Kabanata 23
Hi! Here's our new Wattpad story updates schedule. Every Tuesday and Wednesday, and Saturday. Three times per week. Join my Patreon creator page Rej Martinez or message my Facebook Author profile Rej Martinez to join private Facebook group for daily updates! Thank you!
Kabanata 23
"Ano na naman ba ito, Angelica?! Nakita na ba ito ni Joaquin? Ano ang sinabi niya? Tapatin mo nga ako kung talaga bang ayos pa kayo ng asawa mo." Mama was looking so stressed while talking to me.
I sighed. Halos kababalik ko lang ng Pilipinas galing sa modeling job ko abroad at ito ang agad na sumalubong sa akin. Si mama na nagrereklamo na naman sa nangyayari sa akin... "Joaquin and I are fine, Mama." I told her.
"Are you sure?" Nagdududa pa akong tiningnan ni mama. "Kailan ang huling beses na nakapag-usap kayong mag-asawa?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ng mama. Napaisip pa ako. But I still gave my mother a reassuring smile. "Yesterday, Mama. I talked with Joaquin on the phone."
Nagbuntong-hininga na lang si mama.
And although my answer wasn't a lie, dahil nakakapag-usap pa rin naman talaga kami ni Joaquin sa phone... Iyon nga lang pakiramdam ko ay kulang pa rin iyon.
"Palagi pang may issue sa 'yo. Bakit nga pala hindi ka nabisita ni Joaquin sa trabaho mo sa ibang bansa? Isa na naman 'yan sa binabato sa 'yo ng ibang tao. Again, it's because of your job. Tsk tsk." Mama shook her head.
Napababa naman ako ng tingin sa mga kamay ko. I looked at my fingers where I wear my wedding rings. Maganda pa rin ang brilyante ng engagement ring ko na bigay ni Joaquin. Maliit akong napangiti habang pinagmamasdan iyon sa daliri ko. And then I sighed.
Noon kasi ay nasasamahan pa nga ako ni Joaquin noong mga unang beses na may trabaho rin ako sa ibang bansa. At parang nakakapagtravel na rin kaming mag-asawa noon. Although he was bombarded with phone calls and was almost always on his laptop, na appreciate ko pa rin na nag-e-effort siya noon na masamahan ako at masuportahan.
I can still smile now remembering how he was there sa audience to watch me doing my walk on the runway stage. Minsan ay kabado ako na nakatingin siya sa akin habang naglalakad ako sa entablado, ewan ko ba. He can make me both confident and nervous sometimes. Pero madalas ay natutuwa na lang ako na nandoon siya para suportahan ako.
But I guess these past weeks have been real hectic for both me and Joaquin. I was abroad for work and he's busy with the company, too. Kaya hindi niya na rin ako nasasamahan o nabibisita rin na minsan niya ring gawain noon...
I sighed again.
"Hindi ko na talaga alam kung ano ang mangyayari sa 'yo, Angelica." patuloy pa rin ng mama.
Dumeretso muna ako rito sa bahay namin sa Manila. Nandito rin kasi ang mama galing probinsya at talagang pinatawag ako. So I came here first to talk to her. Although I really want to go and see my husband right away. Pero maaga pa at alam kung busy pa rin si Joaquin sa trabaho niya sa kompanya.
And I'm just so excited to meet my husband later... I smiled as I looked forward to it.
Muli kong narinig ang mabigat na pagbubuntong-hininga ng mama na pumukaw sa akin. "The last time... I was invited on the same event. Actually kaming dalawa ng Papa mo. But he can't leave Negros because of his responsibilities there. Kaya ako na lang ang pumunta at sinamahan ng Kuya Angelito mo. At doon may napansin ako..." Matamang tumingin sa akin ang mama. "Nakita kong mukhang malapit talaga sa isa't isa si Joaquin at iyong si Lalaine..."
Umawang ang labi ko sa sinabi ng mama. Pero pagkatapos nang agad din namang makabawi ay ngumiti ako. "Of course, Mama. She's Joaquin's childhood friend... Kaya matagal na talaga silang malapit sa isa't isa..."
"Sigurado ka? Iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon..."
I know, mama... I mean I have long realized that Lalaine has feelings for my husband... But I trust Joaquin... And I think hindi rin naman lalagpas si Lalaine sa limitations niya... Alam naman niyang kasal na sa akin si Joaquin. Kahit pa mukhang gusto niya pa rin ito...
"It's okay, Mama..."
The food was ready kaya kumain na rin muna ako sa bahay bago ako umuwi sa penthouse namin ni Joaquin. I wanted to surprise him kaya nagluto ako ng dinner namin ngayong gabi and cleaned the house kahit malinis naman. I also missed cleaning our home.
Humarap ako sa glass walls ng kitchen ng penthouse. Gabi na kaya kita na ang city lights sa labas.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nakatanggap ako ng tawag kay Joaquin. I didn't tell him na nakauwi na ako. I wanted to surprise him. I was smiling as I answered my husband's call. "Hon, pauwi ka na ba?"
"Are you still at your parents house?" he asked from the other line.
"Uh—"
"Please have dinner there. Susunduin na lang kita d'yan sa inyo mamaya. Dito na rin ako magdidinner sa bahay ni Mama."
"Oh... Mama invited you over?"
"Yes."
"Uh, ano'ng meron?"
"Nothing really special. Naglalambing lang si Mama."
Ngumiti na lang ako. "All right..." Mamaya ko na lang sasabihin sa kaniya na nakauwi na ako. I'll just let him enjoy a worry free dinner with his mom tonight. Mag-aalala lang siya kung sasabihin ko sa kaniya ngayon na nandito na ako sa bahay. Baka umuwi pa siya. At baka lalo lang sumama ang loob ng mama niya sa akin...
I sighed after my call with Joaquin.
At mukhang ang bilis pa talaga ng balita. I already had my dinner kahit medyo wala na rin akong gana. Nakaligo na rin ako and was all ready for bed. When I decided to open my phone. Kumakalat na agad ang balita na magkasama raw sa dinner sina Joaquin, ang mama niya...at si Lalaine...
Apparently Lalaine posted on her Instagram a photo of her, Joaquin's mama ang Joaquin having dinner together. At mabilis ang mga haka-haka ng mga tao sa social media...na tuluyan na raw siguro talaga kaming nagkakalabuan ni Joaquin... Na maghihiwalay na kami dahil wala pa naman din daw kaming anak... At na may ibang lalaki rin daw naman ako...
Sa trabaho ko ay kung kaninong lalaki rin ako ginagawan ng issue ng mga tao... But I'm not a bit affected because I know and I'm confident in myself that I've been nothing but all loyal and faithful to my husband. Kung nakikita man akong may nakakasama o nakakatabing lalaki ay dahil sa trabaho ko lang iyon and I'm professional. I don't know why people can't understand that...
Hindi ko na alam kung anong oras nakauwi si Joaquin kagabi. Nakatulog na kasi ako. But when I woke up it made me happy to see him sleeping right beside me in our bed. At nakayakap pa ang isang braso niya sa akin. Masaya na lang akong napangiti at hinawakan ko ang pisngi niya habang pinagmamasdan siyang natutulog pa...
I missed him so much.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro