Love
love
ləv
noun
-an intense feeling of deep affection.
-a person or thing that one loves.
--
Two years later...
'Wag kayong umasa. Since that incident hindi na kami nagkita ni Toby. Okay lang naman. Naka-move on na 'ko. Ang katangahan kasi, dapat may hangganan. Ginawa ko naman lahat, e. Lahat ng kaya ko. Lahat ng alam ko para makuha sya. Kaso hindi nag-work.
E, ano magagawa ko? Ayaw talaga sa 'kin, e.
Kaya heto, nandito na naman ako sa bahay ni kuya, nakikigulo. Wala pa kasi akong trabaho. Nakakatamad maghanap. May mga kumukuha naman sa 'kin para mag-design ng interior ng bahay nila. Syempre magaling ako. Pero hindi stable 'yon.
Minsanan lang.
Ngayon, wala na naman akong pinagkakakitaan kaya pinagdidiskitahan ko na naman ang bahay ni kuya. Wala akong magawa kaya niri-rearrange ko lang ang bahay nya. Si Manang? Ayon, umuwi na ng probinsya nya kaya walang tagalinis si kuya. E, hindi naman marunong maglinis 'yon kaya ako na lang ang naglilinis.
Makalat, e! Si kuya kase, ayun, tulog na naman. Naglasing na naman kasi kagabi. Napapadalas yata? BH na naman? Di naman sya playboy dati. Naging gano'n lang sya nang nag-break sila ni ate Kiele. Yung ex-fiancee ni kuya. Iniwan sya sa altar for some guy na matagal na palang mahal ni Ate Kiele.
Awang-awa nga ako kay kuya kasi simula noon, kung sino-sino na lang ang pinatulan nya. Madalas ko nga syang nahuhuli na may kasamang babae sa bahay nya. Wala na sa 'kin 'yon. Sanay na 'ko. Hindi ko naman sya mapagsabihan kasi mas matanda sya at hindi rin naman sya nakikinig.
Then one day, he somehow changed. Palagi syang masaya. Palaging wala sa bahay, parang in love, pero saglit lang 'yon. Ilang months lang ata. Tapos naging loner na naman. For sure nga BH si kuya.
I was sweeping the floor when I saw something. Teka—sim card? Ba't 'di pa itapon kung 'di kailangan? Si kuya talaga, o. I decided to insert the sim to my own phone in case may importanteng contacts doon. At pinakialaman ko na rin kasi curious ako. Baka kasi hanapin sa 'kin kapag tinapon ko. Halimaw pa naman 'yong magalit kapag pinapakialaman ang gamit nya.
Ipinatong ko 'yong phone ko sa table tapos nagpatuloy ako sa paglilinis. Maya-maya biglang nag-ring yung phone ko. May tumatawag.
"Hello?"
There was silence.
"Hello? Who's this?"
Tiningnan ko 'yong screen ng phone. Ongoing pa naman 'yong call. Bakit wala namang sumasagot?
"Hello! Sino ba 'to?"
Aba't—pinagbabaan pa 'ko! Bastos 'yon, a!
--
BIRTHDAY KO NA! At dahil dyan, niyaya akong lumabas noong dalawa. Sinong dalawa? E, di yung dalawang best friends ko—si Femi at Rico.
Sila na ba? Hindi pa rin.
Nang nagtapat ako kay Toby sa harap ng buong school tapos hindi nag-work, na-chicken si Rico na magtapat kay Femi kasi natakot syang baka mangyari rin 'yon sa kanya. Kaya ayun, hanggang ngayon, wala pa ring alam si Femi.
Anyway, ngayong umaga sa kanila ako. Mamayang hapon, sa family ko naman ako. Wala nang date-date. No time for them.
I went out of my apartment and decided to walk to the venue. Ayoko kasing magsasakyan kasi ang lapit lang. Saka sayang naman ang ganda ko kung itatago lang sa loob ng kotse!
--
Nakarating ako kaagad sa condo ni Rico. Dito lang kami. Kasama naman si Femi. Actually, nandoon na nga silang dalawa, e. Nagluluto na yata. Bibigyan daw nila ako ng unforgettable na handaan.
I called Rico noong nasa elevator na 'ko. Kaya naman, pagdating ko sa tapat ng unit nya, nandoon na sya sa may pintuan, naghihintay.
"Happy birthday!" He greeted and gave me a bear hug.
"Thanks! Where's Femi?"
"Nasa kitchen. Nagpapractice."
I laughed at him. "Yeah, right. Tapos hindi naman ikaw ang mapapangasawa."
Sumimangot sya.
"E, kasi naman Rico! Por diyos, naman! Anong petsa na, o! Inaamag na 'yang feelings mo!"
"Wag ka nga. Humahanap lang ako ng timing."
"Loko! Sige ka kapag may nauna dyan."
"Di 'yon—"
"Gale!"
"Femi!"
We hugged. Naka-apron pa sya at amoy halo-halong pagkain.
Bineso nya ako. "Happy birthday!"
"Thank you!"
"C'mon girls. Let's go inside," yaya ni Rico. We obliged.
Pagpasok ko, wala. Wala si Toby. Naka-move on na nga ako. Kaso lang... 'di ba friends din naman kami noong college? Akala ko naman kahit man lang sa birthday ko pupunta sya. O kahit bumati man lang. Pero wala, e. Nagpalit na rin sya ng number kaya hindi ko ma-contact. Not that I tried contacting him.
Simula nung graduation, hindi na ako nag-effort para kausapin sya. Ayokong masaktan lalo.
"Ay... disappointed ka, best friend?"
"Expecting someone else?"
Nakangiti nang nakakaasar yung dalawa.
"Hindi, 'no. Nakakalungkot lang. Bakit walang balloons?! Saka wala man lang banner! At bakit dadalawa lang kayo? Kayo lang ang friends ko, gano'n?"
Rico chuckled. Femi smiled. "Mukha ngang kami lang ang nakatagal sa ugali mo."
"Nang-aasar ka, Enrico? Gusto mong sabihin ko yung secret mo?" Tinaasan ko sya ng kilay. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Femi saming dalawa.
"Anong secret?"
"Wala 'yon," sabi ni Rico.
Sumimangot si Femi. "Ang daya nyo, a. Akala ko ba magbe-best friend tayong tatlo? Bakit hindi nyo 'ko sinasali sa secret nyo?"
"Basta, Femi. Malalaman mo din naman 'yon, e. 'Di ba, Rico?" I gave him a knowing look. He glared at me but smiled at Femi.
"Yeah... soon."
Nagpaalam muna si Femi sa amin nang maalala ang niluluto. She headed to the kitchen.
"Muntikan na yun, a."
I smiled at Rico. "Sabihin mo na kasi."
"Wag mo nga akong pangunahan!"
Nailing na lang ako. "Bahala ka. Pag yan talaga nagka-boyfriend—bahala ka." Mabuti nga't hindi nagpapaligaw si Femi, e. Well, part of that reason is Rico. Mas madalas kasing magkasama 'yong dalawa. Napapagkamalan yatang SILA.
--
They blindfolded me. Pinaupo nila ako sa dining area. Tapos piniringan nila ako. Ano ba yan. Pa'no ako kakain?
"Is this really necessary?"
"Yeah. Naaalala mo yung scene sa When In Rome?"
Tumango ako. Favorite scene ko kasi 'yong nung nagpunta sina Kristen Bell at Josh Duhamel sa isang resto na walang ilaw. Tawa ako nang tawa kasi parang hirap na hirap silang kumain pero mukhang enjoy.
Sabi ko sa dalawa, gusto kong ma-experience 'yon. Kaso hindi raw nila alam kung san meron no'n dito sa Pilipinas, kung meron man, kaya ayan... gumawa na lang sila ng cheap imitation. Ayos lang naman. I appreciate their efforts.
"Appetizer muna. Open your mouth." Si Femi ang nagsubo sa 'kin.
Hmm... salad. Pero in fairness ang sarap. Para ngang heightened 'yong lasa kase hindi ko nakikita yung kinakain ko. Parang nang nawala yung sense of sight ko, mas na-highlight yung sense of taste.
"One more." I said.
"Oh sure princess." I heard Rico say. Palagay ko sya na rin ang nagsubo sa 'kin.
--
"Next is the main course."
"What's the main course?"
Rico chuckled.
"Find out for yourself." Si Rico nga.
I opened my mouth again and welcomed the food.
Lasang pork! Saka ano 'to? Apple? Saka ba't may lasang eggplant?
"Masarap?" tanong ni Femi.
Tumango ako.
--
"Dessert na!"
"Yehey!" Cake 'to for sure. Syempre... what's a birthday without a cake, 'di ba?
"Pwede na bang tanggalin ang blindfold?"
"Hindi pa," Femi answered.
"How can I blow the candles kung naka-blindfold ako?"
"Candles?" asked Rico.
"What? Walang candles 'yong cake ko?"
"Cake?" He chuckled again. So meaning wala akong cake?
"Oy, Gale, dalaga ka na. 'Di na uso ang cake sa 'yo, no!"
"Ano ba kase 'yong dessert? Mousse? Ice cream?"
"Basta. Surprise. Open your mouth. Here comes dessert!"
Hesistantly, I opened my mouth and waited for my dessert. I was expecting for something cold. Ice cream, perhaps? Pero ang lumapat sa labi ko ay mainit at malambot. Natigilan ako.
Then I realized something. Someone just kissed me.
Parang may naglagay ng fireworks sa bibig ko. Naitulak ko agad yung humahalik sa 'kin. Then I hastily removed my blindfold.
What the f—
"Rico?!"
Ano 'to? Bakit sya? Akala ko na—teka—pano si Femi? 'Di ba, si Femi ang gusto nya?!
"S-Surprise..." he said weakly.
Hindi ko alam kung anong laro 'to pero ayaw kong makisali.
"Why did you kiss me? Akala ko ba si Femi ang gusto mo?! What kind of sick game are you playing, Rico?!"
"Gale, let me explain—"
I slapped him.
"Asshole!" I grabbed my bag and slammed the door on the way out.
Bakit?! Bakit nya ginawa yun? Naiinis ako! Hindi lang sa kanya kundi sa sarili ko. Why did I feel like I liked it?
I hate this! This is the worst birthday ever!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro