Kabanata 1
Kabanata 1
Angel
"Kuya!" sagot ko sa tawag ni Kuya Anjo nang tawagan niya ako. Nakabalik na kami nina Mama at Papa sa mansyon namin at nasa kuwarto ko na rin ako. Gabi na nakatawag si kuya.
"What happened? Hindi agad namin nasagot ni Kuya Angelo ang mga tawag mo dahil busy kami sa business niya."
"It's okay, kuya!" I happily said. Pakiramdam ko ay sobrang good mood ko ngayon. His lips... Oh, god. I wanna taste his mouth again. I feel like I can't wait for tomorrow. He's just so attractive. So, so handsome. "I already met my soon to be husband!" I exclaimed.
Nagkuwento ako kay kuya tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon at ang nararamdaman ko.
"Magpapakasal ka na nga?" he asked.
I nodded my head repeatedly kahit hindi naman niya ako nakikita. "Yes!"
"Why? Sumusunod ka na ba kanila Mama?" Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa mula sa kabilang linya.
"Well, puwede na rin. But I really like him din." sabi ko habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko rin parang I was feeling high in the inside. Kanina nang pumasok ako sa sasakyan namin ay malakas pa ang kabog sa dibdib ko. Basta ko nalang siyang hinalikan! Nakakagigil naman kasi ang lalaki na 'yon!
Masyadong manly tingnan. Sobrang guwapo. Sobrang hot! And his smell, damn it! He can make me wet just by his natural manly scent. Humagikhik ako sa loob-loob ko. I really am naughty.
"Baka naman sexually attracted ka lang diyan. Hindi basta-basta ang pagpapakasal, Angel." Kuya Anjo reminded me.
"I know! Pero wala namang masama if we'll try!" Napaisip ako. "Saka, kuya, naisip ko na tama rin naman sina Mama. Wala rin naman talaga akong masyadong ginagawa sa buhay ko. And bored na nga ako, e! Kaya siguro nakatakda rin talaga ako sa pag-aasawa. Housewife talaga ang calling ko sa buhay."
Narinig ko lang si Kuya Anjo na tinatawanan ako. "Baliw. Sige uuwi na lang kami ni kuya sa kasal mo na. Saan ba kayo magpapakasal? Diyan o dito sa Manila?"
"Dito na siguro..." I answered.
"Ano? Hindi ka sigurado? Hindi pa ba napag-uusapan?"
"Napag-usapan na kanina sa mga Aguirrezabal, medyo hindi lang ako nakikinig." Paano ba naman kasi hindi ko na maalis ang mga mata ko kay Joaquin. Nasa kanya na lang talaga ang atensyon ko kanina.
Nagpaalam na rin kami ni kuya sa isa't isa at nahiga na ako sa kama ko para matulog pagkatapos ng tawag ko sa kapatid. Kailangan maaga akong makatulog ngayon para sure na hindi talaga ako haggard bukas. I should always look fresh in his eyes. Dahil baka pa magbago ang isip niya. Hindi puwede. Ready na akong maging misis niya kaya dapat panagutan na niya ako at wala na talagang atrasan.
I don't know what's happening to me exactly...
The next morning ay maaga nga akong gumising at nag-ready. Pupunta ako sa mga Aguirrezabal. Busy sina Mama at Papa sa city hall at sinabihan naman nila akong puwede akong pumunta kahit ako lang mag-isa at wala sila. "Mabuti rin iyan para mas magkalapit kayo ni Joaquin." Mama said.
Nagpahatid lang ako sa driver. Puwede rin naman akong sumakay sa kabayo papunta sa mansyon nila. Magkatabi lang ang mga lupain ng mga Ossorio at Aguirrezabal dito. Pero medyo mainit at ayoko naman na pagpawisan ako at manlagkit gayong magkikita kami. That's just 'ew'. Si Joaquin kaya nangangabayo? Puwede kaming mangabayo palibot sa mga lupain namin. Pagkatapos siya naman ang kakabayuhin ko. Mahina akong napahagikhik sa sariling kalokohan.
"Good morning!" bati ko sa kanila.
"Magandang umaga, Senyorita." bati rin sa akin ng ilang katulong na sumalubong.
"Nasaan si Joaquin?" agad kong tanong sa kanila. Mukhang wala rin naman doon sina Senyor. Oh... Don't tell me wala rin dito ang future hubby ko?
"Nasa kuwadra, po. Sasamahan ko na po kayo kung pupunta kayo doon." the maid offered.
Umiling ako. "Hindi na." alam ko pa naman kung nasaan ang stables nila rito.
Tumango ang katulong at hinayaan na ako. Naabutan ko nga na naroon si Joaquin at inaasikaso ang isang itim na kabayo. "Hi!" masigla kong bati habang palapit sa kinatatayuan niya. He's alone here with the horses.
He turned to my direction and I greeted him with my big smile. Nasobrahan pa yata. Napaghahalataang excited talaga akong makita siya. "The maids told me that you're here." I said.
Humakbang na rin siya palapit sa akin at sinalubong ako. Dumeretso ang kamay niya sa isang balikat ko at inayos ang nalaglag na strap ng dress ko na sinadya ko rin naman talagang ipahulog—or because medyo maluwang din talaga sa akin ang straps ng dress na napili kong isuot ngayon. Medyo nagmamadali rin kasi ako kanina na makapunta na rito kanila Joaquin. "Oops!" ngumiti lang ako sa kanya.
"What are you doing here?" he asked.
"Visiting my fiance." I just shrugged my shoulders.
Mukhang tumango na lang din siya sa paliwanag ko kung bakit nandito. "Kanina ka pa?" he asked.
Umiling ako. "No, I just arrived. Nagpahatid lang ako sa driver."
"Kumain ka na?" sunod niyang tanong.
Nangingiti naman ako. "Hmm, konti." Kahit ang totoo ay busog pa naman talaga ako at kumain naman ako ng breakfast bago umalis sa mansyon namin. Pero puwede ko pa rin siyang kainin. I mean, pwede pa rin akong kumain ulit ng pagkain nila dito. I smiled to him.
"Bumalik tayo sa mansyon." he said.
Sumunod din naman ako sa kanya. Dumeretso kami sa dining at may nakahanda nang pagkain doon. Hindi pa ba siya nag-b-breakfast? Sobrang aga ko rin talaga yatang pumunta rito. 'Hindi pa pala nakakapag-almusal iyong tao, Angelica! Ano ka ba?!'
Napangiti ako nang pinaghila ako ni Joaquin ng dining chair. Umupo na ako doon at sumunod naman siya sa kabisera. Nagsisilbi ang mga mga katulong habang nagsisimula na kaming kumain.
"Ang Senyor? Sina Tita Christine?" I asked.
"Umalis ang Papa kasama si tita and the girls."
"Oh, ikaw lang pala ang nandito ngayon?"
He nodded.
Sumubo ako ng pagkain habang nag-iisip pa ng mapag-uusapan. "Hmm, ano'ng mga gagawin mo ngayong araw?" I asked.
"Nothing much really. Babalik pa ako sa kuwadra."
"Oh," sabi ko na lang at nginitian siya.
Pagkatapos nga namin kumain ay bumalik kami sa stables. S'yempre sumama ako sa kaniya. Binalikan niya iyong itim na kabayo. May napansin naman akong puting kabayo doon sa katabing kuwadra. Nilapitan ko iyon. Sinubukan paamuin at hindi naman ito nagreklamo kaya nagpatuloy ako sa paghahaplos. Napangiti ako.
"Marunong ka bang sumakay sa kabayo."
I turned to Joaquin when I heard him asking. 'Gusto mo ikaw pa sakyan ko?' Napahagikhik na naman ako sa utak ko.
I nodded with a smile.
"Gusto mong maglibot?"
Nanlaki agad ang mga mata ko sa tuwa at excitement. Mamamasyal ba kami? I nodded repeatedly like an excited kid. Nakita kong napangiti na rin siya sa reaksyon ko. Oh, shit. Ba't ang guwapo ng ngiti?
"Pero tumataas na ang araw. Maybe later kapag hindi na mainit..." sabi din niya.
Tumango lang naman ako.
Mukhang tapos na rin siya sa ginagawa. He turned to me. "May pupuntahan ka pa ba o gagawin?"
I shook my head. "Wala, dito lang talaga ako pupunta."
He nodded. "Magpahinga muna tayo sa mansyon? Or what do you wanna do?"
Napangiti ako. I can see that he's trying to entertain me dahil narito nga ako sa kanila. Pero wala talaga akong plano nang pumunta dito. Gusto ko lang talaga siyang makita.
Oh! Napaisip ako. "Magpahinga nalang muna tayo..." ulit ko sa sinabi niya.
He nodded at lumabas na kami sa kuwadra pabalik muli sa mansyon. "Pakihanda ang isang guestroom—"utos niya pa sana sa isang katulong na pinutol ko na.
"Why not in your room?"
Bumaling siya sa akin pagkatapos ng sinabi ko. Nagkatinginan kami.
I then shrugged. "We're getting married, so..." Muli lang akong nagkibit-balikat...
Sinandal ako ni Joaquin sa kasasarang pinto ng kuwarto niya as we kissed. We were kissing deeply at parang nagmamadali na may hinahabol. Inangat niya ako. His strong and veiny arms carried me and I automatically wrapped my legs around his torso. Ayaw na naming pakawalan ang mga labi ng isa't isa.
Our delicious making out brought us to his bed. My back felt the soft mattress. We continued kissing with our tongues exploring each other's mouth. We kissed as if there's no tomorrow. As if we've never kissed anyone like this before. We're not stopping. We couldn't stop.
And then we heard knocks on the door. Napatigil kami sa paghahalikan para rin huminga. Parehong taas-baba ang mga dibdib namin. Nasa ibabaw ko siya. Ang mga braso ko ay nakapalibot sa leeg at batok niya. And his arms were around me, too. Nagkatinginan kami. We looked into each other's eyes. And we just resumed our kisses...
Pero hindi tumitigil ang pagkatok sa pinto. Bahagyang umahon na lang si Joaquin mula sa halikan namin pero hinabol ko ang mga labi niya...
"Senyorito, nakabalik na po sina Senyor." tawag mula sa labas. "Manananghalian na rin, po." patuloy pa nito.
Umungot ako. Joaquin chuckled lowly. Ah, ang sarap naman sa tainga ng tawa niya. Nababaliw na yata talaga ako sa lalaking ito. Bago ito sa akin. Because I think I've never felt this kind of attraction before to anyone else. At sa tingin ko ay kay Joaquin pa lang talaga.
Nauna na siyang bumangon at tinulungan akong ayusin din ang sarili ko. Magulo ang buhok ko at nawala na sa ayos ang suot na dress. Napadila rin ako sa labi ko na alam kong pulang-pula na galing sa halikan namin kanina. Nakita iyon ni Joaquin at muli pa niya akong hinalikan muli sa mga labi ko. I just smiled happily after the kiss.
Naglahad siya ng kamay sa akin pagkatapos. He pulled me up from the bed, at lumabas na rin kami ng kwarto niya.
Nang makarating sa dining ay naroon na nga sina Senyor at Tita Christina. I greeted them politely. Nakangiti naman sila sa amin. "Mabuti at mukhang nagkakamabutihan na kayo." anang Senyor.
Ngumiti lang naman ako. Nasa nangyari pa rin kanina sa amin ni Joaquin ang isip ko.
Pinaghila akong muli ng mauupuan ni Joaquin ngayon naman para kumain kasama ang pamilya niya. Umupo ako doon at sumunod na rin siya sa tabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro