Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY THREE

Mabilis na lumipas ang araw at araw ng Martes pagkatapos ng oras ng trabaho ay naghihintay sa akin si Peter sa malapit na restaurant sa bahay.

Agad ko syang nilapitan at nagulat sya ng makita akong nakaupo sa harapan nya.

"Mabilis lang 'to. Fine. Be the father of the kids. Buwan-buwan mong tustusan ang pangangailangan ng mga bata. Sabado at Linggo lang ang araw ng pagbisita mo. Pero sa isang kondisyon, bawal malaman sa opisina ang tungkol sa mga anak ko at sa ugnayan nateng dalawa." I said at tiningnan sya sa mga mata.

"Bakit ayaw mo ipaalam sa opisina? Kinakahiya mo ba ang mga bata?" Tanong ni Peter at bakas sa mukha ang pagkalungkot at pagtataka.
"Oo. Hindi nila malalaman ang tungkol sa ating dalawa."

"Okay. Pakipirmahan na lang 'tong napagkasunduan naten." Sabi ko sabay labas ng kontrata at agad na pinirmahan iyon ni Peter.

Tahimik nya akong tinitigan at kinakalkula ang kilos ko.

Tinago ko ang kontrata sa bag ko at agad na tumayo.

"Olivia." Banggit ni Peter at napahinto ako sa paglalakad papuntang pintuan ng restaurant.
"Sana malaman ko rin ang dahilan kung bakit kailangan mong itago sa lahat ang pagiging ina mo."

Napabuga ako ng hangin at umalis na ng lugar na iyon.

Umuwi ako ng magaan ang loob.

Para sa mga bata ang pagpayag kong makita at makasama sila.

Sinundo ko ang mga anak ko sa bahay nila Odessa at agad kameng kumain ng uwi kong ulam sa kanila.

Pagsapit ng alas-otso ay hinanda ko na sila sa pagtulog.

Kinabukasan, dire-diretso ako sa elevator paakyat sa opisina namin ni Mr. Park matapos kausapin ang head ng isang departamento sa 5th floor nang mapansin ang komosyon sa bukana nito.

Doon ko nakita si Amanda na walang malay sa loob ng elevator at nakaalalay sa kanya ang ilang empleyado.

Agad akong tumawag ng nurse at dinala namin sya sa floor namin ni Mr. Park kung saan meron syang sariling kwarto kapag kailangan nyang mag-overtime.

Ayon sa nurse, kailangan sya masuri ng doctor kung kaya't tinawagan ko ang on-call doctor namin.

Sinabihan ko agad si Mr. Park na kasalukuyang nasa isang meeting sa labas ng opisina.

Agad syang nagpasalamat sa akin at sinabing pabalik na siya dito sa opisina upang alagaan si Amanda.

Gusto kong matawa sa kanya dahil hanggang ngayon ay secret admirer pa din ang peg nya.

Ayaw nya pa ding magpakilala kay Amanda at pormal na manligaw dito.

Hinayaan ko munang magpahinga si Amanda at saktong dating ni Mr. Park ay katatapos lang din ng doctor na suriin sya.

Tinapos ko ang mga gawain ko ngayong araw at ako muna ang humalili sa client meetings ni Sir Park.

Dumating ang hapon at nabasa ko ang group chat na ginawa nila Toniboy.

Ayon sa kanila, inatake sa puso ang ama ni Amanda.

Mabuti na lang at pabalik na ako sa opisina.

Pumara na ako ng taxi at chinat ang kaibigan. Pinahintay ko na din ang driver para ihatid kami sa ospital kung saan nandoon ang mga magulang ni Amanda

Pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ng opisina ni Mr. Park, nakita ko si Amanda na maluha-luha.

Inalalayan ko sya at sumakay sa taxi na nakaabang sa amin.

Pagkadating namin sa ospital, nagpasalamat ako sa driver at binayaran ito bago kami umalis sa sasakyan.

Andoon na sila Toniboy at Leni sa kwarto ng tatay ni Amanda at niyakap nila ang aming kaibigan.

Napag-alaman namin na may cancer ang tatay ni Amanda at malignant na ito. Kinakailangan na syang ipa-chemotherapy.

Hindi nagtagal niyaya namen sila Amanda na kumain na muna habang binabantayan ang ama.

Sumapit ang alas otso ng gabi at lumabas muna ako saglit upang pansamantalang ibilin ang mga anak ko kay Odessa.

Pumayag itong magsleep-over ang mga bata sa kanila na siya namang kinatuwa nila dahil kasama nila ang kanilang mga kaibigang sila Yoshua at Ylliad.

Nagsimula ng magpaalam sila Toniboy at Leni dahil may mga trabaho pa sila kinabukasan.

Ako naman ay tahimik na inayos ang mga nadalang gamit nya sa table at aparador doon.

"Olivia, my friend, alas dies na. Late na, sana sumabay ka na kila Jess." Sabi sa akin ni Amanda.

"I'm staying." banggit ko at naluha naman si Amanda sa. "Wag mo kong alalahanin. Ibinilin - I mean, may leave credits pa ako kay boss kaya sasamahan kitang alagaan ang mga magulang mo ngayon. Kaya, ayusin mo na ang couch at magrerequest ako ng mattress at isa pang unan sa nurses' station."

Napatango na lang ito at sinunod ang sinabi ko.

Bilang lang sa kamay ang mga maituturing kong kaibigan at talagang pinahahalagahan ko sila.

Kahit man lang sa sarili kong paraan ay maipadama ko sa kanila na andito lang ako sa tabi nila para damayan at suportahan sila kung kinakailangan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro