Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Near To You

"RICO?!"

Napapikit na lang ako when I heard Gale's angry voice. Nandito ako sa kitchen. Mag-isa. Hinayaan ko lang silang dalawa do'n. Masakit man pero kailangan, e.

Akala talaga ni Gale sila ni Rico ang may secret. Ang hindi nya alam, kami ni Rico ang talagang may secret. Hindi masabi ni Rico dahil masasaktan sya.

At hindi ko rin masabi dahil nasasaktan ako.

I, Euphemia Ivory Salcedo, confesses to the crime of loving the guy that is head over heels crazy in love with my best friend. Alam ni Rico 'yan. Sinabi ko sa kanya.

Si Toby, he chose love over friendship. Ang nangyari? Ayon, nasaktan sya.

Si Gale, she chose love over friendship. Nasaktan din.

Si Rico, he chose love over friendship. Kaya nasasaktan sya.

Paulit-ulit na lang. Wala nang bago.

Ako, I chose friendship over love. Pero bakit gano'n? Nasasaktan pa rin ako? Hindi naman yata tama 'yon. Ako na nga ang nagparaya. Ako na nga ang nag-set aside ng feelings. Ako na ang nag-give way. In the end, nasasaktan pa rin ako.

From the very first time na naging magkakaibigan kaming lima, alam ko nang may gusto si Rico kay Gale. Sinabi nya sa 'kin, e. Sabi nya, akala raw ni Gale joke lang 'yon, and she also thought na ako ang gusto ni Rico.

Kaya lang naman kami madalas magkasama ni Rico kasi sa 'kin sya bumubuntong-hininga. Sa 'kin nya sinasabi ang hinanakit nya kay Toby. Bakit daw si Toby pa ang nagustuhan ni Gale, e, hindi naman ito gusto ni Toby? Bakit daw hindi na lang sya? Tao rin naman sya. Gwapo. Funny. Mayaman pa nga.

Natawa na lang ako no'n. Sa isip-isip ko, Oo nga, Rico. Bakit si Gale pa? Bakit hindi na lang ako? Tao rin naman ako. Maganda. Matalino. Mabait pa nga.

Pero hindi ko 'yan sinasabi sa kanya.

Kaya ang alam nya, tanggap ko na lahat. Ang 'di nya alam tinatanggap ko na lang kahit masakit. Nagtapat na 'ko dati sa kanya.

"Rico, mahal kita," I told him. "Sorry. Alam ko namang si Gale ang gusto mo, e. Sorry talaga! Gusto ko lang kasing ano—malaman mo man lang. Sorry!"

At ang ginawa nya? Tinawanan nya ako.

He said, "Mahal mo 'ko? E, ba't sorry ka nang sorry? Adik nito. Salamat, ha. Mahal mo pala ako." Okay na sana, but then he added, "Oo nga, e. Bakit kasi si Gale pa? Pwede namang ikaw na lang. Kaso hindi ko kaya, e. Mahirap. Sorry din, Femi."

At sa anim na taon naging friends kami. Sa anim na taon, hindi nagbago ang feelings nya. Hindi rin nagbago ang feelings ko.

--

"Sinabi ko kay Gale na patay na patay ako sa 'yo!" he told me one day.

"Talaga?"

"Oo kasi baka makahalata, e. Pasensya na."

"Okay lang."

--

Graduation namin.

Five years ang architecture. Four years kami sa interior design. Ang nangyari, sabay-sabay kaming nagtapos.

Mangyayari na ang kinakatakutan ko, he texted me.

Oo nga pala. Magtatapat na si Gale kay Toby. Si Rico pa raw ang nag-encourage. Tanga rin kasi.

Kalma ka lang. Wag ka iiyak ha? :) I replied.

Oo. Mamaya na lang. Haha.

Mamaya... hihilahin na naman nya 'ko sa isang tabi. Magsusumbong. Iiyak. Nadudurog ang puso ko pero wala naman akong magawa. Hindi ako ang gamot sa sugat nya. At kahit anong gawin ko, hindi sya gagaling sa 'kin.

Para lang akong pain killer. Panandaliang pang-tanggal ng sakit pero hindi naman talaga gumagaling ang umiinom. Bumabalik pa rin ang sakit.

--

"Toby... I LOVE YOU," Gale professed. If we were honest with Gale, we would have told her that it's never going to work out. Pero hinayaan namin sya kasi matigas ang ulo nya. Nalungkot ako para sa kaibigan ko nang mag-walk out si Toby. Gale was left frozen on the stage. Maya-maya, umiyak ito sa harap ng maraming tao.

Tumayo si Rico at akmang pupunta sa stage. Napatayo rin ako. Pero may nauna nang teacher sa 'min. Inalalayan si Gale pagbaba. Sinalubong sya ng mama at kuya nya. Tapos nag-exit sila.

--

Miserable... ayan kami. I love Rico. Rico loves Gale. Gale loves Toby.

Toby loves Jasmine. Jasmine loves—ewan!

'Di ko rin alam sa isang yun. 'Di ko makausap, e. Kasi kapag nahuhuli ako ni Gale na kausap ko 'yon, inaaway nya 'ko. 'Wag ko raw kaibiganin 'yong kaaway nya.

--

Birthday ni Gale. After two years.

Nandito ako sa unit ni Rico, nagluluto. Ayaw kasi ni Gale ng cheap na pagkain. Gusto nya restaurant quality. Mabuti na nga lang at nag-take ako ng cooking lessons. May gustong-gusto syang scene do'n sa movie na When In Rome. Kaso wala naman yatang ganung restaurant dito sa Pinas so kami ni Rico, ginaya na lang namin 'yon. We improvised.

"Ano, Femi? Okay ka lang dyan?"

"Hindi. Bakit ba ayaw mong tumulong? Asar ka!"

He laughed saka ako inakbayan.

"E, kasi po ayokong mag-amoy ulam. Ikaw na dyan. Kailangan mabango ako pagdating nya."

"Sus, arte..."

"Uuuuy... selos ka?" He smiled.

Thankfully, tumunog ang cellphone nya. At nagliwanag lalo ang mukha nya na kanina pa parang kinabitan ng bombilya.

"Gale?"

He nodded saka sinagot yung tawag.

Sabi ko nga. Tinanong ko pa talaga? Alangang ako ang makapagpangiti sa 'yo nang ganyan?

"Hello, birthday girl!"

--

We took turns in feeding Gale, na mukhang nai-enjoy ang inihanda namin. Then, the dreaded part came.

"Dessert na!" Rico announced.

"Pwede na bang tanggalin ang blindfold?" Gale asked.

I shook my head and answered, "Di pa."

"How can I blow the candles kung naka-blindfold ako?"

Rico chuckled. He looked excited, but scared. "Candles?"

"What? Walang candles yung cake ko?" Gale pouted.

"Cake? Oy, Gale dalaga ka na. 'Di na uso ang cake sa 'yo, 'no!" Rico told her. Walang cake because he plans on giving her something sweeter.

"Ano ba kase 'yong dessert? Mousse? Ice cream?"

"Basta. Surprise. Open your mouth. Here comes dessert!"

Glae opened her mouth. But instead of feeding her with the chocolate parfait, Rico went beside Gale and stooped. I knew all about the plan, and I knew that he'd get slapped, but I was being a good friend so I didn't stop him. I also didn't stop myself from feeling the pain.

I ran to the kitchen.

"RICO?!"

Napapikit na lang ako when I heard Gale's angry voice. Masakit man, pero kailangan, e. Panahon na para malaman ni Gale ang totoo.

"S-Surprise..." Rico said weakly. Gale must be unimpressed. Silence hung above them for a while.

"Why did you kiss me? Akala ko ba si Femi ang gusto mo?! What kind of sick game are you playing Rico?!"

Mali ka, Gale.

"Gale let me explain—"

I winced when I heard that crunchy slap.

"Asshole!"

I heard the slamming of the door.

Then, I heard the crashing of the plates and glasses. Then, I heard a sob. He's crying again.

And my heart's crying with him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro