Chapter 27
Chapter dedicated to deamflum/dreamflum, mahal ka ng ryiah!
artwork by deamflum!
#####
IMessage
Kiran 👼
Kiran 👼:
penge qr ng gcash or whatever
Aziah:
Sent na
Aanuhin mo
Kiran 👼:
magbabayad me
di nga kita tatakbuhan <3
papanindigan ko yan
Aziah:
Sana naubos mo yung condoms 😊
at nabutas lahat! 😊
Kiran 👼:
oh no!
skerd me 🦖
bayad na ako
di pa ako politiko pero marami na
agad akong panganay!
Aziah:
SHHSHSHSHSHS
Received na
WAIT
KINGINA KA TALAGA
ANONG GAGAWIN KO
SA 30,000php !?!
WALA PA SA 300 YUNG
PINABILI MO
Kiran 👼:
patayo ka ng convenience store 🦦
#####
Chapter 27
Naiintindihan ko si Ryker. Kahit naman siguro ako kung biglang mawawala sa ere yung taong mahal ko ay baka mamuo rin ang pagaalala sa dibdib ko. It was easy to say that he should wait for me to recover, but maybe it was my fault for not letting him know that I was recovering. Naiintindihan ko na pinagmukha ko siyang tanga na naghihintay ng update sa buhay ko.
Love is a mutual effort. Hindi palaging green flag kapag yung isa ang naga-adjust sa relasyon. He already did his best to understand me. He made sure that Ryzi was okay when I wasn't. Siya ang nag-asikaso nito. Hindi lang n'ya ako nilapitan dahil hindi ko siya hinayaan. He respected my boundaries. He respected my decisions.
So, I should respect his decision for stopping his feelings for me as well.
"Buti napasa mo pa ang ilan sa mga subjects na napabayaan mo?" Kelsey asked me directly.
Nasa cafe kaming tatlo ngayon. This is a rare thing to happen—kumpleto na naman kami. Masyado kasing busy si Kelsey sa buhay n'ya lately. Hindi na lang namin sinisita ni Lotte dahil buhay naman n'ya iyon.
"Inasikaso ni Ryker," I said while stirring my frappe. Nagulat din ako dahil mas madali akong nakahabol dahil sa mga notes na iniwan ni Ryker sa bahay. Akala ko mahihirapan ako humabol pero nakiusap din pala si Ryker sa mga professor para sa akin.
He really loved me; well, it's too late now. Napagod na siya, nagsawa na siguro, at baka kinamumuhian na ako. I understand him and I won't take it against him.
Bukod kay Mama, isa na rin siguro si Ryker sa mga taong sana ay maaga kong naparamdam na mahal ko rin. I hope I have the chance to make him mine again. . .to be loved by him again.
"Wala na ba kayo ni Ryker?" Kelsey inquired, obviously piqued about him.
"Wala na," I answered truthfully. "Kasalanan ko naman. I made him feel that he wasn't part of my life."
Lumingon sa akin si Lotte. Her eyes seemed to agree with what I said. Ito ang gusto ko kay Lotte. She knows when it's our fault and when it isn't. Ngumiti ako sa kan'ya dahil parang may gusto siyang sabihin. Maybe she's looking at me for permission.
"You think so too, Lotte?" I said.
Lotte blinked before shrugging her shoulders off. Napainom siya sa iniinom n'yang chai latte, one of her favorites. "It's not entirely your fault. You were in a dark place that time, Ziah. Pero maganda rin na alam mong valid yung nararamdaman ni Ryker."
Napatango ako. "Totoo naman na hindi ko siya. . .hindi ko nasabi sa kan'ya ang mga nangyayari sa buhay ko. He respected my boundaries and didn't pry on things that I didn't disclose to him. Nasaktan siya sa pagiging tahimik ko. Alam ko iyon."
I know Ryker loved me and extended his patience when it comes to loving me. Kung yung iba ay maghahanap agad kapag nagkalabuan na; ako ay hinintay naman ni Ryker na maging okay bago n'ya ako tuluyan hiwalayan.
Technically, walang break up na nangyari. Pero mas masakit pala yung hiwalayan na wala namang kayo kaysa sa nagkaroon kayo ng label.
Lotte looked at me with her eyes turning soft. "Ilang beses akong kinulit ni Ryker, minsan nga ay napapaiyak na siya dahil wala siyang alam tungkol sa 'yo. Sising-sisi ako na wala akong sinasabi pero ayoko naman pangunahan ka. He took great care of Ryzi when you were away. Kahit nga yata bahay n'yo ay nililinisan n'ya. He didn't want to disturb you. . .pero siguro ay napagod lang siya na mukhang wala kang pakialam sa kan'ya."
I bit my lower lip as I've noticed my faults. I had lapses when it comes to handling his feelings. Sa sobrang gusto ko siyang ma-control, hindi ko inisip na hindi ko na naalagaan ang nararamdaman n'ya sa akin. I was so comfortable with his attention that I took it for granted.
Kasi kung babaliktarin ang sitwasyon; kung ako ang tinataboy at hindi pinapansin ni Ryker, malamang ay nagsawa at nasaktan na rin ako. Lalo na kung may nangyayari sa kan'ya pero wala siyang sinasabi na kahit ano sa akin. That he was deliberately ignoring my existence in his life. Masasaktan din talaga ako.
I wanted to include him in my life now. Gusto ko maranasan na n'ya ang pagmamahal na para talaga sa kan'ya. He didn't need to beg for my attention. He didn't need to wait for my love. He would get my full attention. I would saturate him with the love that is solely his.
"Hindi ko alam gagawin ko," I blurted out. "I want him back."
Lotte rolled her eyes heavenwards. "Alam mo? Pinapahirapan mo sarili mo! Hindi naman na tayo by letters ang communication! I-chat mo! I-message mo! Tawagan mo! Girl, putangina naman! Ka-department mo si Ryker! Kausapin mo!"
Napailing ako. "H-hindi ako sanay!"
"Di ka sanay saan?"
"Na. . .aminin," I said. "I don't know how to acknowledge this feeling, Lotte. Pakiramdam ko kapag sinabi kong mahal ko siya, he would see right through me how much he can wreck me."
"Alam mo? Hindi 'yan naisip ni Ryker nung minahal ka n'ya," Lotte replied. "When you love someone, you don't even think about the problems or the pain that might arise, you just don't see them not being in your life. Kaya nasaktan si Ryker kasi para mo siyang binalewala."
"Alam ko naman iyon. . ."
"Alam ko na hindi naman umiikot sa romance ang mundo," ani Lotte. "Pero hindi rin naman puro sakit lang ang mundo, Ziah. The pain is better lifted by you when you have people to lean on. Hindi ka nga kasi nagiisa, okay?"
Napatango ako. I would forever love Lotte's bluntness; siya ang frontliner na magtatanggol sa aming dalawa ni Kelsey pero siya rin ang unang babatok sa amin kapag may mga katangahan kami sa buhay.
I love Lotte; she's a dear friend to me. Hindi ko inakala ang malditang tulad n'ya ay magiging tropa ko dahil baka nasabunutan ko lang siya kung sakaling di kami naging magkaibigan.
"Fine," I sighed. "Babawi ako kay Ryker. Magiging akin ulit siya."
"Goodluck," Kelsey shrugged off. "He's a playboy. Mabilis siyang magpalit ng babae."
"Napatino na siya ni Ziah," Lotte said in my defense. "How hard can it be?"
It was very hard.
Napauwi agad ako matapos ang session naming tatlo. Ang balak ko ay kausapin si Ryker sa Instagram. Mas active kasi siya roon. I wanted to ask if I could have some spare minutes. . .funny because I used to have him all day long.
Naghilamos muna ako, nagpahinga, at nag-prepare ng yogurt snack. Nilagyan ko rin ang bowl ni Ryzi ng dog food dahil kanina pa siya nakikipagharutan sa akin. I was munching my yogurt with granola on it when I noticed something on Ryker's profile.
He softblocked me.
Soft Blocking is the act of purposely blocking someone for a minute or so just to remove them in your following and you will also be removed on their following list. Kailan ko lang din ito nalaman! Kasi, usually, wala namang gumagawa nito sa akin! Hindi naman kasi ako nakakairita sa feed.
Hindi na kami naka-follow sa isa't isa. What's worse! Nag-private si gago! Naiirita akong nagtipa ng mensahe para sa kan'ya. Should I be grateful that he didn't block me instead? Pero! Fuck it, Adeva!
Masakit sa pride ko! Nyeta!
"Yung tatay mo ah, nakakairita," sumbong ko kay Ryzi.
"Hmppp," Ryzi whined as if he didn't know what's happening. Patay-malisya lang siyang kumakain ng dog food.
Umirap ako. Tingnan mo ang isang ito! Sa tatay pa talaga kumakampi! Palibhasa si Ryker ang kamukha kaya gan'yan eh.
I deleted my supposed message. Nahiya kasi ako bigla. Okay, paano ba ang pagpapapansin na gagawin ko?
I checked on Facebook. Friends pa naman kaming dalawa. Okay, kalma. I looked at his last post and it was last week. Nag-share lang siya ng advisory post na galing sa school page namin. Ang ibang post n'ya ay may kinalaman sa mga dumaang bagyo, mga giyera na nangyayari sa iba't ibang bansa, at ang mga kagaguhan ng government sa ating bansa mismo.
I inhaled and went to my room. Nag-ayos ako. I decided to put light makeup on and finished my look by coating my lips using Ryker's favorite shade. Ito yung shade ng lipstick na palaging tinititigan ni Ryker sa akin. Tapos hahalikan na lang ako bigla!
I took a selfie and uploaded it on my stories, sa Facebook.
Aziah Florencio
"The bitch is back," I added in my caption. Napangiti naman ako.
Muntik ko na lagyan ng #BabalikSaAlindogKoSiRyker na hashtag pero baka masyado maging halata. Okay na 'yan, lowkey lang muna.
Naghintay ako ng ilang oras bago tingnan ang mga viewers. Sinuyod ko talaga ang 1,000 views para tingnan kung nakita na ito ni Ryker.
Kumunot ang noo ko nang makita ang '😂' reaction ni Kiran. Hayop talaga ang isang ito! Pero di na ako nagtaka, si Lotte nga naka-like lang eh! Bwisit talaga silang dalawa! Sana mabiyayaan ako ng mas matinong mga kaibigan!
I finally spotted his profile. Wala siyang iniwan na reaction. Napanguso naman ako. Kung dati siguro ito, baka nagmessage na siya sa akin na mag-condo kami or lumabas. He would bombard my story with a lot of heart reactions. Mapupuno ang buong my day ko ng mukha n'ya dahil sa mga heart na iiwan n'ya. He's really mad, huh?
I viewed his profile to message him. Kaso. . .he unfriended me.
My lips tightened as my fingers scrolled for more. Puro pang-public na ang nakikita ko. The posts intended for his friends were now hidden from me.
Ouch. Ang sakit pala talaga.
It was as if he was removing my existence little by little. I was watching him fade from my life. Funny because I never thought it would hurt this much. Akala ko mas okay ang mawalan ng koneksyon sa kan'ya.
Now I fully understand how people would prefer to be hurt by love than be devoid of it.
Napasandal ako sa headrest ng kama ko. What now? Hahabulin ko pa ba? Kakausapin ko pa ba? I should at least have a reason, right?
Hindi ko alam ang gagawin ko. I was so lost without him. It was fucking embarassing to admit that I need his presence in my life.
Mahal ko si Ryker. One of the biggest regrets that can happen to someone's life is not being able to express how much they loved a person. Hindi ko na nga nagawa kay Mama. . .hindi ko rin magawa kay Ryker.
Napapikit na lang ako. Bakit kasing tigas na kasi ni Ryker ang etits n'ya? Paano ba lalambot ang isang iyon? Hindi ako sanay na nonchalant siya!
Napalingon ako kay Ryzi. Sumisilip ito sa akin ngayon. Napabuntonghininga ako at napatingala. I looked at his profile and decided to message him.
Aziah Florencio:
I miss you.
Sabi ni Ryzi. 👍
It was a desperate attempt to get his attention. Malapit ko na sana ito i-unsent dahil tinubuan ako ng hiya. Pero tumunog ang cellphone ko. I looked at it and my heart almost lost its track of beating.
Ryker Adeva:
I miss you more.
Pakisabi kay Ryzi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro