Chapter 33
#####
Chapter 33
"Don't worry, dogs who are in pain tend to sleep more to recuperate," saad nung vet nang matapos n'yang linisin at lagyan ng mga gamot ang sugat ni Ryzi. "He was probably just trying to conserve his energy. Maswerte ka sa kan'ya, he's a strong dog."
Para akong nabunutan ng tinik nang marinig na maayos na ang kalagayan ni Ryzi. Lotte insisted that we should still consult a nearby vet for Ryzi despite his condition when I saw him. Mabuti na lang din na nakinig ako dahil tulog lang pala siya. . .I wouldn't know what to do if he expires.
Lalo na't ako pa ang magiging dahilan kung bakit siya mawawala rito.
Namamaga pa rin ang mga mata ko dahil galing ako sa pag-iyak. The vet calmly told me that I shouldn't let myself be stressed out, lalo na kapag kaharap si Ryzi. Naghihintay lang ako sa labas habang pinagpapahinga pa nila si Ryzi. Sa ngayon, nag-volunteer si Lotte na sa bahay na lang muna nila.
"You can stay there as well," sabi ni Lotte. "Masyadong maraming kwarto roon. Kahit tig-isa pa kayo ni Ryzi eh."
Umiling ako. "Baka. . .ibenta ko yung bahay. I don't feel safe there anymore. Saka, masama na rin ang kutob ko sa bahay na iyon. I also don't want to stay in the place where my mother died."
Isa sa rason si Mama kung bakit hindi ko kaya mapakawalan yung bahay. Palagi kong inaalala na mula sa kan'ya yung bahay na iyon. Sa dugo't pawis n'ya ito galing. Pero ayoko naman na palaging kong maaalala na dahil sa akin kaya siya namatay. Hindi ko rin kaya isipin na muntik na mawala si Ryzi dahil din sa akin.
Sino pa ang isusunod n'ya?
"He can feel you," sabi nung veterinary physician sa akin nang lumabas ito sa kung saan nananatili si Ryzi upang magpahinga. "Kapag ramdam n'yang stressed ka, baka ma-stress din siya. Dogs who are recovering should be stress free and also they need a lot of extra attention."
Tumango ako. "Thanks po, Doc."
Ngumiti lang siya. He had a perfect set of teeth. "Uhm, if may tanong ka, you can direct it to me. P'wede rin kay Maria Charlotte."
"Tangina mo talaga," Lotte cursed the vet. "Magsama kayo ni Kiran!"
Tumawa lang iyong vet. "Aalis na ako, please take good care of Ryzi while he's recovering. Sobrang kailangan n'ya iyon."
Tumango lang ako. Napabuntonghininga ako nang mapagtantuan na hindi muna kami makakauwi ni Ryzi sa ngayon. My uniform was soaked in his blood. Hindi ko pa nagagawang magpalit dahil hindi pa kaya i-proseso ng utak ko ang mga pangyayari.
"Ano bang nangyari? Sinong gago ang pagti-trip-an si Ryzi?" nanggagalaiti na tanong ni Lotte. She was gritting her teeth as she roamed around her eyes. "Yung kapitbahay mo ba?"
"H-hindi," napalunok ako habang nakayuko. "I don't think. . .safe kayo sa akin. Someone is trying to harm me. . .more on harming the people around me. Baka madamay ka."
Lotte looked at me, her expression was completely puzzled. Para bang di n'ya naintindihan ang lengwahe ko.
"Girl? Bullshit ka ba? Hindi man halata pero. . .I have guards with me? Alam kong madalas mong kalimutan pero anak ako ng politiko," she frankly said. "I eat death threats and blackmail for breakfast. Minsan ay full course meal pa!"
"Seryoso ako, Lotte," naiiyak kong saad. "I don't know what to do. Si Mama. . .tapos si Ryzi. . .I can't! My mind can't take it anymore!"
This was torture! Sana ay ako na lang ang saktan n'ya! Sana ay ako na lang ang pinapahirapan n'ya. Huwag lang iyong mga taong mahalaga sa akin. If it was the same person who murdered my mother. . .si Kio? Is it him? Siya lang ang alam kong gagawa nito! I know! I just know it's him!
Hinawakan ako ni Lotte sa aking mga balikat. Pinaharap n'ya ako sa kan'yang direksyon. Our eyes leveled to each other as I tried my best to control my breathing.
"Hindi mo kasalanan," Lotte shook my shoulders. "Hindi mo ito ginawa, okay? We'll find the one behind this."
"I think it's Kio," pagsasatinig ko ng aking sapantaha. "He's the only one who is capable of this. Sinubukan n'ya akong i-blackmail noon. I should have confronted that idiot when my mother died! Pero ginusto ko muna umusad ang kaso! Pero walang nangyayari!"
The justice here is undeniably on the side of the oppressors. Bakit tumatagal ang kaso na ganito? As someone who wasn't aware of how most trials go, I should have been more aware and vigilant about it. Ang tanga ko rin dahil hinayaan ko na asikasuhin ito ng mga pulis na hanggang ngayon ay walang binabalita sa akin! Hindi ko alam kung mahirap talagang mahanap ang gumawa no'n kay Mama o talagang hindi ako kasama sa mga 'priority' nila.
Tumango si Lotte. "We'll think of something. Titingnan ko kung nasaan ang isang iyon at kung may kinikilos siyang wala sa hulog. Pero sa totoo lang? Hindi ko na siya nakikita sa building namin."
Lumingon ako sa kwarto kung nasaan si Ryzi. He's not safe when he's with me. Parang may bumaon na punyal sa aking dibdib. I couldn't think of any other way to save him from being harmed. He needs another caretaker. Si. . .Ryker kaya? Pero baka ma-trigger ang allergy ng kapatid n'ya. Sa pusa lang ba iyon may allergy?
Halatang balisa ang buong utak ko dahil hapunan na pero hindi ko magawang kumain. Pinilit pa ako ni Lotte pero ni isang subo ay hindi ko magawa. I was afraid that someone might see that I was with her. . .and she'll be harmed next.
Nasa bahay na nila kami. Si Ryzi ay patuloy na nagpapahinga. I couldn't push myself to look at him without being completely engulfed in guilt. Kapag nakikita ko ang mga sugat na natamo n'ya, I would pinched my skin to punish myself because of my own recklessness. Nasaktan si Ryzi dahil sa akin. Muntik na siyang mawala dahil sa akin. Tama nga yung nagsulat sa pinto. . .kasalanan ko ang lahat ng ito.
"Lumayo ka sa akin," pakiusap ko kay Lotte habang nasa dining table kaming dalawa. "Iwan mo na ako rito. Baka. . .may nakatingin. Baka may manakit sa 'yo."
"Girl," lumingon si Lotte sa akin saka napairap. "Seryoso ka ba? It's me! Marunong ako ng self defense at black belter ako sa Taekwondo. I wouldn't be scared of any incoming attacks. Ikaw nga ang inaalala namin."
Umiling ako. "Delikado ka sa akin. Walang. . .dapat na makakita may kasama ako. They'll hurt you. Hindi ko alam. . .kasalanan ko kung may masasaktan pa sa inyo."
Unti-unting tumulo ang mga namuong luha sa aking mga mata. The crippling fear was slowly invading my system. Iniisip ko na baka nasa loob na rin siya ng bahay ni Lotte. Baka nagtatago. Baka may hawak na patalim! The dark thoughts were consuming me.
Lotte's lips parted. Para bang hindi siya sigurado kung paano ako kakausapin. Lumapit siya upang yakapin ako. Napapikit ako nang maramdaman ang init ng kan'yang braso. I needed this, I wanted to have someone's embrace to assure me that I wasn't alone.
"Ziah, it's been a long day," aniya at unti-unti akong pinatayo mula sa pagkakaupo. "Magpahinga ka na muna. Gather your energy. Hindi magandang nagiisip ka habang pagod ka. Let's talk about it tomorrow."
"I can't sleep. . ."
"May melatonin ako sa first aid kit sa likod ng salamin ng kwarto," bilin n'ya sa akin. "I'll get it for you. Magpahinga ka na muna. I promise I'll help you find the one behind this. Hindi natin hahayaan na hindi sila managot."
Wala sa sariling tumango ako sa kan'ya. Sinundan ko lang siya habang paakyat kami. Lotte's house was huge. Siya na lang at ang mga katulong ang nandito dahil nasa Makati ang kan'yang mga magulang. Never have I spoken to her father. Si Tita Marta lang ang nakausap ko. She was nice, a typical tita. Pero halata na dismayado siya sa pagiging wild ni Lotte.
"Here," sabi n'ya sa akin at inabot ang isang pill. "It'll take effect for a few minutes. Iwasan mo muna mag-cellphone dahil para ka namang tanga kung magt-take ka n'yan at lalabanan mo ang antok mo."
Kumunot ang noo ni Lotte sa akin. Inabot ko mula sa kan'yang kamay ang melatonin at inumin ito. I took a quick gulp from the glass of water that she provided.
"Ako na bahala muna bahala kay Ryzi at sa isa mo pang aso," saad n'ya.
"Sino?" I asked groggily, not expecting the medicine to take effect as soon as it entered my body.
"Ryker," aniya at iginiya na ako patungo sa guest room ng kanilang bahay. "Magpahinga ka na."
I did what she told me. The medicine took effect as soon as my body hit the soft mattress. Nakatulog ako na nakaharap sa mismong kama. Hinayaan ko ang sarili kong magpahinga sa mga iniisip ko no'ng araw na iyon. I couldn't do anything when I was tired, kaya tama nga si Lotte na dapat ay nagpahinga na muna ako.
I was awoken by the rays of sunlight hitting my face. My nostrils were able to smell my surroundings. Masyadong matapang ang ginamit na air freshener sa loob ng kwarto. And to be frank, parang may kaamoy itong hotel.
Pinatay ko ang aircon at nagunat-unat bago inayos ang tinulugan ko. When I finished finally arranging the pillows and blanket, I went down to be greeted by the smell of oats and milk combined.
"Morning," bati sa akin ni Lotte nang makita ako. "I didn't know what you wanted for breakfast, pero nagpasuyo na ako na magluto ng tocino at itlog. May pancake na rin at fruits diyan. You can have some if you already have an appetite."
I tried to smile. "Salamat."
"Bumili na rin pala ako ng mga kailangan ni Ryzi," sabi ni Lotte sa akin. "I also bought him a bed of his own. Sinabihan ko na rin si Ryker sa kung anong nangyari. I didn't want him to misunderstand this again. Mamaya ay ako pa ang dahilan kung bakit di na naman kayo naguusap."
"Salamat," ulit ko sa kan'ya. "Salamat talaga, Lotte. Hindi ko alam paano babawi sa 'yo."
She cackled then playfully dismissed her hand in the air. "Anong babawi? Bakit? Hindi naman kailangan, ah? Parang gago ka naman, Ziah."
Namuo ang guilt sa dibdib ko. Even if I wanted to, hindi ko kaya isauli lahat ng tulong n'ya sa akin. Ni hindi ko nga alam kung bakit n'ya ako kaibigan. . .she would gain nothing from me.
"Hanggang ngayon ay di ko alam bakit ako kinaibigan ng isang anak ng congressman," I told her as I sat next to her.
"Precisely," she nodded her head. "Hindi mo ako kinaibigan dahil anak ako ng congressman. That's all I ever wanted. . .and you did that exactly."
Lotte, Kelsey, and I were an unexpected trio. Sa club kaming tatlo nagkakilala. Mabilis ako pakisamahan pero mabilis din ako iwan. I was aware of that fact. Pero hindi ko alam bakit sila nag-stick sa akin. I thought they were just being modest and friendly. Hanggang sa nag-college na kami pero magkakaibigan pa rin kami. Well, kaming dalawa ni Lotte. Si Kelsey. . .hindi ko na alam.
I just hope that she'll tell us if we did something wrong. Ang hirap naman kasing bumasa ng taong ayaw magsalita. Ayaw magparamdam. Ayaw magsabi.
Parang ako lang, ah?
Napailing na lang ako.
"Anong sabi ni Ryker?" tanong ko kay Lotte.
She pointed towards a room. "Nand'yan siya, ah? Binabantayan si Ryzi."
"What?" Nanglaki ang mga mata ko.
"As soon as I told him about what happened, he immediately went to see you and Ryzi. Tulog ka na no'ng dumating siya kaya naman si Ryzi ang pinuntahan n'ya. Binantayan n'ya buong gabi iyong aso."
Bukod sa wala akong gana, hindi ko rin magawang kumain dahil iniisip ko kung paano sasabihin kay Ryker ang kasalukuhang nangyayari sa akin.
I don't want him to be harmed. I don't want him to be involved. Hindi ko kayang pati siya ay masaktan. . .o mawala sa akin.
I know that if I told him that there's someone who's out to get me, he'll only push himself further into my life. Mas lalo n'yang nanaisin na mapalapit sa akin. Mas lalo n'yang ipipilit na dapat ay nasa tabi ko lang siya.
I couldn't just stay still and watch the people I love be hurt because of me. Ayoko mangyari iyon. Ayoko rin namang magsinungaling sa kan'ya.
The feeling of self-depreciation sank into me. I couldn't let them be hurt under my watch. Kailangan nilang lumayo sa akin. Kailangan ko munang ayusin ito.
Nagpaalam ako kay Lotte na pupunta muna sa kwarto kung nasaan ang mag-ama ko. My steps were careful not to make any sound against the marbled tiles. Ang puso ko ay patuloy ang pagkabog sa aking dibdib habang papalapit sa kwarto kung nasaan sila.
I opened the door and the scenario that welcomed me made me almost melt. Parang umanghang ang gilid ng mga mata ko nang makita si Ryker na nakayakap kay Ryzi habang pareho silang tulog. Ryker's eyes were puffy, halatang kagagaling sa iyak.
Unti-unti akong lumapit sa kanila. I carefully raked his hair using my fingers as soon as I was near Ryker. Mahimbing ang tulog n'ya, siguro dahil na rin sa puyat.
"I'm sorry," paghingi ng paumanhin sa kan'ya. "Kahit anong gawin ko. . .ang hirap ko pala talagang mahalin."
Even if I wanted to love him the right way this time, I know to myself that I was only pulling him near a cliff. There was an awaiting catastrophe if he touched me more. Hanggang. . .dito na lang siguro muna kami.
"Ziah. . ." His eyes were moist when he opened then. Agad n'ya akong niyapos nang magising siya. He cried in my arms as soon as he saw my figure.
"Thank God, you're alright," humihikbing saad n'ya. "I don't know what I'll do if you were hurt as well. . ."
Luminya ang isang malungkot na ngiti sa aking labi. Pareho pala tayo, Ryker. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung masasaktan ka rin dahil sa akin.
"S-sa condo ka na lang," he offered. Pinalis n'ya gamit ng kan'yang daliri ang kan'yang mga luha. "Si Audrey na lang ang iba-ban ko sa condo ko."
"Ryker. . ."
"Your place is currently not safe," giit n'ya sa akin. "Mas maganda kung mababantayan ko kayong dalawa ni Ryzi. Kung dapat na magpalipat ako ng section, gagawin ko! Kung kailangan na sabay tayo ng schedule, gagawan ko ng paraan! Kung kailangan sabay tayo maligo—sobrang pabor ako roon!"
I laughed dryly at what he just said. Mahal ko talaga ang gagong ito. Kaya ang hapdi sa puso na hindi ko p'wedeng iparamdam sa kan'ya iyon. Na hindi ko mabanggit sa kan'ya na sobrang mahal ko siya.
"Kunin mo na si Ryzi sa akin," I said as the pain slowly blossomed inside my chest. "Putulin mo na ang ugnayan natin."
"Ziah. . ." he held my hand. Ang lamig ng kan'yang mga kamay, ramdam ko ang kaba n'ya dahil doon. "Ito na naman ba tayo? Are you pushing me away again? Bakit? Saan ka natatakot?"
"Ryker. . ." I almost begged him, my tears slowly formed. "Iwan mo na ako. I can't fathom the idea of anyone being hurt because of me."
His eyes widened. Naalerto siya sa sinabi ko sa kan'ya. "Hindi. . .hindi naman ako masasaktan. I won't let anyone harm you or even myself."
Unti-unti siyang lumapit sa akin. Mas ramdam ko na siya ngayon. Mas nanaig sa akin ang kagustuhan na manatili siyang ligtas mula sa kapahamakan.
"Ziah. . .why are you saying this?" basag ang boses n'yang sinabi. "Bakit. . .ang bilis-bilis mong sukuan ako? Tangina kasi. . .palagi naman akong nagiging klaro na kaya kita ipaglaban. Na kaya kita mahalin. Na kaya kita hintayin."
Nahihimigan ko ang pagod at sakit sa boses n'ya. I know the familiar sound of this one. It sounded like it was the end of us. It was the departure part of a good journey. Napapikit ako at napailing. He won't understand. No one can understand the pain of pushing someone because it was the only thing you were capable of. . .it was the only thing you were good at.
"Ayoko nga," I cut him off. "Ayokong lumaban ka. Ayokong ma-ugnay ka pa sa akin. I can't. . .let you or Ryzi or anyone in particular be hurt because of me! Hindi na kaya ng konsensya ko! My mother died because of me! And each day, I am reminded of that fact! Ano pa ba?! Ano pa bang rason ang kailangan mong marinig para tigilan mo na ako!?"
Halos maputulan ako ng ugat sa sobrang lakas ng boses ko. I wanted him to know that I was hurting. It wasn't fine with me. Pero anong gagawin ko? Hayaan na araw-araw ay delikado ang buhay nila dahil sa akin? My conscience can't handle it.
"Can we talk about it?" Humina ang boses ni Ryker. "Sa tingin mo rin ba papayag ako na hayaan kang mag-isa? Lalo na kung delikado na pala ang sitwasyon mo? Si Ryzi na yung sinaktan na, sino na sunod? Ikaw? Ziah, can't you see? Nagaalala rin kami para sa 'yo. Can't you think of that as well?"
"I can handle myself," suminghap ako.
Ryker went near me and slowly held me in his arms. Hawak-hawak n'ya lang ako. Ilang minuto siyang nakayakap sa akin bago n'ya ito lalong hinigpitan.
"Kung kaya mo na wala ako," he calmly told me. "Ako yung hindi, Ziah. I can't sleep at night knowing the girl that I love is alone."
"Tumigil ka na," sabi ko sa kan'ya. "You'll find someone who's not hard to love, unlike me."
"You're the only person that I find worth loving, Ziah," naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha n'ya sa aking balikat. "Can we please just stay like this?"
A part of me wanted to listen to me. I wanted to not be rational for once. I wanted to let down my defenses and listen to him. Pero nakita ko si Ryzi at ang mga sugat n'ya. Mas lalong kumirot ang dibdib ko. They won't be safe around me.
"Ayoko," matigas kong saad. "You won't understand me. I don't expect anyone to understand. . .me at all."
Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak n'ya sa akin. Pero sobrang higpit nito.
"Ziah. . .I don't want you to distance yourself from me," Ryker pleaded as he felt me slowly drifting from his touch.
"Kung mahal mo ako," Napalunok ako. "Hahayaan mo ako sa desisyon ko."
"Even if that decision means leaving us behind?" his voice sounded tired.
Tumango ako sa kan'ya. I want to find the person who keeps doing this to me. I want him behind bars. Pero paano ko gagawin iyon kung palagi kong iisipin paano kung saktan n'ya sina Ryker? I want that person to know that Ryker is not affiliated with me anymore.
"You're the only one. . .who's capable of hurting me this much," mapait na ngiti ni Ryker. "Yet for some reason, you're also the only person I can love this much."
Mapakla akong ngumiti sa kan'ya. "There's no need for you to bring the needs of Ryzi to my house. Lilipat na rin ako. You can. . .bring Ryzi with you."
"Kahit si Ryzi? Iiwan mo na rin?"
Tumango ako sa kan'ya.
"Pinuputol mo na talaga ugnayan natin, ano?" Ryker laughed, his voice resonated with the pain that he was feeling. "Ang bilis mo talaga kaming bitawan. Hindi ko alam kung paano mo iyon kinakaya, Ziah. Kasi kami? Para kaming tangang naghihintay kung kailan ka magiging okay ulit. Nakakapagod. . .nakakasawa."
"Edi iwan mo na," malamig kong utas sa kan'ya. "Hindi ko naman sinabing hintayin mo ako."
Mas lumamig na rin ang tingin n'ya sa akin. "You cannot leave people. . .and always expect that they'll stay just where you left them behind."
I know that. I. . .hindi ko na rin naman ine-expect na may babalikan pa ako kung sakali. Ang mahalaga sa akin ay ligtas sila at hindi ko dala-dala habang buhay na napahamak sila dahil sa akin.
Tumango si Ryker. Pagod na.
"Do what you do best, Ziah," ani Ryker. "Iwan mo na ako. Iwan mo na kami ni Ryzi. I understand. Just. . .alagaan mo ang sarili mo. It was the only thing I prayed for when we were not together."
Tumango ako. "I. . .hope you'll always take good care of yourself."
Our story didn't end with a period. It kept on being written but with us not together anymore.
Buwan ang lumipas matapos ang usapan naming iyon. We remained civil. Wala na sa akin si Ryzi kaya hindi na talaga kami naguusap ni Ryker. It was better that way. Naging busy rin akong kausapin ang mga tao na malapit kay Kio.
Gaya ngayon, magkasama kaming dalawa ni Lotte habang hinihintay si Kio sa labas ng kan'yang classroom. Yet no Kio showed in front of us. Kaya naman nakiusap kami sa mga kaklase n'ya na lang.
"Si Kio? Hindi na siya pumapasok ah?" sabi ng isa sa mga kaklase n'ya. "Ang alam ko ay lumipat ng school."
Agad na nagkasalubong ang mga kilay ko. Lumipat ng school? Saan naman? Mas lalong mahihirapan kaming mahanap siya kung sakali.
We spent months searching for him. Nahanap namin siya sa probinsya nila. He was. . .completely normal and was taken aback without accusations. Kitang-kita ko roon na wala na ang paghanga n'ya sa akin.
"Teka lang," he gulped down upon hearing our side. "Lahat ng iyan ay sa tingin n'yo gagawin ko?"
"Oo! You killed Ziah's mother because you were rejected, you hurt Ryzi because you were jealous! At balak mo pa kami isa-isahin!" litanya ni Lotte habang dinuduro-duro si Kio.
Bahagyang natawa si Kio. "Parang ang samang tao ko sa paningin n'yo! Yes, fuck it! Naging obsess ako kay Ziah noon! That's why I self-reflected and went here because I didn't have a face to show in Manila anymore! Hindi ko kaya pumatay ng tao! At lalo na ng kapamilya ni Ziah!"
Kita ko ang frustration sa mukha ni Kio. Halatang naiirita rin siya sa mga paratang namin sa kan'ya. This is what I was scared of; alam ko may posibilidad na hindi siya. Pero kung hindi siya. . .edi sino? Mga relatives ko ba? Pero kung sila. . .edi sana matagal na nila kaming pinapatay! Yet, they didn't. Masama ugali nila pero hindi rin sila mamamatay tao.
"But you admit you stalked me?" akusa ko sa kan'ya.
He sighed exasperatedly. "Yes! Kung gusto mo ay ipakulong mo ako sa salang iyon! Pero tumigil na ako, last year pa. "
"Sinagasaan mo ang nanay ni Ziah," paratang ni Lotte sa kan'ya.
"I don't even drive! Edi sana nabangga na rin ako roon pa lang dahil kahit nga pag-preno ay di ko magawa!" pagalit n'yang singhal. "Tangina naman! Bakit n'yo ba ako ginugulo!? You went here just to blame me for all the misfortunes that Ziah had!? Ako ba author ng storya n'ya!?"
Natutop ang labi namin ni Lotte. Wala na kaming maalalang taong gagawa nito kung di si Kio lang. I wanted to ransack my brain to pinpoint someone yet there was no one else. Para kaming nag-back to zero dahil sa ibinunyag sa amin ni Kio.
Who could have done this? At bakit? Hindi ko rin talaga alam.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro