Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Completed with Special Chapter on Patreon and Facebook Group. Message to join. Thank you for the support!

Kabanata 13

"Bucky," tawag ko sa aso sa tabi ko. Bumaling din ito sa akin. "Do you think... Do you think your Daddy is cheating on me...?" Para na akong nabaliw. Pati aso ay kinakausap ko na nang ganito.

Kumahol ito. Bigla na lang bumuhos ang mga luha ko. I hugged the dog and continued crying. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa amin ni Joaquin...

It all started when he went to an out of the country business trip. Gusto niya sana akong isama noon pero lumuwas ang Mama at Papa kaya sa bahay muna ako namin dito sa Manila noon nanatili to also spend time with my parents. Because I suddenly missed my family, too. Joaquin and I did video calls. Maayos naman pero noong bumalik siya mas lalo yata siyang naging busy. Halos sa opisina na niya siya tumira. Wala na siyang time para sa akin. Gaya ngayon na pagtingin ko sa oras ay late na. Lumamig na rin iyong dinner namin na niluto ko. Siguradong sa opisina na naman siya matutulog ngayon...

I was blaming Megan. Kasi nandoon siya sa conference na iyon na pinuntahan ni Joaquin. I saw a post on her IG. She was wearing a corporate attire at sa tabi niya ay si Joaquin na naka suit. He wasn't looking at the camera. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ng bruhang Megan na iyon o ginawa sa asawa ko.

Maayos naman kasi kami ni Joaquin bago siya umalis.

Tumunog ang phone ko at napapunas ako sa mga luha. It was Joaquin calling. Kinuha ko iyon na nakapatong lang naman sa sofa sa tabi ko at sinagot. "Hello," iniwasan kong manginig ang boses.

"Hey," marahan niyang bati, tunog pagod. He also sighed. "I'm sorry I won't be home again tonight."

Bumuhos na naman ang luha ko. I bit my lower lip. "O-Okay, sige, ibaba ko na." at pinatay ko na lang agad ang tawag niya. I can't anymore stop my emotions and tears.

Muli pang tumawag si Joaquin but I turned off my phone. Ilang araw na siyang ganito. Basta simula noong dumating siya galing sa conference na 'yon.

I cried myself to sleep that night.

But the next morning I went out to shop. I shopped for new clothes. Binalik ko iyong dating style ko. Nagpa-salon din ako. I had my hair done and my nails, too. Parang ang tagal na rin simula noong huling nagawa ko ito. I just busied myself with Joaquin and our home. Medyo nakakalimutan ko na rin pala ang sarili ko. So I made sure that I was looking really gorgeous when I went to a super club kinagabihan. I invited Anja and some of our friends. Maaga pa nga kaya kumain muna kami ng dinner.

Nakapatay ang cell phone ko. Ayaw sagutin ang tawag ni Joaquin. Busy din naman siya noon sa trabaho pero hindi ganito. Wala na talaga siyang oras para sa akin. Ni hindi na siya umuuwi sa penthouse namin. If he's... cheating on me then damn him! Hindi ako naniniwala na busy lang talaga siya sa work. Alam kong may iba pa siyang pinagkakaabalahan tulad ng babae niya...

I gritted my teeth. Kinuha ko ang isang shot and drank my first liquor that night. Nanatili pa muna kami sa sofa hanggang sa lumalalim na ang gabi at dumami na rin ang mga tao sa dance floor. Hinila na ako ni Anja patayo para magsayaw kami. Pero ayaw ko pa sana muna dahil gusto ko pang uminom at malasing talaga. Konti pa lang iyong nainom ko. Si Russel kasi parang nag-a-alcohol poisoning. He's also a friend from college. Siya na ang uminom ng lahat ng nilapag sa mesa namin. I don't know what's his problem. Ang alam ko ay galing siya sa bakasyon sa isla ng tita niya.

"Tara na!" Hinila ako ni Anja.

Wala na akong nagawa at sumama na sa kaniya sa dance floor. We started dancing there. I laughed with her. Ah, old days. I missed this... Pero habang nagsasayaw doon ay nag-spaced out ako. Pumasok sa isip ko iyong mga times na magkasama lang kami ni Joaquin sa bahay namin. Nanonood lang kami ng movies, nag-uusap ng kung anu-ano, natutulog nang magkatabi... Pakiramdam ko mas iyon talaga ang nami-miss ko. Parang mas gusto ko na ang buhay na kasama si Joaquin. Na mag-asawa kami. At hindi na ito... This isn't fun for me anymore... Mas masaya ako kapag magkasama kami ni Joaquin. Kahit wala kaming gawin. Kahit matulog lang. Mas gusto ko iyon.

"Angel!"

Napakurap ako. Wala na sa harap ko si Anja at napalitan ng isang pamilyar na lalaki na malaki ang ngiti sa akin. "Sorry?" Luminga-linga ako sa paligid at hindi ko mahanap si Anja.

"I'm Clark! In my car, remember?" he smirked.

My forehead creased. Ano'ng ibig niyang sabihin... I made out with different men in their car before. He can't expect me to remember him because he's not alone. I sighed...

He was dancing in front of me. Urging me to dance, too. Naisip kong nambababae si Joaquin. Sinabayan ko na rin iyong si Clark. Hinawakan niya ako sa baywang. I let him. When he tried to touch me further umatras na ako. Mali. Dahil alam kong mali. May asawa na akong tao...

"Hey, what's wrong..." Sinubukan niya pa ako muling ilapit sa katawan niya. Pero panay lang ang pag-atras ko. Ayaw nang pahawak pa.

Tinalikuran ko na siya at babalik na lang sana sa table naming magkakaibigan nang natigilan din ako sa paghakbang ko. In front of me was Joaquin, in his white dress shirt with its sleeves folded to his forearm. Madilim ang mga mata at masama ang tingin sa lalaking nakasayaw ko lang kanina.

"J-Joaquin,"

Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng lugar at paalis ng club. Hindi ko na naisip ang mga kaibigang naiwan nang hindi ako nakapagpaalam. Mas naiisip ko ang dilim na nakikita ko sa mga mata ni Joaquin. Nagpahila lang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa parking, sa sasakyan niya.

"You're not answering my calls." seryosong aniya na pinagbuksan pa rin ako ng pinto ng sasakyan.

Tahimik akong pumasok sa loob ng kotse niya. Umikot din siya papasok sa driver's seat. "I was so worried." he said in a controlled voice.

I knew then that Joaquin's angry. At pinipigilan niya lang ang galit niya sa akin...

Nakakaramdam na ako ng guilt. Malakas ang pintig sa dibdib ko sa kaba at iba pang pakiramdam. I think I've never seen Joaquin this serious and dark looking before. He was always calm and bright in my eyes. Pero iba sa gabing ito dahil seryoso siya at mukhang galit.

"I-I'm sorry..." nasabi ko.

Hindi siya nagsalita at nakita ko lang ang pag-iigting ng panga niya habang nasa daan lang ang tingin. Walang imik siyang nag-drive lang pauwi sa condo namin.

Nang makarating ay tuluy-tuloy lang kami paakyat. I didn't know what to say. Nabigla rin ako. Nang makapasok kami sa tinitirhan ay hindi ko rin inasahan na naroon ang Mama niya sa living room ng penthouse. Agad nagtungo ang tingin nito sa ayos ko.

Agad akong nahiya. I was wearing a short dress that hugged my body as if it's my second skin. Backless din iyon at nakatali lang sa leeg ko ang top. It reveals my cleavage a bit too much. May nakakabit din na hoop earrings sa tainga ko. At medyo makapal ang makeup. Halatang galing sa galaan.

"Mama," binati ni Joaquin ang Mama niya na mukhang hindi rin niya inasahang dadatnan sa bahay namin at sa ganoong oras.

"Mabuti naman at nahanap mo na siya..." Mukhang seryoso rin ang Mama ni Joaquin. Para akong nanliliit. "We were so worried about you, hija. Hindi ka namin ma-contact. Kanina ka pa hinahanap ng asawa mo." she seriously said.

Nagbaba ako ng tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro