Chapter 29
to ppg,
#####
ry @aziahsbaby
hulaan nyo sino this 😝😝😝
ry @aziahsbaby
masama pa rin loob ko kay redacted (letter z ang nickname), ang sama ng ugali nya kasi ginaganun-ganun nya lang ako 😒😒😒 !!
ry @aziahsbaby
so hard to break down walls when she kept rebuilding it every damn time. paano tayo uusad nyan erps. . .👹
ry @aziahsbaby
nasa moving on phase na ako, real! 👍 mahal kita at ang ganda mo at grabe ang hot mo talaga pero naka-move on na ako!!
ry @aziahsbaby
but what about my inner papansin side? pick meeeee choose me love meee
ry @aziahsbaby
pero final na, she is just a phase 👍👍👍 we are just co-pawrents. thats it!!!!! si ryzi na lang ang mahal ko sa bahay na yun (na buhay, ily tita i hope u watch ziah from up there at pakibatukan na rin po siya thank u)
ry @aziahsbaby
papalit lang ako username kapag di na siya kulot (ganda nya talaga).
#####
Chapter 29
Mas napadalas ang balitang may babae si Ryker. I would shrug it off because I know he was just pressing my buttons or it was always a failed attempt to move on from me. Kahit yata yung manang na mapapadaan lang ay lalandiin ni Ryker para lang masabing naka-move on na siya sa akin.
Lumalaki tuloy ang ego ko na mahirap akong kalimutan dahil halatang kahit ilang babae ang sinusubukan n'yang i-date; it wouldn't be compared to what I made him feel.
Hindi ko nga inakalang aabot kami sa fourth year sa college na gano'n pa rin ang set up. He would send the needs of Ryzi to my home without contacting me. Palagi pa ring may bulaklak. Napagod na lang akong magtanong kung para saan yung bulaklak.
Aziah:
Ingat ka raw pauwi.
Sabi ni Ryzi. 👍
Ryker:
got it.
ingat ka rin, saka huwag kalimutan kumain.
pasabi kay Ryzi.
"Yung totoo? Inuuto n'yo na lang isa't-isa," wika ni Lotte nang makita akong pangiti-ngiti habang ka-chat si Ryker.
"Di ah," tanggi ko sa paratang n'ya. I was actually happy that even if we were not together, Ryker was clearly still concerned about me.
Kahit kararampot lang ang pinapakita n'ya sa akin sa ngayon, hindi ko maiwasan kumapit doon. Hindi ko maiwasan ikumpara ang noon sa ngayon pero wala naman na akong magagawa. I have to make it up to him somehow. Hindi ko lang alam kung paano sa ngayon pero desidido akong maging akin siya muli.
I waited for him in the lobby of his condo unit. May dala akong grocery dahil balak ko siyang lutuan. Naaalala ko na hindi siya masyadong kumakain kapag nagaaral. Lalo akong nagalala nang mapagtantuan na may thesis na rin siya ngayong taon.
Hindi ko sinabi sa kan'ya na pupunta ako sa unit n'ya. Alam ko kasing iiwasan n'yang umuwi o di kaya ay magdadahilan na busog. It was risky because I knew he might not come. . .pero saan naman siya uuwi, 'di ba?
Baka sa kama ng ibang babae.
Napailing naman ako. I should stop thinking negative things. Hindi nakakatulong sa akin ito.
I should at least plant the seed, kahit wala pa siyang pinapakitang motibo na gusto n'yang makipagbalikan sa akin—o magkaroon ng ugnayan sa akin, I should let him know that I'm still interested. That I still want him.
Ginabi na ako kakahintay sa kan'ya sa lobby. The guard from the reception even offered some biscuits and water for me. Kilala naman n'ya ako.
"P'wede na kayo umakyat, Ma'am," sabi nung guard. "Girlfriend naman po yata kayo ni Sir Ryker."
"Hindi, kuya," paglilinaw ko. "Pero baka malay n'yo naman? Kapag natikman ang luto ko?"
"Gusto mo bang ilagay muna 'yan sa pantry namin, Ma'am? Baka mapanis yung karne," he offered to me.
Umiling ako. "Okay lang 'ho! Pauwi na rin po siguro si Ryker."
Hindi ko alam kung saan siya pumunta. I looked at his social media and there were no updates. Hanggang ngayon ay di kami friends sa FB, tanging sa Instagram ko lang nakikita ang mga activities n'ya sa buhay. I scrolled on his stories and saw that he was at the gym.
Ang gwapo n'ya talaga. He was taking a mirror selfie while using one of the equipment in the gym. Naka-gray siyang top na medyo fitted sa katawan n'ya. His sweat only made him look hot.
Bakit kailangan n'ya pang mag-gym? P'wede naman siyang magpapawis sa akin?
Ngumuso ako. I reacted with a quick heart to his stories. Nagulat ako dahil lumipat na agad sa ibang picture bago pa man ako makapag-message sa kan'ya.
He was with a girl this time. She had red hair with curly tips. Naka-wacky silang dalawa sa picture. Napakunot ang noo ko. She was pretty and she seemed like she wasn't flirting with him. Para silang casual gym buddies. Pero hindi ko maiwasan isipin na baka. . .magkagusto si Ryker sa kan'ya.
Umiling-iling ako. I lightly tapped my cheeks to get rid of the lingering thought. I should be more confident. Ryker used to love me. He used to care for me. He used to shower me with his attention. Kaya ko naman ibalik ang mga iyon. . .I just hope he hadn't found anyone else yet.
Naka-idlip ako sa sobrang tagal ni Ryker. Naramdaman ko na lang na may nagaayos ng buhok ko habang nakapikit pa ako.
"Kanina pa siya?" His voice was raspy. Parang pagod. Pero kilalang-kilala ko ang bawat ritmo ng boses n'ya.
Pinilit kong buksan ang nga tulikap ko upang tingnan kung sino ang nagsasalita.
"Opo, eh. Sabi ko, akyat na. Ayaw pa po, hintayin ka raw n'ya," sabi nung guard at napakamot pa sa kan'yang batok. "Baka nga po panis na ang regado n'ya."
Ryker sighed once again and looked at me. "Sige, kuya. Salamat po, ihatid ko na lang po siya pauwi."
"Bakit mo ako ihahatid? Lulutuan kita," sabi ko sa kan'ya. I showed him the grocery that I bought. "Nanood pa ako sa Youtube! I'll create you a—"
"Ry, matagal pa ba 'yan?" a high-pitched voice chipped in. "I'm tired already."
Sinipat ko agad yung nagsalita. It was another girl, hindi ito yung nasa story n'ya. She was tall, almost the same height as Ryker because of her stilettos. Maganda ang hubog ng katawan at parang half russian ang mukha.
My heart. . .kinda ached. Hindi ito yung masakit agad. It was slow, as if trying to savor each ache as the girl went near Ryker.
"Sino ba siya? Kapatid mo? Pinsan?" tanong nung babae. "Bakit ka lulutuan?"
"Kakilala," sagot ni Ryker. "Papauwiin ko na."
Guilt consumed every fiber of my being. Para akong binuhusan ng semento dahil nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Ryker.
The girl eyed me. "Stalker ka ba? Gosh, I know that he's hot. Pero crime ang stalking, girl!"
Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako kay Ryker. Nanatiling tutop ang labi ko.
I know that he had girls while we were not okay. I made peace with that fact because we were not together. That was my rational side. Yet, my heart begs me to react—to feel hurt. Kasi hindi ako naghanap ng iba kahit hindi kami okay. Pero siya. . .parang araw-araw, minu-minuto, at kada oras ay may ibang babae.
Yet, it was my choice. And I chose him despite knowing that he wasn't even mine from the start. I couldn't blame him at all.
"Sorry," I swallowed, then smiled at them. "Family friend. Pinapaabot lang sana yung grocery. . ."
"Ryker doesn't even cook in his condo," sabat nung babae. "Ano bang alam mo sa kan'ya?"
She knows that, huh? Ibig sabihin ay nakapunta na siya sa condo unit ni Ryker. Humapdi ang puso ko nang marinig iyon. I thought that was our place?
How could he build memories with someone else in our place?
"Sasha, stop it," saway ni Ryker. Lumingon siya sa akin. Malamig ang titig. "Umuwi ka na."
"Yup," I nodded, then slowly handed him the groceries. "You should at least eat."
Lumipat ang tingin n'ya sa hawak ko. He slowly shook his head. "Kumain na kami."
Oh.
Okay.
"Sige," I smiled despite the searing pain of rejection. Yumuko ako nang bahagya upang itago ang nangingilid na luha. "Sorry."
Unti-unti akong lumayo. Hindi ako hinabol ni Ryker. Naririnig ko ang pahapyaw na tawag sa akin nung babae. I don't know? Probably to mock me? To make fun of me? To tell how stupid I am for waiting for someone else's man?
Sabi mo. . .di ka magiging tulad ng mama mo. Well, look at you now, Ziah. You are much more stupid at love.
"Kuya, sa 'yo na lang, malinis 'yan," tawag ko sa guard at inabot sa kan'ya yung grocery.
"Hala, ma'am. . .sayang naman," aniya.
"Di panis yung karne, kuya. Basta lutuin mo na lang agad pag-uwi. Bagong katay 'yan eh. Saka, sinampalukan ang luto dapat d'yan. Kumpleto na 'yan sa rekado," bilin ko sa kan'ya.
Pinag-ipunan ko yung pangbili no'n. Ilang araw yata akong di nag-aircon para roon. May pera pa naman ako galing sa personal savings ko. Ang mga ari-arian ni Mama ay sa akin din napunta; kasama roon ang lupa na pinagaagawan ng mga kamag-anak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin doon sa lupa. Iniisip ko na ibenta ito, to spite them. Pero ayaw ko rin sanang galawin dahil kay Mama ito ipinamana talaga.
I traveled with no direction. Hindi ko alam kung uuwi ako o hindi. Si Ryzi ay nasa kapitbahay ngayon dahil hiniram ng anak ng kapitbahay namin. I trust them because they were the ones who reported the gruesome scene that happened in front of our house. Tinutulungan din nila ako hanapin yung suspect.
My phone beeped. Sinilip ko agad ito.
Kiran 👼:
pangit
san ka?
Aziah:
Ikaw ang nasaan?
I need you
Kiran 👼:
loh parang GAGO
HAHAHAHAHAHAHA
😂
Aziah:
I need you to find me
putangina mo naliligaw ata ako 😭😭😭😭 made-deadbatt pa ako nyetang yan
Kiran 👼:
yey
nabawasan na naman
ang mga masasamang tao
sa mundo! #blessed
Aziah:
tanginamo talaga
HAHAHAHAHAHAHA
In the end? gumamit pa kami ni Kiran ng app upang maghanapan, tawang-tawa ako dahil para kaming nagte-treasure hunting. I finally reached his condo unit because of the app. It was elusive as hell. Parang dadaan pa ako ng immigration kung di ako sinundo ni Kiran sa lobby.
"Anong nangyari sa 'yo?" Pambungad ni Kiran. His mullet hair was a bit messy, ang mga mata n'ya ay nanatiling singkit.
"May babae si Ryker," I confessed and my eyes once again sting.
"Gago iyon ah?" He hissed but then his eyebrows went down. "Ay, pero mayroon bang kayo?"
Humikbi ako. Surprisingly. "Wala."
Tumawa si Kiran. Halatang nangaasar dahil lumingon pa sa akin. His smirk grew as soon as our eyes met.
Tangina talaga nito!
"Oh? Bakit ka umiiyak!?" Halakhak n'ya. "Magagalit na dapat ako eh. Susugurin ko na dapat. Makikipag-basag ulo na sana ako, never mind the bad publicity it will bring tomorrow. Pero wala naman palang kayo eh. Bakit ka umiiyak ngayon?"
"H-hindi ko alam," pag-amin ko pagpasok namin ng condo unit n'ya.
I can't help but smell the scent of old wood. Kitang-kita ko ang mga shelves na puno ng CD at DVD. Agad na bumakat ang pagkamangha sa mukha ko. He was a movie enthusiast based on the posters I've seen on his walls. Halata dahil sa year din yata naka-based ang arrangement ng mga CD at DVD na nasa shelves.
"Tanginang TV 'yan, ang laki!" bulyaw ko sa kan'ya nang makita ang malaking flat screen TV sa sala n'ya. Studio type yata ang condo n'ya pero alam mo agad kung saan ang kusina, kwarto, at sala. Mostly, mukhang sala ang buong unit n'ya.
"Ano!? Tite!?" Kiran gasped at me. His eyes widened in my direction.
"TV!" I hissed at him. "Bungol!"
His eyes squinted at me. "Girl, ikaw itong kung anu-anong naririnig dahil bakit ka umiiyak kung walang kayo?"
"Nakakainis ka talaga!" Pinagbabato ko siya ng throw pillow n'ya.
Kiran. . .comforted me by watching a movie. Niyaya n'ya ako at nilutuan ng buttered popcorn. He also brought me some soda. Nanood kami ng isang old animated film. Corpse Bride yata ang title.
"Weird mo," I told him while munching on the popcorn. "The movie is good. Pero may mga streaming apps naman. Why use an old DVD player?"
Kiran rested his head on the sofa. "Feels much better. Feels authentic. Parang binabalik ako sa oras kung kailan ginawa yung pelikula."
"I don't get it."
"Naalala mo Video City? It's a movie rental place," saad n'ya. "I used to love renting movies before. Sana ibalik nila. Streaming apps makes it convenient, I know. But I like hunting for movies that I never thought I'd love."
Napanguso ako. "Bold lang kasi pinapanood ko eh."
He deadpanned. "Ayaw na kita kausap."
"Joke lang! Pero bakit nga kasi? Why DVD over online apps where you can stream movies?"
Kiran shifted his weight. Umayos siya ng pagkakaupo. One thing about Kiran is that he's effortlessly attractive. Simpleng dark blue shirt lang ang suot n'ya pero ang lakas ng dating.
"Streaming apps mostly alter some of the shows to fit in the modern era or some old movies are not available to stream," he told me with a serious tone. "But movies on DVDs? They're timeless, Ziah. I don't expect you to feel the same, to each their own. At least ako, di iiyak kahit walang kami."
I glared at him and stuffed his mouth with popcorn. "Bwisit ka talaga!"
Tinawanan lang ako ni Kiran. Nagpaalam ako na magco-comfort room muna dahil naiihi ako. Napadaan ako sa mga picture frame at nakitang may dalawang batang lalaki roon.
"Sino itong katabi mo?" I asked him while pointing at the handsome guy. Mukhang masungit. Pero go lang, bata pa ang matres ko.
"Kuya," tipid n'yang sagot.
"Reto mo ako."
"Ulol," he stuck out his tongue at me. "Baka mas lalo kang umiyak."
Natawa naman ako. Ang damot nito! Bakit pa ako iiyak kay Ryker kung p'wede naman ako sa kuya na lang ni Kiran? Sana ay mas nauna ko na lang itong nakilala eh! Kaysa sa hayop na Ryker na iyon!
I was amazed when I entered his comfort room. Amoy na amoy ang shower gel ni Kiran. Namamaga ang mga mata ko nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa banyo. I inhaled then exhaled. Whatever. Ryker's just the boy. . .who currently has my heart.
Nakatulog si Kiran sa sofa habang nagro-roll na ang credits. Pinatay ko na yung TV at nilagyan ng kumot si Kiran. He's like a small kitten. Parang kailangan palaging bantayan.
Nakatulog ako malapit sa malaking bintana. Malambot kasi talaga ang sofa ni Kiran. Halata na rito siya nag-invest kaysa sa kama. P'wede na kasi talaga tulugan itong sofa n'ya.
I woke up with the sunlight from the window slowly hitting my face. Sinilip ko agad ang cellphone ko dahil ang daming notifications. Kaya naman pala. My forehead knotted upon seeing a story from Kiran. It was me sleeping soundly on his sofa, naka-thumbs up lang si Kiran sa picture at halos ako lang ang kita roon. Tulog mantika ang itsura ko roon! Hindi man lang maganda!
'Sleeping beauty = maganda lang kapag tulog. 👍' yung caption ni gago.
Nagtipa agad ako ng i-re-reply sa kan'ya.
Aziah:
Sana pala di na kita nilagyan ng kumot para namatay ka sa lamig. 👼
My eyes blinked upon seeing someone messaging me. Sinilip ko ito at medyo umawang ang labi. Huh?
Ryker:
ziah.
saan ka?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro