Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Just So You Know (Rico)

Ako si Rico. Ako ang may kasalanan ng lahat.

May gusto sa 'kin si Jasmine. May gusto nga sa 'kin si Jasmine. Pwera biro! Pero 'di alam ni Toby. Sa simula pa lang, alam ko na. Kinaibigan ako ni Toby. Kinaibigan ako ni Jasmine. Cool kami ni Toby. Parang magkapatid na. Matagal nang close yung dalawa. Sabit lang ako sa barkadahan nila, e.

Nagtapat sa 'kin si Jasmine dati. Kasi nga ang gwapo ko. Ang daming nagkakagusto sa 'kin. Pero sinabi ko sa kanyang hindi ko sya gusto. Hindi talaga. Saka isa pa, gusto sya ni Toby.

Hindi ko type si Jasmine. Ang gusto ko yung palaban, suplada... challenge kumbaga. Kaya nga hindi ko rin type si Femi na may gusto rin sa 'kin. Mabait si Femi. Maganda rin. Matalino. Sobrang kumportable ako sa kanya kaya nga noong nagtapat sya, 'di ko sya iniwasan. Hindi naman ako suplado, e. Mahal ko rin naman sya pero bilang kaibigan lang. At sinabi ko sa kanya yun. Natanggap naman nya.

Si Gale. Sya yung mahal ko. For six years, and still counting. Confident sya sa sarili nya at sa lahat ng ginagawa nya. At nagustuhan ko pa sya lalo ang sungit nya. Simula nang magkita kami sa Timezone hanggang ngayon, ubod nang sungit nya sa 'kin.

Pero pagdating kay Toby...

Ewan ko ba. Bulag yata sya. Ako ang palaging nasa harap nya pero lampasan ang tingin nya sa 'kin. Ako ang laging lumalapit pero iba ang gusto nyang lapitan. Ako ang palaging nandyan pero... parang wala lang.

Nasasaktan ako, pero ayokong ipahalata. Bukod sa mababawasan ang kagwapuhan ko, e, wala ring mangyayari. Wala syang pakialam kung masaktan man ako.

Palagi nga nya 'kong sinasaktan, e. Hinahampas. Sinasabunutan. Sinusuntok. Binabatukan. Sinisipa. Pero sige lang, wala pa yan sa sakit na nararamdaman ko.

Lalo na noong graduation! Halos maiyak ako nang kinantahan nya si Toby! Tangina! Sarap magbigti gamit yung tassle sa graduation hat ko kaso ang ikli!

Pero mas nasaktan ako nang umalis si Toby at naiwang umiiyak sa stage si Gale. Whatever pain she was feeling that day, I felt it a thousand times more. Kasi gusto ko syang palaging nakangiti at masaya, kahit hindi ako ang dahilan. I just want her to be happy, kaya kahit gustong-gusto ko syang maging akin, hinayaan ko lang syang ibigay ang puso nya sa iba. Maybe I was secured that Toby will never reciprocate that love. Kampante ako. Naisip ko na magsasawa rin si Gale. And when she does, saka ako magpaparamdam. I will nurse her broken heart back to health and maybe in doing so, she will learn to love me back.

Naging malungkutin si Gale pagkatapos ng nangyari. Nagkawatak-watak kaming magbabarkada. Si Jasmine, umiiwas kay Toby. Si Toby umiiwas kay Gale. Kami ni Femi, kami 'yong umalalay kay Gale hanggang sa maging okay sya. Okay lang, pero hindi pa rin sya masaya. At hindi rin ako masaya kasi hindi pa sya masaya.

Kaligayahan ko sya, e. Kapag malungkot ang kaligayahan ko, malungkot din ako.

I love her, but I cannot act upon that love because we're friends. May tiwala sya sa pagkakaibigan namin. She expects me to be there for her, as a friend. Nahahawakan ko nga yung kamay nya. Naaakbayan ko nga sya. Nananakawan ko pa nga ng halik, minsan. Kaso hindi naman akin ang puso nya.

Akala pa nga nya, gusto ko si Femi. Si Femi kasi ang bukambibig ko. Si Femi na walang malay, na nandyan lang para pagtakpan yung totoong feelings ko.

Sinakyan ko na lang ang hinala nya para mas mapalapit ako sa kanya. Kinikwentuhan nya ako ng mga bagay tungkol kay Femi. Binibigyan pa nga nya ako ng pointers kung pano manligaw. Kung paano magtapat.

--

Siguro kung wala ako sa kwento, baka nagustuhan ni Jasmine si Toby o kung friends lang talaga sila, baka nagustuhan ni Toby si Gale. O kaya hindi na sana sila nagkakilala at hindi na sana nasaktan si Gale.

'Di ba ako naman ang nauna? Ako ang unang nakakita sa kanya, 'di ba? Sana nga kung sino ang unang nakakita, kanya na 'yong babaeng natipuhan nya. Parang laro ng mga bata. Bawal mo nang agawin kapag may nagmamay-ari na. Sana gano'n lang kadali ang lahat.

--

Nang papalapit na ang birthday ni Gale, napagdesisyunan ko nang magtapat. Matagal na rin naman mula noong nagtapat sya at indirectly ni-reject ni Toby. Ang sabi nya pa, naka-move on na sya. So I took my chance... and got slapped for it.

"Asshole!"

Higit sa sampal, masakit kasi umasa ako. Umasa akong may pag-asa na. Masaya na naman sya, 'di ba? Sabi nya masaya na sya. Sabi nya naka-move on na sya.

Binalak ko pa namang sabihin ang lahat sa kanya nang araw na 'yon. Akala ko matutuwa sya. Akala ko mari-realize nya na gusto rin nya 'ko.

Palpak pala yung True Love's kiss.

Ay mali—

Siguro hindi nga lang talaga ako yung true love nya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro