Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41


Li's Note:
This is the last chapter! Thank you so much for reading IOYK! I wrote this to de-stress myself from school, sana hindi kayo na-stress sa storyang ito. Epilogue na ang sunod. I enjoyed writing this one and I hope you enjoyed our 7PM sessions. See you in my next stories! This was not meant to be a heavy story. :)

Also, thank you for acia and adi for this one! #NoToJeepneyPhaseout

*****
Chapter 41

Hindi ko binasa yung email. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil may naka-attached na PDF doon na ang pangalan ay If Only You Knew. I didn't even want to know! Naiirita ako dahil ni-log out ko pa ang mismong account ko sa gmail para lang hindi balik-balikan yung mismong email n'ya sa akin.

Bahala siya.

Di naman mababago ng email na yun ang nararamdaman ko sa kan'ya.

Nasa trabaho ako ngayon at tulala habang nagaasikaso ng mga papeles para sa department namin. Kaswal naman akong busy sa pag-scan ng mga resibo at kung anu-ano pa. I was massaging my temple as I headed towards my space.

I need a break.

Bibisita siguro ako mamaya kay Tita Istelle para naman kumalma ang isipan ko. I don't know why I can find solace within her words and touch. It's ironic because she's the mother of the person who kept on invading my system.

Napabuntonghininga ako.

It was hard to run away from someone you consider as your home. It was one of the hard lessons I had to learn when I distanced myself to Iscaleon.

Galit-galitan, pagtatampong nauuwi sa pangungulila, at mga katagang kaya ko naman na wala siya pero alam ko sa sarili ko na iisipin ko pa rin siya once in a while. Minahal ko rin kasi talaga.

"Thanks a lot for reminding me na isa kang malaking what if!" naiiritang tili ko sa mga co-workers kong nasa pantry lang din. Natatawa sila dahil naikwento ko ang tungkol sa isang email na binubulabog ako.

Syempre hindi nila alam yung laman ng email dahil kahit ako ay walang balak itong buksan.

Naglalagay ako ng tubig mula sa dispenser dahil magtitimpla ako ng kape. Pampakalma lang. I was pressing the red button to add hot water to my cup.

"Gaano ba ka-gwapo 'yan, Cel? Bakit parang nagdadalawang isip ka pa?" Sumimsim si Liz sa kan'yang inumin galing sa isang coffee shop. She was sitting just in front of my seat. Apat kasi ang capacity ng mismong table namin tapos yung dalawang bakante ay pinunan naman nina Sid at nung isa pang tiga-Marketing department.

"Gwapo nga kaso torpe saka ayaw pa ng nanay ko na mag-jowa ako," sabi ko sa kanila. I don't know if I should abide by my mother's rules but I also didn't want to make a fuss about it anymore.

"Hala? Ilang taon ka na! Jowa lang naman, hindi naman agad pamilya ang nasa isip mo, hindi naman na tayo oldies o sinauna para kasal agad o bata agad eh," saad ni Sid. "Isa pa, legal age ka naman na. Hindi mo naman iaasa yung anak mo sa magulang mo, kaya what's stopping you, girlie?"

I stirred my cup using a small spoon provided in the pantry. Tama naman sila kung tutuusin pero para kasing ayoko na ma-involve kay Iscaleon bukod kay Tita Istelle. I know that he loved me and probably even really went to my graduation. Pero bakit kinaya n'yang hindi ako lapitan ng isang taon?

I just shrugged my shoulders then sat in front of Liz. Uminom ako mula sa aking kape saka ngumisi.

"Hindi na siguro para sa akin ang pag-ibig," sabi ko na lang. "Sinubukan ko naman talaga pero wala eh, olats talaga yata ako. Pero okay lang naman, hindi naman siya naging kawalan sa akin. More time and more love for me, I didn't lose at all."

Lahat ng kasamaan sa mundo ay galing lang mismo sa curiosity. That email was like my very own Pandora's box. I don't have the guts to open it because I know it might turn the tables around upon knowing what's inside it. Okay na ako sa ganito lang. . .

I visit Tita Istelle weekly because I had promised her that I will always make time for her. Hindi ko alam kung kailan aamin sa kan'ya na wala na kami ni Iscaleon. It was hard to even think about it, to break her heart, to tear her apart, and to announce that it is finally over between Iscaleon and I.

Tulala lang ako habang nasa sala kami ngayon ni Tita Istelle. The house was gloomy, almost no sun was seeping through the window panes. Hindi ako sanay na ganito ang bahay nila. . .binabalot ng katahimikan.

"Thank you for coming," sabi ni Tita Istelle sa akin habang nagdala ng lemon water para maging inumin namin. Actually, ako lang naman ang umiinom.

I sat down on one of the couches. It was a modern couch, in the color of white. Nagbago siya ng sala set magmula nang hindi na umuuwi si Tito Cayden dito. Hindi ko rin alam kung bakit. . .hindi na sila nakatira sa iisang bubong.

Ngumiti ako sa kan'ya habang nagsasalin ng tubig mula sa pitcher. I don't know how to start a topic when it comes to her, kaya hinihintay ko lang palagi ang kwento n'ya. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang topic na interesado siya o hindi makakasakit ng damdamin n'ya. Anything related to Tito Cayden would bring her to tears so I try my best to divert our topics to houseplants and even her favorite TV show; huwag lang talaga si Tito Cayden ang maging sentro ng usapan naming dalawa.

"Do you still draw, Tita Istelle? Maliban po sa mga plates n'yo po," panimula ko ng isang topic.

"I do," she said. "I sucked at drawing protraits though. . .but for some reason, kinokolekta siya ni ano. . ."

Napalunok ako nang wala sa oras. Oh no, baka mapunta na kami sa topic na iniiwasan ko. Aba malay ko bang fan si Tito Cayden ng mga drawings ni Tita Istelle!? Pero gano'n yata talaga, kapag iniiwasan mo ang isang tao ay lalo ka lang ilalapit ng tadhana sa kan'ya lalo na kung hindi pa talaga tapos ang kwento n'yong dalawa.

"Ah? Gano'n po ba? Ako kasi, Tita Istelle. . .wala talaga akong talent eh," halakhak ko sa sarili kong kahinaan. "Talent po ba ang magiging makapal ang mukha?"

She smiled cheerfully. "Oo naman, not everyone is capable of that. I like how frank you are, Celest. Your talent is something innate in you or something that you can learn. Hindi naman kailangan lahat ay pangmalakasan ang talent."

Ngumiti lang ako sa kan'ya. Why did she have to go through a hard phase of her life? May mga tao naman diyan na sobrang big deal ang lahat na sa tingin ko ay mas kaya ang mga challenges sa buhay ni Tita Istelle eh, for example na lang ay si Tita Agnes, hindi na ako masyadong lalayo pa.

Tita Istelle lowered her gaze as she gave me a letter which made me part my lips and put my glass down, umangat ang tingin ko sa kan'ya.

"I don't want to regret anything so. . .can you read this for me? Kapag na-mi-miss mo ako?"

"Tita Istelle. . ." I trailed off. Tinago ko yung hawak kong letter mula sa kan'ya. I don't know when I will read it or if I even have the strength to read her words out loud.

"You don't have to visit me anymore," she smiled then sat beside me. Her eyes were misty as she navigated her hands near my knuckles. She clasped our hands together. "Tanggap ko naman na wala na rin kayo ni Iscaleon. This is all my fault. I was the reason why he wasn't able to attend your graduation, aren't I?"

"Tita. . .no," naiiyak kong saad habang pinipiga na rin ang puso ko. "Wala kang kasalanan doon. Hindi lang po talaga siguro kami ni Iscaleon ang para sa isa't isa. We can still be friends if that worries you. Wala naman po akong galit kay Cal at naiintindihan ko siya."

Umiling-iling siya. "Hindi mo naman ako dapat pagtakpan. Alam ko naman na kasalanan ko at ng sakit ko—"

We were both disturbed by the loud and blaring sounds coming from the outside. Sabay kaming napatayo ni Tita habang unti-unting lumapit sa bintana upang silipin kung sino ba ang nandoon sa labas. We were both relieved but also alarmed to see Tito Cayden's car in the driveway.

Dali-daling kaming pumunta sa may gate. We sauntered our way to open the gate and my heart was racing. Hindi ako mapakali dahil bakit nandito si Tito Cayden? Bakit parang nagmamadali siyang buksan namin ang gate?

I opened the gate with my hands still trembling. Automatic daw ito sabi nila pero nasira sa di ko alam na dahilan. Kaya naman pagkabukas ko pa lang ay sumalubong agad sa akin sina Tito Cayden, Iscaleon, Iscalade, at Philomena. All of them looked horrified and they were barely holding their breaths as they saw us together.

"Ayoko, Istelle!" nanaig ang boses ni Tito Cayden. It reverberated through the corners of the house despite it being outdoor.

"Ma, bakit ka nagsulat ng gano'n?!" Iscalade yelled out, his eyes were finally producing tears. "Tangina naman, ma. . ."

Nanatiling tahimik si Iscaleon at Philomena pero mukhang galing din sila sa pag-iyak. Ako lang yata ang nanatiling tulos sa aking kinatatayuan at di alam kung bakit ganoon na lamang ang mga reaksyon nila. . .I remained clueless as my eyes bounced between Tita Istelle and them.

"I just didn't want to have any regrets. . ." Tita Istelle cried, suminghot siya habang nanginginig ang tinig. "Ayoko lang na di masabing mahal ko kayo habang buhay pa ako."

"Buhay ka pa naman ah?" Tito Cayden angrily said. His eyes were red because of crying. "Bakit ba ang bilis mo sumuko? Hindi ka nga namin sinusukuan. Hindi nga kita sinusukuan. . .huwag mo naman ako iwan agad, Istelle. . ."

"Tita Istelle. . ." I looked at the letter that was addressed to me. Are these her last words for me? Kumabog ang puso ko sa sobrang kaba dahil wala talaga akong balak basahin ito.

"Cayden. . ."

"Istelle, mahal na mahal kita. . ." Tito Cayden wept as he went near her. His breathing was shaky as he continued crying. Agad n'ya itong niyakap habang patuloy ang pag-iyak. "Huwag mo naman ako pagtabuyan, huwag mo naman ako paalisin sa buhay mo, at huwag mong iisipin na kaya kong magmahal pagkatapos ng pagmamahal ko sa 'yo."

"You should. . .fall in love again," Tita Istelle said, her voice faltering because of her sobs. "With someone who's much better than me. Someone who could stay with you longer. I may be okay now. . .but until when?"

Nanatiling tahimik ang buong paligid. We can't force her because if this was hard on us. . .this is harder on her. Napabuntonghininga si Iscalade habang may hawak na isang letter din. It wasn't addressed to him but it was for someone else.

Tiningnan ko kung para kanino ito at nanglaki ang aking mga mata. It was addressed to Tito Cayden's future wife. . .if Tita Istelle died out of her illness. Piniga ang puso ko nang mabasa iyon.

Lumingon sa akin si Iscalade, pugto pa rin ang mga mata. Inabot n'ya sa akin yung sulat. . .para siguro may context ako kung bakit halos balisa silang apat at parang nawawalang kaluluwa si Tito Cayden. Hindi makapa ang sarili dahil sa sulat na iyon.

I nodded at him and stretched my hands to reach for the letter. Mas una ko pa itong binuklat kaysa sa sulat na para talaga sa akin. Maybe because unlike Iscaleon's file for me or Tita Istelle's letter for me. . .this letter wouldn't make me change my mind. . .or so I think.

To Cayden's future wife,

I'm claiming it already, knowing how responsible and kind my husband is. Now, this might be a weird or absurd idea for you. . .I found it crazy at first too. Yet, I want Cayden Altreano to find someone who can make him happy for the remaining time he has in this world.

My husband can't and will probably not even install dating apps. He doesn't even watch porn so I doubt that he would even know how to sign up for the dating applications that people often use. Hindi rin papayag ang mga anak namin dahil kahit ang dalawang iyon ay makaluma rin.

(I'll introduce them to you later! Don't worry, Iscaleon and Iscalade are good kids. They will love you, I promise you that.)

But I believe that he will find someone. He is easy to fall in love to. . .it was easy for me to fall in love with him.

Cayden Altreano is someone worth keeping. . .unfortunately I can't keep him now.

Tinigil ko ang pagbabasa ko. Para kasing kinakapos na ako sa hininga dahil doon. Hindi ko pala talaga kaya. Ayoko rin ituloy dahil parang sinasaksak ang puso ko nang paulit-ulit dahil sa binabasa ko ngayon.

"Wala akong pakialam," umiling-iling si Tito Cayden at lalong humigpit ang kan'yang yakap sa mga bisig ni Tita Istelle. Pareho na silang umiiyak sa braso ng isa't isa. "Mamamatay akong ikaw lang ang minahal, Istelle."

"Cayden. . ." Tita Istelle cried in his arms. "I'm sorry. . .I'm really sorry. . ."

"Istelle, I love you. When I told you I love you, it meant loving you even in your vulnerabilities. I admire your strengths but god knows how I love your vulnerable side more."

Kumurap-kurap si Tita Istelle para kumawala ang kan'yang mga luha. She was too overwhelmed with how Tito Cayden uses his words well. Ramdam na ramdam n'ya ito siguro.

"Kaya kita pagbigyan sa lahat, Istelle. . ." Tito Cayden said. "Gusto mong lumayo ako, sige lang. Gusto mong tumira ako sa ibang bahay, okay lang. Pero ito? May mahalin akong iba? Hinding-hindi talaga! Mangarap ka na lang! Ikaw lang mamahalin ko! Pumayag na nga ako na Iscalade ang pangalan ni Iscalade, hindi Iscabello Jance eh."

Pare-pareho kaming nanglaki ang mga mata dahil sa huling pahayag ni Tito Cayden. Nalaglag ang mga panga at parang nawalan ng kaluluwa dahil doon. Lalo na si Iscalade na mukhang pinanawan ng kulay sa mukha. Nabitawan ko pa yung letter kanina dahil sa sobrang gulat. Lahat kami ay napalingon kay Iscalade na ngayon ay parang kinakapa ang kisame sa sobrang pagkabigla.

"What the heck!?" Iscalade grunted out, halos parang kinukuryente sa sobrang gaslaw. "Anong Iscabello Jance!?"

"Di mo ba alam? Yun dapat ang pangalan mo eh!" sabi ni Tito Cayden habang mahigpit pa rin ang yakap kay Tita Istelle na halos hindi na makagalaw sa kan'yang bisig. Tita Istelle kept blinking, buhay pa naman yata si Tita kahit gano'n kahigpit yung yakap sa kan'ya.

Blink twice na lang siguro Tita kung kailangan mo na ilayo ka namin sa asawa mo. Napailing na lang ako.

"Fuck?" mura ni Iscalade. "Seryoso ba?"

"Iscabello Jance," hagikhik ni Philomena. She even covered her mouth. Pinipigilan ang matawa dahil parang kasalanan lalo na namumutla na si Iscalade ngayon. "I find it cute po."

"Philo. . ." Iscalade whined, lalong nanaig ang naiiritang boses. "Pati ba naman ikaw?"

"Gusto n'yo po ba gano'n ang name ng anak natin in the future?" tanong ni Philomena.

"No!" pagta-tantrums ni Iscalade. "Di muna kita bubuntisin! Maghanap ka muna ng pangalan sa babynames.com! Tigilan mo ako sa Iscabello Jance!"

"Iscabello Jance and Iscabella Gracia," Philomena sighed dreamily as if she was visualizing their kids. She was giggling to herself. Mukhang mauuna pa yatang bumuo ng pamilya itong isang ito kaysa sa akin.

Pero, that's fine. I have all the time in the world. Wala namang deadline ang matres ko. Well, mayroon pero malayo-layo pa naman. Mas okay din siguro kung magiipon muna ako para kapag lumaki ang magiging anak ko ay magiging maginhawa ang buhay n'ya. Saka, maghahanap pa ako ng bubuntis sa akin—bakit ba iniisip ko na agad ang anak!? Umiling ako dahil sa mga naiisip ko. Ang layo sa katotohanan eh.

"Putangina," naiiyak na saad ni Iscalade. "Ayoko nga no'n, please. Mahal na mahal kita, Philo. Pero please? Huwag naman. . ."

Pareho naman kaming nagpipigil ng tawa ni Iscaleon. He was biting his lower lip while I was caging some air in my mouth to suppress my laughter. He was far from me. Tamang distansya lang. Okay na iyan. At least, we didn't end up with bad blood. Hindi ko naman sinasarado ang posibilidad na maging friends kami. Hindi n'ya rin kasalanan ang ginawa ni Mama. It was just a matter of choice and this was our choice—to remain civil with each other. Mas okay na yata ito kaysa naman nagkakasakitan kaming dalawa.

"Thanks sa email," I said to him, as if I really read it. Ayoko kasing isipin n'ya na hindi ko binasa o pinansin. It would be awkward if he was the one who reminded me of it. Kilala ko naman siya, likas siyang mahiyain kaya naman hindi na ako nag-assume na baka magtanong siya agad.

He tilted his head, nangunot ang noo n'ya. Para siyang namutla. "Sorry? What email?"

"Ah, yung if only you knew?" I shrugged off my shoulders.

This time, siya na yung pinanawan ng kulay sa mukha. Para siyang natuliro nang banggitin ko yung email na iyon. Lalong umangat ang curiosity sa dibdib ko dahil sa reaksyon n'ya. He sent it to me. . .so why does he look so surprised?

Pumunta si Iscaleon kay Iscalade at hinila ito papalabas ng bahay nila. Pumalag naman agad yung mas batang kapatid.

"Tara na, Iscabello Jance, uwi na tayo." sabi n'ya sa kan'yang kapatid ba halos magkasalubong na ang mga kilay.

"Gago ka ba, Kuya? Nasa bahay na tayo! At anong Iscabello Jance ka d'yan!?" ani Iscalade.

It was as if Cal was snapped back to reality. Lumapit sa akin si Cal at namumulang umiling. His entire face reddened.

"N-nabasa mo ba ba? Hindi pa naman siguro 'no?" He shook his head. "Delete mo na lang muna."

"Gago ka ba?" naiinis kong saad. Lalo akong na-ku-curious tuloy! "Eh kung nabasa ko na?"

Namutla siya agad. "Magagalit si Tita! Hindi pa nga ako tapos mangligaw. . ."

"Ano!?" singhap ko. Ano bang pinagsasabi ng gago na ito!? Hindi na lang ako diretsuhin eh. Tangina? Sinong tita nililigawan n'ya!? Mahilig na ba siya ngayon sa MILF!?

Umiling-iling siya sa akin saka mahinang humingi ng paumanhin bago naging makahiya ulit na biglang nagtago at naglaho. Kaya naman lalo akong na-curious sa laman ng email. Lalong nilagyan ng gas ang nagiinit kong ulo dahil doon.

Pagkauwi ko ay agad akong nag-shower para naman presko. I was putting on my nightgown when I liked a few pictures from Tita Istelle who is now posting Tita Cayden's pictures again. Bati na sila, finally. Napangiti ako nang malapad habang nag-release ng isang buntonghininga. I'm glad it worked for them in the end.

Nakita ko na may event sa dating school namin. Some of us were invited to be guest speakers or some sort. Hindi naman ako kasali roon dahil wala naman talaga akong naging matinong ambag sa school pero masaya naman ako sa trabaho ko ngayon kaya okay lang.

I was drying my hair using a towel when someone sent me an invite. It was from our org, hindi naman ako makatanggi dahil kakaunti lang ang volunteers at nagkataon na-seen ko na rin yung mga messages nila. It was a weekend event so I didn't have any work. Pumayag ako at nag-sign up na bilang guest. Career fair lang naman ito para sa mga pa-graduate na o sa mga balak pa pang kumuha ng kurso sa iba't ibang department. Naalala ko na pina-plastic lang namin yung iba rito at patagong sinasabi na kunin na nila lahat ng course, huwag lang yung amin dahil delubyo talaga.

When the day finally came, I opted for a white polo shirt and beige pencil skirt to keep it tact and formal. Tinali ko rin ang buhok ko at nag-heels para naman hindi ako mukhang papasok pa lang ng school o di kaya senior high school graduate. Mahirap talaga kapag fresh looking ka palagi eh.

I was early in the auditorium where the career fair was being held. Seminar yata muna ito at para sa architecture yata. . .seeing that the familiar smiling face was plastered on one of the tarpaulins made me purse my lips. Si Iscaleon na naman pala. Ang gwapo n'ya d'yan. Kailan ba yun di naging gwapo? His kind eyes, his gentle smile, and the way he made love even in a short while.

Pumasok ako sa backstage dahil nandoon ang ilan sa mga kakilala ko. Tulungan na lang din kasi ang mga volunteers dahil wala naman talagang magaaksaya ng panahon para sa mga seminar na ganito kung di lang talaga naging active sa school.

"Paki-check nga kung gumagana yung mic ni Cal," sabi sa akin ni Diana.

"Fuck you."

"Grabe ka ha! Lapel kasi yun, titingnan mo lang kung okay na," sabi ni Diana at bumunghalit ang tawa. "Gosh, ang bitter ah."

"Hindi 'no," saad ko saka pumunta sa kung nasaan si Cal. He was busy trying to put the lapel on. Kinakabit n'ya ito malapit sa collar n'ya. Hindi ko maiwasan ang tumitig sa kan'ya. Tangina? Kaya naging crush ko dati ito eh. Ang gwapo—hanggang diyan lang ang good trait n'ya. Pinigilan ko ang sarili kong purihin siya dahil kung tutuusin ay ceasefire kami.

He was wearing a white polo shirt and black slacks. His black rimmed eyeglasses fitted his face perfectly. Tumikhim ako para humarap na siya sa akin. Lumingon siya at nang makita ako ay nanglaki ang mga singkit na mga mata.

"Sorry," he said. "Kung alam ko lang na nandito ka, hindi na sana ako pumayag—"

"I know my mother told you to distance yourself. Pero sabi ni Mama ay okay naman na—"

"Okay na?" He started to. . .cry?

My lips parted. Napaatras ako dahil sa naging reaksyon n'ya. His breathing became shaky and heavy as he pushed his hair back as his eyes started to produce big fat tears. It was as if he was so happy that he was forgiven.

"O-okay na talaga? P'wede na r-raw kita kausapin? H-hindi na siya galit sa akin?" he asked me as if he was making sure that what I said was true.

"Galit si mama sa 'yo?" nagtatakang tanong ko. "I mean. . .dahil na sa nangyari no'ng graduation?"

"Kasi ginago kita," he said in his mellow voice. "I wanted to earn her forgiveness first because I didn't want to court you knowing that your mother disapproves of me. . ."

"Huh?" I managed to laugh. "And you waited and did nothing for a year just to earn her forgiveness?"

Umiling siya. "The IOYK file contained. . .the thoughts I had and the things I did between the years we weren't together. . .kaya ayaw ko ipabasa sa 'yo iyon dahil hindi pa tapos. . ."

"Nothing changes anyway," I scoffed. "Hindi mo pa rin naman ako kaya ipaglaban at—"

"Mahal kita, Celest," he said in his firm tone. Lumapit siya sa akin at napaatras naman ako. My heart started to race as the distance between us closed the gap.

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, Celest!" He almost yelled out.

Nanatili akong tulos sa aking kinatatayuan. My mouth slowly went agape as I consumed his words thoroughly.

"And if I have to start from the beginning just to be love by you again. . .gagawin ko agad," he said while his tears were running down his cheeks. Pinunasan n'ya agad ito gamit ng kan'yang mga kamay. He looked like a child trying his best to look tough.

"Bukas na bukas mag-de-deliver agad ako ng cookies! Araw-araw! Walang palya! H-hindi ko lang sigurado yung oras kasi minsan ako bantay kay mama o kasama n'ya sa mga check ups n'ya pero hanggang sa magka-diabetes si Tita, hindi ako titigil!" aniya.

"Cal—"

"Ako n-na bahala sa hatid sundo sa 'yo. Naiinis ako kay Ryker kasi sa tuwing sinusundo at hinahatid ka n'ya, sa akin n'ya agad s-in-send yung pictures kasi alam n'yang wala naman akong karapatan na maghatid-sundo sa 'yo," sumbong n'ya sa akin. "Inggit na inggit ako dahil hanggang tingin lang ako sa 'yo sa malayo noon. Palagi ako nagpapaalam kay Tita Dorothy kung p'wede ba akong sumilip sa 'yo kasi miss na miss na kita."

"Cal, sandali kasi—"

"Wala akong alam sa sex! Wala akong balak manood ng porn! Pero aalamin ko kung paano gumaling at kung anu-ano yung magagandang positions para di ka naman ma-disappoint sa akin kung aabot man tayo sa punto na iyon," pinahid n'ya yung mga luha n'ya at tumingin sa akin nang diretso. "Sa 'yo lang ako tinitigasan, Celest."

"Putangina mo, sabi ko sandali lang!" Namumulang pigil ko sa kan'ya. I covered his mouth using my hand. Buong mukha ko na siguro ang pulang-pula ngayon dahil sa mga pinagsasabi n'ya.

"S-sorry, miss na miss lang kita kausapin kaya—" He trailed off because I cut him off.

"Putangina, naka-on yung lapel mo!" nahihiyang saway ko sa kan'ya. "Rinig na rinig ka ng mga nasa auditorium!"

Kanina pa puro reaksyon ng mga tao na nasa auditorium ang naririnig ko. Puro hiyaw at katyaw. May ilan pa ngang nasigaw ng mga katarantaduhan! Buti nga puro volunteers pa lang ang nandoon! Wala pa yung mga estudyante! Kung anu-anong pinagsasabi nitong gago na ito eh! Na gwapo! Na nakakainis!

He didn't even flinch. He slid down my arm so he could talk again. Diretso lang ang tingin n'ya sa akin. Ako naman ang napalunok ngayon. I averted my gaze knowing fully well that my knees are buckling right now. I cannot stand this stare any longer. . .I heaved a breath.

"Wala akong pakialam," he uttered like it didn't bother him. "Matagal ko na dapat pinagsigawan kung gaano ako ka-baliw sa 'yo, Celest Haeia. . .mahal na mahal na mahal kita."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro