Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34



#####

Ryker Adeva
"It's hard to love someone who doesn't even consider the possibility of being loved." 🤍

2k likes • 67 comments• share

Most relevant ⌄ 

Eastre Zaguirre Anong connect ng caption sa pic HAHAHAHAHAHA

Calbo Natix #QouteOfTheDay

Audrey Adeva Goodluck sa internship, Kuya! Always proud of you. 🫶

#####

Chapter 34

I rented a condo unit near Lotte's place. Ibinenta ko ang bahay namin ni Mama at napagalamang kumuha pala si Mama ng insurance na ako ang benefactor. I was able to have a bit of savings to spare, pero nagpupursigi pa rin akong makasama sa mga dean's list para sa discount sa tuition. Ang mababawas kasi ay p'wede kong gamitin para sa iba pang bagay.

Gustuhin ko mang lumayo kay Lote at Kiran dahil nga delikado ang mapalapit sa akin, sila itong palaging nakabuntot sa akin. They won't leave me alone! Ang tanging nagpapanatag ng aking isipan ay pareho silang anak ng mga politiko, their security is a bit more strict. Tumatakas nga lang si Kiran sa mga body guards n'ya upang kitain kami kung minsan.

Hanggang ngayon ay wala akong balita kay Kelsey. Lumaki ako sa silent treatment kaya naman hindi ko rin ma-seryoso ang pagiging pakipot n'ya. Hindi ako marunong manuyo at wala akong balak pilitin siyang maging kaibigan ko kung ayaw na n'ya.

In this life, I don't want to force people to be in my memories if they don't want to be. It's too short to chase around and beg them to be in it—and the spaces are limited as well. Walang puwang para sa mga taong hindi naman tayo kaya pahalagahan.

If your absence does not bother them, it means they didn't even value your presence in the first place. It is as simple as that.

Napanguso ako nang dumaan ang post ni Ryker sa feed ko. We remained civil but there was no communication from our ends. Kung minsan ay nakikita ko sa my day n'ya si Ryzi at ang mga humihilom na sugat n'ya. Naluluha ako kapag nakikita kong magkasama silang dalawa. I miss them. I really do.

Ang gwapo ni Ryker sa uniporme n'ya. Pareho pala kami ng hospital na napili para sa internship namin. Siguro dahil isa talaga ito sa mga ni-re-recommend ng mga professors dahil minsan ay ina-absorb na nila yung mga interns. It's an advantage if you'd ask me, dahil parang training na rin ang OJT mo kung sakali.

His broad shoulders managed to show how perfectly his uniform suited him. Naka-salamin siya at alam ko naman na anti-radiation lang iyon. Iniwas ko ang tingin ko. Miss na miss ko na talaga siya.

Each time that I would miss him, I would remind myself of the heart shattering words that I gave him  before I left him. Maaalala ko na hindi ko na siya deserve. That what could have been a good relationship turned into a cold memory for the both of us.

I became busy because of my internships. 600 hours ang kailangan naming i-render at sa clinical pa lamang iyon. Hinuhuthutan na nga ako no'ng dalawa na wala na raw akong oras para sa kanila.

"Pasuyo naman nito kay Shoti," sabi ni Dr. Obrien habang may inaabot na pagkain sa akin. Nakasupot pa ito pero halatang galing sa isang hotpot.

"Po?" I pointed at myself because I was surprised to be called. Hindi naman kami close nito eh.

Umangat ang kilay n'ya sa akin. "Intern ka 'di ba? Makikisuyo lang naman kasi hindi na ako makakaakyat sa third floor."

Kinuha ko yung supot at nilagay ito sa gilid ko. Some of the doctors here are plainly rude. Minsan iniintindi na lang namin dahil baka stress lang din sa trabaho. Pero porke't ba intern kami ay gagawin na kaming tigabigay ng pagkain sa ibang tao!? Ni hindi ko nga kilala si Shawty! Weird pa ng pangalan!

"Thanks! Pakisabi na kumain siya kamo," ngiti ni Dr. Obrien sa akin saka tuluyan nang umalis.

"Grabe talaga hatak ni Yuseco, ano? Mga doctor na nagkakagusto sa kan'ya," bulong sa akin ni Ate Rita, isa sa mga nagiging mentor ko rito.

"Bakit naman n'ya iuutos kay Ziah yung sa pagkain? Porke't intern? Naku! Isumbong ko siya kay Shoti na tamad! Ma-turn off sana sa kan'ya si Shoti!" umiingit na sabi ni Ate Ailene.

"Sino po ba si Shawty?" tanong ko sa kanila habang nakatitig sa supot. Ibigay ko na kaya? Halatang mainit pa kasi nagmo-moist sa plastic.

"Si Yuseco," sagot ni Ate Rita. "Medical intern dito. Makikilala mo agad iyon dahil siya naman pinaka-gwapo sa department na kung nasaan siya. Mabait pa. Pala-ngiti iyon at kadalasan ay kaibigan pati yung security guard."

"Wow, Rita! Halatang crush mo!" tukso ni Ate Ailene at binangga pa ang braso ni Ate Rita nang pabiro.

Namula ang mga pisngi ni Ate Rita. Natawa naman ako dahil kadalasan ay resting bitch face lang ang mayroon siya. Gwapo nga siguro talaga si Shawty.

"Naku! Ayoko, Ms. Ailene! Ang daming magagandang doktora ang minamata ang isang iyon! Hinihintay na lang mag-residency at mukhang sila pa ang mangliligaw," ani Ate Rita sabay lingon sa akin. "Gwapo nga ang intsik na iyon, pero atin pa rin ang West Philippine Sea!"

"Atin naman talaga ang West Philippine Sea, Ate Rita," I told her then brought the plastic bag containing the food. "Bigay ko lang po ito kay Shawty Yuseco."

Weird talaga ng pangalan n'ya. Who the fuck would name their own child as Shawty? Parang ewan lang eh. Pero sabagay, mayroon nga na Baby ang pangalan.

Pumunta na ako sa third floor kung nasaan ang department ng mga doctors, madalas na nandito rin yung mga medical interns nila.

I took the lift to be able to get there immediately. Hindi rin kasi p'wedeng matagal na wala kami sa area namin. Kaya nga di ko alam bakit ako inutusan ni Dr. Obrien! Sayang ang pagiging blue eyes n'ya dahil pangit ang ugali!

Napabuntonghininga ako at kumatok nang ilang beses sa kwarto kung saan naglalagi yung mga medical interns. Someone opened the door for me, halos hanggang balikat lang n'ya ako kaya naman tumingala ako sa kan'ya.

His hair looked soft even when his head was tilted. Mukhang minumukhaan n'ya ako dahil naniningkit ang kan'yang mga mata. Naka-short sleeve siyang puting coat kaya naman napagtantuan kong medical intern siya.

"Hi," he softly said. Putangina, ang kalmado ng boses! Putangina!

"Ahm," napahagikhik ako. Fuck! Bakit ako tumawa!? Okay, ilang minuto ko binawi ang tawa ko.

"Yes?" he smiled which made me look at him twice. Ang gwapo n'ya. Grabe, ang gwapo n'ya talaga!

If Ryker was the type of guy who would make you bend your beliefs. This man right here is the type of guy who would make you bend your knees. Ang gwapo kasi talaga! Ni hindi man lang ako nasabihan ni Dr. Obrien na ganito ka-gwapo si Shawty!

"A-ano po. . ." I stuttered. "Para po kay Shawty? Yuseco? Shawty Yuseco. . ."

His eyes widened. "Po?"

"Food po para kay Shawty. . .Yuseco," nanginginig ang boses ko habang sinasabi sa kan'ya iyon.

Sumilip yung ibang medical intern sa dako namin. Kitang-kita ko ang mga panglalaki ng mga mata nila. As if I was trying to make fun of something. Sabay na bumunghalit ng tawa sa buong kwarto dahil yata sa sinabi ko.

My cheeks felt warm as I looked away. Bakit? Ba't sila natatawa? Alam ko na weird ang pangalan n'ya pero hindi naman ako ang nanay nitong si Shawty! Wala akon kinalaman sa pangalan n'ya.

"Huy, shawty, pare," biro nung isang naka-short sleeve coat din.  Agad na lumingon sa kan'ya si Shawty Yuseco at nag-saway.

"Loko ka," Shawty Yuseco chuckled, making me feel less embarrassed. "Ako si Yuseco. Kanino galing iyong food? Sayang naman kasi katatapos lang namin kumain."

"Dr. Obrien po," sagot ko.

Inabot ko na sa kan'ya yung supot. Kinuha naman n'ya ito mula sa kamay ko. Ang lambot ng kamay n'ya at malamig. Hindi ko ma-explain pero napaka-delicate tingnan ng mga kamay n'ya. Ryker's hand is a bit callous—kinalyo yata kakahawak sa boobs ko. Napanguso ako. Miss ko na talaga siya.

"Thanks po, shawty," sabi sa akin ni Shawty Yuseco at pabirong ngumiti. Ang gwapo n'ya talaga!

Tumango lang ako. "S-sige po, una na po ako."

"Sige, kain ka na rin ng lunch," he said before once again smiling at me. Totoo nga! Ang bait-bait n'ya tingnan!

Tumango lang ako muli at umalis na. This isn't me! Hindi ako nauutal o kinakabahan sa ibang lalaki. Pero siguro dahil. . .masyadong mabait tingnan ang isang ito. Hindi ko naman siya crush o ano. Basta! Ang hirap i-explain!

Bumalik ako sa area ko na abot tainga ang ngiti. Agad itong sinita ni Ate Rita at Ate Ailene. Hindi ko tuloy magawang tumanggi dahil huling-huli nila na malawak ang ngiti ko.

"Naku, dumagdag pa sa harem ni Yuseco," biro ni Ate Rita nang makita ang itsura ko. "Gwapo ng pambato ko ano?"

"Oo, pero weird ang pangalan n'ya," I shrugged off, trying to stay cool. Hindi ko naman talaga type. Gwapo lang. . .pero kay Ryker lang talaga ako bubukaka.

"Huh? Gwapo kaya ng Jahiel," sabat ni Ate Ailene. "Jahiel Layne Yuseco ang full name no'n. Anong weird?"

My eyes widened a fraction. "Hindi ba shawty?!"

"Shawty!?" Halakhak ni Ate Rita. "Sinong shawty ang tinatawag mo? Hindi ba shoti? Shoti iyon! Palayaw n'ya dahil siya ang bunso ng family nila at may lahi silang Chinese. People often call him shoti, bunso rin kasi siya ng mga medical interns na batch ngayon."

My lips parted upon realizing it.

Kaya ba sila natatawa dahil tinatawag ko siyang shawty? When in fact it should be Shoti! Bakit ba kasi may gano'n pa!? Nakakahiya nga!

Buong araw yata akong hiyang-hiya at nakasemento sa aking upuan. Lahat ng ipapagawa sa area namin ay ginawa ko para lang hindi mautusan sa ibang tasks. Ayoko makasalubong si Jahiel Yuseco! Nakakahiya! Tawagin ko ba namang shawty! Weird siguro ang tingin n'ya sa akin ngayon!

Ilang araw ang lumipas at hindi ko pa naman siya nakakasalubong. Mabuti naman dahil wala rin talaga akong mukhang ihaharap. Sobrang tuwa ko nga na hindi ako nurse na mas madalas nilang makakasalamuha.

"Pang-ilang picture na iyan ni Jahiel?" sita ni Ate Ailene habang may pinapalitan na picture sa bulletin board.

Natawa yung staff na nagdidikit ng picture ni Jahiel sa bulletin board. "Ewan ko ba! Napapagod na nga ako humingi ng 1x1 sa batang iyon dahil palaging may kumukuha eh."

"I-glue gun mo na, kuya," ani Ate Rita at tumawa. "O kaya hingian mo si Shoti ng lumang picture n'ya."

"Baka gawin pang collectible iyon," anang staff. "Sana nga magka-girlfriend na siya para naman tigilan na ang pagkuha ng picture n'ya."

"Ito si Ziah, type si Jahiel," reto ni Ate Rita at hinawakan pa ako sa balikat.

Mabilis akong umiling. "Hindi! Huy, hindi talaga."

It was out of reflex that my cheeks reddened because of their teasing. Akala yata nila ay type ko talaga si Sir Jahiel o Kuya Jahiel. P'wede na ba tawaging doctor kung medical intern pa lang siya?

"Huwag mong hayaan sa mga nurse pa mapunta si Yuseco," sitsit sa akin ni Ate Rita. "Landiin mo na, Ziah!"

"Tumigil, Ate Rita!" saway ko at pabirong umirap. "Baka maging house husband na lang iyon at hindi na mag-doctor kapag nilandi ko."

"Ayan ang gusto ko eh! Palaban," halakhak ni Ate Ailene. "Oh paano ba 'yan? Tawagan ko si Shoti ah. Irereto kita."

"Ate Ai!" umiingit kong saad. "Joke lang po!"

"Doctor na iyon, Ziah! Saka, may hospital ka agad kapag naging kayo!"

"O baka medtech din ang gusto? Yung tiga-kabilang building ba? Sino roon? Yung Adeva lang ang gwapo roon ah," sabi ni Ms. Ailene.

"Naku! Ubod ng gwapo pero lahat yata ay nilalandi!" sumbong ni Ate Rita. "Type na type ng mga ibang nurse iyon si Adeva! Grabe raw kasi ang biceps! Sana mapisil daw nila!"

"Tigilan nga nila," iritadong sambit ko. "Dapat focused lang tayong lahat sa work! Nasa medical field kaya tayo."

Tigil-tigilan nila si Ryker ah. Anong papisil sa biceps!? Tigilan nila ako!

"Ang balita ko ay single father daw iyon ah," sabi ni Ate Ailene.

Nangunot ang noo ko. Huh? May nabuntis ba si gago nang magkahiwalay kaming dalawa?

"Oo, looking for baby mommy nga raw para sa aso n'ya," sagot ni Ate Rita. "Sinong tanga kayang papakawalan ang gwapong batang iyon ano?"

"Ate Rita," I hissed at her, bahagyang natamaan sa sinabi n'ya. "Linisin na nga natin tubes, tama na nga 'yang usapan na yan."

Maganda rin na naging busy ako sa internships. 7 a.m. to 7 p.m. ang naging routine ko. Kung minsan ay sinusundo ako ni Lotte. She was near so she didn't mind driving to the hospital. Palagi n'yang tinatanong sa akin kung kamusta ang kalagayan ko.

"Nakakulong ngayon si Kio," sabi ni Lotte habang nagda-drive. "I think. . .he's being honest with his confession. Ang tanging napatunayan lang sa kan'ya ay yung stalking. Ipa-blotter mo na agad yung case. P'wede rin tayong kumuha ng restraining order para kahit paano ay makampante ka."

"Paano yung kay Mama? Kay Ryzi?"

Lotte glanced at me, her eyes couldn't hide her sadness. "Wala pa talaga tayong lead doon."

Napapikit na lang ako sa narinig. I want to list down the people that I have offended and there's indeed a long list of them. Pero wala akong makitang tao na maaaring gumawa ng karumal-dumal dahil lang sa naiirita sila sa pagkatao ko.

The days marched on, as if time was trying to get away from being chained to my past. It wanted to move on. And so did I.

Busy akong nagaayos ng mga tubes habang nililinya na ni Ate Rita yung mga ie-examine namin mamaya. They don't let us do all the work without supervision. Sila rin kasi ang mananagot kung sakaling may mangyari.

"Ate Rita, baka gusto mo ng donut? Sobra kasi itong nabili ko," someone called our attention.

Umangat ang tingin ko at umawang ang labi nang makita kung sino. It was Jahiel Yuseco holding a box of donuts. My cheeks immediately felt warm because up until now, I was trying my best to not let our paths cross. Napayuko ako at nagkunyari na nagbibilang ng test tubes. Please, bumalik ka na sa quarters n'yo!

"Huy, Shoti," tumawa si Ate Rita. "Sakto! Nandito si Ziah, may crush sa 'yo."

Muntik na ako mabilaukan sa sarili kong laway. Umangat ang tingin ko kay Jahiel Yuseco at agad napailing-iling.

"D-di po! G-gwapo ka po pero hindi po talaga," nanginginig ang boses ko, out of my own will.

Ngumiti lang si Sir Jahiel. Pati ang mata n'ya ay ngumingiti. Parang si Ryker lang. Miss ko na talaga siya.

"Thanks," Sir Jahiel said, then pointed towards the donuts. "Lagay ko na lang muna sa pantry n'yo. Kuha lang kayo mamaya para sa inyo ito."

"Huy, mag-thank you ka naman kay Jahiel!" Siniko ako ni Ate Rita.

"Thank you p-po, Sir Jah," sabi ko nang di tumitingin sa kan'ya. Ang gwapo kasi talaga!

Bahagya siyang natawa. "Grabe sa Sir?"

"Sorry po. Shoti po pala," banggit ko sa palayaw n'ya.

He raised his eyebrows. "Hindi na shawty?"

Lalong lumugmok ang mukha ko kaya naman tumigil na siya sa kakaasar sa akin. He only laughed then quietly exited the scene. Inaasar-asar tuloy ako ni Ate Rita dahil madaldal talaga ako! Pero natatameme dahil kay Jahiel!

"Tao ba talaga siya?" singhal ko. "Ang gwapo kasi talaga!"

"Mabait pa? Ano? Matalino rin daw iyon, top of his class," ani Ate Rita.

May tumikhim malapit sa amin. Nilingon ko ito at nakitang si. . .Ryker pala. His body is slowly gaining more muscles, pero bumagay ito sa katawan n'ya. Napalunok ako. Tangina rin nito eh! Mas gumagwapo kapag naghihiwalay kami!

"Pa-receive raw po," Ryker said coldly. Iniiwasan ako tingnan. Ano problema nito?

"Ah, Ziah! Ikaw na muna mag-receive," sabi ni Ate Rita sa akin. Ang tukoy ay iyong dala ni Ryker na mga collection tubes.

"Sige po," I nodded, then looked at Ryker. Hindi pa rin sa akin ang tingin. Napatitig ako sa kamay n'ya. Fuck it! Ka-miss!

My hands were shaking as I got it from him. Ramdam ko na naman na hindi maganda ang timpla ng araw n'ya. Hindi ko alam bakit. Basta ba't hindi ako ang rason, I don't want to be involved.

Umalis agad si Ryker matapos mag-thank you kay Ate Rita. I don't expect him to be friendly towards me. Hindi ko alam kung nahihimigan ni Ate Rita na hindi kami okay ni Ryker.

"Alam mo, palangiti raw iyon," bulong ni Ate Rita. "Sa atin lang yata hindi."

"Naku, mabait 'yang si Adeva," sabi ni Ate Ailene na sumingit sa usapan. "Excited nga 'yan kanina pumunta rito eh. Ako kasi nag-utos na pakidala rito yung ibang collection tubes dahil baka puno na yung sa kanila. Ewan ko bakit nag-iba ang ihip ng hangin?"

I scoffed to myself. Baka dahil nakita ako kaya siya nabadtrip. I wouldn't blame him anyway.

I checked on Instagram when it was already 6:30 p.m. dahil patapos na ang shift at halos wala ng gawain. Nakita ko na my day si Ryker. Kumunot ang noo ko at hindi napigilan ang sarili na i-view ito. Parang powerpoint pero puro text lang naman!

rideryker posted a minute ago
how did we go from 'ang sarap mo naman' to 'ang sarap mong iwan?'

rideryker posted a minute ago
:((((( daya mo talaga

rideryker posted a minute ago
magdodoctor din naman ako
lol uki zge 👍🥹👍🥹👍🥹

rideryker posted a minute ago
tigil na ako erps
yoko na talaga haha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro