Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY FIVE

Lumipas pa ang ilang buwan at habang tumatagal, napapansin ko na hindi lang sa mga bata ang atensyon ni Peter.

Naging kaibigan nya na din ang ilan sa mga kaibigan ko katulad ni Giselle at Odessa.

Ganon pa din ang trato ni Peter sa mga kaibigan ko sa opisina na sina Toniboy. Yung usual na tanguan at batian.

Marahil, takot din sya sa akin na hindi pakita sa kanya ang mga anak namin.

Dagdag pa dito, kada punta nya sa bahay, hindi din nawawala ang mga pabulaklak at kung ano anong maisipan na regalo para sa akin.

Gusto kong isipin na nagpapahiwatig sya pero ayoko mag-assume.

Oo na lang ako kasi ayoko din naman sya o baka ako ang mapahiya.

Hihintayin ko na lang na magsabi sya sa akin ng pormal.

Pero, aaminin ko, kinikilig din ako.

Halos nakalimutan ko na si Reagan na unang nagpahiwatig sa akin na gusto nya ako.

Kinailangan nyang maglagi sa America dahil sa business ng pamilya nila.

Dalawang beses o minsan ay isa na umuuwi si Reagan dito para lamang icheck ang branch ng kanilang kumpanya dito.

Isang clothing line din ang ineendorso nya kaya madalas syang laman ng mga dyaryo at magazine pati na din sa social networking sites at platforms.

Weekend na ulet at hindi na bago sa paningin ko ang makita na nakikipaglaro si Peter kay Olga habang nanonood naman si Oliver ng Spongebob sa tv namin.

"Bakla! Wag ka mawawala sa birthday ng bf ko." Leni said.

"Hala. Kelan nga ule?" Tanong ko sa kanya sa cellphone.

"Next month pa naman. Sabado. 24." Sagot ni Leni at pilit inalala kung may schedule ako o kame ng mga bata sa araw na yun.

Nakita ko naman sa wall calendar namen na schedule ng mga bata iyon sa dentist nila.

"Titingnan ko muna bakla. Hindi ko kabisado kung may ganap ako ng araw na yun." Sagot ko at napabuntung hininga si Leni.

"Hayy.. kabisado ko na yang ganyang dahilan. Hmmp." Tunog pagtatampo naman si Leni.

"Pasensya, bakla. Hindi ako sigurado pa." Pagpapaumanhin ko kay Leni.

"Sige. Balitaan mo ko pag magbago ang isip mo! Babush!" Leni said and hung up.

I sighed and returned my cellphone on top of the side table.

"My! Kain daw tayo sa Jolibee sabi ni Dada!" Masayang sabi ni Olga habang nagtatalon sa sofa.

Oliver looked excited as well. Tiningnan nya ako para bang sinasabi na pumayag na.

Peter, on the other hand, flashed me his signature toothy grin while holding Olga's hands, ready to catch her anytime.

"Okay! Bihis na tayo?" Tanong ko at sinuklian ng ngiti ang kambal pati si Peter.

Nagmamadaling bumaba si Olga sa sofa at tinalunan ako upang yakapin at hilahin papuntang kwarto nila.

Tahimik na sumunod naman si Oliver pero hindi matanggal ang ngiti niya.

Makalipas ang tatlumpung minuto, handa na kame na umalis.

Hawak ni Peter ang kamay ni Oliver at pinagbuksan nito ng pintuan sa likod ng kotse habang ako naman kay Olga.

Katulad ng nakagawian, sa passenger seat ako naupo at nakasunod lang sa amin sa hiwalay na sasakyan ang apat nyang bodyguard.

Nakarating kame sa paboritong fastfood ng mga bata sa loob lamang ng tatlumpung minuto.

Si Peter ang umorder sa amin at sinamahan na lang sya ng isa nyang bodyguard.

Bakas sa mga mukha ng aming mga anak ang saya at nagulat na lang ako ng sabay silang sumigaw.

"Dada Reagan!!" Sabay nilang sabi at ako naman ay napalingon sa lalaki.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita sya ng malapitan.

"Hello, misis ko."

At eksaktong nakabalik na din si Peter mula sa counter bitbit ang aming mga pagkain.

"Dude, Reagan!"

"Uy, pre, So Jin!!"

Right then and there, I knew I was in trouble.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro