Chapter 5
to shee,
thank you for loving audrey :")
#####
Messenger
ERPS BALITA
Ryker:
hey erps, ganito ka ba mag-vandalism
Eastre:
FUCK YOU
Anw, @Ryker Adeva
Madalas ka mag-club hopping ngayon ah?
May pinopormahan?
Ryker:
wala hahaha
need ko lang ng distraction
1st year is already killing my brain
im so close to dropping basketball na rin kasi it isn't helping that i can't focus on my studies.
Cal:
sabi ng 1.13 ang gwa?
Ryker:
heeey just because someone is striving doesn't mean they do it effortlessly. kapagod din haha
sama kayo sa akin tonight?
Eastre:
Yep
I think I have no sched
Cal:
Okay.
Paalam lang ako kay Mommy.
Baka kasi paghandaan ako ng dinner.
Eastre:
Sana all haha
Ryker Adeva added Cayden Altreano to the group
Ryker:
tito, type ni Eastre si Tita Istelle
pinigilan naman namin tito pero ayaw nya tantanan 💔
Eastre:
HEY
FUCKER
HINDI
Cayden:
Heeeeyyyy
Kilala mo ba binabangga mo 🥸
Pakulay ka muna blue, boi
Bago ka mangarap nang gising
Iscaleon Altreano removed Cayden Altreano from the group
Eastre:
Mommy as in mama na maalaga kasi! Fucker ka talaga, Ryker!
Cal:
Huwag mo na lang siya intindihin.
Makakalimutan din ng tatay ko iyon.
Ryker:
heyyy mommy issues
coming thru, Eastre haha
Eastre:
Mamaya ka sa akin, Ry
Ako susundo sa inyo
Sa compartment kita ilalagay
[🤣😭2]
#####
Chapter 5
I have never thought that being in a club will be mundane. Hindi naman ako ganito noon, twice a week ang schedule ko sa mga clubs o bar. Hindi rin ako masyadong umiinom dahil ayoko talaga ang lasa ng alak, maliban na lang kung mapapasabak kami nila Lotte at Kelsey.
Kelsey was with her boy toy tonight. Isa itong Chinese-Filipino na nagaaral sa green school. Kaya naman hindi mapakawalan ni Kelsey dahil futuristic din kausap. May pangalan na nga yata mga anak nila eh, naririnig ko lang sa usapan nila.
"Daig ka na ni Kels," Lotte teased with a smirk playing on her lips. "Parang noon lang ikaw itong palaging may lalaki. Mahirap ba tanggalin si Ryker sa sistema?"
I scoffed then went to gulp my drink. Margarita lang naman ito kaya agad ko rin nilasahan ang asin at lemon para matanggal ang pagkaumay sa pagkatamis. Ito ang go-to drink ko dahil parang soft drinks lang pero mamaya bangkay ka na sa sobrang pagkalasing. I drink it moderately and know my own limits.
Kaya ako takot kay Ryker—kasi hindi ko alam kung hanggang saan ako pagdating sa kan'ya. I'm just glad that despite his profile having an active circle on Instagram, hindi na siya nag-me-message sa akin. Sumuko na siguro. . .o di kaya naumay na rin. I get that he's the type to toss girls aside when he's done. I couldn't condemn him for something that he was clear about.
"Alam mo ba? Madalas na ako magtaka dahil parang palaging kung nasaan tayo, nandoon din si Ryker," sabi ni Lotte, may pinaparating na iba. "Baka type ako?"
"Oh?" Nagtaas ako ng kilay.
"He's chatting with me these days, always asking kung saan ako madalas maglagi. . .gusto ko nga tanungin kung bakit pero ayoko naman maputol usapan namin," she sighed then opened her phone. "Ang gwapo n'ya kasi talaga. The way he doesn't even try but he still gets all the girls anyway."
"Ew, stalker," I rolled my eyes. Bakit kaya sinusundan n'ya si Lotte? Totoo ba na type n'ya ito? Tutuhugin pa yata kaming magkakaibigan!
"Well! It's not like I didn't openly tell him where I am and also it doesn't sound creepy to me because he only asks to suggest some bars. Nagkakataon lang na kapag sinasabi n'ya kung saan siya pupunta, susunod din ako."
Umawang ang labi ko. "Kaya ba yaya ka nang yaya sa mga clubs ngayon? Dahil gusto mo siyang makita?"
Lotte does invite us to go to bars and clubs, madalas libre n'ya rin. Pero totoo rin na halos gabi-gabi na kami pumupunta sa mga bars at clubs, hindi ako makatanggi dahil kaibigan ko naman siya. It's a bit hard to be left behind as well, lalo na tatlo lang naman kami.
Lotte likes Ryker? Despite knowing what happened between us? Something in my stomach stirred. Hindi ko naman siya masisisi, pareho naming alam na di naman seryoso ang isang iyon.
"Sorry?" I bit my lip because of my guilt. "Crush mo nga pala siya. I shouldn't have entertained him."
Now, I feel bad! Hindi naman open sa akin si Lotte sa nararamdaman n'ya kay Ryker. Madalas din na may kasamang iba si Lotte kaya alam ko na hindi siya seryoso sa lalaki. And the mere fact that she's still open to flirting with him despite knowing what happened between us makes me feel that she only aims for something casual and not serious.
"Oh no," halakhak ni Lotte. "I don't take any offense. Kahit sino naman siguro ay papatulan si Ryker kung may chance."
"Yeah. . ."
"Seryoso ka ba kay Ryker?" balik ni Lotte sa akin. "I know that the conversation could be sour to you if you were. Kaya lang ako open na willing ako landiin siya dahil alam ko naman na hindi ka seryoso. But if you were. . .hindi naman ako sasagabal."
"Di ako seryoso roon. Hindi na nga ako nag-re-reply sa kan'ya," I scoffed, hindi na rin naman kasi siya nag-cha-chat sa akin. Ano ang re-reply-an ko, 'di ba?
I don't want to raise my hopes up. Alam ko kung ano ang pinasok ko no'ng gabi na iyon. I didn't want to feel like I wanted him more than one night. That's the thing about love; you only need to feel warm, you didn't need to get burned by its fire.
Malapit na ang midterms namin for the second semester. Kaya naman imbis na si Ryker palagi ang iniisip ko ay pumapayag ako na palaging kasama sina Lotte at Kelsey. However, palaging bukambibig ni Lotte si Ryker.
Minsan nga feeling ko sinasadya n'ya na eh. It was as if she needed to remind me of his existence whenever she could. Bayad ba ang isang ito para ipaalala sa akin ang isang Ryker Miguel Adeva?
Pinilig ko ang ulo ko, the strobe lights were flashing quite fiercely. Pumapaibabaw ang malakas na kanta mula sa booth ng DJ. May mga nagsimulang pumunta sa dance floor. Kelsey and her boy toy went with them. Naiwan kami ni Lotte na in-e-enjoy na lang ang mga inumin.
It was like deja vu because I saw a familiar face once again. Papasok pa lang sila. Once is a coincidence, twice could possibly still be a coincidence, but for the third time? C'Mon, the fates are probably blinding me!
Bakit nandito na naman si Ryker? At nagsama pa ng dalawang. . .oh wow, ang gwapo naman ng mga ito.
Nagparte ang mga labi ko nang makita ang grupo nila. The usual greetings for Ryker were made. Ang nanibago ako ay doon sa fashionista n'yang kasama at sa. . .hot nerd na parang naliligaw dahil kanina pa siya nakabusangot.
Ryker was wearing a dark green shirt and cargo pants, hindi mukhang magpa-party ang isang ito. Mukhang galing sa isang casual lunch at napadpad lang dito. The other guy who was certainly a fashionista was wearing a black leather jacket with a white shirt underneath it and pants. Simple lang manamit yung hot nerd na kasama nila, naka-polong itim lang at denim pants.
All of them were dangerously hot. Si Ryker ang pinakanakakapukaw ng atensyon, the fashionista one seemed intimidating, whereas the nerd actually looks like he doesn't even know how to flirt.
"Nand'yan na naman si Ryker," Lotte said, stating the obvious. "Baka para talaga kami sa isa't isa."
Ngumiwi naman ako. "Yeah right. Akin yung nerd sa tabi ni Ryker."
"What?" Lotte nervously chuckled. "Wait? What!?"
"Yung naka-salamin. Akin iyon. Lalandiin ko lang."
"Tropa ni Ryker?" hindi makapaniwalang tanong ni Lotte.
"If Ryker is allowed to flirt with you," I glanced at her. "Then why shouldn't I flirt with his friend as well?"
Hindi nakapagsalita si Lotte, agad siyang nagbukas ng phone n'ya at di ko alam kung sino ang ka-text. Ang alam ko lang ay namutla siya at parang kabado. Ano kaya ang nangyayari sa isang ito?
Kumunot ang noo ko at kinuha na rin ang phone. I went to Instagram to message Ryker. Well, siya na rin ang nagsabi na hindi naman na kami naiiba sa isa't isa.
ziahsfleur:
hey :)
Pinanood ko kung paano kunin ni Ryker ang phone n'ya mula sa bulsa. He looked at the notification and immediately a grin plastered on his face. Dali-dali siyang nag-tipa ng i-re-reply sa akin.
rideryker:
hey zi :) miss you
ziahsfleur:
nasa Nightgrove ka 'no?
rideryker:
yeees
why?
nandito ka rin ba?
Lumingon si Ryker sa paligid n'ya. His eyes are trying to find mine. Agad naman akong gumilid upang di n'ya mahagilap nang lubusan.
ziahsfleur:
secret 😗
rideryker:
hey 🥴
i love secrets
i badly want to know if
you're here. 😮💨
it's already night pero sobrang init pa rin sa pinas. . .nandito ka kasi eh.
ziahsfleur:
pakyu ginawa mo pa
akong climate change
rideryker:
aaa that's my feisty ziah,
naalala mo na ako? haha
ziahsfleur:
hmmm a bit
anw, reto mo ako
rideryker:
what
ziahsfleur:
reto mo ako sa nakasalamin sa
mga tropa mo
Bahagyang kumunot ang noo ni Ryker. Sinipat n'ya yung may salamin n'yang tropa na inosenteng nakatingin sa kan'ya. Nagulat ako nang pinahubad n'ya ito dahil tinanggal n'ya ang pagkakasuot ng salamin nito.
rideryker:
wala naman akong tropang
nakasalamin.
ziahsfleur:
ah sige, yung naka-black na lang.
This time, pinahubad n'ya doon sa fashion yung leather jacket at bigla itong sinuot. Agad siyang nagtipad ng reply para sa akin.
rideryker:
hey baka ako lang yan ah
currently naka-black leather jacket ako 😋
ziahsfleur:
geez, grabe mo bakuran
mga tropa mo.
rideryker:
di ko sila binabakuran ah
kung binabakuran ko sila,
kini-kiss ko sila sa gabi
di pa naman ganun level ng friendship namin. nasa hug stage pa lang kaming tatlo 🫂
Ngumuso naman ako. Wala akong mapapala kung dadaan pa ako kay Ryker. Hindi ko naman totally type yung naka-salamin. He's hot but he looks like the type who only dates church girls. Hindi naman ako ganoon. Masisira ko lang buhay n'ya kung sakali.
The song 'Or Nah' was playing inside the bar. Nakita ko na nagtatawanan yung fashionista na mukhang model at si Ryker. They were mildly dancing to the song. Brushing each other's shoulders as they bobbed their heads. Yung nerd lang talaga yung di makasunod dahil mukhang di n'ya alam yung kanta. Inosente lang siyang nakatitig sa dalawa n'yang kaibigan.
"I'm not the type to call you back tomorrow," sabay ni Ryker sa kanta at ngumisi. "But the way you wrappin' round me is a prob."
Napasinghap ako. He's hot. And he fucking knows it. Alam na alam n'ya kung paano manguha ng babae. . .effortlessly.
Even from afar, his features were vivid to me. His sharp eyes, perfect jaw, and skin that seems to be so smooth. . .I should have given him hickeys when I had the chance. Kaasar.
Hindi na nila kinanta yung mga sumunod na lyrics. Yet, knowing that they know some of the The Weeknd's songs, alam ko na agad na di ko sila mapagkakatiwalaan na magseseryoso agad.
I went over them, nakita ko ang bahagyang pagkagulat ni Ryker nang makita ako. I smiled at him as if I wasn't annoyed with the fact that he was already flirting with another girl, kahit ka-text n'ya ako kanina.
"Hi!" Bati ko roon sa naka-salamin. "Bago ka lang ba rito?"
"Ako po ba?" He asked, pointing to himself. "Ahm, hindi naman."
"Oh, a girl's hitting on Cal?" Tawa nung fashionista, bahagyang ngumisi. "This is new."
Ryker's expressioned sharpened. Hindi siya nagsalita at parang may dumaang anghel sa pagitan naming dalawa. Hindi n'ya siguro inaasahan na ako mismo lalapit sa kaibigan n'ya.
How can you have your fun but I couldn't have mine?
"Ngayon lang kita nakita," I smiled at him. . .with a hint of seduction.
Ngumiti siya sa akin. "Ngayon lang din kita nakita."
Napawi ang ngiti ko sa sinagot n'ya. Ang hirap naman landiin ng isang ito! Parang makakabuo muna kami ng nobela bago ng bata eh! He's hot, alright! But he's dense!
Narinig ko ang matunog na tawa ni Ryker kaya naman nairita ako. He probably thinks that I'm already giving up on Cal. Napailing naman ako, mas maalaga ako sa pride ko kaysa sa sarili ko 'no!
"Eastre, congrats sa new advertisement," a girl said while trying to stay in between Eastre and Ryker.
Tumango lang si Eastre. "Thanks."
Ah, di siya interesado.
One of the few tips that I know in flirting is when they're interested—kahit mismong paboritong numero sa electric fan ay magiging topic n'yo. In this case, tinatapos agad ni Eastre yung usapan.
Ang hirap landiin ng group of friends ni Ryker. Yung isa, sobrang manhid. Ito namang isa ay sobrang pihikan sa kausap, may 'out of my league' vibes. Samantalang si Ryker ay mahirap din landiin dahil di mo alam na dehadong-dehado ka na.
"So, anong name mo?" I asked Cal despite knowing his name already.
"Iscaleon," he answered briefly.
Hindi man lang n'ya tinanong pangalan ko! Pinilit ko na ngitian siya pero deep inside inaalog-alog ko na siya para sabihin na kumilos naman siya!
"Give it up," bulong sa akin ni Ryker, his hand slowly wrapping around my waist. "Play with me instead."
Putangina. Mas lalo akong kinabahan nang maramdaman ang mga paru-paro sa tyan ko. No, gutom lang ako! Or natatae!
Humigpit pa ito kaya naman lalo akong napasinghap. It felt weird because I didn't want to remove it. It was like he triggered something inside me that needed his touch.
"You have girls already," asik ko sa kan'ya. "Hands off."
He looked at me, his sharp eyes leveling with my intensity. "What girls? You're the only girl I've been undressing in my mind lately, babe."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro