Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35



#####

Chapter 35

Madalas akong maisalang sa mga gawain na na-te-test ang buong pagkatao ko. Lalo na sa trabahong pagkuha ng specimen sa iba't-ibang tao.

Nakabalot sa isang plastic ang ang stool container nung inabot sa akin nung isang ginang. Her entire face was full of sweat, halatang nairaos na n'ya ang dapat n'yang ilabas.

Dahan-dahan ang pagkuha ko ng container sa kan'ya. Naka-resting bitch face lang ako dahil ayoko naman makita n'ya ang pangdidiri nang makita na halos umapaw ang laman ng container. At tangina lang? May spinach pang buo!

"Pero bakit naman pinuno?" naiiyak kong saad habang nakita yung stool collector na punong-puno. Kahit pea-size lang naman!

Nanglalaki ang mga mata ko habang hawak-hawak ang plastic. Nilagay ko na ito sa mismong tray kung saan nilalapag yung mga specimen containers. Nalagyan naman na ng pangalan at oras kung kailan nailabas.

"May instructions naman sa comfort room," sabi ni Ate Rita at napailing. "May provided pa nga for the toilet bowl. Para di mabasa yung specimen."

"Hayaan n'yo na, ako na nga d'yan," agad na dumalo si Ate Ailene. "Next time, paki-assist na lang sa iba yung mga di pa marunong o di kaya sabihan agad bago pa magpasa."

Tumango kami ni Ate Rita. I looked at the time and it was still 3 p.m. in the afternoon. Mahaba-habang oras pa ang mayroon ako rito. Nagunat-unat ako habang hinihintay na lumipas ang oras. Balak ko rin kasi maaga na makapagpahinga dahil pagod na ang buong katawan ko.

Tinapos ko na lang yung mga inutos sa akin ni Ate Ailene hanggang mag-7 p.m. na. Pumapatak ang ulan kaya naman napatingin ako sa may bintana. Baka magpatila na muna ako. Parang ayoko makipagsiksikan at makipagunahan sa mga tao na sumakay. Wala namang naghihintay sa akin sa tinutuluyan ko ngayon.

"Tama ka 'yan, Ziah," sabi sa akin ni Ate Ailene nang makitang patuloy pa rin ako sa pagaasikaso ng files. "Hindi ka naman bayad kahit mag-OT ka d'yan."

Bahagya akong natawa. "Okay lang po. Di pa naman po ako uuwi eh."

"Hala ka, umuwi ka na," sabi n'ya at umiling. "Sumabay ka na sa amin. Huwag kang masyadong masipag dahil hindi naman ikaw ang tigapagmana ng hospital na ito."

Humaba ang nguso ko dahil sa narinig mula sa kan'ya. I guess even if I didn't want to go home, I don't have a strong excuse to stay here. Ayoko pa naman kapag umuulan tapos mag-isa lang ako sa bahay. Mas. . .nararamdaman kong malungkot ang mga araw ko. Even watching a comedy flick wouldn't be able to get rid of the loneliness.

I prepared my stuff and had a quick retouch on the public restroom. Inayos ko ang umaalon kong buhok dahil umaabot na ito sa aking balikat. I swipe my favorite shade of lip gloss on my lips before smiling at the mirror.

Lumabas na ako at kinuha ang gamit ko. Dumeretso na ako sa biometrics upang mag-out na. Sinilip ko ang mga maiitim na ulap habang unti-unti silang nagkukumpulan.

Napabuntonghininga naman ako. Sana lang ay makasakay na ako bago ito bumagsak. Sobrang hassle kasi ang mag-commute kapag maulan talaga.

"Ziah! Halika rito!" yakag sa akin ni Ate Ailene nang mahagip ako ng tingin n'ya.

"Yes po?" I immediately went towards her direction. My eyes widened a fraction upon seeing a familiar figure. Si. . .Sir Jahiel pala.

"Hatid ko na kayo," he smiled at us. "Hindi naman ako nagmamadali. Saka, stranded daw iyong ibang jeep sa kabilang kanto dahil bumaha."

My cheeks immediately reddened. "Nakakahiya po. Kaya ko naman maghintay na lang."

"Sasabay din naman kami, Ziah," Ate Ailene urged and playfully pushed me towards the car. "Tara na! Baka lalong bumuhos ang ulan."

In the end, I wasn't powerful enough to withdraw from their grasp. Hindi ko rin naman maipagkakaila na totoo rin na mas makakauwi ako agad kung sasabay ako sa kotse ni Sir Jahiel.

His car was a black sedan, BMW ang nakita kong emblem na nakalagay. Mukha rin naman talagang nasa alta ang pormahan ni Sir Jahiel. Yet, he remained humble.

Sa passenger seat ako pinaupo ni Ate Ailene at Ate Rita. Pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na sa akin ang amoy ng kotse ni Kuya Jahiel. It had a mild scent of powder. Pang-baby! Malayo kay Ryker na amoy essential oil.

"Jah, kailan ka ba magjowa?" tanong ni Ate Ailene. "Hindi p'wedeng puro ka lang aral."

"Dadating din tayo d'yan, Ate Ai," halakhak ni Kuya Jah. "I'm not in a rush. I wouldn't also want to rush my girl. . .if she's still chasing a dream now, mas maigi pang unahin n'ya iyon kaysa ang makilala ako."

"Ay? May pangarap ka pa bang hinahabol, Ziah?" tukso ni Ate Rita.

Marahan akong umiling. "Wala!"

"Wala naman pala eh! Ayan oh, Jah! Single 'yan si Ziah!" Halakhak ni Ate Ai at sinabayan pa ng matunog na palakoak.

"Huy! Hindi! Tumigil!" nagpa-panic ang boses ko habang hindi alam kung ano ang reaksyon ni Kuya Jah.

Tumawa lang si Kuya Jahiel at di na nagsalita. Grabe, tinutubuan talaga ako ng hiya pagdating sa kan'ya. Sobrang tino kasi! Parang hindi ko p'wedeng biruin dahil baka totohanin n'ya!

Nauna ihatid si Ate Ailene at sumunod naman si Ate Rita. Hence, the air inside the car slowly turned into a whiff of deafening silence. Hindi naman kasi kami close ni Kuya Jahiel.

"Ziah? Name mo?" tipid n'yang tanong.

"Yes po," magalang kong sagot.

Sumisilip si Kuya Jahiel sa rear-mirror n'ya. Pansin ko ang pagguhit ng linya sa kan'yang noo. As if he was noticing something strange.

"Condo ka 'di ba?" tanong n'ya sa akin.

Unti-unti akong tumango. "Yes po. Bakit? Mahihirapan po ba kayo i-drop off ako? Kahit. . .sa kanto na lang po, Kuya Jah. May payong naman po ako kung sakali."

"Hindi naman. . ." he said but his mind was elsewhere. Ramdam ko na may malalim siyang iniisip.

"Gutom ka ba?" biglang tanong n'ya sa akin. "Okay lang ba sa 'yo? De-tour tayo? Sabihan mo na lang agad si Ate Ailene or si Ate Rita na kasama mo pa ako."

"Hindi naman ako gutom. . .saka gabi na rin po kasi," I told him.

His eyes slowly glanced at me. "I didn't want to tell you but. . .may sumusunod ba sa 'yo?"

"P-po?"

"Kanina pa kasi may sumusunod na kotse sa atin," sabi ni Kuya Jahiel. Binanggit n'ya yung plate number. "Pamilyar ba sa 'yo yung kotse?"

Namutla ako. Alam ko ang kotse ni Ryker. Alam ko rin ang kotse ni Kiran at Lotte. Sa dami ng beses na sumakay ako sa mga kotse nila, pamilyar na ako sa mga plate numbers nila.

"H-hindi po," naiiyak kong saad. Fuck! Fuck it! Sinusundan ako ni Kio!?

"Okay," he exhaled and tried to smile at me to help ease my tension. "Magde-detour muna ako ha? Tell Ate Ai or your personal friend that you're with me, si Jahiel Yuseco. Ililigaw ko lang yung sumusunod sa atin."

Tumango ako sa suhestiyon n'ya. I was trembling in my own seat. Para akong binuhusan ng semento habang iniisip kung bakit ako sinusundan ni Kio? At paano siya nakalabas ng kulungan? Ang alam ko ay na-blotter na rin siya! Kaya paano?!

I bit my lower lip and texted Lotte about it. Agad naman siyang nag-reply at sinabing titingnan n'ya kung ano ang nangyayari ngayon.

Pumunta kami ni Kuya Jahiel sa isang exclusive condominium. May hotpot sa ground floor doon kaya naman pumasok kami at nakitang may babae naghihintay sa amin.

The place was filled with gold and red color. Parang araw-araw ay Chinese New Year dahil sa tema ng kanilang restaurant. The background music was in Mandarin as well. Napalunok ako dahil wala akong gana kumain. Ang mata ko ay agad na pumuslit ng tingin sa babaeng naghihintay sa amin ni Kuya Jahiel.

She looked like Jahiel. . .but with cold features. Itim na itim ang bagsak n'yang buhok at mukha siyang intimidating. Prente siyang nakaupo habang nakatingin sa menu.

"What's the emergency?" tanong n'ya agad nang umupo kami ni Kuya Jahiel sa harap n'ya.

May lumapit sa amin upang bigyan kami ng tsaa. My hands immediately held on the cup to feel some heat. Nilalamig talaga ang buong katawan ko dahil sa nangyayari.

"Ate Julia, may sumusunod lang sa akin, p'wede bang ikaw maghatid kay Ziah?" sabi ni Kuya Jahiel.

"Bakit naman may sumusunod sa 'yo?" Masungit na saad nung babae.

"Kay Ziah yata. . ." sabi ni Kuya Jahiel. "Delikado nga yata kung uuwi siya sa condo n'ya. You think we should book her a room sa isang nearby hotel or what?"

Lumingon sa akin si Ate Julia. "Saan ka comfortable?"

Nagingilid ang mga luha ko. Hindi ko alam. Hindi ko siya masagot. Ang tanging nagawa ko lang ay yumuko at umiling-iling.

"Sorry po sa. . .abala," naiiyak kong saad. "Uuwi na lang po ako."

The people around me. . .even the ones that I barely know are being targeted because of me. Ano ba talaga ang gusto mula sa akin? This was driving me to the edge of the cliff! Para bang kahit anong desisyon na gawin ko—mali lahat ang magiging aksyon ko!

Lumamlam ang mga mata ni Ate Julia. "Huwag kang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan. You should rest in a place where you're safe. Kung sa condo mo man ikaw, tumawag ka muna ng makakasama mo roon. Hindi safe na mag-isa ka."

"O-opo," humihikbing sagot ko. "Sorry po talaga."

"Jah, kuha ka muna ng tubig," Ate Julia said.

Tumango si Kuya Jahiel at tumawag ng waiter. I saw Ate Julia gesturing something to him. Agad naman na lumayo muna si Kuya Jahiel dahil mukhang nakuha n'yang kailangan ko ng space. Na kailangan ko ng kausap.

"Bakit ka umiiyak?" mahinang tanong ni Ate Julia. "Hmm?"

"H-hindi ko alam. . ."

Mga malalaking butil ng luha ang lumuwas sa aking mata. My heart couldn't take it anymore. The heaviness of always depending on myself to carry these emotions were too much.

"K-kasi. . .nangdadamay ako ng mga inosenteng tao," hikbi ko sa kan'ya. "Paano kung saktan po kayo? Sila? P-paano kung. . .paano. . ."

"Hey. . ." Lumapit siya sa akin upang hawakan ako sa aking mga balikat. "Inhale, exhale."

I followed her lead. Ginawa ko ang sinabi n'ya at unti-unting nahabol ang aking hininga.

"Hindi mo kasalanan. Stop blaming yourself for the faults of others, huwag mong akuin," sabi n'ya sa akin at hinawakan ang aking kamay. She squeezed it gently. "Concern lang kami dahil nakakatakot itong ginagawa sa 'yo."

I wanted to listen to her yet my mind was good at deceiving me. It was telling me that it was my fault that my mother was driven to death. My dog was painfully harmed. And the people that I love are constantly in danger because of me. It dripped a solid black color of malice inside the wave of my thoughts. Kinukuluyan n'ya sa paraang alam n'yang mas lalayo ang loob ko sa kanila.

Umiling-iling ako sa kan'ya. They're all lying to me. Lahat sila ay ayaw lang tanggapin ang katotohanan na wala na akong ginawa kung hindi ipahamak sila. That was the disgusting truth! I was nothing but a shameful being!

Dahan-dahan akong niyakap ni Ate Julia. Her cold demeanor managed to soften as soon as her arms were around me. Unti-unting pumatak ang luha ko sa kan'yang balikat. Ramdam ko ang nananalaytay n'yang pagunawa sa akin.

"Hindi mo kaya lahat, Ziah," she told me softly. "And it's okay if you'll admit that you can be weak. It's okay if you can't figure it out on your own. It's okay if you're struggling to keep your mind intact. You need someone. You need some support. Nandito. . .naman kami."

"Baka masaktan kayo dahil sa akin," hikbi ko sa kan'ya.

Ngumiti lang siya sa akin. "Isn't that the reason why we live? To experience love and pain at the same time? To celebrate how two different emotions can intertwine and bring a stronger version of yourself?" Pinalis n'ya ang luha ko.

"As much as you worry about the people around you," Ate Julia patted me on my head. Umangat ang tingin ko sa kan'ya na parang batang pinagalitan. "They also feel threatened when you're not around them. They also worry about you. Hindi mo man sabihin pero. . .alam kong nagaalala ka sa kanila dahil mahal mo sila."

"I. . ."

"At nagaalala rin sila sa 'yo dahil mahal ka nila," she smiled at me and removed her hand from my head. "The thing you could do is lessen their worries by being by their side. Hindi ka naman nila inoobliga na alagaan din sila."

"Namatay mama ko dahil sa akin. . ." I sniffled as I started to play with my fingers underneath the table.

Yet. . .it was because I wasn't with her at that time. Maybe instead of pushing the people I love and avoiding their presences. . .I should start appreciating their existence and staying close to them until I am able to. Na baka ako na pala yung mali.

I started to rely on myself at an early age. I became self-sufficient because I got scared that if they saw that I needed them, they'll see it as a leverage to hurt me.

No'ng kailangan ko ng magulang, walang nand'yan para sa akin. Kahit ang nanay ko na inalagaan naman ako, hindi palaging nand'yan para sa akin. I grew up thinking that I should only rely on myself and I automatically think that people who tend to care for me will eventually find that it's tiring to take care of me and leave.

Kaya bago pa man iyon mangyari, ako na mismo ang lumalayo. Bago pa man nila ako iwanan, ako na ang aalis. That's why when Ryker, Ryzi, and my friends wanted to take care of me. . .nanibago ako at pakiramdam ko ay may mali. I felt like they were trying to trick me into thinking that I could depend on them.

Ate Julia comforted me and even ordered some Chinese take out. Ilang oras kaming tumambay bago nila ako hinatid sa may condo ko. I was looking at my phone the whole ride. Iniisip ko ba kung tama bang. . .may contact-in ako.

"Try to open up to others," sabi sa akin ni Ate Julia. "It isn't wrong to rely on yourself most of the time, but there's also nothing wrong with admitting that we can't always rely on our own strengths."

"Thank you. . ."

"Practice compassion on yourself. Being vulnerable to the people who love you makes them understand you more," Ngumiti siya sa akin. "Mahal mo sila. . .kaya iparamdam mo."

"Hindi ko kaya," sabi ko sa kan'ya.

Umiling siya. "Hindi mo sinusubukan. Every time there's an opportunity, there's an opening, there's a possibility of you being loved—you dodge it, you avoid it, you hide from it. Kaya hindi sa hindi mo kaya—hindi mo ginagawa."

I always fear that people will see my innermost feelings and when they do—they'll see that behind all the walls that I'd built for myself is a helpless kid who's afraid of asking for help.

Ang mga mata ko ay dumako sa aking cellphone. I dialed my friend's number. Nanginginig pa ang boses ko nang magsalita ako sa linya.

"Lotte?" My voice cracked. "P'wede m-mo ba ako samahan sa condo? K-kahit ngayong gabi lang?"

I was so used to rejection. I grew up with people telling me that it was normal for me to be alone in the house since my mother was working for me. I was used to not having anyone to rely on. Kaya naman nang marinig ko ang mahabang katahimikan sa linya ni Lotte ay napapikit ako. . .she might think that I'm being needy.

"Oo naman. . ." she exhaled, as if in relief. "Parang tanga ka, Ziah."

The tears pooled in my eyes as I could hear the crack of her voice as well. Na para bang umiiyak din siya.

"Finally. . .huh?" She laughed while I could hear the hint of her sniffing. Para bang naiiyak siya. "Alam ko unit mo, gaga ka talaga."

I smiled to myself. Pahapyaw akong tinitigan ni Sir Jahiel. His lips smeared a soft smile as if he was glad that I had someone to talk to. Nasa passenger seat kasi siya habang si Ate Julia ang nagda-drive.

I thanked them as soon as they dropped me off.

"Hatid na muna kita sa loob," Sir Jahiel told me as he ushered me to go inside the condominium already.

Rent-to-own na ang kinuha kong unit. It's not that expensive, hindi naman kasi brand-new. Pero masakit sa ulo ang pagpapalipat ng titulo. Isa iyon sa dahilan bakit medyo mas nagiging busy ako sa mga nakaraang araw.

Pumasok na kami at muli akong nagpasalamat kay Sir Jahiel. Nakita ko ang na kinausap n'yang yung security guard at agad itong lumingon sa dako ko. May binibilin yata si Kuya Jahiel sa kan'ya. Tumango lang iyong guard.

Umakyat na ako sa unit ko. Sa malayo pa lang ay nakita ko na si Lotte at Kiran na mukhang malalim ang pinaguusapan dahil parehong kunot ang noo.

Kiran was wearing a plain black shirt. Bagong gupit din siya. . .clean cut? Putanginang ito. Mas lalo siyang gumwapo. Luminis kasi ang itsura n'ya. . .lumingon siya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay. His cat-liked eyes made me squint as well.

"Hey. . ." paos kong bati sa kanila.

"Huwag ka muna pumasok," hinawakan ako ni Kiran sa pulso. "Something inside might trigger you."

"Bakit?" I looked at the door and my heart almost sank down the floor.

Kasalanan mo. Written in red.

Kasalanan mo. Kasalanan mo.
Kasalanan mo. Namatay ang mama mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo.
Kasalanan mo. Nasaktan ang aso mo. Kasalanan mo. Kasalanan mo.
Kasalanan mo. Kapag nawala mga kaibigan mo.

It was as if taunting me, my head was spinning with the words playing inside my mind. Napapikit ako. Inhale. Exhale. Kasalanan mo. Inhale. Exhale. Kasalanan ko. . .

"Ziah!" Inalog ako ni Lotte sa balikat. "Okay ka lang ba?"

I was trembling. My whole body was currently being controlled by fear. Kasalanan ko. Oo, tama! It is my fault that my mother died! I left her alone! Si Ryzi ay nasaktan din! Kasi iniwan ko siya! Everything boiled down to what I lacked—I wasn't there for them.

"They're right!" I confessed, my throat hurting. "Kasalanan ko naman talaga! I was wrong for not being able to stay with the people I love! That instead of talking it out or letting them know of my real feelings, I'd avoid them like the plague! Kasi! Kasi naman! Putangina! I wasn't aware that I can depend on others!"

Nagulat si Lotte sa inakto ko. Her eyes widened as she gripped on my shoulders loosened. Kahit si Kiran ay tumuwid ang pagkakatayo at umawang ang mga labi. Both of them looked at each other.

Humikbi ako habang unti-unting napaupo. Nanghihina na ang mga tuhod. "J-just please stop. Ayoko na. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na kayo kaya layuan. . .kasi hinang-hina na ako. I can tell myself that I'm better off alone but in the night all I want is someone to go home to. . .pagod na ako maging mag-isa."

Unti-unting tumulo ang luha ko sa carpet mismo ng hallway. Mangiyak-ngiyak akong nagpalis ng luha.

"Walang araw na hindi ako nagsisisi na hindi ko kinausap si Mama," naluluhang saad ko. "Walang araw na hindi ako nababahala kapag iniiwan ko si Ryzi mag-isa sa bahay. I want to think that Ryzi can be independent as well. . .but I know that we have different needs. And for pete's sake, he's a dog. . ."

"Ziah. . ."

Umangat ang tingin ko sa kanila. I didn't care if I looked helpless in front of them. I didn't even care if I looked like I was hungry for sympathy. For the first time in my life, I willingly admit that I am not weak for showing my vulnerable side.

"6 years old? 7 years old? Basta around that age," I laughed as I tried to recall a distant memory. "Walang tao sa bahay. Gutom na ako. Nakakita ako ng de lata. Di ko alam paano buksan. Kumuha ako ng kutsilyo, hiniwa ko sa gitna. Saktong umuwi yung Lola ko. . .and instead of feeding her hungry granddaughter, she yelled at me."

"Zi," Lotte went towards me. "It's okay. . ."

Napapikit ako habang tumutulo ang mga luha. Hinayaan kong magmukha akong kawawa sa kanila. It was so self-fulfilling to finally be weak for a moment. It was like drinking warm chocolate on a wintry night. It was as if I was finally letting myself sleep after all the sleepless nights.

"Sinigawan n'ya akong tanga. Na sana. . .hindi na lang ako nabuhay. Tinapon n'ya yung. . .ulam no'n. Gutom na gutom na ako. Gustong-gusto kong halukayin sa basurahan yung laman ng de lata kasi. . .pinaghirapan ko iyon buksan? At wala namang ibang magpapakain sa akin kung di ang sarili ko lang," namamaos kong kwento sa kanila.

Ever since that day, I maintained the need to always tend for myself. I always took caution from those who wanted to stay near me. Ang gusto ko ay makaka-survive ako kahit wala sila. Pero lahat ng sobra ay totoo ngang masama.

I was too independent that I forgot that it's easier to express yourself when someone is willing to listen—that I didn't need to carry all my baggages alone every time.

Pareho silang hindi makatingin sa akin nang deretso. Siguro dahil kahit alam naman nilang hindi ako palaging okay, hindi nila inakala na ganito kalalim ang mga tinatago kong sugat. I wasn't comfortable with letting anyone know how hurt I was because. . .I didn't want them to use it against me.

"I didn't show you my scars. . .because I didn't want anyone to see how weak I was when it all happened," I told them as a tear trailed down on my cheek. "Para sa akin, tapos na iyon. . .at hindi na muling mauulit."

"You're strong," bulong ni Kiran habang nakatingin sa akin. "for being vulnerable."

Ngumiti ako sa kan'ya kahit pagod na ang aking buong pagkatao. I looked at the painted door. Kasalanan ko. Kaya ako ang gagawa ng paraan para maipakulong ka. Kumuyom ang aking mga kamao.

I won't let fear consume me anymore. Hindi ko na siya hahayaan takutin ako para gawin ang mga gusto n'ya. . .kung ano man iyon.

Tumikhim si Lotte at matamlay na ngumiti. "I'm glad you're opening up to us. . .can't relate ako."

"Naku, mga anxious type talaga," Kiran shook his head. He was even snickering.

"Ulol, at least mahal ng tatay," ani Lotte at lumipat na agad sa ibang topic. "Pinatingnan na namin yung CCTV and it was a silhouette of a woman."

Nanglaki ang mga mata ko. "Babae?"

Sinong babae ang galit sa akin? I have never done anything wrong to my own gender! Sa lalaki, oo! Marami na akong napaiyak. Pero sa babae? Mas mahaba ang pasensya ko sa kanila. . .kaya sino?

Tumango si Lotte at seryoso akong tinitigan. "I think we have a lead. But you have to cooperate with us. Closely. We need your cooperation, Ziah."

"Hindi talaga si Kio?"

Umiling si Lotte. "He's cleared. Buong araw talaga siyang nasa presinto lang."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Fuck it! Edi sino? Babae?

Lotte sighed. Lumapit siya sa akin upang bumulong. "I have a plan, but you have to work closely with us. We'll lure her out. Alam na namin kung sino siya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro