Chapter 8
Messenger
Ryker Adeva
Ryker:
thank you for the food!🫶🏻
Aziah:
ULOL
wala ka namang kinain
galing sa akin
Ryker:
wala nga ba? 🤔
Ziah:
PAKYEW
pero thank you sa essential oils
at scented candles
Ryker:
welcome
pahinga ka na. :)
#####
Chapter 8
True to his words, papansin talaga si Ryker Miguel Adeva. Kahit naghuhugas ako ng pwet ay siya ang naalala ko. Ang baboy man pakinggan pero hindi lang sa panaginip lumalabas ang mukha n'ya sa akin.
His long lashes, sharp eyes, perfect jaw, and his masculine skin. . .minsan ay kinakabahan ako na baka mahulog ako sa kan'ya. Not to mention he's affectionate whenever he's around me, totoo rin na walang ibang babae sa paligid kapag magkasama kami.
For a playboy, he oddly makes me feel assured that I'm the only one in his heart right now—kung may puso man talaga siya. O baka nga hindi siya tulad ng mga nakasanayan ko, mas malala siya.
He's both my dreams and my nightmares, how could someone be that dreamy? But can also frighten the hell out of you? Hindi ko rin talaga alam.
I was swaying my feet while pushing myself on the swing. Nasa playground kami ng school ngayon at pinapanood ang iilang mga estudyante sa open field. With a lollipop in my mouth, naiisip ko na agad kung saan patungo ang kung ano mang mayroon sa pagitan naming dalawa.
Weird, hindi pa kami nagsisimula pero alam ko na agad kung ano ang katapusan naming dalawa.
It's nothing serious.
Alam ko naman iyon.
My eyes instantly went towards my phone upon feeling it vibrating in my pocket. I swiped up to see who could possibly be messaging me at this moment. Agad na nagkasalubong ang mga kilay ko nang makita kung sino ito.
Alam ko naman ang set-up namin.
Pero hindi ba dapat nagco-contact-an lang kaming dalawa kapag call of libog lang? Bakit may pa-update ang isang ito na para bang kailangan kong malaman nag nag-re-review siya?
Ryker:
if i won't reply in a minute, naka-off notifs ko. currently reviewing for an exam tomorrow 😪
pero if urgent yung gusto mong sabihin, call this number 09*********. bought another sim just for you.
Ziah:
Weird
Bakit ka pa bibili ng sim? haha
Ryker:
i hate being interrupted during my study session. naka-turn off madalas ang internet ko para nakakaiwas ako sa distractions. nagtatanggal din ako ng sim para walang messages or texts from other people.
but i also hate not being to tend to you, babe. kaya bumili ako ng sim na para lang sa 'yo. para lang kung may kailangan kang sabihin agad, mababasa ko rin.
Ziah:
👍
Mabuti na lang na sa chat n'ya lang iyon binanggit. He won't see my heating cheeks and the way my lips are almost wounded because I kept on biting it. Bawal kang kiligin, Ziah. This guy probably owns a lot of sims already! Sa dami ng naging babae n'ya! He's only trying to sway you! Huwag ka papa-apekto!
Bumili lang ng sim para sa 'yo, mahal ka na agad? Tanga!
I grimaced upon thinking about it. Tama, hindi dapat ako kiligin doon dahil wala naman nakakakilig kung hinihiwalay n'ya ako sa mga distractions at ang tingin n'ya ay importante. It's nothing! I shouldn't put meaning to empty actions.
"Dad, can you tie my shoelaces for me?"
Napalingon ako sa batang babae na huminto sa paglalakad. She was eating an ice cream as she pointed on her shoes with some laces being loose. Kasunod naman n'ya ang isang lalaki na nasa 40's na siguro. The girl was probably in junior high school based on her uniform alone. Naka-pigtails siya habang nakaabante ang isang paa dahil medyo maluwag nga ang sintas nito.
"Akin na nga," halakhak ng lalaki. "Ito talagang anak ko oh. . ."
I don't why it felt like my insides were being pricked by a cactus plant. Nanatili akong nakatingin sa mag-ama habang nakayuko na yung ama n'ya upang magtali ng kan'yang sintas.
The side of my eyes stings. Umiwas na lang ako ng tingin bago pa man maiyak.
Ayokong pinaguusapan ang tatay ko. . .kasi nangungulila ako sa isang tao na kahit kailan ay di naman yata ako naisip.
I hate that I have to badly pretend that it doesn't bother me, because if people would know how I think about it every single time that I feel like I needed someone to defend me, understand me, believe in me. . .they would feel bad that I don't have a that kind of person.
All of these ugly feelings just because of a shoelace—fuck it, may slip ons naman kasi! Bakit kailangan pang magsapatos?
Iritado akong tumingin sa cellphone hanggang sa unti-unting may pumatak na luha sa screen nito. Marahan ko itong pinalis dahil hindi ko na dapat ito iniiyakan. Sanay na dapat ako. Dalawampung taon na akong walang tatay. Hindi na dapat ako. . .nasasaktan sa ganito.
All the anger and resentment were just clouded longing for someone who would never longed for me the same way that I do.
Ziah:
Anong oras tapos mo?
Ryker:
around 10pm
Ziah:
Putangina!?
Nagaaral ka hanggang 10pm!?
Ryker:
yes
Ziah:
Pwede ako punta dyan?
Ryker:
ano gagawin?
Ziah:
Boring lang dito ☹️
Ryker:
kotse o motor?
Ziah:
What?
Ryker:
sasakyan mo
Ziah:
Ikaw, syempre 🩷
Ryker:
😃😃😃😃
ate ko????
Ziah:
Kahit ano
Kaya ko naman mag-commute?
Ryker:
Babe, just send me the pick up point, alright? mag-book na ako.
Ziah:
Ng hotel???
Ryker:
ate ko, i am reviewing nga 🥲
Ziah:
Di kaya mag-multitask?
Mahina ka pala eh haha
I added the last line to spite him. Honestly, wala rin naman talaga ako sa mood makipaglandian sa kan'ya. But for some reason, he's the only one who I can think of that can distract me from these thoughts. He's the sole person who probably won't make me feel alone. I just needed some heat. . .or maybe his warmth made me feel comfortable to have him around.
Ilang minuto lang ang lumipas nang may dumating na sasakyan. Ryker sent me a screenshot containing the driver's information, at nang tinawag ako nung driver ay nakumpirma ko ngang para sa akin ang sakay. It took a while before I managed to find his condo unit. Nilagay ko lang doon ang 0109 na passcode n'ya at hinintay itong bumukas.
The scent of his unit filled my nostrils. Jamais vu—I know that the scent was familiar but for some reason, with Ryker, everything feels like it's a first. Hindi ito ang unang beses na tumapak ako rito pero pakiramdam ko ay ito ang una naming pagkikita ulit.
Gabi na rin nang makarating ako sa unit n'ya, around 8 p.m. kaya naman nagulat ako nang makita na focused siyang nagbabasa.
His head was deep into his IPad, there was a stack of books and piled of papers just near his work place. Tahimik siyang nagsusulat gamit ng Apple pencil n'ya habang hindi man lang ako nililingon. Pudpod siya sa pagbabasa at naka-reading glasses pa siya, he didn't even notice that I've already enter his unit.
Mananakawan ito nang wala sa oras eh. He was. . .absentminded or probably too focused on studying that he didn't even flinch when I opened the door of his unit. Hindi ba normal respond ang lumingon man lang o mag-angat ng tingin? He didn't do either of those.
I took off my shoes and placed them on a shoe stand. Nakita ko roon ang iilang sapatos ni Ryker, it was neatly placed and most of them almost shine because of how clean they were. Malinis pala talaga siyang tao. Kahit naman sa katawan. . .malinis din talaga siya tapos mabango pa.
Pet peeve ko yata siya eh.
"Seryoso mo naman," panunukso ko nang makitang nag-flip siya ng page.
"Sorry," he said, still not removing his sight on his IPad. "I'm reviewing."
"Kanina ka pa d'yan ah?" Lumapit ako sa kan'ya. "You could have said no if you were busy."
I scooted over next to him. Tahimik s'yang umusog para bigyan ako ng space sa tabi n'ya. Kaunti na lang ay halos ihilig ko na ang ulo ko sa kan'yang balikat sa sobrang lapit ko sa kan'ya.
"I told you," he smiled. "I'm a ziah pleaser, I can't say no to you."
"Pareho lang tayo na halos maraming practical at exams pero todo ka mag-aral. . ." puna ko sa kan'ya. "Ang galing mo."
This time, napalingon s'ya sa akin. His tired eyes met mine. Ngayon ko lang napagtantuan na baka kanina pa siya nagaaral.
"Hindi naman. . ."
"Ang humble," kumento ko pa, I placed my chin on his shoulder, making him look at me.
Nagkalapit ang mukha namin at kaunti na lang ay maglalapat na ang mga labi namin. I smiled at him.
"Hindi nga," tanggi n'ya.
"Give yourself some credit, in order to feel the best; you have to acknowledge that you did your best as well."
"I don't even want to be the best," sabi n'ya at muling bumalik sa pag-no-note taking. Ang mga mata ay halos naluluha na sa pagod.
"Hmm. . ." Hinilig ko ang ulo ko sa balikat n'ya. Hindi siya gumalaw mula sa kan'yang pwesto kung kaya't mas naging comfortable ako sa posisyon naming dalawa.
"It's hard when people have high expectations from you when you don't even have expectations for yourself," he said, bitterness creeping in his face. "I just want to pass but people around me want me to go further."
"You don't have to be the best using the point of view of others, you only have to be the best for yourself," sabi ko sa kan'ya. "Pero para sa akin, the best ka."
Namula si gago. Tinakpan n'ya pa gamit ng kan'yang palad ang kalahati ng kan'yang mukha para hindi ito mapansin. Yet his ears were burning red as well.
Hala.
Ang gago may praise kink!?
Natawa ako habang lalong siniksik ang sarili sa kan'ya. "Tapusin mo na 'yan, nagiinit na ako."
"Ate? Nagrereview yung tao nang maayos?" Ngumuso siya. "Last five minutes na lang."
"Kanina ka pa nag-re-review," pangungulit ko sa kan'ya. "Your eyes are. . ."
Galing ba siya sa pag-iyak? His eyes were swollen, bukod sa halatang pagod na ang mga ito ay medyo namamaga at mukhang kinuskos.
"Napuwing ako," he lied because his tongue glided on his lower lip. "Bakit naman ako iiyak?"
"Kasi. . .pagod ka na?"
"P'wede bang iyakan ang pagod?" he asked me, obviously trying to divert the attention to him.
"Oo lalo na kung di mo nababawi sa pahinga," I shrugged off. "Kanina ka pa yata nag-re-review. Anong oras ka nag-start?"
Nanatiling tikom ang bibig n'ya. The only noise between us is his Apple pen scratching on the screen of his IPad. Umayos ako nang pagkakaupo dahil doon.
"Kumain ka man lang ba?"
"Oo."
"Maayos? Breakfast? Lunch?" I asked, then there's a brief silence so I continued. "Dinner?"
Hindi siya sumagot.
"Seryoso ka ba?" Nagaalalang napalingon ako sa kan'ya. "Ano kinain mo?"
"Ikaw, kakainin ko pa lang," biro n'ya.
Nakatikim siya sa akin ng middle finger. "Umayos ka nga! Kanina ka pa pala d'yan nag-re-review nang walang maayos na kain?"
"I'm full."
"Ang talino mo na sana eh," umiling ako. "Pero paano ka mabubusog nang walang kinakain?"
"My mind can't function when I'm full, inaantok din ako kapag busog kaya. . .tatapusin ko na muna ito bago kumain," depensa n'ya pa.
Lalong kumunot ang noo ko, I looked at him with disbelief swirling in my eyes. Tarantado ba talaga siya? Hahayaan n'ya ang sarili n'yang magutom para lang. . .makapag-aral?
"Don't worry, sanay na ako," sabi n'ya sa akin, "it's a reward system. Kapag natapos ko naman na itong mga ito, kakainin na rin ako."
"Gago ka ba? Kailan naging reward ang pagkain sa tamang oras?" I sneered at him. "Lulutuan kita. Mag-aral ka diyan, sige lang. Pero kumain ka."
Umiling-iling siya. "I can't do both at the same time."
Suminghap ako. "Ang daming reklamo, ha! Sige, susubuan kita. Pero kumain ka. Ryker, parang tanga. Gets ko naman na importante ang diploma, pero kung ikamamatay mo 'yang pagaaral mo, isipin mo nga? Worth it ba talaga?"
I respect people who are studious—mahirap iyon kaya nga simpling mamamayan na lang ang naging pangarap ko. Pero ito ang hindi ko kayang maatim. . .bakit nila kailangan pabayaan ang sarili nila para sa pagaaral? My heart swells in sadness because I know it must be hard on them as well to sacrifice eating just so they could have a few more hours to study. Gustong-gusto kong intindihin dahil alam kong kakaunti lang ang may kakayahan na gawin iyon nang hindi nanghihina.
Fuck the education system that only caters the idea of turning students into working machines.
His eyes faltered for a bit as he hesitantly nodded, still unsure if he was deserving to eat when he hadn't finished his review yet.
Unti-unting umukit ang ngiti sa labi ko. I went towards his kitchen and stall for a bit. Malawak ito at para bang vlogger ang may-ari dahil kumpleto siya sa mga kagamitan. Hindi nakatakas sa paningin ko ang isang air-fryer. Wala sa itsura ni Ryker na mahilig siyang magluto. Ipupusta ko nga na baka puro lang siya microwave pagdating dito sa kusina eh.
I decided to make him a sandwich, I rummaged through his refrigerator to seek the ingredients. May nakita naman akong Japanese mayo, lettuce, itlog, at sibuyas. I boiled the eggs and waited for a few minutes for it to harden. Habang hinihintay na maluto ito ay naghiwa na ako ng sibuyas at nilagay ito sa Japanese mayo na nilagyan ko na rin ng kaunting asin at paminta. I prepared two layers of sandwich for him. Naghanap na rin ako ng orange juice at nilagay ito sa isang baso.
Napanguso ako.
Walang bigas si gago. Hindi ko alam kung tamad lang ba siyang magsaing pero may nakita naman akong rice cooker. Kaya naman sandwich na lang ang ginawa ko kahit dinner naman na talaga.
After I finished preparing his food, sinilip ko siya at nakitang nagaaral pa rin si loko. Para bang hindi ko siya napagalitan.
I wonder. . .alam kaya ito ng mga magulang n'ya? Kasi napingot na siguro ako ni Mama kung malaman n'yang hindi ako kumakain para lang makapag-aral.
"Kain ka na," I scoot over on his side once again.
Tumango lang siya.
I started to feed him, wala naman siyang arte dahil kahit kamay ang gamit kong panghawak sa sandwich n'ya ay kinakagat n'ya pa rin ito.
Ang cute lang dahil. . .nakangiti siya habang kumakain.
Fuck, mga lalaki talaga. Gagawin ka na ngang alila, masaya ka pa. Nauurat ako pero ako rin naman ang nagpresintang susubuan ko siya. Maybe because taking care of him. . .seemed nice and fun.
Susubo siya dapat nang nilapit ko ang labi ko sa kan'ya. He was taken aback because instead of a sandwich, it was my lips that met his lips.
"Ziah," he whispered after our lips parted. "Thank you."
My heart skipped a beat. . .which made me think that I was my mother's daughter after all. Baka. . .maging tanga rin ako tulad n'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro