IBW 2
"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?"
I sighed. "May mali ba sa akin?" Hindi ko mapigilang itanong kay Lalaine, my org buddy, na katabi ko sa bench.
She took a glimpse of me. "Marami. Bakit mo natanong?"
Inirapan ko siya. "Wala naman."
"Nabasted ka ba?" natatawang hula niya, at lalo pang lumakas iyon nang nirolyohan ko siya ng mata, kumpirmasyon na tama siya. "Naks, bago 'to, a. "
"Manahimik ka na nga," irita kong buwelta sa kaniya.
"Humina ka ata, sis. Pogi ba?" pangungulit niya pa na may pang-asar na ngisi.
"Tingin mo papatol ako kung hindi?" sarkastik kong tanong sa kaniya pabalik.
"Baka nakulangan sa dibdib mo kaya hindi ka pinatulan?"
My jaw dropped sa sinabi niya. "Wow! Just wow!" Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon!
"Saka ka na kasi lumandi kapag malaki na 'yang dibdib mo," tawa niya sa reaksiyon ko. "Malay mo kaya ka niya binasted because he knows he deserves bigger tits. He doesn't want to settle for less."
"Ang sakit mo namang magsalita?!" away ko sa kaniya. "Malaki nga dibdib mo, wala namang lumalamas. Bulok!"
"Hindi na kasi kailangan ng lamas unlike yours, bobo," nanunuya pang tira niya saka kunwaring nandidiring nakatingin sa dibdib ko.
"Iniwan ko lang kayo saglit, nagbangayan na kayo ulit," iling ng production director namin who's already done setting up his camera. "Let's get to work para matapos na natin 'to." Aya niya sa amin.
"Ugh," I grunted.
Kahit medyo tinatamad ay pinilit ko ang sarili kong tumayo. Nagparetouch muna ako ng mukha kay Lalaine bago pumunta sa pwestong tinuro nila. "Ready na ako, Prod." Inform ko sa kaniya nang makapagsettle na ako.
Prod fiddled his camera while raising his other hand, trying to give me a hint. "Okay,... in my cue... go!"
After seeing his hand giving me a go sign, I immediately plastered my sweetest smile while looking straight to the camera. "Wasup, Roxahenyos! This is Dorothe, ang inyong karonda." Bati ko sa tonong pang-balita.
I looked at the cartolina Lalaine was holding to read my script. She was behind our production manager para hindi masyadong halata sa video na nagbabasa ako.
"Balik-pamantasan na naman tayo ngayong linggo, kaya halina't tanungin natin ang iilang estudyante kung paano nila mailalarawan ang kanilang unang linggo sa pamamagitan ng isang kanta. Tara, samahan niyo ako." Aya ko saka umaktong naglalakad na para maghanap ng ilang estudyante.
"Ok... cut!"
Kaagad akong napatigil nang marinig ang senyas ni Prod. Nakita ko din si Lalaine sa tabi niya na naka-thumbsup na para bang sinasabi, I did a good job sa first take. Lumapit din tuloy ako para panuorin ang kuha... which ended up me cringing at myself.
"Goods na 'to," approve ni Prod after watching it. But I insisted on taking another few shots just until I was satisfied with it. "Let's go. Hanap na tayo ng maiinterview."
Mga ilang beses din kaming tinanggihan sa interview bago kami may madaanang grupo na kakilala namin. Ka-same namin sila ng course kaya pumayag kaagad sila.
"Hi, what's your name?"
"I'm Kaisha Magdangal, 21 years old, 2nd year, representing... journalismmm!" sagot niya matapos kong itutok ang mic sa kaniya. Naghiyawan at nagpalakpakan pa nga ang mga kasama niya.
"So Kaisha, can you describe your first week in a song?" nakangiti kong tanong, liking how enthusiastic they are.
Natawa siya. "Kailangan pa bang itanong 'yan? Syempre, Bagsakan by Parokya ni Edgar!" Tawanan nila kaya hindi ko rin mapigilang mahawa. "Nandito na si Chito, si Chito Miranda. Nandito na si Kiko, si Francis Magalona. Nandito na si Gloc-9, wala siyang apelyido. Magbabagsakan dito in five, four, three, two, eyyy!" Kanta nila nang sabay-sabay.
Nagpasalamat kami sa kanila after that saka naghanap ulit ng ibang iinterviewhin. Nilibot pa nga namin ang university at nakaabot sa iba't ibang department. Nakita ko pa nga si Kala kaya ininterview ko na din kahit ang totoo ay pinilit niya ako, para daw mafeature naman siya.
"Hi. Can you describe your first week in a song?" professional kong tanong sa kaniya pero sinundan ko ng plastic na ngiti.
At ang gaga, hindi na nahiya. Sumayaw pa nga. "Ice cream yummy, ice cream good. Ice cream yummy, ice cream good. Pepper yucky, pepper eww. Ging ging ging ging, bro. Ging ging ging, bro."
"Ante ko, ano ang konek niyan sa first week mo?" nanggigigil kong tanong, pinipigilan ang sarili kong hampasin siya ng upuan.
She laughed, knowing I was already annoyed. "Ow, there's no connection! Gaya na lang ng sagot ko kanina sa finance! HAHAHAHA!"
Hindi ko na siya tinanong ulit. Baka hindi ko siya matansya e.
Naghanap na lang kami ng sunod na tatanungin. Nakailang interview pa nga kami after that before we decided to call it a wrap.
"At ayon nga, nalaman na natin ang mga kantang naglalarawan sa kanilang unang linggo. Ikaw Roxahenyo, anong kanta ang naglalarawan sa unang linggo mo? Icomment mo na 'yan. " Engganyo ko. "Muli, this is Dorethe, ang inyong karonda."
"Alright...CUT!" palakpak sa amin ni Prod after that take. "Good job, everyone!"
"Tangina, kapagod." Hindi ko mapigilang sambit at napaupo na lang while busy ang iba doon sa pagliligpit ng equipments at camera. "Sakit ng paa ko kakalakad."
"Sus, nag-enjoy ka naman. Ilang pogi ba naman nakausap mo." Irap sa akin ni Lalaine na lumapit para bigyan ako ng tubig.
Well, di ko naman maitatanggi 'yon. Isa 'yon sa mga dahilan why I enjoyed being a journalism student. Ang dami mong nakakasalamuhang tao... pogi specifically from different department. Isearch ko nga ang iba sa kanila mamaya.
"Gurl, ay nako. Alisin mo 'yang ngisi mo. Para kang manyakis," iling na sambit ni Lalaine sa akin.
Sinamaan ko tuloy siya ng tingin at pinagbantaang sipain. After that ay nagpasama na lang ako sa kaniya sa CR to freshen up.
"May class ka tommorow, Dolly?" she asked habang nag-aayos kami.
"Yeah. Isa lang sa umaga ang schedule ko." I told her while fixing my eyeliner. "Bakit?"
"Gusto mo sumama? Magpatatatto ako bukas." Biglang aya niya.
"Oh?" excited na baling ko sa kaniya. "Talaga? Saan?"
"Malapit sa SM. Yung bagong bukas. Ano? G ka ba?"
"Oo naman! Ano ang ipapatattoo mo?" curious kong tanong. Nakakamiss. Parang gusto ko ring magpatattoo ulit.
"Name ni Zian," kinikilig niyang sambit.
Hindi ko tuloy mapigilang mapangiwi. "Kayo na ba?"
"Nah, sasagutin ko pa lang using this," excited niyang kwento. "Iniisip ko nga kung paano ko 'yon gagawin e. Pwede kayang ipakita ko sa kaniya ang tattoo sabay sabing, 'Paano ba 'yan? Dahil nakaukit na ang pangalan mo, ibig sabihin ba nito, pagmamay-ari mo na ako?' Shuxx!" sabi niya habang nagpapaypay sa sarili.
Napakacringe naman non. "Geh, kung saan ka masaya teh." Iling ko sa kaniya sabay tapik ng balikat niya. "Good luck na lang."
"Mauuna ka na ba?" tanong niya ng mapansing nag-aayos na ako.
"Yep," I told her after applying my lipstick. I puckered my lips and checked to see if there's an excess that had gone over my lipline. "Gagawa pa ako ng report." Bukas na kasi iyon, tapos hindi ko pa nasisimulan.
"Okay, then. See you tomorrow. Take care, Miss Journ," she teased, na nirolyohan ko lang ng mata.
"Bye, chief!" bati ko sa guard nang palabas na ako.
"Akala mo hindi ko nakikita yang crop top mong pilit mong hinila pababa para hindi halata?"
Natawa ako at hindi na pinansin ang pamumuna niya. Pauwi na ako e. "See you bukas, chief!"
Yung tawa ko ay unti-unting nawala nang makasalubong ko si Knoxx na papasok. Napatingin na siya kaagad sa akin kaya kaagad naman akong napaiwas. Anak ng tupa naman. Ang awkward. Nagkunwari na lang tuloy akong walang nakita saka nagmadaling umalis.
Kaya minsan ayoko ng kaschoolmates e. Ang hassle kasi kapag nagkikita kayo sa loob ng university. Halos sa lahat tuloy ng course may iniiwasan ako. Try ko kaya sa ibang school naman maghanap? Mas thrilling 'yon.
Pagod na ako ng makauwi sa condo. Diretso kaagad ako sa paghilata sa kama after kong maglinis ng katawan. Tamad na tamad pa akong gumawa ng activity pero wala akong magawa after seeing my ceiling painted with magnificent colors.
Aurora Borealis, you're such a dream.
Ugh. Pinilit ko tuloy ang sarili kong bumangon ulit para sagutan ang report kahit ang gusto ko na lang gawin ay ang magcellphone at matulog.
"Sa tingin mo, saan banda mas magandang magpatatoo? Sa belly or collarbone?" tanong sa akin ni Lalaine habang papasok kami ng tattoo shop. The shop is not that big pero maganda ang exterior niya. Malapit lang din sa university. Pwedeng sadyain.
"Sa belly," sagot ko. "Ang sakit kapag sa buto, teh." Lugi siya if ever magbreak sila tapos ipapatanggal niya ang tattoo.
Pumasok kami sa loob at saka dumiretso sa reception. Kinausap niya yung receptionist before we proceed to the waiting area. May mga customers sila, not that many but mostly mga babae yung mga nakikita ko.
I sat down and looked around while we were waiting for her to be called. Napansin ko na 'to kanina pero ang ganda ng interior design nila. It was aesthetically appealing like each side and angles were thoughtfully considered. It has a rustic and woodsy vibe too kaya ang cozy niyang tingnan.
"Ms. Lalaine?"
I stopped looking around at napatingin sa tumawag sa kasama ko. Hindi ko maitago ang kaunting gulat nang makita kung sino iyon.
"Yes?" Lalaine answered and raised her hand to catch his attention.
Napatingin siya sa direksiyon namin at bahagyang nagtagpo ang mga mata namin. I did not see any reaction from him at tumingin na lang ulit sa katabi ko. "If you're already ready miss Lalaine, then I can escort you now sa station mo."
"Bhe, patattoo kaya ako sa kiffy ko?" biglang bulong ko sa kaniya. Kaya pala ang daming babaeng nagpapatatto dito!
"Pwede rin, tapos sana mamaga," demonyong tawa niya bago tumayo para sumama sa lalaki.
Gagong ugali 'yan a. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiwi nang maimagine ang sinabi niya. Katakot. Ang shonget na ng kiffy ko kapag nagkataon.
"This way, Miss Lalaine," ngiti nong lalaki sa kasama ko.
Hindi ko alam pero bigla akong may urge na sabunutan si Lalaine kahit wala naman siyang ginagawa. Ito ata ang tinatawag nilang inggit e at hindi ako nakapikit.
Pinanuod ko lang sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. But the guy didn't even bother to gaze at me once again. Grabe! Hindi naman sa nagpapansin ako but I felt offended.
Hindi niya ba ako naaalala? Wait, if yes, then does that mean I'm not pretty or remarkable enough for him to remember me? Wow. Hindi na nga niya ako type tapos ginaganito niya pa ako?
Hindi ko tuloy mapigilang mapairap. Nakakainis yung part na hindi ko masabi yung phrase na 'akala mo ang gwapo' kasi gwapo naman talaga siya.
Inantay ko pa siya nang kaunti to get a chance to strike a conversation, pero hindi na siya lumabas. Siguro nabusy na? Kinalikot ko na tuloy ang phone ko para aliwin ang sarili ko, pero mas lalo lang akong nabored.
Masyado ata akong nag-focus kay Knoxx these past few weeks at wala na akong masyadong nalalandi. Iilan na lang sila, at ayaw ko nang replyan dahil paulit-ulit na lang ang topic sa mga convo namin. Wala na silang mga thrill.
I scrolled through my contacts to see if may mga puwede ba akong makamaybe this time, pero iba ang nakakuha ng atensyon ko.
To: Marwansot:
Hanapan mo nga ako ng lalaki, reto mo ako
From: Marwansot
luh pogi mo eh no? may bayad
To: Marwansot
Magkano ba ang kailangan mo? Ng masampal ko sa 'yo kapag nagkita tayo
From: Marwansot
sampal mo na lahat sa akin, tatanggapin ko ng buong-buo
To: Marwansot
Kuhang-kuha mo ang inis ko
From: Marwansot
sana makuha mo rin ang pake ko
Biglang sinubok ng panahon ang pasensya ko nang kinausap ko siya. Napainhale-exhale ako para hindi sumabog.
To: Marwansot
Pakinggan mo 'to, pinagmumura kita
Tinurn off ko na agad ang phone ko after I sent him a voice message. Tumayo ako saka naglibot-libot kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at gumawa ng paraan para lang masampal si Marwan.
Biglang nabaling ang atensyon ko nang makitang may freedom wall sila. Halo-halo ang mga nandoon. Some are short messages and some are drawings, mostly tribals. The first thing that caught my attention were the drawings because they were fascinating but then I found myself reading the notes instead.
Mr. apprentice, I really like your... service ;>
Biglang napataas ulit ang kilay ko don. Anong klaseng service kaya 'yon?
Binasa ko na din tuloy ang ibang notes. Bakit pakiramdam ko mostly ng mga andito ay para sa kaniya?
Will definitely come back, not for the tats but for the hottie mwa
Handang magkakeliod para sa 'yo, Sir Okin <3
Ang oOA.
"Liking what you see?"
Napatigil ako sa panghuhusga sa mga sinulat nila nang bigla na lang may magsalita sa bandang likod ko. Napalingon ako doon at nakitang nakatingin siya sa akin.
I didn't notice his outfit earlier because I was preoccupied with the thought of unexpectedly meeting him here. But now that I saw him again, I couldn't help but notice how sexy he is.
He's wearing a tight short-sleeve turtleneck with an apron on top. Ghad, I can see the ripe biceps! He's also wearing gloves, which he's now taking off. Naka-army cargo pants siya sa ibaba at nakasuot ng boots. Yung mahaba at nakabutterfly cut niyang buhok ay nakalugay, giving him a Greek god vibe.
Damn it. He's my fucking type to the point that I want to flip the table.
"Well,... yeah. It's quite a view." Makahulugang ani ko habang nakatingin sa kaniyang mata, hinting him.
Mukhang nakuha niya naman kaagad 'yon kasi napangiti siya at napailing ng ulo. Nakakabwisit. Ang pogi.
Hindi pa nakakatulong ang well-toned niyang kamay na nakafull display. Surprisingly, wala siyang tattoo doon kahit isa. Isn't it normal for him to have one or two bodily marks considering he's working in a tattoo shop?
Biglang nawala ang curiosity ko after he fully took off his gloves and saw his left pinky finger. May tattoo siya doon na parang ring. Was it a promise ring or something? Anyways, that's not my business.
"Magpapatattoo ka din ba?" he asked while putting the gloves in his pocket.
"Ikaw ba ang magtatattoo sa akin kung sakali?" I asked flirtily.
He smiled kindly. "Yeah, sure, if that's what you want. I'll make sure to cater to your needs and expectations."
Wow. Needs and expectations. Ito ba yung sinasabi nilang service?
"Talaga lang ha? Paano kapag gusto ko magpatattoo sa maseselang bahagi?" hamon ko sa kaniya saka tinaasan siya ng kilay.
"I don't have a problem with that. It's my job after all," mabait niyang reply na parang hindi man lang siya bothered doon!
Ang pangit niyang kaaway. Inirapan ko siya and gave up testing him. At least naaalala niya ako! Masyado lang akong nagdrama kanina. "You're working full-time here?"
"Part-time." He corrected me.
"Okin!"
Naputol ang usapan namin when the receptionist called someone. Sabay kaming napalingon doon, and I saw her looking in our direction, or more like at the guy beside me. I confirmed na siya nga yung tinatawag nang mag-excuse siya sa akin.
His name is Okin? Ano 'yon? Okinnam?
Bumalik na lang tuloy ako sa couch at inaliw ang sarili ko kakabara ng mga tanga kong kaibigan. Nireplayan ko na din yung mga chat nang chat sa akin na hindi ko type dahil nabobored na ako.
Napatingin ako sa kaniya ulit nang pumasok na siya sa pintuan. May kasama na siya this time though. Mukhang client niya at hindi na ako nagulat nang makitang babae iyon.
I couldn't help but scoffed after seeing how big her melons are. Ako yung natatakot at baka matusok iyon habang nagtatattoo.
"I want to put it on my bikini line. Is that okay?" rinig kong maarteng tanong sa kaniya ng babae nang dumaan na sila paputang station nila.
Really? Ang daming parte ng katawan, yung malapit sa puday talaga?
I rolled my eyes when I saw him smiling, telling her that it's perfectly okay. Gustong-gusto niya din naman talaga 'tong ginagawa niya.
Hindi ko na siya nakita ulit after that. Mukhang napatagal ang tattoo session nila... or kung ano man ang ginagawa nila. Umalis na kami ni Lalaine doon nang matapos ang tattoo aftercare niya.
Friday came, at gaya ng plano, pumunta kami sa anniversary nila Peach. I'm with Kala since dito na kami dumiretso after class. Meanwhile, Vien and Amara are not here yet due to academic reasons.
"Hey, thank you for coming!" Peach and Florian immediately welcomed us when we arrived at the club.
"Happy anniversary!" Kala greeted, and I did the same before giving them the gift we prepared.
Iniwan ko muna si Kala para siya na ang makipag-chit chat dahil hindi ko maatim ang makipagplastikan. Napalingon naman ang iba nang makita nila akong papalapit, at kaagad nila akong binati. Nakipag-usap din ako sandali to catch up a little.
"Uy Dolly! Sampalin mo na ako!" bungad na bati ni Marwan nang mapansin ako. Kaibigan at kaklase ko din siya noong high school. Talagang nilapit pa niya ang pisngi niya sa akin.
"Ulol, wala ka pa ngang narereto," rolyo ko ng mata. "Dapat pasok sa taste ko ha."
"Eh? Hindi ko marereto ang sarili ko," takang reply niya sa akin.
Nandidiring tiningnan ko siya. "Magtira ka naman ng dignidad para sa sarili mo pre."
Napahalakhak sina Ar-ar sa sinabi ko saka tinapik-tapik siya na parang kinocomfort. Didiretso na sana ako sa couch para maupo when I took a sight of Gahala and his girlfriend sitting on the couch along with our other former classmates. I couldn't help but frown. Great. Mukhang magkakagulo ngayong gabi a.
"Hello," nakangiting bati sa akin ng girlfriend ni Gahala. I can't even remember her name.
"Hi... yop." Pabitin na bati ko din saka plastic na ngumiti sa kaniya. On the other hand, hindi na ako nag-aksayang tingnan ang boyfriend niya.
"Did you just call me hayop?" gulat na tanong niya.
Luh, hindi aware si ate kung anong klaseng nilalang siya.
"I mean, Hiyop. Short cut ng Hi sa 'yo po. Bagong imbento ko." Pangagago ko sa pang-asar na boses saka harap-harapan siyang inirapan.
Nilagpasan ko sila pagkatapos at umupo sa medyo malayo sa kanila kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko na lang siyang mahablot. Naging exciting ang gabi lalo na ng dumating sina Lamore at Vien. Kagaad nagreklamo ang huli nang makita din sina Gahala.
"Ampota naman," badtrip na bulong ni Vien saka tumabi sa akin. Tumabi naman si Lamore sa kaniya at nakipag-usap sa mga lalaki.
Nag-umpisa na silang mag-inuman at nagumpisa na din kaming mainis sa girlfriend ni Gahala. Masyadong papansin at pafeeling close. Singit nang singit sa usapan eh wala namang nanghihingi ng opinyon niya.
Teh, itahimik mo 'yang bibig mo. Please lang.
"Where's Amara pala? Is she not going?" She suddenly asked while smiling.
Biglang natahimik ang couch naman sa tinanong niya. Randam na ramdam ko yung biglang pag-iba ng hangin. The audacity of this girl. Sing kapal ata ng kalyo ko yung mukha niya.
"I don't think she's going?" Ruth answered hesitantly instead kasi walang nagsalita sa amin.
Baka orasyon ang biglang lumabas sa bibig ko e at makita na lang nila ako dito na may tinusok-tusok na manika.
"Aww, I wanted to see her pa naman sana." Ubod ng kaartehang sagot niya saka hinawakan sa dibdib si Gahala.
"Ang dami niyo dito, wala man lang bang kakalabit sa tainga niya?" bulong ni Marwan sa akin. "Kakalabitin lang e."
"Bakit hindi ikaw?" balik ko sa kaniya.
"Luh, lalaki ako, pre. A man should never raise his hand to a woman. Pero wala namang nagsabi na bawal niyong pagtaasan ng kamay ang kapwa niyo babae," proud pa siya doon habang lumalabas ang mga salitang iyon sa labi niya.
"Galing mo talaga," sarcastic na sambit ko sa kaniya.
"Probably, she's still feeling bitter to see us, love?" Biglang tanong niya kay Gahala. "I just hope that's not the case though."
Wow. Ramdam ko ang pagpitik ng sintido ko sa sinabi niya. Si Kala ay napapabulong na rin at napapairap sa harapan ko. Hindi ko alam kung sinasadya niyang i-trigger kami o hindi. But I'm forcing myself not to submit to her taunts because if she continues this, may mas malaki kaming problema kapag nagkataon.
"Love, hindi naman siguro." Sagot ng boyfriend niya ng may pag-aalinlangan sa mukha. Mukhang kinakabahan na rin sa ginagawa ng gf niyang tanga.
"Right? Kasi it's been months. Nakamove on na siya siguro. I just don't want her to cause a fight if ever pupunta siya. Besides, ayaw ko siyang masaktan," sambit pa ng plastic!
Hindi na ako nagulat nang galit na binagsak ni Vein ang basong hawak niya sa mesa. "Pwede bang manahimik ka? Ikaw masasaktan ko e. Papansin, punyeta."
"Away, away," pang-asar na bulong ni Marwan sa tabi ko kaya hindi ko na pinigilan ang sarili ko at sinaktan ko na siya.
Shit. Ito na nga ba ang sinasabi kong gulo.
"Vien," saway kaagad ni Lamore as if he knew since earlier that this would happen. Hinawakan niya pa ito sa kamay para pigilan.
Winaksi niya ng kamay ng huli habang nanlilisik ang matang nakatingin sa babae. "Teh, gusto mo bang umuwing kalbo ha? Gahala, ayusin mo yang jowa mo, baka hindi ko matansya 'yan at mabalibag ko."
"Why are you getting angry? I'm just concerned."
"Eh kung ingudngud kaya kita dito sa sahig out of concern din sa 'yo? Kung magalit ka, tanga ka. Ano? Subukan natin?" Hamon ni Vien at tumayo na.
"Oh! Amara!" Biglang sigaw ni Marwan kaya napatigil at napatingin ang lahat sa bagong dating.
Amara smiled warily after realizing that we're talking about her. Nagkagulo pa ng kaunti bago naging maayos ang lahat.
"Ako na ang susunod," pigil ni Vien sa amin nang patayo na sana kami para sundan si Amara na nag-walkout.
Umalis na din sa couch namin si Gahala at girlfriend niya to avoid our burning stare. Nakailang minuto pa at hindi pa rin nakakabalik sina Vien kaya I decided to stand up and look for them as well. Sumama rin sa akin si Kala, pero wala pang isang minuto, nawala na rin siya sa paningin ko.
Hindi ko na sila makita pagkatapos non. Tangina, huwag nilang sabihing umuwi sila ng hindi ako kasama? Pakyu sila sa akin kapag nagkataon.
"Dolly!"
"Oh, Azul," medyo gulat na bati ko sa kanya nang tinawag niya ako. Pinuntahan ko siya sa counter nang sinenyasan niya akong lumapit.
"Pumunta ka din?" hindi ko maiwasang itanong dahil alam ko ang nangyari sa kanila ni Peach. Gusto ko pa sanang dagdagan ng, 'Himala, inimbita ka nila?' pero pinigilan ko ang sarili ko. Kaklase ko din siya nung high school, pero nag-transfer siya noong senior high.
She reached for me para bumeso. "Nah. I just happened to be here as well. I'm with my friends!" she explained.
"Nakita mo ba si Amara saka si Vien? Hinahanap ko e," tanong ko saka umupo sa stool sa tabi niya at nag-order ng inumin sa bartender. "One vodka, please."
"Hindi ko nakita si Vien, but Amara's with me earlier. We were talking about stuff, but umalis na siya para bumalik sa couch niyo. She said she wants to rest na daw."
Napatango ako doon. "Okay lang ba siya?"
She shrugged. "But she calmed down already."
That's good to know. It's good too na umalis doon sina Gahala sa couch. She can interact with others without feeling so conscious.
"Anyways, can I introduce you to someone?" biglang excited na tanong niya. "Amara declined me and suggested you instead. Is that fine?"
Ah. So reto yung pinag-uusapan nila. Hindi na ako nagulat na tinanggihan ni Amara.
"Oo naman!" payag ko kaagad. "Kailan ba ako tumanggi?" tawa ko at kinuha ang cocktail glass na may lamang vodka nang itulak iyon ng bartender sa direksyon ko. "Basta pasok 'yan sa type ko ha?" pagpapaalala ko and took a sip of my drink before placing it on the table.
"I'm quite confident that he is," ngiti niya saka napatingin sa likod ko na parang may nakita. "Oh, there he is! Hey, Niko!" she called for someone, and I tried to see kung sino iyon. "Niko!" she called out again and waved her hand. "Get your ass over here!"
Matapos niyang tawagin, binalingan ako ni Azul. "That's him," excited na bulong niya saka tinuro yung tinutukoy niya. Sinundan ko iyon ng tingin at napaawang ang labi sa nakita.
Wtf. Si Okinnam!
Sure ba na siya ang tinutukoy ni Azul? Baka namali lang ako ng tiningnan. I scanned the area, hoping to spot someone else approaching us, but my gaze kept drifting back to him. How could I not? When he's walking with an air of confidence while holding a glass of wine in his right hand. He's even swirling it casually na para bang pinaglalaruan.
Naitikom ko ang bibig ko nang tumigil nga siya sa harapan namin. Anak ng shanghai naman. Hindi ako type nito e. Mamaya mareject ulit ako nito.
"Hey, seriously? Was the shout really necessary?" Bungad na tanong niya kaagad kay Azul. " I was about to pretend I didn't know you."
He brushed his hair up before setting his eyes on me. Napatigil siya ng kaunti upon seeing me, probably not expecting to meet me here as well. His expression changed quickly and turned to Azul. "What's this? Reto na naman?" Hula niya like this has happened a lot of times already.
Hinampas siya ni Azul, as if to silence him. Okin winced, but Azul ignored him and turned to me. "Dolly, I'd like you to meet my friend Nikolas." Pakilala niya. "And Nikolas, this is Dorothy. She's my highschool classmate!" Turo niya din sa akin. "So..." she playfully smirked. "What do you think about her?" nagniningning ang matang tanong niya sa lalaki. "Isn't she pretty?"
Napatingin tuloy ulit sa akin yung Okin. I don't know what's running in his mind but I crossed my arms and bravely met his eyes. Pinandilatan ko siya ng mata na parang pinagbabantaan gamit non. Ayusin mo lang.
I raised my brows when he casually sipped on his glass to hide his soft chuckle. Was he mocking me?
"She's okay, I guess." He shrugged like he's doing it on purpose to taunt me. "Like an empty walking canvas."
For sure my face screamed with confusion upon hearing his answer. Empty canvas? Ano 'yon? Meaning ba non, wala akong kasense-sense?
"I'll take that as a sign that you took a liking to her then," Azul laughed. "And since my job is done here, I'll leave you two to enjoy each other's company. I'm rooting for a spark!" She winked playfully.
Umalis na siya kaagad bago pa makareact yung kaibigan niya. Okin was left tuloy with no choice but to entertain me. Napailing na lang ako nang magkamot siya ng ulo habang nakatingin sa akin.
Hindi ko siya pinansin at uminom na lang sa baso ko. I was expecting him not to waste his time on me kaya napalingon ako sa kaniya when I felt his presence sitting next to me.
"I've been seeing you lately huh." Kuha niya ng atensyon ko at sinalubong ang mata ko saka ngumiti.
Pafall ampota.
Inirapan ko siya. "Alam mo, huwag ka ng magsayang ng oras. Kung gusto mo akong ireject, sabihin mo na kaagad. Bagal mo."
He was taken aback first but then laughed a little after that. "Sorry. You beat me to it."
And I wanna beat you to death. Char. "Bakit ka pa nag sosorry? Pang ilang reject mo na 'to oh. Huwag ka ng mahiya."
Hindi niya naman pinansin ang pangdadarag na banat ko sa kaniya at tawang-tawa pa nga siya sa sinabi ko. Sana all natutuwa, hindi ba?
"You held grudges, ano?" nakangiting tanong niya. Nakakainis. "But jokes aside, I'm sorry I kept on rejecting you," apologetic na sabi niya.
"Luh, kung may makarinig sa sinabi mo, aakalain nilang habol ako nang habol sa 'yo!" buwelta ko at napalingon-lingon sa paligid. Nang makitang walang nakakapansin sa amin, binalik ko ang atensyon ko sa kaniya. "Saka bakit ba hindi mo ako type, huh? Maganda naman ako. Sexy. Hindi ka na lugi! Ano ba ang problema? Dibdib ko ba? Naliliitan ka ba?"
Bigla tuloy bumaba ang tingin niya doon bago sinalubong ulit ang mga mata ko. "Well... that's not particularly the reason," he answered hesitantly.
Naningkit ang mata ko sa kaniya. "So, naliliitan ka nga sa dibdib ko!"
He chuckled at my outburst. "Okay lang naman, mukha ka namang mabait e."
"Alam mo, hindi ako natutuwa sa 'yo, umalis ka na nga lang sa harapan ko," pangtataboy ko sa kaniya. Nakakairita siya.
Pero hindi naman siya natinag doon. Nakangiti pa nga din siya. "It's not about your... breast, face, or anything, okay? You're not my type because my eyes see only one woman. I am committed," he added. "Trust me, if I weren't in love with someone, I'd give you a try without a second thought."
So it's not you pala, it's me pala ang atake? Ayos, ayos.
Bigla tuloy akong napasulyap sa tattoo ring niya sa pinky finger. That's probably what it means.
"May committed bang nirereto ng friends?" hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko alam kung sino ang red flag e, siya o mga kaibigan niya.
"Well I can't tell you much but we already broke up." I saw a hint of despair in his eyes when he mentioned that. "Let's say... ako na lang ang hindi pa nakakomove on." Iling niya while still smiling para hindi masyadong malungkot.
Ah. Kaya pala. Mahal niya pa.
Napatitig tuloy ako sa kaniya ng kaunti. Hindi ko alam kung maawa ako sa kaniya o ano kasi first of all, wala naman talaga akong pakialam doon.
"Ilang years ba kayo?" I asked instead. Nacucurious ako e.
"4 years." He shortly answered.
"Ay poteks. Pass pala sa 'yo!" Reject ko sa kanya bigla kahit nireject niya na ako. "You're out of my league!"
Four years. Ang tagal nun. Good luck sa next girlfriend nito. Sana makatulog siya nang mahimbing sa gabi.
Kaagad siyang natawa sa naging reaksiyon ko. "Now, the feeling's mutual."
Napailing ako ng ulo saka bigla na lang siyang tinapik sa balikat, telling him na kaya niya 'yan. I never experienced a heartbreak or breakup but I grew up seeing one so I know how hard it is. Looks like he appreciated it naman kasi lumambot ang expresion ng mukha niya.
Nanghihinayang lang ako sa kaniya kasi pakiramdam ko ang thrilling niyang kalandian tapos hindi ko man lang 'yon mararanasan. Pero wala e, ayaw ng tao kaya huwag ipilit. I appreciate him, though. He went to great lengths, even showing his vulnerable side just to explain to me when in fact, he didn't owe me that.
Napalingon kami sa side nang may tumawag sa kaniya, mukhang mga kaibigan niya dahil kasama din nila si Azul na nagthumbs up sa akin. May ginegesture ang iba sa kanila na hindi ko maintindihan.
"Go," pangtataboy ko sa kaniya nang tumingin siya sa akin, parang humihingi ng permiso.
"You'll be staying here?" he asked, mukhang nagdadalawang isip kung iiwan ako dito mag-isa o hindi.
"Yep, iinom pa ako saka probably look for someone to hook up with." I shrugged.
"I hope you'll find one," panggogood luck niya sa akin. "If you want, I can also set you up with my friends," he offered. "Pambawi ganon."
My eyes twinkled. "Sure! Pero ikaw talaga bet ko e." Natawa na lang ako sa kakapalan ko. "Sana next time na pagkikita natin, ready ka na. Malay mo, compatible tayo," I jokingly added, wiggling my eyebrows at him.
He chuckled and shook his head. "Don't worry. I'll let you know kapag ready na ako."
"Anyways, it was a pleasure knowing you, Nikolas," ngiti ko sa kaniya. This time, this was really genuine, walang halong kasarkastikan.
He paused for a moment while staring at me. He then smiled and kissed me on the cheek, as if bidding me his goodbye. "Same here, Dorothy. It was spellbinding to meet you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro