Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IBW 1

"Aalis na ako,"

I turned my head in his direction, waiting for his answer. He fixed his hair and licked his lower lip before nodding.

Napangisi ako sa mukha niya. I gave him a peck on the cheek bago ako nagmadaling maglakad dahil 5 minutes na akong late. Ang landi niya kasi. Pero okay lang 'yon, 'yon nga ang gusto ko sa kanya. Kaya hindi siya boring e.

"Wala pa instructor natin?" hingal na tanong ko kay Hazel nang pumasok ako sa classroom namin.

Pinunasan ko muna ang pawis ko bago nakangising umupo sa tabi niya. Inayos ko pa ng kaunti ang uniform ko kasi medyo lukot. Napamura ako nang makitang wala na ang isang butones ko.

"Wala pa," she answered while wincing and surveying me. "Ano na namang ginawa mo?" nandidiring sabi niya.

"Gusto mong sabihin ko sa 'yo?" paninigurado ko sa kaniya habang tinataasan siya ng kilay.

"No thanks," sagot niya kaagad. "Pero jusko naman Dolly! Huwag naman sa campus!"

"Grabe ka naman makareact! Wala naman akong ginawa ngayon. Make out lang ng kaunti, promise. " Panunumpa ko pa sa kaniya.

"Ugh, no need to inform me about your... private businesses," she replied with a disgusted expression.

"Arte mo. Sis, kilala kita, hindi ka santo." Asar ko kaya hinampas niya ako sa kamay para patahimikin.

Ugh. Fine.

Umayos tuloy ako ng upo at napatingin sa unahan. Halos irolyo ko ulit ang mata ko nang magtama ang paningin namin ni Lilura.

Papansin naman nito. Lagi na lang akong binabantayan at parang mamamatay kapag hindi ko nabigyan ng atensyon. Napataas ang kilay ko nang makitang may ibinulong siya sa kaibigan niyang ubod ng inggit matapos akong tingnan ng puno ng panunuya.

Sabay pa silang tumawa. Halata namang ako yung pinag-uusapan nila. Bakit hindi na lang sabihin ng diretso sa akin? May pabulong-bulong pang nalalaman e rinig ko naman.

"Tingnan mo yung chikinini niya sa leeg" she whispered, smirking. "Panigurado, ibang lalaki naman ang may gawa niyan."

Ante ko, gawa 'to ng jowa mo.

Hindi ko mapigilang mapatawa ng kaunti sa naisip habang umiiling. Kapag sinabi ko 'yan sa kaniya, baka maglumpasay siya. 

Hindi ko na lang sila pinansin at kinalikot ko na lang ang phone ko habang hinihintay ang Professor namin. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga pinagsasabi ng kalandian ko sa instagram at telegram.

Nawala lang ang ngiti ko nang biglang magpop up ang finorwad na message ng classroom representative namin. Hindi na daw tuloy ang class namin kay Sir kasi hindi pa tapos ang meeting niya!

Hanep. Sana sinabi agad! Edi sana hindi na ako pumasok at nakipaglandian na lang sa library.

"Una na ako, sis," bagot kong paalam ko kay Hazel bago lumabas na ng classroom.

"Girlllll!!"

Napalingon ako sa babaeng sumisigaw at nakita si Kala. Hindi ko alam kung ikakahiya ko ba siya o ano dahil napapasulyap ang mga tao sa hallway dahil sa ginagawa niya. Hinawakan niya ang braso ko nang tumigil siya sa harapan ko para manghingi ng suporta.

"Ano?" bagot kong bungad.

Ngumiti siya sa akin at excited na nagsalita. Kulang na lang lumundag pa siya sa tuwa.

"Lets go sa bar later! Yung bagong open! I heard my crush is going there! Help me make landi, pleasee?" Walang tigil na salita niya habang hinihingal. Nagpuppy eyes pa nga ang tanga sa akin.

"Mag-aaral ako mamaya," sambit ko saka siya nilampasan. Kaagad naman siyang humabol at sinabayan akong maglakad.

"What?!" bayolenteng sagot niya sa akin saka hinampas pa ako sa braso. Hindi siya makapaniwala. "Huwag ka ng mag-study! Ako ang bubuhay sa 'yo, promise! Basta inom tayo later!"

"Gago!" natawa ako sa sinabi niya. "Kaya ekis ka sa akin e. B.I. ka."

"Well that's true na bi ako, so what?" hamong ask niya.

I couldn't help but chuckle. Hindi ko kasi alam kung ano ang tanggap niya sa dalawa. Ang bad influence siya o bading?

"Oo na, basta hindi tayo tatagal ha? 8 a.m. sa umaga klase ko bukas." Napipilitang pagpayag ko kaya naman natuwa ang gaga. Gusto ko na lang tuloy bawiin para hindi na siya masaya. 

"Sure! If I successfully flirt with him, I'll introduce you to his friends or maybe his cousins!" kuha pa niya ng loob ko.

"Sino bang crush 'yan?" curious ko tuloy na tanong. "'Yan ba iyong kinukwento mong basketball player na first year? Yung sinisilip mo yung harapan every time na bumabakat yung shorts?" dagdag ko pa kasi 'yon ang lagi niyang kinukwento these days.

"Hey! For you informaton, hindi ko kaya sinisilip! Nasasama lang talaga siya sa field of vision ko so I can't do anything about that but to look, okay?!" defensive na sagot niya.

"Field of vision ampota."

"Yes nga! Pero it's not him! Medyo hindi ko na siya crush e." Irap niya. 

Aba ayos, may adverbs of degree pa ang pagkacrush niya.

"Yung engineering student na Vice president ng CSG natin?" try ko ulit. Eto yung number 2 na kinukwento niya e.

"Hindi! Ano ba 'yan! Yesterday ko lang kaya siya kinuwento sa 'yo!" yamot na sabi niya na parang kasalanan ko pa 'yon!

"Yung kaklase ko na matangkad?" inis na tanong ko.

"No!"

"Eh gaga! Sino ba kasi sa kanila?!" Sinabunutan ko siya. "Ang dami-dami mong crush, punyeta ka. Hindi ko na nga maalala yung iba!"

Napanguso siya sa akin. "Yung nag-aaral ng business management! Yung kapatid ng football player na crush ko din!"

Napakunot ang noo ko, "Napakapokpok mo naman. Bakit nilahat mo?"

"Hindi ako makapili kung sino ang mas crush ko e. Kaya crinush ko na lang silang lahat!" Umirap pa nga bago kinuha ang susi niya at binuksan ang sasakyan. Sumunod naman ako at umupo sa shotgun.

"Nasabihan mo na si Vien at Ayel na pupunta tayong bar? Sasama ba sila? " tanong ko saka kumuha ng sigarilyo sa bag ko at pinaglaruan lang kasi bored ako.

Nilingon niya naman ako sandali bago tumingin ulit sa daan. "Yep! Vien's cool with it but Ayel said, she don't want to come daw. She's going to study pa ata! She's so married with her pag-aaral."

Napatango ako saka napa-isip kay Ayel. Hindi na kasi healthy ang ginagawa niya. Napabuntong-hininga tuloy ako saka napatingin sa gilid dahil wala naman akong magawa kung hindi ang magstay sa tabi niya. I felt useless.

"We're home!"

Pasalampak akong naupo sa sofa sa pagod at hinubad ang sapatos ko. Kaagad naman akong nakarinig ng lagabog at nakita kong sumilip sa kusina ang ulo ni Vien.

"Ayos!" nakita ko ang kinang ng mga bituin sa kaniyang mata nang sinabi niya 'yon. It was as if she had found something that could help her live. "Hoy Dolly!" barumbadong tawag niya sakin. May laman pang sandwich ang bibig! "Hugasan mo na yung mga pinggan!"

"What?" My brows immediately furrowed. "Akala ko schedule mo ngayon?"

"Kahapon schedule ko 'no. Sa 'yo ngayon!" sambit niya saka nilunok ang kinakain kahit medyo malaki pa. Nabulunan tuloy.

Inirapan ko siya. "Ako pa talaga uutuhin mo. Gano'n din ginawa mo no'ng nakaraan! Napakasinungaling mo talagang tarantado ka!" Rebat ko sa kaniya saka tinaas ang middle finger ko.

"Hoy hindi ah! Noong nakaraan lang 'yon! Nagbagong buhay na ako!" sagot niya kaagad matapos uminom ng tubig. She even looked proud of herself.

"Ulol. Bagong buhay ampota," ani ko saka tumayo para pumasok sa kwarto.

"Hoy! Yung mga plato!" Kaagad niya akong sinundan para lang ireklamo 'yon.

"Yung plato hugasa--!" Tinaasan ko siya ng kilay bago pagsarhan ng pinto. Ilang ulit niya pa nga yung kinatok.

Natawa ako dahil nakikita ko kung paano niya ako murahin ng ilang ulit sa harapan ng aking pinto. Knowing her, pinakyuhan pa ako niyan gamit ang dalawa niyang kamay dahil sa inis.  Hindi ko na siya pinansin at kaagad ng pumunta sa banyo para maglinis ng katawan. Pagkatapos, pumunta ako sa cabinet para mamili ng susuotin.

Nang makahanap at matapos magsuot ay pinakialam ko naman ang mukha ko. Naglagay lang ako ng kaunting make-up at saka kiss-proof lipstick para sa mga kabonding ko mamaya. Ngumuso ako sa salamin matapos kong maglagay at nasiyahan sa kinalabasan. Nang makuntento ako ay saka lang ako lumabas.

Ang nakabusangot na mukha ni Vien ang bumungad sa akin. Nakabihis na siya at nakahalukipkip. Mukhang inantay akong lumabas.

"What?" natatawang ani ko dahil sa badtrip na mukha niya. "Tapos ka na bang maghugas?" asar ko pa.

"Hmpk," Inirapan niya lang ako at hindi sinagot. Tampo siya niyan?

"Are you ready na ba? Let's go na?" tanong ni Kala nang makalabas na siya sa kaniyang kwarto.

"Aalis na kayo?"

We both turned our heads to the other side when we heard Ayel's voice.

I eyed and surveyed her. "Hindi ka sasama?" I still asked even though I already knew her answer.

"Nah," she shook her head. "I have a lot of deadlines this week. Maghahabol pa ako."

"Buti nga at school works na lang hinahabol mo ngayon e-- aray ko!" reklamo ni Vien ng hindi ko na siya pinatapos at hinampas. Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata. Yung bibig niya talaga!

"Do you want something?" Alanganing change topic kaagad ni Kala and chuckled hesitantly. "How about some alak? I can take out a bottle for you! Well, that is, if we're not lasing na mamaya." 

Ayel laughed a little. "No, it's fine. I'm good. Baka tulog na rin ako pagkauwi niyo," she assured, her eyes shifting to Vien, who was still ranting about how painful the slap was. "Hinugasan mo na ba ang mga pinggan? Mamaya aalis ka lang ng hindi pa naghuhugas."

"Oo naman! Ganiyan ba kasama tingin mo sa akin? May konsensya naman ako!"

Napairap na lang ako. "Sinungaling! Itutulak niya pa nga sana sa akin 'yang hugasin e!" Parang batang nagsusumbong sa Mama na bwelta ko.

"Seriously, Vien?" Ayel asked in pure disappointment, though she wasn't even surprised anymore.

"Grabe ka naman makajudge sa akin, Ayel!" kunwaring nasasaktang sabi niya. "Oo na! Makapal na mukha ko! Aware naman ako do'n!"

"Shut up ka na kasi," batok sa kaniya ni Kala bago nakangiting bumaling kay Ayel. "We'll go now. I'll drag these stupids out."

"Sure. Enjoy," Ayel replied, not minding Vien's complaints in the background.

"Make sure you take a break," I reminded her,  worried she'd overwork herself. Tumango naman siya, so I relaxed a little. "And don't forget to lock up," I added before closing the door.

"Padamihan tayo mamaya ng mabubungwit na lalaki Vien," aya ko sa kanya nang nasa sasakyan na kami. "Huwag natin isali si Kala, malamang busy 'yan mamaya sa crush niya."

"Well duh! Kapag nakita niyo crush ko huwag kayong makipagshare ha!" Irap niya pa while driving.

"Ede wag, sa 'yo na 'yan. Pare-pareho lang naman titi ng mga lalaki," bara ko sa kanya.

"Ang tanong, titi ba habol niyan ngayong gabi? Baka naman mamaya iba 'yan," asar ni Vien.

"It's a deck," confirm ni Kala while laughing a little.

Binalingan ko ang isa sa likuran. "Ano Vien? G ka ba? Alam ko namang kinakabahan ka sa akin pero malay mo malampasan mo ako," yabang ko sa kaniya.

"Gaga ka talaga," lait niya sa akin. "Pero pass. Ayoko. Wala ako sa mood magentertain mamaya. Alak lang habol ko doon," bagot na sagot niya sa likod. Nakahiga pa siya doon habang nakataas ang paa at nakatuntong sa bintana ng saksakyan.

"Weh? Boring mo naman! Dati hindi ka naman gan'yan ah!"

"Sabi sa 'yong nagbagong buhay na ako eh."

Natawa ako ng sarkastiko sa sinabi niya. "Bobo, sinong niloloko mo? Baka may magagalit kaya pass ka." Nilingon ko siya sa likod saka nginisihan.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Tangina mo. Sino naman?"

"Baka si Lamore. Baka lang naman ha," tawa ni Kala. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan din ang tawa.

Inis na sinipa ni Vien ang umupan ni Kala. "Magdrive ka na nga lang diyan ng maayos."

"Bakit inis ka? Totoo ba?" tukso ko pa sa kanya.

Yamot siyang tumingin sa akin. "Bobo ka ba? Kaibigan ko lang 'yon!"

"Magkaibigan daw pero..." Pabitin ko para mas mainis siya. " Oh, sige na nga. Kaibigan na lang," natatawang sabi ko dahil sinamaan niya na ako ng tingin. "Awit sis, nafriendzone kaya pala gustong maginom."

"Hindi nga sabi! Paulit-ulit!"

"HAHAHAHAHAHAHA bakit ka pikon? Don't tell me may feel--" kaagad pinutol Vien ang sasabihin ni Kala.

"Ano?! Pucha, mandiri ka nga!" Bigla siyang napaupo at napaigik ako ng pabiro niya akong sinabunutan mula sa likod.

"Aray ko, pota. Bakit ako sinabunutan mo?! Si Kala nagsabi no'n ah!" reklamo ko kaagad nang bitawan niya na ang buhok ko.

"Eh gago ka pala eh, nagda-drive siya! Paano kapag bumangga tayo? Kahit sa impyerno, hindi tayo tatanggapin kaya wala tayong matutuluyan sa susunod na buhay!"

Inirapan ko siya. "Ikaw lang, huwag mo kaming idamay."

"Wow! Sobrang banal mo naman, Dolly! Bakit hindi ka kaya magmadre?!"

Natawa ako. "Ayoko. Papalapit pa lang ako, tumatakbo na yung kumbento."

Kala laughed so hard after hearing it that I ended up laughing too. Vien tried to stop herself but eventually ended up laughing with us. Minura pa nga ako dahil sa sinabi ko.

They've been my best friends since grade 9. I don't really know how we clicked, especially since we don't seem to have much in common. Ang chaotic namin kapag magkasama, at sawang-sawa na ako sa kanilang pagmumukha, lalong-lalo na kay Vien.

Vien is charming and cool at the same time. May pagka-boyish siya ng kaunti, and she's very confident about herself. She has a dimple, at sobrang lalim no'n lalo na kapag ngumingiti siya. She's tall too, and morena. We differ when it comes to complexion.

I'm extremely fair-skinned, almost paper-white. Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit I always stand out and why people always notice me first. My wavy hair is so dark that it complements my skin tone. My hair matches the color of my eyes, and my lips are perfectly heart-shaped, kaya sinasabi ng karamihan na I look so slutty.

Kala, on the other hand, is the most glamorous among us. Ang sosyal niya laging tingnan! She's always dressed so flashy kahit na kakain lang kami diyan sa tabi. Magmumukha ka talagang yaya kapag kasama mo siya at hindi ka nag-aayos. Ang tangkad din niya at ang ganda, pang pageant.

Among us four, Ayel is the epitome of prim and proper. She exudes elegance and grace. I really envy her perfectly sculpted small face na parang mannequin. Singkit siya at may buhok na parang araw-araw nagrejoice. Hindi lang siya maganda, she's smart too.

"Gago, mukha tuloy akong nakipagsex dahil sa buhok ko," busangot ko habang inaayos ang sarili.

Nakapark lang kami sa labas ng bar dahil nag-aayos pa ako. Parang tanga kasi 'tong si Vien. Hindi daw totoo pero napikon naman at sinabunutan pa nga ako! Defensive masyado.

Vien rolled her eyes. "Okay lang 'yan. Totohanin mo din naman sa loob mamaya."

"Oh my gosh!" We both turned to Kala when she excitedly shrieked na parang natapakang daga.

"Can you still remember Florian and Peach?! Yung classmates natin noong high school!" sunod na sunod na sabi niya.

"Oo, bakit?" curious na tanong ko. Napaayos din si Vien ng upo saka gumalaw papalapit sa amin. Feeling niya siguro chismis. "Nabuntis ba ng iba?"

"No! What the hell?! Nag-aaya lang silang magclub this Friday. Anniversary daw nila and they wanted to invite us! " dagdag niya pa habang kinakalikot ang phone niya, siguro nagrereply sa text message.

"Sino? Yung kaklase nating si Peach na pabida? Yung laging naglalagay ng plastic sa bag ko?!" May sama ng loob na tanong ni Vien. "Eh diba inagaw niya lang naman 'yang si Florian kay ano?"

"Oo iyon! But can you drop that issue already? I mean Grade 10 pa tayo noon! Like we are so immature pa back then," said Kala with matching hand gestures.

Vien frowned and rolled her eyes, "Hindi 'no! Ang agaw ay agaw! But whatever. Kahit ano namang gawin niya, galit pa din ako sakaniya dahil nilagyan niya ng plastic ang bag ko!"

"I already said yes, okay? Parang reunion na din after many years and to catch up naman diba with our other former classmates!" Kala sounded excited.

"What?" growled Vien. "Wala akong oras para makipagplastikan kay Peach. Bangasan ko mukha no'n eh."

"You'll come, and that's final. I'll also persuade Ayel to come with us since she needs to go out paminsan-minsan," said Kala as she surveyed me to see if I'm already done fixing myself.

"Let's go," ani niya nang makitang okay na ako saka nauna ng bumaba.

Nang makapasok kami sa bar ay kaagad kaming sinalubong ng mga kaklase ni Kala. Pumunta kaming couch nila at nakipagplastikan lang.  Akala mo din nagpanic buying ng alcohol si Kala dahil sa dami ng binili. Hindi naman namin kayang ubusin 'to.

Nagpaunahan pa kaming makaubos ng tatlong basong alak ni Vien dahil hinamon niya ako. "Hina mo naman," mayabang na sabi niya pa nang mauna siyang matapos. Pinapanuod na lang niya ako ngayong ubusin ang panghuling baso ko.

Tinaasan ko lang siya ng panggitnang daliri bilang sagot. Pagkatapos no'n ay kaagad akong kinaladkad ni Kala sa dancefloor para hanapin crush niya at maghanap na rin ng lalaki. Nagpaiwan naman si Vien dahil alak nga lang daw talaga yung habol niya.

Bago pa lang ako sa dance floor ay may humawak na kaagad sa bewang ko. Nakangiti ko itong tiningnan at nauwi 'yon sa pagkunot ng noo nang makita kong si Knoxx iyon.

Siya 'yong kalandian ko kanina sa library na boyfriend ni Lilura. We've been flirting for almost what? A month? I don't know really. Sinabayan ko lang ang trip niya. I'll dump him when I got bored playing with him.

Hindi naman ako pokpok. NBSB nga ako to be honest. NBSB na maraming nakaflings, talking stage, saka naka M.U. Hindi ako takot sa commitment. Aware lang talaga akong red flag ako at hindi ako kamahal-mahal. Another reason why hindi ako sumusubok sa relasyon is because madali akong mabored. Ako yung talo sa huli kapag nagpatali ako.

"Hi," ani nito saka pinatakan ako ng halik sa labi.

"Hello," ngiting balik ko.

Pinulupot ko ang kamay ko sa kanyang leeg at nilapit ang katawan ko sa kanya lalo. Tumingkayad ako at siniil siya ng halik. Kaagad niya naman iyong tinugon. Bumitaw lang ako sa kanya nang maubusan na ako ng hininga.

"You don't expect to see me here, huh?" he whispered in my ear.

"Yeah, kind of," I answered in a monotone. Though I have an idea that he followed me here kasi inupdate ko siya kanina when he asked.

We stayed there for a while, and the next thing I knew, I was already making out with him in a vacant room upstairs.

"Wait, wait," pigil ko sa kaniya nang mag-iba ang bilis ng mga galaw niya lalo na ang kamay niya.

Hanep. Gusto na ata akong ikama.

"You don't want to do it?" He asked with confusion when I pushed him a little.

"Tayo ba para gawin ko 'yon?" Nakataas ang kilay na palusot ko kahit ginawa ko na ito sa iba kahit wala kaming relasyon.

Ayoko lang talagang gawin sa kaniya kasi delikado kapag nagtagal, lalo na't may sabit siya. Hassle.

He was silent for seconds. "I broke up with Lilura."

Doon na ako napatigil. Sinulyapan ko siya ng mabilis. Kumawala ako sa kaniya at palihim na napamura.

"Yeah? So?" I crossed my arms at maldita kong tiningnan siya.

Wala naman talaga akong pakialam sa kanilang dalawa. Ang dami nilang drama. Hindi ko naman talaga siya dapat papatulan noong una kasi nga jowa siya ng papansin kong kaklase pero ayan akong tigilan ng landi e. Nacurious din tuloy ako kung ano ang feeling na makipaglaro sa kaniya, and I can say it was exciting... and thrilling.

Ang mahirap lang kapag nilandi ka ng lalaking may sabit e ikaw pa yung magmumukhang may kasalanan. I mean oo, partly pero hindi naman lahat. 

Kesyo daw kahit alam na namin na may jowa na eh papatulan pa namin. Gosh, napakatanga nila. Dapat sinabi din nila 'yan sa mga malilibog nilang jowa. Alam naman ng mga jowa nila na commited dapat sila eh pero bakit makikipaglandian pa sila sa iba? 

"So.." he hesitantly said.

"What?" I asked, annoyed. Alam ko na kung saan papunta 'to. Dumb fuck. Ito yung ayaw ko sa lahat eh.

Napapatingin tuloy ako sa pinto. Gusto ko ng umalis at iwan siya dito pero gusto ko ding tapusin yung namamagitan sa amin. Baka mas lalong lumala kapag hindi ko pa tinuldukan ngayon.

He sighed deeply and bravely meets my stare. "So we can continue what we had now."

Silence filled the room. Nakatingin lang kami sa isa't isa, processing what he said. Maya-maya pa'y umalingawngaw ang tawa ko. Napahampas pa ako sa binti ko dahil sa sobrang nakakatawang sinabi niya.

"Wait," I told him, gesturing with a stop sign while laughing hard. "Anong sabi mo?" I asked, wiping my tears from laughing too much.

He looked annoyed as he stared at me, gritting his teeth. It seems like he wasn't dumb not to read the situation we were in.

"Knoxx..." I called him and shook my head. "There's no 'we'," I laughingly added.

"Naglolokohan lang ba tayo dito Dolly?!" He asked angrily. "Pinaglalaruan mo lang ba ako?!"

I stopped laughing. "Nagkaseryosohan ba tayo?" I asked, raising my brow. "Because the last time I checked, we were just playing around and having fun."

"We kissed and made out! Ng ilang beses!" he pointed out through gritted teeth.

Ah. So importante 'yon sa kaniya, huh?

"C'mon. It's just a kiss. I kiss whoever I want to kiss." I gestured with my hand like it was nothing.

He closed his fist. "I fucking cheated on Lilura for you, Dolly! I even broke up with her just so we can be together!"

I huffed, starting to get really annoyed. "So? Anong gagawin ko? Gusto mo bang bigyan kita ng reward dahil do'n? O gusto mong magcelebrate tayo? Wow? Ganon?" Sarkastik kong tanong sa kaniya saka napailing. "Knoxx, wala akong pake kahit maghiwalay pa kayo, okay?"

He closed his eyes tightly before sighing deeply. He looked at me intently. "Dolly...I...I like you okay? So please--"

"Stop. Ayokong marinig," I even raised my hand and gestured a stop sign again. I sighed and stared at him too. "Knoxx, I don't like you, okay? What we had was just for fun, that's it." Paliwanag ko sa kaniya. "Siguro confuse ka lang at hindi mo talaga ako gusto. Or maybe you were just carried away by the thrill kasi thrilling naman talaga akong tao. Or probably it's your libido talking and convincing you na may nararamdaman ka sa akin pero ang totoo ay malibog ka lang talaga at gusto mo lang talaga akong kamahin."

"Fuck," he ran his fingers through his hair and licked his lips out of stress. "I'm serious, Dolly. This is not just libido or something! Nahuhulog na ako sa 'yo!"

Hindi ko mapigilang mapangiwi sa sinigaw niya. Ramdam kong nanayo ang balahibo ko. Shit. Ang cringe non.

"Can't we... just give this a try?" nagsusumamamong tanong niya.

"Ayoko. " Walang pag-alinlangang sagot ko. I breathe  deeply nang makita ang nasasaktan niyang mukha. "If you want, pwede naman tayong maging magkaibigan e. Iyon lang ang maooffer ko sa 'yo."

"I can't be your friend, Dolly," he shook his head. "If that's all we can be, then let's just forget this ever happened and continue what we have."

"Knoxx, sa tingin mo kaya ko pa bang gawin lahat ng pinaggagawa natin after what you've confessed?" Balik ko sa kaniya. Ang awkward nun kung sakali, playing with someone knowing they have feelings for you. "That will only complicate things, at  please lang, ayoko ng drama. I can only offer you friendship, and if you don't want that, then okay. I don't care," I said and shrugged my shoulders. "Wala namang mawawala sa akin kung ayaw mo."

Mukhang narealize niya rin na he had no other choice, either he chose the friendship he didn't want or nothing at all. Kahit ano naman ang piliin niya doon, talo pa rin siya. He shook his head in frustration and raised both hands, giving up. I accepted his decision with a shrug and left the room.

Medyo wala na tuloy ako sa mood habang naglalakad pabalik sa couch namin. Mas lalo akong nayamot nang may bumangga sa akin. Nagsabay kasi kami sa pintuan. Irita akong napalingon sa kaniya. Nawala lang ang kunot ng noo ko nang makitang pogi ang mukha niya kasi napatingin din siya sa akin.

I was about to open my mouth to apologize, planning to use it as an excuse to start a conversation, when he suddenly smiled... which didn't quite reach his eyes, and said, "Sorry. "

Pagkatapos non kaagad din siyang tumalikod at naglakad palayo. Naiwan tuloy akong nakatitig sa balikat at sa mahabang buhok niya sa likod, medyo nanghihinayang.

"Oh? Tapos ka na? Ang bilis naman." Bagot na bungad sa akin ni Vien nang makabalik na ako at binigyan ako ng isang shot ng tequila.

Kinuha ko naman iyon at uminom ng kaunti. I raised my brows. "Ano nangyari diyan?" I aksed and pointed Kala using my lips. Para kasing natalo sa lotto ang mukha niya.

"Ah 'yan?" Barumbadong sagot ni Vien at tinuro si Kala. Natawa pa siya ng kaunti, gustong mangbad trip. "Huwag mong pansinin 'yan. Napagod lang 'yan kakalibot ng buong bar. Binaliktad niya na lahat-lahat pero hindi niya pa din nakita kahit anino ng crush niya."

"I'm just here oh. The way you talk about me it looks like wala ako here," irap ni Kala.

"Ah talaga? We don't tanong you naman," pang-aasar pa ni Vien at kaagad tumawa nang samaan siya ng huli.

"Smoke muna ako." Paalam ko sa kanila saka lumabas na, hinayaan silang magbangayan don.

Sumandal ako sa pader, medyo nagbigay ng space sa lalaking may kausap sa cellphone para bigyan siya ng privacy.

"Fuck," iritang mura ko nang nilabas ko ang sigarilyo ko at makitang wala akong lighter na dala.

"Hey, can I borrow your light...er. " sambit ko at medyo napahinto ng kaunti after seeing the guy na nakabungguan ko earlier, he's on his phone.

Napalingon siya sa akin. Sakto pang nagsisindi din siya ng sigarilyo na nasa bibig niya kaya kitang-kita ko kung gaano kaflawless yung mukha niya dahil sa reflection ng apoy. Naks, poreless ang lolo niyo.

"Thanks," ngiti ko nang binigay niya sa akin yung lighter after niyang gamitin. Nagsindi ako ng sigarilyo ko saka napalingon sa kaniya nang bumuntong-hininga siya.

"Why bother going there if you're just going to push me away again?" he said bitterly, with a painful smile on his lips.

Sheesh. Grabeng hugot naman 'yon. Napaiwas tuloy ako ng tingin kasi parang nainvade ko yung privacy niya. Pero mukhang kailangan niya ng magcocomfort sa kaniya ngayon. Sakto, pwedeng-pwede ako. I volunteer as tribute maging kasubstitute! Char.

Kung ako 'yan, hindi kita itutulak papalayo.

"Here," balik ko sa kaniya nang lighter after niyang ibaba yung tawag.

Sino kaya 'yon? Girlfriend niya? Tapos LQ sila? Or ex niya? Kafling, ganon?

Binalot kami ng katahimikan pagkatapos non habang naninigarilyo. Napuno na tuloy ng usok yung paligid namin. Pasulyap-sulyap pa ako sa kaniya, tinitingnan ang mukha niya kasi parang hindi ako matatahimik kung hindi ko mapagsasawa yung mata ko kakatingin.

I took my cigarette from my mouth and let the smoke out while still staring at him.

He's tall and well-dressed. Nakatupi ang manggas ng long-sleeves niya hanggang sa siko, the reason why I could see his viens on his arms. Bukas din ang tatlong butones ng damit niya kaya kitang-kita ko dibdib niya na mukhang masarap higaan.

His hair caught my attention the most. It is black and long. Hanggang balikat niya ang haba. Some strands are scattered like wildflowers on his face while the others are tied at the back. His black brows are thick and fuck. His nose is sharp like his jaw. And his lips. It looks so inviting. Parang ang sarap halikan saka kagatin ng ilang ulit.

Napalunok tuloy ako ng wala sa oras kaya binalik ko na lang ang sigarilyo sa bibig ko at iyon ang kinagat-kagat, iniimagine na labi niya 'yon.

"Is there something you'd like to say to me?" he suddenly asked, turning to look at me. "Since you're staring so much." He took the cigarette from his mouth at binuga ang usok saka ngumiti sa akin.

I suddenly bit the insides of my cheeks because of that. Shit. Potangina. Ang pogi talaga.

"Wala naman. Ang gwapo mo lang." Honest na sagot ko.

Napaubo siya sa pagiging straight forward ko. I heard a puffing sound that eventually became a chuckle. "Thanks. I heard that a lot. "

Wow. Ang yabang.

"Alam mo, bet kita." Walang hiyang sabi ko. "Wanna hook up?"

Medyo natigilan siya doon sa tinanong ko. I heard him chuckled as  I watched him throw the remaining cigar on the ground and stepped on it to put it out. Mukhang paalis na siya.

He then looked at me with a kind smile before he shook his head.

"Bakit naman? Hindi naman kita type."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro