Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7



thank you for making HYA as #1 Bestseller during the Philippine Book Festival! Mahal na mahal ko kayo! Congrats sa atin!

commissioned artworks by: kimchigo_ii
#####
Messenger
ERPS BALITA

Ryker:
good am, my beloved friends! Maganda ang sikat ng araw sa akin, sana sa inyo rin. 🙏

Eastre:
Putangina mo

Ryker:
what? kawawi ka naman
wala man lang ginawa yung gobyerno para maging maganda morning mo! 😮‍💨

Iscaleon:
May babae ba si Ryker?

Ryker:
hala
hihi 🤭

Eastre:
Sino yan
At bakit parang naka-helmet siya

Ryker:
grabe friends 😮‍💨
i am in my good boy era 🙏
matino na ako sana kayo rin!
[🖕2]

Iscaleon:
Ikaw nga yung dahilan
bakit NGSB ako. 🫤

Ryker:
gago, hinihintay mo ba ako, Cal?
i'm so sorry but i am TAKEN 😧

Iscaleon:
Para kang anak ng tatay ko.

Eastre:
HAHAHAHAHAHAHA FUCK

Ryker:
hey!!! nakaka-offend!?

#####

Instagram
rideryker

rideryker:
morning.
can i borrow a few minutes?
pasagutan lang ng survey.

ziahsfleur:
morning din
go lang

rideryker:



ziahsfleur:
ulol ka 🫶🏻

#####

Chapter 7

It's been an hour at most. I was having an internal battle with myself as my eyes twitched at the mere sight of his profile. Tinititigan ko lang yung 'Add friend' option sa ibaba ng kan'yang pangalan.

For a fuckboy, he has a decent profile. Ang cover photo n'ya ay picture color dark blue lang, probably to match his current profile picture. My eyes shifted to his profile and my lips gradually parted upon seeing it.

His profile picture. . .napalunok ako habang tinititigan ito.

He was wearing a gray rashguard, it defined his broad shoulders and perfect body. Maganda ang katawan ni Ryker, halata na inaalagaan n'ya ito. His hair was wet as some water trickled down his face. Nakatitig siya sa kaliwa na tila ba stolen ang pagkuha ng larawan. Ang gwapo n'ya talaga. . .and the five thousand people who reacted to his profile picture agree with me.  Papalubog na ang araw sa larawan na iyon kaya naman mas lalong nadepina ang katawan ni Ryker.

Why did he have to be hot? Kung babaero sana siya at hindi ganito ka-gwapo, edi sana hindi ako naging uto-uto! Exclusive fubu?! Para akong nangolekta ng bato upang ipukpok sa sarili kong ulo!

Nagulat ako nang biglang napalitan ang profile n'ya nang i-scroll down ko ito. It was a more laid back picture, gamit ng kan'yang MacBook ay nagpicture siya habang mukhang inaantok. Mapupungay na ang mga mata n'ya habang nakatagilid at ginagawang suporta ang kamay sa kan'yang ulo. He looked bored but also oddly entertained.

Sinilip ko ang caption.

Ryker Miguel Adeva
Mapapaligaya ba ng lintik na course na ito ang mga gabi ko? #GoodEve #BagongLigo #ReviewLater



My eyebrows immediately furrowed upon seeing girls bombarding him with compliments. May iilan doon na galing sa mga kaibigan n'ya. I scoffed at them. Hindi ako maka-keep up dahil akala mo naman artistahin itong si Ryker! Sikat ba siya!?

Eastre Zaguirre
Kaya kita paligayahin bro. Sa gabi nga lang 🤙🏻

Calbo Natix
Sino yung nakasilip sa bintana?

Buttercup Santos
Hala? Naligo ka na? Akala ko sabay tayo? :(

Bubbles Cruz
Review ka para sa future natin, baby!

Blossom Martinez
Pinapaganda mo talaga evening ko, Ryker 🤍

Hindi ko alam bakit parang lumipad ang kilay ko sa langit nang makita ang mga comments ng mga babae sa profile n'ya. Hindi naman siya sumasagot sa mga ito pero dahil gusto kong pinapalaki ang mga issue, sinilip ko ang mga profile nila.

All of them were pretty. Si Buttercup ay mukhang mahilig sa mga motor, naka-heart si Ryker sa profile picture n'ya habang nakaangkas siya sa isang motor na mukhang pang-karera. Si Bubbles naman ay mukhang pageang queen dahil ang latest n'yang profile picture ay may hawak siyang bulaklak at may korona sa kan'yang ulo—naka-heart ulit si Ryker sa profile nito. Si Blossom naman ay mukhang isang modelo dahil photoshoot ang kan'yang profile picture—naka-heart na naman ang gagong si Ryker.

I pursed my lips as I scrolled through their profiles. Lahat sila ay magaganda at mukhang lahat din ay interesado kay Ryker dahil naka-heart din sila sa profile picture nito. It stings that I know everyone can react to their posts without any meaning to it. Pero kasi syempre may extra effort kung heart, 'di ba?

Will he. . .heart my profile pictures as well? Kapag friends na kami sa Facebook?

I shoot my shot. I added Ryker Miguel Adeva on a whim, not expecting that he would accept it in just a second. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ang profile n'ya sa Messenger ko. The green circle beside his profile made me anxious.

Ryker Miguel Adeva:
buti naman in-add mo na ako
may pogi na rin sa friend list mo 😝

Aziah Florencio:
Wala lang akong choice, tanga

I scoffed to myself, the constant push and pulling of my feelings is also setting me up for a bigger trap. Totoo naman na kusang-loob ko siyang in-add. Gusto ko pa ngang i-heart n'ya rin ang mga profile picture gaya ng ibang mga babae.

I waited for him to give me a sign, gusto ko rin na lagyan n'ya ng heart reactions ang mga pictures ko. In my desperation, I took a quick selfie and posted it, knowing that he was online.

Aziah Florencio
Stolen.



Oh 'di ba? Stolen pero selfie? Nahihibang na talaga ang buong pagkatao ko dahil kay Ryker. Napanguso ako habang hinihintay na sumama siya sa mga listahan ng mga reaction. Nakita ko na nga roon yung isa sa mga na-ghost ko pero ni isang pangalan ni Ryker ay walang lumabas.

Kumislap ang mga mata ko sa tuwa nang makita na ang pangalan n'ya sa notifications ko. Nawala lang ang kinang nang makita ang reaction n'ya.

Tangina.

Angry?

Angry ba talaga!? Hindi ko alam bakit awtomatikong nag-meet up ang mga kilay ko sa gitna ng noo ko. Did he just really react to my picture?

I grounded my teeth as the fury inside me unveiled itself. Ang daya n'ya naman! Heart para sa mga babae n'ya pero sa akin ay angry!?

Pinipigilan ko ang sarili kong i-message siya upang tanungin kung bakit gano'n ang iniwan n'yang reaction sa photo ko. I was modestly dressed there and I'm sure that I was pretty before posting it. Kaya ano kaya ang problema ng isang iyon bakit nag-iwan ng angry react?

Bakit kasi siya naka-angry react? Hindi ba ginagamit lang iyon kapag naiirita ka sa content? Nakakainis yung nag-post? O galit ka sa mismong may-ari ng account? I bit my fingernail while trying to ransack my brain for a reason.

Nahihiya akong tanungin si Lotte at Kelsey. They would probably laugh at how ironic that I'm trying to please a player knowing fully well that even a buffet would not satisfy his appetite. This isn't me, hindi ko gawain ang i-overthink ang mga galaw ng isang lalaki.

Pero hindi ako pinalaki ni Mama na nagba-back out. So I did what I was good at—getting even. Hinanap ko ang mga kaibigan ni Ryker sa friendlist n'ya. It was easy to spot Eastre Zaguirre and Iscaleon Altreano, buti na lang na friend na kami ni Ryker dahil p'wede ko na i-add yung dalawa dahil may mutual na.

Eastre Zaguirre accepted your friend request

Iscaleon Altreano accepted your friend request

It took a few hours before they accepted my friend request. Nasa kusina ako ng matanggap notification na friends na kami sa Facebook. Sumandal ako sa may lababo habang ibinaba ang tasa ng kape na iniinom ko. Sige, gabi sa tanghali habang tirik na tirik ang araw. Napailing na lang ako habang iniisip kung paano ako makakaganti.

I started to leave a like on Ryker's photos and posts. Lahat ng post n'ya, like lang sa akin. Sunod-sunod naman ang pagh-heart react ko sa mga tropa n'ya. Kahit yung mga DP blast ni Iscaleon Altreano, naka-heart react agad ako. Nag-comment pa ako ng heart at sticker na pumapalakpak.

I don't know if Ryker would notice this small movement of mine—however, this would only confirm if he cares enough to know that I was leaving heart reactions on other guys.

Exclusive kami, tama nga naman, pero sa mga katawan lang naman namin. Maybe if he doesn't care if I flirt around. . .the truth would make some sense to me. Na hindi naman ito seryoso—na hindi siya seryoso sa akin. Whatever we have right now is only to satisfy our cravings for each other. He's not meant to stay for more.

#####

Messenger
ERPS BALITA

Iscaleon:
May kilala ba kayong
Aziah Florencio?

Ryker:
heeey
thats my baby
anong need mo sa kanya?

Iscaleon:
She kept on heart-ing my photos.
Umabot na siya sa class picture ko no'ng grade seven pa lang ako. 🥲

Eastre:
Haha
Same 🤪
Umabot na siya nung
kindergarden pa lang ako

Ryker:
tangina nyo?
totoo ba

HEY

TOTOO BA?
[😂2]

bakit sa akin like lang?
[😂2]

😢😢😢 mamaya siya sa akin
nagtatampo ako, need ko ito
ibaon (sa kan'ya) sa limot 😔

#####

Kinabukasan ay may pasok na ako. I craned my neck as I struggled to be the first one to ride a jeepney. Siksikan kasi dahil maaga, kasabay ko ang mga may trabaho sa pagpasok. Medyo umaalog pa ang utak ko dahil napuyat ako sa mga kung anu-anong videos na lumitaw sa newsfeed ko. Mali ang gumamit ng social media tuwing Linggo ng gabi, I didn't anticipate that I would be entertained by short videos that much.

Sa jeep ay nagbayad agad ako. I was feeling dizzy as my eyelids slowly betrayed me by making me feel its weight. Halos laban nang laban ang mga mata ko na hindi pumikit dahil baka lumagpas ako sa school.

May pumara na kaya naman naalimpungatan ako. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at dahan-dahan sumunod sa bumaba. Bumaba ako kasabay ng isang educ student na halos nagkukumahog pumasok ng gate ng school namin. Ako naman ay tamad na tamad sa paglusot ng ID. Honestly? What's the use? Late naman na ako.

Nasa second floor lang ang unang klase ko ngayong araw. Ang schedule ko ay 8 a.m. talaga para sa simula ng klase pero palaging 9:30 a.m. dumadating si Mrs. Torres. Ang nakakairita lang ay may class beadle siya na sobrang aga pumasok at ni-re-report n'ya kapag late kami kahit mas late si Mrs. Torres. Imbis tuloy na mahaba ang grace period para sa mga late, wala kaming takas sa kan'ya.

Siya ang i-report ko sa pagiging bida-bida eh.

Umupo ako sa tabi ni Mikay. She is. . .badtrip siya at mukhang masama ang timpla ng umaga. Lumayo ako dahil nakita ko ang bahagyang pag-irap n'ya sa akin dahil lang sa natabig ko ang upuan n'ya.

May mga tao pala talagang ganito 'no? Damay ka sa galit nila sa mundo kahit nananahimik ka lang naman. Mabuti sana kung di kami friends eh, pero magkaibigan naman kaming dalawa. Ewan ko ba, ayoko na nga palakihin. Etits lang ang pinapalaki ko, hindi ang mga bagay-bagay.

Pupungas-pungas pa ako habang nagtitipa sa cellphone dahil wala akong kinausap kagabi. Ngayon lang ako nag-reply sa mga tao sa messages ko.

Lotte:
Alak later?

Ziah:
Malapit na ako mag-atay reveal nang makita mo na sirang-sira na siya hahahaha

Wala rin akong naging choice kundi sagutin si Ryker dahil bold na bold na ang mga mensahe n'ya sa akin.

Ryker:
ziah ko :(

bakit naka-heart ka kina cal at eastre? tapos sa akin like lang? :( :( :(

Aziah:
Lmao

Ryker:
okie, later kita laplapin.

Aziah:
inamo???

Ryker:
lmao = laplapin mo ako oh
kaya ko na yan, taob mga erps ko 😮‍💨
[😡]

Ziah:
Haha sige kwento mo kay Buttercup, Bubbles, at Blossom 🫶🏻

I can't help but scoff at the thought. So sino ako? Si Mojo Jojo? Matagal na typing si Ryker. Mukhang may essay pa yata dahil pawala-wala ito. The ellipsis would show then it would disappear once again, as if Ryker was threading his words neatly.

Ryker:
selos ba ang ziah ko? ☹️
usap tayo mamaya
when tapos first period mo?

Aziah:
usap lang?

Ryker:
hihi 🥵
ikaw bahala 😝 tinted kotse ko fyi fr mwah mwah tsup tsup

Napanguso ako, pinipigilan ang mapangiti dahil sa ka-cute-an n'ya. Sumama agad ang timpla ng mood ko nang maalala ang mga heart reactions n'ya samantalang angry naman yung sa akin. Bahala siya d'yan! Halikan na lang n'ya yung manibela n'ya!

"Good day," bati ni Mrs. Torres sabay ng langitngit ng pinto. "We'll be having a quick discussion lang. Tapos i-explain ko kung paano ang mangyayari for our practical."

Agad kaming umayos ng upo. I rested my elbow on the table while my palm carried my chin. I boredly stared at the board as Mrs. Torres manipulated her laptop to present a powerpoint.

The lecture was. . .a bit dull. Ang na-gets ko lang ay kukuha kami ng partner para sa susunod na practical namin at p'wedeng tiga-ibang section ang maging partner namin. I gathered my belongings as soon as she dismissed the class.

Nagulat ako nang mapansin ang pamilyar na mga mata. Nakasilip siya sa pagitan ng jalousie ng bintana at nakatingin sa akin.

"Ziah," Ryker mouthed, which painted a frown on my face.

Anong problema ng isang ito? Malayo ang classroom n'ya sa akin ah. Humarap ako sa kan'ya upang taasan siya ng middle finger.

I only earned a hearty chuckle from him then he waved his hand to acknowledge my deadly stare. Hindi ko rin alam kung bakit dinala ako ng nga paa ko patungo sa kan'ya.

"What?" Bumusangot ako nang tumapat na  harapan n'ya.

"Naiwan mo bag mo," seryosong sabi n'ya. "The red one. . .on my car."

My tongue glided on my lips as I realized he used my excuse. Does this mean he wants to fuck?  Tanghaling tapat? Susmaryosep naman, Ryker! Ang init-init! Pero sige, p'wede naman.

"Okay," I said. "Sunod na ako sa 'yo."

Malambing siyang ngumiti habang hinintay ako na makalabas ng classroom. Habang naglalakad kami patungo sa sasakyan n'ya ay bigla siyang tumikhim.

"Wala ka ng class?"

"Wala, isang class lang ang papasukan ko ngayong araw," badtrip kong sagot dahil totoo naman. Sayang sa plantsa ng uniform pero may magagawa ba ako? Wala, pangit talaga sistema ng school namin.

"Same. . ." mahinang sabi n'ya.

"Huwag mo naman ako lumpuhin."

He chuckled. "What?"

Ngumuso ako. "Sucks to be exclusive 'no? I mean, you could have had Buttercup, Blossoms, and Bubbles as well but you're stuck with me."

"Sino?" Napalingon sa akin si Ryker, his brows met upon hearing me dropping names. "Pardon?"

"The ones. . .na nilagyan mo ng mga heart ang profile," sumbong ko sa kan'ya. "I don't mind though, magaganda talaga sila."

"Nag-heart lang ako kasi nag-heart din sila sa akin," halakhak n'ya. "And that was a month ago pa? Hindi na ako nagh-heart ngayon."

"Kaya ba angry yung reaction mo sa pictures ko?"

"I did it. . .nag-angry ako kasi gusto ko ako unang mapapansin mo," his lips protruded as I noticed his ears turning red. Hindi n'ya magawang tumingin sa akin.

Huh? What?

My lips parted as his words registered in my brain. It altered me to think that I must be going crazy. . .because why the hell would I smile upon hearing those words from him?

"Gusto ko ako unang napapansin mo, Ziah," he said, straightfully. "You wouldn't even want to know the things I'd do just to get your full attention on me, babe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro