Chapter 19
to those i met yesterday,
thank you so much :") my heart feels warm because of you.
#####
Chapter 19
You can't blame me for avoiding love as early as I can remember. Love ruined the most important person in my life. Love wrecked the places that I romanticized to live in. Love made me feel that it was a safe zone. . .until it's the place that made me feel fear the most.
It was like a tunnel that's dark and long. . .it's scary for me. My mother always bravely went inside the tunnel—only to return as wounded and broken as before.
I'd rather avoid that path even if it means I won't experience love. It was as if I was taking sugar off from my life, I don't need the sweetness of love. And even if I crave for it, I'd rather chained myself to the idea that it would only hurt me in the long haul.
"Ziah ko!" Ryker hugged me from behind as my thoughts strayed away from my reality.
"Ano?" Kumunot ang noo ko sa kan'ya. Nagluluto ako ng hapunan dahil ginawang tambayan ni Ryker ang bahay namin. Tuwing uwian ay hinahatid n'ya ako tapos gabi na siya umuuwi sa condo n'ya, minsan pa nga ay sa kwarto ko nakikitulog.
Mama didn't even make Ryker's life hard, binigyan n'ya pa ng duplicate keys ang loko. Hinilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha. Para akong nakikipaglaro ng bahay-bahayan sa kanilang tatlo. Si Ryzi rin kasi ay ang ingay kapag di bumibisita si Ryker.
Ryker and I never had sex in our house. Siguro dahil kahit gaano ka-comfortable sa kan'ya si Mama ay ayaw naman n'yang maging abuso. Sa lahat din ng ex ko ay kay Ryker lang naging comfortable talaga si Mama. I couldn't blame her because even I can attest how much he showed respect towards my mother. Hindi rin pumupunta si Ryker sa bahay ng walang dalang kahit ano. Madalas na nagmumukhang bakery ang bahay dahil ang daming tinapay.
"Ano ulam?" tanong ni Ryker habang sinisilip ang niluluto ko. "May sinaing na ba? Gusto mo ba ako na mag-saing?"
"Marunong ka?" Awtomatikong lumingon ako upang magtaas ng kilay sa kan'ya. I didn't expect that Ryker would know because he seldomly served rice in his condo. Sa pagkakatanda ko nga ay minsan lang kami magluto roon at kadalasan ay hindi naman heavy meal.
"Oo kaya!" Ryker looked at me, his eyes turning to slits. "Magsaing lang eh."
"Baka nga helpers n'yo ang gumagawa ng mga gawain sa bahay," saad ko.
Ilang minutong naging tahimik si Ryker bago tumikhim. "No'ng bata ako, wala naman kaming helpers."
"Edi Mama mo?"
"Nagtatrabaho habang nagaaral si Mama n'on," sagot ni Ryker. "Kaya ako ang inaasahan nila na magluto."
Hinanap na n'ya yung lalagyan ng bigas. Kinuha n'ya ang pangtakal at hinanap ang lutuan. May rice cooker kami kaya naman hindi na n'ya kailangan na sa mismong kaldero magsaing.
"Ikaw rin ba nag-alaga sa kapatid mo?" Unti-unting humina ang boses ko nang mapagtantuan na seryoso siyang nagkukwento sa akin.
Tumango siya at nagtakal ng dalawang beses bago pumunta sa lababo upang hugasan ang bigas.
"Iniisip ko kasi no'n na kung kukuha pa kami ng helpers, edi lalong kailangan magtrabaho ni Mama saka ni Papa. They were working nine-to-five, tapos dalawa pa yung trabaho. Umuuwi lang sila para matulog nang kaunti at maligo tapos trabaho ulit."
"Nagbunga naman iyong sakripisyo nila. . .you live comfortably now," sabi ko at pinatay yung kalan.
"Oo. . .siguro?" Daliri lang ang ginamit ni Ryker upang i-check kung tama ang measurement ng tubig sa bigas. "Pero alam mo yun? Takot na kami bumalik sa dating buhay na mayroon kami. Para bang kapag nagpahinga kami, baka mawala yung pinagpaguran nila?"
Tumango ako sa sinabi n'ya. You've tasted the sting of having nothing so the taste of being comfortable makes you dread that you won't be able to stay there forever. Naiintindihan ko siya dahil ayoko rin bumalik sa panahon na yung manok sa isang fast food restaurant, hahatiin pa namin ni Mama para sa aming dalawa. Pero ayoko rin naman na halos ma-ugod na si Mama kakatrabaho.
"Naiinggit nga ako minsan kina Eastre at Cal eh," halakhak n'ya sa akin. "Sila kasi. . .ang taas na nila agad. Alam ko naman na may kan'ya-kan'ya tayong struggles sa buhay. Alam ko rin na hindi naging madali ang buhay sa kanila. Pero gets mo ba? Kapag sila nalungkot, p'wede sila mag-golf o kaya may fund sila para sa recreational activities nila para ma-divert yung lungkot nila. Heck! Kung masaktan sila, p'wede silang mag-book agad ng flight papunta sa Boracay."
Tumawa ako. "Oo. . .tapos tayo, maglinis ng bahay, mag-window shopping sa mall, o di kaya kumausap ng kaibigan para ma-divert yung lungkot. Kung may budget, edi inom! Hati-hati pa at magyayayaan pa para mas maliit ang magastos."
Ryker operated the rice cooker and as soon as he was able to put the button down to 'cook', he looked at me.
"Pero mas malungkot yung katotohanan na hahanap tayo ng diversion kaysa harapin yung rason kung bakit tayo malungkot," he said. "Wala man lang sa mga options na nabanggit natin ang therapy."
Natahimik ako sa iminungkahi n'ya. Siguro dahil totoo naman na takot din talaga kaming malaman kung bakit ganito ang takbo ng isip namin. We could also add the truth the therapy is expensive, salat ang ibinibigay na atensyon dito kaya naman hindi lahat ay afford ang pangmatagalan nitong proseso.
"Pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan natin, ano?" sabi ko kay Ryker. "Wala namang nakakahiya sa pagpapatingin kung paano tayo magkakaroon ng paraan para mag-improve ang mental health natin. Siguro mahal nga. . .pero siguro kung mas marami ang magno-normalize nito, baka sakaling mas mabigyan ito ng atensyon at maging priority na bigyan ng budget ng gobyerno. Sayang naman ang tax kung sa mga daang pilit lang nilang sinisira mapupunta."
Tumango siya.
We had a thorough discussion about it. Nakakatuwa na sobrang gaan kausap ni Ryker sa mga ganito. Marami kasi akong kilala na lalayo sa usapang politics o social issue dahil ayaw raw maging seryoso. It's a turn off for me.
Malandi rin naman ako pero hindi naman ibig sabihin n'on ay wala na akong pakialam sa paligid ko. And I'm glad that I can attest that even if Ryker was a flirt as well, he was well educated and he keeps on involving himself on recent issues.
Si Mama ang bantay kay Ryzi dahil napagusapan namin ni Ryker ang lumabas. . .bilang friends. Kakain lang kami sa labas as friends dahil mag-ce-celebrate kami dahil tapos na ang 1st year namin bilang medtech students.
I was wearing a sleeveless black top and shorts. May black choker akong suot at nag-bun ako ng buhok. My curtain bangs perfectly framed my face. Nagpa-cute pa ako sa salamin habang nag-a-apply ng lipstick. For some reason, I was contemplating on wearing a rose colored tint or a fiery red one.
Buburahin din naman 'yan ni Ryker mamaya.
I mentally slapped myself. My god! How could I think of that!? Kakain lang kami sa labas! Malamang ay mawawala talaga ang lipstick ko dahil lilipas ang oras at kakain din kami! Mawawala dahil sa tubig! Hindi dahil sa labi ni Ryker!
Nagsabi si Ryker na susunduin n'ya ako kaya naman naghintay lang ako sa kan'ya sa bahay namin. I kept on looking at myself, unconsciously being conscious of how I look.
"Fuck," Ryker gasped once he was able to get out of his car. "You're so hot."
His eyes were almost twinkling. Namula naman ang mga pisngi ko. Kung ibang lalaki ito, baka nag-a-away na kami dahil maikli ang suot ko ngayon. Tama nga ang hula kong maglalaway pa si Ryker kaysa sitahin ako.
"Hindi mo ba ako. . .pagpapalitin?" mahinang tanong ko sa kan'ya habang nakatingin lang sa ibaba.
"Bakit?" His eyes narrowed. "Hindi ka ba komportable sa suot mo?"
"Comfortable naman ako," I gulped down.
"Oh, edi bakit?"
"Baka mabastos?" I hedged, agad akong umiling. "Hindi sa kabastos-bastos itong suot ko ah, pero alam mo naman dito sa Pilipinas kung saan nagiging free pass ang mang-bastos kapag maikli ang suot."
Ryker neared me and fixed the strap of my top. My cheeks bathe in warmness as soon as I felt his fingers brushing on my skin.
"Nandoon naman ako, ipagtatanggol kita," ngiti n'ya. "Kung kumportable ka sa suot mo, hindi mo kailangan magpalit, okay? Magpapalit ka lang kung ayaw mo sa suot mo, hindi dahil sa ayaw ko o ng kahit sino."
Napangiti ako sa sinabi n'ya. He sucked at words but whenever it involves me, para bang palagi n'yang alam ang mga tamang sasabihin para gumaan ang pakiramdam ko.
We went to a nearby mall, we were contemplating whether we should get ramen or flavored chicken wings for our celebration.
"Uwian natin si Tita ng food," sabi ni Ryker habang namimili sa menu. In the end, we were enticed by the smell of flavored chicken wings.
Tumango naman ako. Parang mas anak pa si Ryker ni Mama kaysa sa akin dahil kahit kanina ay tinatanong n'ya kung anong gustong pasalubong ni Mama.
"Ano sa 'yo?" tanong ni Ryker sa akin.
"Soy honey," sagot ko.
"Yes, honey?" Nangingiting lingon sa akin ni Ryker.
Kumunot ang noo ko sa kan'ya. What the fuck was that! Sa harap talaga ng cashier? Nagagawa n'ya pang lumandi?
Natawa na lang si Ryker nang mapansin ang unti-unting pagpuslit ng kulay rosas sa aking mga pisngi. He's seriously. . .something else.
Naghanap na ako ng bakanteng pwesto nang si Ryker ang mag-insist na mag-order. He told me it was his treat, I told him that the next time we would go out it would be on my tab.
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. P'wede ko naman sabihin na babayaran ko ang sa akin, p'wede ko rin ipilit na magkape kami pagkatapos nito para ma-libre ko pa rin siya. . .pero gusto pa sana ng next time. Gusto ko pa siyang makasama.
Napangiti ako habang pinaglalaruan ang tissue sa harapan ko. I was waiting for Ryker to come with the tray. Mukhang magkakaroon pa ng waiting time dahil halos puno na rin ang napili naming lugar.
"Aziah?" Someone called me.
Umangat ang tingin ko sa kung sinong tumawag sa akin. My skin felt like it was pricked by needles.
My tenth grade ex-boyfriend was now towering over me. Naka-polo siyang red at maong na pants, may kasama rin yata siya dahil may hawak siyang handbag. . .unless he's into handbags now?
"Ah, ikaw pala, Rome," I smiled bitterly at him. "Buti buhay ka pa?"
Namutla siya nang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ko. I was gritting my teeth as my fists below the table started to tremble. Tangina, kailangan ko na yatang umalis. Kailangan na namin lumipat ni Ryker ng kakainan. Nawalan na ako ng gana; para na akong nangangasim dito.
"Aziah, let me explain," he was about to sit down on Ryker's seat when I stood.
"Gago ka ba? Pagkatapos mong ipagkalat na tinira mo ako? Na may nangyari sa atin? No'ng grade ten? Tangina mo! Ni manood nga ng porn, hindi ko pa ginagawa sa edad na iyon!" I hysterically called him out.
Some people looked up at me. Rome's face plastered a look of shame. Lumingon pa siya sa mga tao at nagsimulang yumuko nang paulit-ulit upang humingi ng tawad.
I was trying my best to repress my emotions. It was the one thing that I was good at. Kaso ano bang magandang reaksyon kapag nakita mo iyong tao na sumira ng buong high school mo?
Rome was. . .a friend of mine before we dated. He was also one of the few guys that I took seriously. Naging kaibigan ko kasi kaya naman akala ko kahit paano ay matino at mapagkakatiwalaan.
I didn't like the notion that girls should stay pristine and conservative until they're married; wala naman kasing paniniwalang gano'n para sa mga lalaki. Pero bata pa kasi talaga ako noon, ayoko pa talagang makipagtalik at hindi ko rin nakikita ang sarili ko na ginagawa iyon kasama si Rome.
Kaya naman sobrang sakit sa puso no'ng nalaman ko na pinagkakalat n'yang may nangyayari na sa amin. Kaya pala kapag sumisilip sa akin ang mga kaibigan n'ya ay natatawa sila o di kaya pasimple akong minamanyak dahil akala nila ay bumibigay raw agad ako.
Hindi ko na pinagtanggol ang sarili ko n'on. Hinayaan ko na lang dahil pakiramdam ko ay balewala rin kung sasabihin ko yung katotohanan na wala naman talagang nangyayari sa amin. Yes, he was my first kiss. Yun lang naman ang naibigay ko sa kan'ya dahil kahit paano ay nagustuhan ko rin naman talaga siya.
"Ziah, huwag kang mag-eskandalo," saway sa akin ni Rome. His brows furrowed as he looked around. "I just want us to talk."
"Tungkol saan?" I sneered at him. "Tungkol ba sa gaano ka-gago? Aba, kulang ang isang araw kung paguusapan natin iyon."
He exasperatedly sighed. "Ang tagal na n'on, Ziah. Bata pa tayo n'on. Pinalampas ko na nga na binastos mo ako sa harap ng mga magulang ko eh. Until now, they still hate you for telling them that their son is a sex freak."
Natawa ako. "Oh bakit? Totoo naman? Manyak ka talaga?"
"Ang hirap mo kausap, Zi," he shook his head. "No guy would ever be able to tolerate you."
My lips moved as soon as he said those words. Hindi ko alam kung bakit parang naputulan ako ng dila dahil sa mga salitang binitawan n'ya. I hate how those words resembled the truth—that I was hard to love.
"Tabi-tabi po," sabi ni Ryker na nasa likod ni Rome. He was taller than him. "Kuyang mukhang nuno, excuse me po."
Lumingon sa kan'ya si Rome. His face blanched upon seeing Ryker. It gradually changed into anger upon the registration of what Ryker just said.
"Dude, what the fuck!?" atungal ni Rome kay Ryker.
Nagtaas ng kilay si Ryker sa kan'ya. "Bakit ka ba kasi humaharang? Nakakita ka lang ng maganda, nauulol ka na d'yan."
"Pare, can you fuck off?" ani Rome.
"Ikaw ang umalis? Kakain kami ng. . .girl friend ko—"
Hindi natapos ni Ryker yung sasabihin n'ya dahil sinapak na siya ni Rome sa panga. My eyes widened, this asshole! Hanggang ngayon ay wala sa hulog ang pagkapikon! Bukod sa sinungaling, ito rin ang ayaw ko sa kan'ya! Ang init palagi ng ulo! Seloso! At wala sa lugar ang pagiging basagulero!
"Rome! Parang tanga!" sigaw ko sa kan'ya at sinilip agad si Ryker.
He was touching his chin. Masama ang tingin kay Rome pero hindi kumikilos pabalik. He doesn't plan on avenging himself, I guess.
"Ano? Wala ka pala eh," halakhak ni Rome. "Laspag naman na 'yan si Ziah! Gamit na gamit ko na iyan nung grade ten pa lang! Baka nga kapag niyaya ko iyan ngayon, maghubad na iyan eh!"
Akmang hahawakan ako ni Rome upang hatakin pero hinawakan ni Ryker ang kamay na papalapit sa akin at agad na tinulak si Rome upang sapakin sa mukha. His fists landed on his jaw then another jab went for his eye. Hindi na nakaganti si Rome dahil sunod-sunod na ang pagsuntok ni Ryker.
I never thought that Ryker would get himself in trouble in a physical fight. Nakita ko kanina kung gaano kahaba ang pasensya n'ya. Pero hindi ko alam bakit bigla itong nawala nang akmang lalapit sa akin si Rome.
"Ryker!" saway ko at agad siyang hinihiwalay sa mala-bangkay na si Rome na nasa lapag na ang katawan.
The people around us were gasping and were recording on their phones. Ang mga staff naman ay aligaga na sa pagtawag ng security. I was trying my best to stop Ryker from pulverizing Rome on the floor.
"Ryker! Tama na!"
"This shit was trying to hold you!" Ryker said in anger. "Kapal ng mukha n'yang hawakan ka? At pagsalitaan ka? Sino ba siya sa tingin n'ya?"
My heart clenched inside my chest. "Gago ka ba!? Mas magalit ka kasi sinapak ka! Ano naman pakialam mo kung pinagsalitaan n'ya ako?"
Hindi man lang siya nagalit na sinapak siya nang walang dahilan? Mas nagagalit pa siya dahil sa mga pinagsasabi ni Rome? Sa akin? I don't get him at all!
"I won't allow anyone to speak shit about you," Ryker said in a grim tone. "And I won't let anyone under my watch; touch you without your consent. . .and with their filthy hands."
"Why does it matter to you?" naiiritang sabi ko sa kan'ya. "His words meant nothing to me! Dapat di ka nagpadala sa galit mo!"
"It matters to me," mahinang sabi n'ya.
"Why!?"
Lumingon siya sa akin at sumigaw. "Kasi mahal kita!"
My lips tightened. What? Did. . .he just say? Nanatili akong tuod sa aking kinatatayuan. The chaotic surrounding suddenly dimmed, as if the spotlight was only on the two of us. Para bang nasa amin lang ang sentro ng mundo ngayon.
Mahal n'ya ako?
He sighed, sounding defeated. "I'm sorry for raising my voice at you, Ziah. Pero fuck it, mahal kita, okay? It matters to me because I don't want you to think that those words are part of your being because they're not. Mahal kita. . .and fuck it because I know this isn't what you want."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro