FORTY
"Oli! Can you call Leni and Jess in my office? And call Kristina also. Please order us food from our fave restaurant na din. Tell them we have a meeting." Mr. Park ordered from his table.
"Alright, Sir." I said and started pressing the connecting numbers to their respective departments.
"Hello, Leni? Bakla, pakisabi kay bakla na may meeting tayo dito sa office namen ni Mr. Park." I said.
"Kaintriga naman 'yan, bakla. Tungkol saan ba?" Leni asked.
"Waley idea. Basta punta na kayo, now na." I said and hung up the phone.
"Hello, may I please speak with Miss Kristina Santos?" I asked someone in the Accounting Office.
"Hello, this is she. How may I help you?" Kristina answered.
"Baks, Oli to. Busy pa you? May meeting tayo ngayon with Mr. Park dito sa office namin. Akyat ka na dito ha."
"Luh! Ano nagawa ko?" Gulat na tanong ni Kristina.
"Gaga! Basta umakyat ka na lang, bye." I said then hung up.
I then called our fave restaurant and ordered lasagna, garlic bread, pizza and a two liters of coke. I told them our delivery address, thanked them then hung up.
"Okay na, Sir. Bakit biglaan? After 15 minutes pa daw po madedeliver dito yung foods." I asked.
"Ayos lang. Basta, dapat magmeeting tayo ngayon. " Mr. Park said grinning.
I just raised an eyebrow and shook my head.
Napaka-impulsive talaga!
Maya-maya ay nagdatingan na sina Jess at Leni kasabay si Kristina.
Pare-parehong may mga dalang ballpen at notepad.
Pinaupo agad kaming apat ni Mr. Park sa couch at umupo sya sa palagi nyang pwesto.
"What's the fuss? Hahaha! Relax, mga bakla!" Park laughed while looking at us.
"Gusto kong isurprise si Amanda sa birthday nya sa Sabado. Pwede nyo ba akong tulungan?" He asked and we all finally relaxed.
"Ano ba naman yan, papi!" Natawa na lang kami ni Leni sa reaksyon ni Jessica at napangiti si Kristina.
"Pwede ko bang isali si Tristan sa pagpaplano naten? Magaling magdesign yun. Pwede syang makatulong sa atin sa pagdecorate." Tanong ni Leni at tumango si Park sa kanya. "Excuse lang po. Tawagan ko lang sya." Sabi nya at kinuha ang cellphone sa bulsa at agad na tinawagan si Tristan.
Hindi nagtagal at nagpaplano na kame ng mga dadalhin na pagkain at kung paano susurpresahin ang aming kaibigan.
"Wag nyo intindihin ang lugar at budget, ako na bahala dun. Sa bahay nila Amanda naten gagawin yun party. " Ngiting sambit ni Park sa amin.
"Excuse lang, Mr. Park. Andyan na po 'ata ang food naten." Singit ko sa usapan at automatic na inabot nya sa akin ang ilang cash para pambayad sa pagkain.
Tumayo ako at pumunta sa pintuan.
Magkasabay dumating si Tristan at Delivery Boy.
Ng makita ni Kristina na madami akong kukunin sa delivery boy, agad nya akong tinulungan sa pagbuhat at paglagay sa center table.
Mabuti na lang pala at sinobrahan ko ang orders dahil natunugan ko na ang plano ni Park.
"Sana all talaga may jowa!" Natatawang hirit ni Jessica habang kumakain ng lasagna.
"Andyan naman si Kristina oh!" Pang-aasar pa ni Park at agad na inirapan ni Kristina si Jessica.
"Nako, papi! Mas babae pa akong kumilos dyan kay Kristi! Wag na noh!" Jessica exclaimed at nakatanggap ng batok mula sa babae. "Tingnan mo nga oh! Napaka- amazona!"
Natawa na lang kami ni Leni at nagpalitan ng ngiti.
Napapansin kasi namin na palaging trip inisin ni Jessica si Kristina.
Naging close na din kasi sa amin ang dalaga nito lang ng makilala namin sya sa ospital ng sinugod doon si Amanda pagkatapos makatakas sa isang attempted rape.
Tinuloy namin ang masarap na kwentuhan na may kasamang mga pagkain.
Nagnonotes naman ako habang kumakain at napatingin na lang ako kay Park ng tawagin nya ang atensyon ko.
"Dalin mo na din sila Olga at Oliver ha." Banggit nya at ako ay napangiti.
"Ok po. Thank you sa imbitasyon. "
"Oo nga! Nakakamiss ang kambal!" Jessica exclaimed at ngayon naman ay nginunguya ang garlic bread.
"Sana talaga palaging kasama ako sa meeting para may ganitong kasarap na foods!"
Napailing na lang kaming lima nina Leni sa katakawan ng kaibigan.
Matapos ang ilang pagpinal sa plano ay nagsibalikan na din sila sa trabaho.
Sinimulan ko na ding ligpitin ang mga pinagkainan namin at linisin ang lamesa.
"Pahinga lang ako sa kwarto, Oli. Pakigising ako ng ala-una." Pakiusap ni Park.
"Sure. Mag-aalarm ako saken. Iidlip din ako saglit. Haha!" I said and he nodded.
He went to his bedroom and I dimmed the lights in our office before posting our Lunchbreak sign on our door.
I took a nap too and woke up five minutes to one pm.
Para akong nabigla ng gising at halos maduwal-duwal ako.
Tumakbo ako sa restroom namin sa loob ng opisina at nilabas ang kinain.
Napakunot ang noo ko at napatingin sa kalendaryo.
Hindi pa ako dinadatnan!
Dapat last week pa ang dating ng dalaw ko.
Kinabahan ako bigla at medyo natuwa.
Naghilamos ako at nagmumog.
Lumabas ako sa banyo at kinuha ang toothbrush at toothpaste ko at bumalik para magsepilyo.
Binuksan ko na ang mga ilaw at tinanggal ang signage namin.
Nag-iinat si Park ng lumabas ng kwarto nya at tiningnan ang oras.
"Ako na muna bahala sa mga bibilhin para sa party ni Amanda sa Sabado. Reimburse mo na lang pagkatapos." Banggit ko bago sya mag-ayos ng mga gamit nya para sa meeting sa isang kliyente sa labas ng opisina.
Tumango sya at naghikab pa.
"Alis na ako, Oli. Baka matraffic ako sa alas tres na meeting. Uwi ka na din agad ha. O susunduin ka ni hyeong?"
"Okay. Hindi kami magkikita ngayon. Nasa Europe sya. May inaasikaso daw." Sagot ko.
"Waw! Nawa'y lahat!" Pang-aasar nya pa na may ngisi sa mukha.
"Alis na ko."
"Oo na..Kanina ka pa. Paolet-olet?" Natawa nalang sya habang paalis ng opisina.
Mukhang kakailanganin kong makumpirma ang pangatlong pagkakataon na to.
---
Sumapit ang kaarawan ni Amanda at naging masaya ito dahil kumpleto ang barkada.
Higit na naging mas masaya kami ng lumipas ang isang buwan ay nakompirma naming buntis nga sya at magkakaroon ng mga kalaro ang kambal.
Hindi din ako makapaniwala na magiging mommy uli ako.
Hindi ko muna sinasabi kay So Jin ang magandang balita dahil balak ko syang sorpresahin.
Dumating ang gabi at magkayakap kaming nakahiga sa kama ng bigla akong maduwal na naman at tumakbo sa banyo namin.
"Babe! Okay ka lang babe? Teka, kukuha lang ako ng tubig!" Nagmamadaling sigaw ni So Jin at napailing na lang ako.
Naghilamos ako ng mukha at umupo sa kama.
Inabutan niya ako ng tubig at pinunasan ang aking mukha.
"Ang putla mo, babe. Kumakain ka ba talaga?" Tanong nya ng mapansing tahimik ako.
"Pakikuha nga ang bag ko, iinom pala ako ng gamot." Utos ko at sinunod naman nya.
"Wala naman akong makapang gamot dito. Ano ba 'tong mahaba na to? "
"Kunin mo nga yang mahaba na yan. Pati yung maliit na puting makintab na papel." Utos ko ulet.
Sinunod nya naman ito at kunot-noong tiningnan.
"Kelan pa naging gamot itong pregnancy t-est? Wait! What?" Nanlalaking mata nyanga tanong na hindi makapaniwala sa nakita.
Tumango na lang ako at ngumiti.
"Say hello to our babies, daddy." I said smiling wide.
So Jin blinked and stared at the ultrasound picture.
I could see tears forming in his eyes.
There are two beans in the ultrasound picture.
"Oh my fvcking gosh! We'll have another set of twins again?" He asked and I grinned.
Hindi din nakatiis ang luha ko at sabay sabay din bumagsak.
We cried tears of joy and stared at each other's eyes.
"I love you, babe." We both said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro