Obsessive
ob·ses·sion
əbˈseSHən/
noun
-the state of being obsessed with someone or something.
-an idea or thought that continually preoccupies or intrudes on a person's mind.
--
Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo pa kilala? Hindi mo sya kilala pero naramdaman mo agad na may kakaiba. 'Yong sa unang kita mo pa lang sa kanya, feeling mo nahulog na sa lupa ang puso mo? Corny, 'di ba?
I thought so too. Hanggang sa makita ko sya. Love at first sight ata, e. Hindi ko napigilan ang pagkaripas ng tibok ng puso ko. Parang feeling ko nagkaroon ng butterfly garden sa tiyan ko. I felt like time had stopped at that particular moment.
At noong nakita ko sya, I didn't let him out of my sight again. Hinabol ko sya. Sinundan. I became his stalker. Obsessed na obsessed ako sa kanya.
I remembered it happening 6 years ago. Summer noon. Kaka-graduate ko lang ng high school. At dahil sa mainit ang summer, nakagawian ko na'ng tumambay sa mall. Araw-araw. Swerte nga ng mga tao do'n, palagi nila akong nakikita. At least nakakakita sila ng maganda.
And don't think that I'm just boasting... kase maganda talaga ako. Wala sa lahi namin ang pangit. Kung meron man, I'm sure naitakwil na. At ako? Isa ako sa pinakamaganda. Madalas nga akong mapagkamalang artista.
So I'm used to people's stares. Sanay na rin akong lapit-lapitan ng mga lalaki para hingiin ang number ko. Binibigay ko naman... 'yong number ni yaya. Ang dami na nga nyang textmate, e! Pakialam ko ba sa boys? Maglaway sila!
Lalo na sa suot ko ngayon... short shorts tapos striped blouse and a pair of sandals with wedged heels. Naka-shades din ako kahit hindi maaraw sa loob ng mall. Paki nila?
"Hi, Miss," bati ng isang lalaki.
Hi yourself, pangit!
Kapag pangit hindi ko pinapansin. Inismiran ko sya saka ako nagpatuloy paglalakad. Hmm.. where to go ba? Ayoko namang mag-shopping. Apaw na ang closet ko. Saka wala akong tagadala! Ayoko kasing magsama ng manliligaw ko. Baka isipin nila na sasagutin ko na sila just because I let them tag along.
Should I eat first? Pero nakakain na 'ko sa resto ni kuya kanina. Ayoko namang kumain ulit dahil lang sa wala akong magawa. Manaba pa 'ko! Arcade? Ano 'ko bata?
Haaay... so I guess I'll just walk and let them enjoy the view.
Sakto namang napadaan ako sa tapat ng Timezone. As usual, super crowded na naman. Bukod kasi sa mga bata, marami ring isip-bata na naglalaro do'n.
"Uy, Toby, ikaw naman!"
"Sige, tol."
Napatingin ako dun sa mga naglalaro ng malaking hammer. Kakatapos lang noong isang guy na pumukpok tapos iniabot nya yung hammer do'n sa isang lalaki, who I assumed was Toby. I stopped walking. Ang gwapo nya kase... si Toby. Brown yung buhok nya saka ang gwapo kapag naka-side view! Matangos ang ilong. Makinis ang mukha tapos 'yong lips! My god! Bagay na bagay kami.
Itinaas nya yung hammer and he was about to slam that thing nang bigla syang kuhitin noong kasama nya at itinuro ako.
"Uy pre, chicks, o! Nakatingin dito. Kilala mo?"
Lumingon sya sa 'kin. I smiled. 'Yong pinakamaganda kong ngiti. Pero blank lang yung expression nya saka sya umiling.
"Di, e." Saka nya itinuon ulit 'yong attention nya sa nilalaro. Nainis ako! He ignored me! No one ignores me! They can't possibly ignore me! Sa ganda kong 'to!
Lumapit sa 'kin 'yong kasama nya. Cute naman, pero 'di ko type.
"Hi, miss." Di ko pinansin. "Suplada, a."
Hindi ko pa rin sya pinansin.
"Pre! Tulungan mo nga ako! Suplada, e!"
Doon lang ako gumalaw at tiningnan ko si Toby. Busy pa rin. Asar.
"'Ge! Kaya mo na 'yan!"
Kainis! Bakit ba ayaw nya akong pansinin? Imposible namang hindi sya magandahan sa 'kin? Ang ganda-ganda ko kaya!
"Uy miss... ano'ng pangalan mo?"
I glared at this guy.
"My name is none of your business!"
"Whoa! Sorry naman kung natanong ko. Dyan ka na nga... kung 'di ka lang maganda, e." Saka ako iniwan. Aba bastos 'yon, a! But he called me pretty so bakit nga hindi ako mapansin no'ng kasama nya? Bulag ba sya?!
Gusto ko sana syang lapitan kaso natatakot akong ma-reject. Kasi kapag nireject nya 'ko baka makapagwala ako nang wala sa oras. Mawawala ang poise ko. So I just stared at him from afar. Kahit saan sila magpunta no'ng friend nya, nakasunod ako. Pwera sa CR ng boys, syempre.
Ewan ko ba. Bakit ko ba sya sinusundan? Kahit hanggang makauwi sya sinundan ko sya. Yes, folks, I'm dead serious. I followed him all the way home. I almost even knocked on their doorstep to meet his family, but I stopped myself. I'm not that desperate. Sayang ang beauty.
I found his Facebook account, though. I searched for his name. TOBY. Yan lang. Walang surname. Imagine the number of Tobys that appeared! It took me three whole days to find his account! Nagpatulong pa 'ko kay Chuck, my brother, sa paghahanap!
My gosh! Akala ko nga tinubuan na 'ko ng uban kakahanap sa account nya! Pero it's all worth it naman. Toby Ahn Legaspi pala ang whole name nya. Ang cute naman. When I saw his familiar face, I was ecstatic! Dinownload ko lahat ng picture nya. yung solo lang. Napag-alaman ko rin na single sya! Yippee! Pero nakaka-bother lang yung isang album nya. It contains a lot of pictures of him with this girl, Jasmine Leigh Damian, his best friend.
Ini-add ko din 'yon, just to make sure na hanggang mag-best friend lang sila.
Kukunin ko rin sana ang phone number nya kaso hindi nakalagay. Oh, he accepted me nga pala kasi pa'no ko naman makikita yan lahat kung hindi kami friends di ba?
Nalaman ko rin kung sa'n sya nag-aaral, kung ano'ng course nya, kung sino ang mga kaibigan nya. Ahead pala sya sa 'kin ng one year. Sa isang cheap school sya nag-aaral, taking up BS Architecture.
Sayang. Enrolled na 'ko sa ibang school. Pasukan na naman. I know I'll make it big in college. I have no doubt about that. Nakikini-kinita ko na ang pag-aagawan sa 'kin ng iba't ibang clubs and organizations. At sa ganda kong 'to? For sure! Isasali nila 'ko sa lahat ng pageants na pwedeng salihan. Ako pa! Batang pageant kaya 'to. Syempre kailangang i-share ang blessings, 'no!
--
"Oh? Who's this?" Hawak-hawak ni kuya 'yong isang picture frame. Nando'n yung litrato ni Toby. Yep. I printed it. Ginawa kong wallpaper at screensaver sa PC at cellphone ko 'yong pictures nya. Pina-frame ko rin 'yong gwapong-gwapo nyang kuha.
"My future husband," I casually replied.
Kuya looked at me quizzically, like parang gusto nyang matawa.
"Boyfriend mo? Ba't di ko ata kilala?" Lahat kasi ng naging boyfriend ko, dumadaan sa mapanuring mata ng dalawa kong kapatid. Syempre only girl ako. Protective sila masyado.
"E, hindi ko pa kasi sya boyfriend kaya hindi mo pa kilala."
"Naka-date mo?"
"Nope. Not yet. But soon."
"Huh? E, pa'no mo nasabing future husband mo sya?"
I shrugged. "I just know."
He laughed at me. "Are you predicting o nag-iilusyon ka lang?"
Binato ko sya ng throw pillow. Now I know the purpose of these pillows. Para ibato sa kuya ko.
"You'll see! He'll be my boyfriend and he'll marry me someday! Itaga mo yan sa kitchen sink!"
"What's happening to you, Gale?" He sounds concerned.
"I told you. I just know that we'll be together someday. Hindi pa lang nya 'ko kilala. But soon he will, and I'll make sure that he'll never forget me."
He sighed. "Just be careful, okay? I don't want you to get hurt."
"Yes kuya. By the way, can you help me?"
"Hmm? San?"
"I want to transfer schools."
Nagsalubong ang mga kilay ng kuya ko. "Huh? Bakit? Bayad na ang tuition mo, a? Okay na lahat. Papasok ka na lang!"
"Please, kuya? Kase kung hindi mo 'ko tutulungan, hindi na lang ako mag-aaral."
Lalong nangunot ang noo nya. He looked at Toby's picture and then to me. "Gale, don't tell me—"
"Yes, kuya, it's because of him."
He cursed. "What?! Are you insane?!"
"Maybe. Kuya, in love na ata ako."
"Mom and dad won't approve," naiiling nyang sabi.
"I know! That's why I need your help!"
"This is madness, Gale!"
"Na-in love ka na kuya di ba? Dapat alam mo 'tong pinagdadaanan ko. Of all the people, you should understand!"
He sighed again. "Are you sure you want to do this?" Tumango ako. "Fine. But don't say I didn't warn you."
And then that's it. I took my obsession to another level. Baliw na nga yata ako. Hindi ko first time ma-in love, pero first time kong mabaliw dahil do'n.
Wait for me Toby. I'm coming to get you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro