't want you to feel suffocated just because you're with me. Maaga tayong nag-asawa, and I didn't want our marriage to feel like a cage for you... So as much as possible I tried to..." Umawang ang labi niya. "But I get tired, too..." mahinang aniya at nagyuko ng ulo.
Hindi ako nakapagsalita at nanatili lang nakatingin sa kaniya habang pakiramdam ko ay konting-konti na lang bubuhos na talaga ang mga luha ko.
Now I felt like I didn't improve...or there's still nothing I did good... Sa huli ay nakagawa na naman ako ng mali at ang nakakatakot ngayon ay baka napuno na sa akin si Joaquin at... I parted my lips because I find it harder to breathe...
"I'm sorry." aniya at tinalikuran ako. "I'm also exhausted from work..." mahinang aniya bago umakyat na sa hagdan papuntang kwarto...
Naiwan naman akong mag-isa sa living room...
"Joaquin...are you still awake?" Tinabihan ko siya sa kama namin at niyakap siya galing sa likod. Habang patalikod naman siyang nakahiga mula sa akin. Nanatili pa ako kanina sa living area habang iniisip ang mga nagawa ko... At nang umakyat ako rito sa kwarto namin ay dimmed na ang mga ilaw at nakahiga na mukhang natutulog na si Joaquin. Pero nagbaka sakali pa rin ako na baka gising pa nga siya at pwede pa kaming makapag-usap...
I snuggled closer to his back. "I'm really sorry... I was drunk—though I know it's not enough as an explanation or excuse. I was in the wrong, Joaquin. I'm very sorry. If I'm in my right mind I wouldn't be doing things that could affect you..."
"It's all right..." Nagsalita siya. Humigpit ang pagsusubok kong yakapin ang malaking katawan niya galing sa likod. And then he continued, "I knew that you were drunk... And you didn't like what that man was doing to you, despite that. I saw that you were trying to get away. Pero nakita ko rin na pinipilit ka pa rin niyang isayaw... I got angry and became violent..."
"I'm sorry..." I whispered.
"It's okay..." huling sinabi niya nang gabing iyon...
Pagkatapos ay hindi na muli nagsalita si Joaquin hanggang sa nagtagal na ang katahimikan sa amin. At hindi ko na rin namalayan na nahila na pala ako ng antok.
Joaquin was called to his mother's house. At sumama na rin ako to also talk to his mom. About my issues and everything. Ayaw kong magpatuloy pa kaming hindi maayos sa isa't isa...para kay Joaquin. Gusto kong ayusin na ang mga bagay para sa asawa ko at para sa amin. And I miss Joaquin's mama, too. Hindi naman masama si mama. In fact she was truly good to me... Nag-iba lang naman ang tingin niya sa akin...dahil sa mga nangyari sa amin nitong nagdaang mga taon... And I just hope that it's not too late yet...
At hindi pa talaga kami ganoong okay ni Joaquin ngayon... I can feel it because I know my husband... And he's acting different from what he'd used to do when we're together, kapag okay lang naman kami.
Nagkatinginan kami ni mama nang dumating kami ni Joaquin sa bahay niya at sinalubong nila kami ni Lalaine... She's here, too...
"Mama—" Babati pa sana ako nang tumalikod na ang mama ni Joaquin...
"Dumeretso na tayo sa dining room at lalamig ang pagkain." She said rather coldly...
Bahagya naman akong nagyuko ng ulo at sumunod na lang...
Tahimik kaming kumain ng lunch na hinanda ng mama ni Joaquin kasama si Lalaine...na tahimik lang din...
Pagkatapos ay nag-excuse si Joaquin para sa isang tawag sa trabaho. Nag-washroom din naman muna ako. At pagkabalik ko ay wala doon sina mama kaya hinanap ko... And I found Joaquin and Lalaine talking...
"Ilang taon na rin kayong kasal, Joaquin... Pero hindi ka pa rin niya nabibigyan ng anak... Do you think there's something wrong with her?"
Agad nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko na sinabi ni Lalaine kay Joaquin! Nanlamig ako. At alam kong sumagot pa si Joaquin kay Lalaine pero parang nabingi na ako sa takot...at kung ano-ano na agad ang naisip ko...
Hindi pa kami maayos ni Joaquin ngayon. Our relationship is unstable... At paano kung mapag-isipan din ng asawa ko ang sinabi sa kaniya ngayon ni Lalaine? What if Joaquin realized... If he finds out...and realizes that I'm not the wife that he deserves... I still am... Pinangunahan na ako ng takot ko at parang hindi ko pa malaman ang gagawin sa sitwasyon...
"Angelica,"
I almost jumped in shock with Joaquin's mom's voice calling my name from behind me... Nilingon ko siya at nagkatinginan kami.
"Mag-usap muna tayo na tayong dalawa lang." she said in a serious manner.
I think Joaquin didn't hear me or his mom. Hindi rin kami nakita. At mukhang hindi rin sila napansin ni mama nang tumalikod na ito at nagpatiuna while expecting na susunod lang ako sa kaniya.
Parang wala pa sa sarili nang gumalaw ang mga paa ko at sumunod din...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro