Compulsive
com·pul·sion
kəmˈpəlSHən
noun
-the action or state of forcing or being forced to do something; constraint.
-an irresistible urge to behave in a certain way, especially against one's conscious wishes
--
Kinakabahan ako. First day of school ngayon. Walang uniform sa school na 'to kaya freestyle lahat ang suot. I'm okay with it naman. It's great actually. Napakarami ko namang damit at dahil sa likas na fashionista ako, this would be a great opportunity for me to show off.
Pero kinakabahan pa rin ako. I don't know why.
Siguro kasi hindi ako sanay sa cheap school? Ha! That must be it! I don't know how to meddle with these... people.
Tama. 'Yon nga siguro. Well, for Toby I'll do anything. Kahit na ang makipagsiksikan sa mga taong 'to! Gosh! Naka-dress pa naman ako! E, pa'no kasi, nagkukumpulan sila do'n sa isang bulletin board for their class and schedules. E, hello! Bakit kasi iisa 'yong nando'n? Do'n sa school na papasukan ko sana, kasama na ng letter of acceptance nila 'yong sched!
"Anong section ka?"
"C. Ikaw?"
"C din! Yes, magkaklase tayo!"
C? As in cheap? God! Ano kayang arrangement nila ng pagpili ng magkaka-section? By IQ? Kung ganun, for sure A ako. By Beauty? A pa rin! A naman ako sa lahat ng bagay.
"Uhm... hello..." A nerdy looking girl just approached me. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Why?"
"A-Ah wala lang... first year ka din ba?"
Natural! Makikipagsiksikan ba 'ko dito kung hindi? Must she state the obvious?
"Yes."
"Ah... ako nga pala si Euphemia. Ikaw?"
"Gale."
"Nice to meet you Gale."
I gave her a quick nod. Akala ko titigilan na nya 'ko. Hindi pa pala.
"Anong section mo?"
"Don't know yet," maikli kong sagot.
"Gusto mong tingnan ko?" she offered.
Hindi naman ako tumanggi. "Sure. Suit yourself."
She smiled. Hmm... okay she's quite pretty naman. Bawasan lang ang pagkamanang.
"Ano'ng surname mo?"
"Eusebio. Corrine Gale Eusebio."
Tumango siya at saka nakipagsiksikan sa ibang estudyante. After mga 10 minutes siguro, she went out... gasping for air. She looked pathetic. Naka-turtleneck pa naman! Kainitan!
"Are you okay?"
"Yeah... I'm... fine," she panted.
"Did you see my name?"
Tumango sya. "Section B ka. Pati ako. Classmates tayo." She said the last sentence with a smile.
"Did you get the schedule?"
"Yes. Ito, o." She showed me her notebook. May scribbles doon ng schedule namin. "Aayusin ko muna tapos ipapa-photocopy ko para sa 'yo."
"Okay." Nakakuha agad ako ng P.A. Haha! I'm so mean!
"Sa'n ang first class natin?"
"404. English."
"Okay." I started walking. Sumabay sya sa 'kin. I guess she thought it's okay to tag along. Oh well. Hanggang hindi ako naiinis sa presensya nya, I guess okay lang na bumuntot sya sa 'kin... Oo nga pala. Interior design ang kinuha ko. Fashion design sana kaso walang offered na gano'n dito. So I chose the one course with the word DESIGN on it. Architecture sana ang kukunin ko kaya lang. I kinda suck in some areas there.
Mabuti na lang at magka-department kami ni Toby. That's a relief. At least madali ko syang mahahanap.
--
God! Primitive ang facilities! Walang elevator! Nakakapagod kayang umakyat ng hagdan hanggang fourth floor! Naka-heels pa 'ko. Asar!
Pawis-pawisan na 'ko! Magulo na buhok ko. Grabe! This is torture!
"Gale okay ka lang?" Tanong ni— oh what's her name again?
"I'm fine!" I said through my gritted teeth. Bakit mukhang hindi sya pinapawis?
"Sure ka?"
"Yeah!"
Finally! Last step! Tapos naglakad pa kami ng ubod nang layo papuntang 404! The room was buzzing when we got there. At syempre pa, tinginan silang lahat sa pinto when I entered the room. I saw guys look appreciatively at me. Even in my messy state, I still look hot. Good to know.
"Settle down, everybody!" said the teacher behind me. Pinaupo na nya kami. Nerdy girl sat beside me.
We were asked to introduce ourselves. May mga nahihiya. May nakatungo. May pompous. May okay lang. When it's my turn, I heard them murmur. I smirked. Excited to know my name, eh?
"Hi, everyone." I began. Some responded. "I'm Corrine Gale Eusebio. Sixteen years old. You can call me Gale if you want—"
"May boyfriend?" tanong ng isa.
I smirked. "Wala." They smiled. "But my heart's already taken so..."
Groans. Nanghihinayang sila. Aba dapat lang.
"Okay that's enough. You may take your seat, Miss Gale."
"Thank you." I curtsied. Paupo na 'ko ng mahagip ng mata ko yung dumaan sa tapat ng pintuan. OMG! Si Toby!
"Excuse me," I said sabay labas ng classroom. Nakita kong paliko si Toby in one corner... sumunod ako. Magpakilala kaya ako? Nagpapawis ang kamay ko. Ano ba! Ba't kinakabahan na naman ako?
He stopped at his locker ata? Aba may lockers pala dito? Akalain mo 'yon? Pero ang konti. Parang 50 lang yata. He was opening his locker nang may biglang lumapit sa kanya. Isang babeng naka-knit hat. Si Jasmine.
I saw him smile at her. Kainis! Ako hindi matapunan ng tingin tapos 'yong pangit na 'yon nagagawa nyang ngitian?! Inakbayan pa nya!
Susugod na sana ako nang biglang maging kulay blue ang paningin ko. May humarang na lalaki.
"Hi! We meet again! Dito ka pala nag-aaral? What's your name? Ano'ng section mo?"
I looked up to see this random guy smiling at me. Familiar sya pero wala akong paki.
"Pwedeng tumabi ka?"
"Wag ka nang mangarap. May iba na syang gusto," he said out of the blue.
"Huh?" Okay. That piqued my interest. Si Toby ba ang tinutukoy nya?
"Si Toby." Si Toby nga! May iba na syang gusto? Sino? Makalbo na habang maaga!
"Sino?"
"Si Toby nga! Di ba sya yung tinitingnan mo?"
"No! I mean—sino'ng gusto nya?"
"His best friend," he said with a smirk.
"So? Hindi naman sila di ba?"
He shrugged. "Ewan ko do'n. Pero sabi nya magtatapat na raw sya, e. Kaya miss, kung ako sa 'yo, ako na lang. Available pa 'ko." He winked at me.
"So? Maghanap ka ng kausap."
Tinalikuran ko sya.
Toby likes his best friend? What a cliché story! Sana hindi sya palarin. Saka asawa nga naaagaw, e, si Toby pa kaya?
--
Sana hindi ko inisip na imposible. Naging kampante kasi ako. Then, after a month, sila na.
Kamatayan ko na yata.
Bakit naging sila?! Di ba dapat kapag mag-best friend, magbest-friend lang? Bakit naging sila?! I hate this life!
Pero hindi... mapapasakin sya. You just wait Toby!
--
August na kaya heto, Intramurals na. Actually okay lang naman sa school na 'to. Sure, they have cheap amenities but the people here are actually nice. Hindi tulad dun sa school ko dapat. Mga plastic tao do'n, e.
So ito nga, intrams na, kaya ako? Nagtayo ng sariling booth. Kissing booth. Yeah... at ako ang hahalik. Kaya nakapila sila!
500php per kiss sa cheeks lang. 5000 kapag sa lips. Pero syempre dahil walang mayaman sa kanila, hanggang cheeks lang sila. No one's stupid enough to cash out 5000 for a mere peck and unfortunately, that's all I'm willing to give. Pero ang haba pa rin ng pila, a! Ako na nga ang maganda!
"Hindi ba pwedeng tigkabilang cheeks?" tanong ng isang guy.
"No. isa lang."
"Ang mahal!"
"Ba't ka pumila? Kung namamahalan ka, e 'di umalis ka na! Maraming nag-hihintay!"
He glared at me. "Putsa! Ginto ba yang halik mo, ha? Kalokohan lang 'to, e!" Padabog syang umalis sa hanay.
Nagpaganda ako nang sobra ngayong araw na 'to. Kaya nga takaw-pansin ako.
"Miss isa ngang kiss," nakangiting sabi ng isang lalaki. I looked at his money. He was holding five 1000 peso bills. Oh my god. This will be my first kiss on the lips for the day! Ayoko! Ayoko pa! Kaya ko lang naman ginawa 'tong kissing booth na 'to e para ma-attract si Toby.
Syempre! Lalaki yun, e. He would gladly take the opportunity to kiss a beautiful girl like me, 'di ba? Di ba? I'll even give it to him for free kung wala syang pambayad! He just needs to get in line. May VIP pass pa sya!
"Miss?"
"A—ano... close na pala 'ko for today. Sorry."
The guy smirked. "Kiss ko muna."
"Saka na lang."
"I'll pay you." He waved the money at me. Aba't—tingin nya sa 'kin? Hooker? Walang pera? Pulubi???
"I don't need your money. Mayaman ako."
"Ooooh... so ganun na lang 'yon? Hindi ka dapat nagtayo ng ganitong booth kung paaasahin mo rin lang kami."
"Listen, Mister—"
"Chase."
"I didn't ask for your name."
"Suplada mo, a. Hahalikan na talaga kita!" He advanced. Napatayo ako from my seat.
"Don't come near me!"
He grinned and shouted. "HEY GUYS! LIBRE NA DAW KISS, O! KAHIT SAANG PARTE DAW NG KATAWAN NYA!"
And the perverts rejoiced and hooted.
"I didn't say that!"
"You don't need to."
Now all of them are advancing! Ayoko! Ayoko nito! Bakit wala man lang teachers?! Hindi ako makatakbo. Firstly, I'm scared. Pangalawa, napakarami nila. Pangatlo, naka-heels at dress ako! Pang-apat... san naman ako pupunta?
HELP!
"OY ANO YAN?!" Somebody shouted. Napatingin kami saglit sa sumigaw. Yung paepal na lalaki pala. Akala ko si Toby na.
"Wala, tol. Naglalaro lang kami." Chase backed out. Aba, akalain mo 'yon. Takot sila sa lalaking 'to? E teka—sino ba kasi 'to?
"Umayos kayo, ha!" Lumapit sa 'kin si Epal guy. "Are you, okay?"
"Y-Yeah."
"Shit! Namumutla ka. Halika."
Hinila nya 'ko mula sa karamihan. In a way, grateful ako sa kanya. Pero nakakainis pa rin. Bakit hindi si Toby?! Naupo kami sa isang bench na nagkalat lang sa campus. Tapos bumili sya sa malapit na food stall. When he returned, may dala-dala syang black gulaman drink saka burgers.
"Here."
"N-No thank you."
"Tanggapin mo na. Wala namang kapalit 'yan."
Hindi naman yun ang iniisip ko, e. Ang iniisip ko yung tiyan ko. Baka samain pag kumain ako ng cheap na pagkain. Umiling ako.
He sighed.
"Sila na."
"Ha?"
"Si Jasmine at Toby na."
"I know."
"Kaya ka ba nagtayo ng kissing booth?"
"No." Actually, wala naman akong balak sukuan si Toby, e. Nagtayo pa nga ako ng kissing booth hoping to stray him away from that girl.
"Eh bakit?"
"None of your business, okay?"
He shrugged.
"O, Rico! Nandyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap."
Naalerto ako nang biglang lumapit si Toby. Si Toby... with that girl. Wait—si TOBY?! Nasa harap ko ngayon?!
"Uy, pare."
"Sino 'yang kasama mo? Girlfriend?" Nakangiti nyang tanong sabay turo sa 'kin. So that means hindi nya 'ko naaalala?
"Yeah."
I glared at Rico.
"I wish!" He laughed. "This is uh—"
"Corrine Gale. Gale for short but you can call me Corrine." I stood up and shook his hand. And I didn't just feel any spark. No. Kasi nakukuryente ako.
Para akong humawak sa live wire, every nerve in my body felt so alive. Funny. It was just a touch of his hand. Pano na kaya kapag hinalikan ko sya? Should I try?
"Ako naman si Toby." Yeah I know. "And this is Jasmine." I don't care.
Binitiwan nya na 'yong kamay ko para umakbay kay Jasmine.
"Hi Corrine!" Jasmine smiled and waved.
"Call me Gale," mapakla kong sabi. I heard Rico chuckle.
"Okay then. Gale." She smiled.
"Gale!" someone called.
Humahangos na patakbo sa 'min si Femi. Euphemia, remember? Yeah. Tinanggap ko na sya as my friend. Okay naman, e. May tagagawa ako ng assignment. Haha. But kidding aside, she kinda grew on me naman. Heto nga't medyo nagra-rub off na ang ganda ko sa kanya.
"Femi!"
I persuaded her to lose the glasses and wear contacts instead. Saka hindi na rin sya nagsusuot ng turtleneck. Sayang naman ang katawan nya kung itatago. Although hindi ko pa rin sya napapagsuot ng sleeveless at minis skirts, she agreed to wear skinny jeans at blouse naman.
"Guys, this is my friend... Euphemia Ivory or Femi for short. Femi, this is Toby, these are Rico and Jasmine."
"Hi," mahiyain nitong bati.
"Hello."
"Femi... what are you doing here? Akala ko ba committee ka?"
"Kasi narinig ko yung nangyari sa 'yo kanina, e. Okay ka lang ba?"
I smiled at her. "Yeah, I'm fine. Thanks for asking."
She smiled too saka parang nakahinga nang maluwag. Is she genuinely worried about me?
"Uuwi na nga pala kami. Sige, guys, see you around."
Wait. What? "Uuwi ka na?" Nakakalungkot naman. Won't he stay? Di ba pwedeng si Jasmine na lang ang umuwi?
"Oo, e. Tinatamad na kase kaming manuod ng activities dito. Do'n na lang kami sa bahay."
"Pwedeng sumama?"
He looked amused na natanong ko yun. "Uh—kung gusto nyo."
NYO? Sinabi ko bang kasama sina Rico? Asar. Pero sige na nga. Tingin ko magtataka parents nya kapag ako lang ang sumama.
And so we all went to his house that day.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro