Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


to nasahardin,

*****

Messenger
ALTREANO FAMILY

Cayden:
Hindi pa umuuwi si Iscaleon.

Cayden:
May babae siguro. 🧐

Iscalade:
basta Altreano, may plano 🙏

Cayden:
Manang-mana talaga sa pinagmanahan nya yang si Iscaleon. 🤗

Iscalade:
Manang-mana sayo 😁

Cayden:
malabo mata nun pero
sa chicks lumilinaw.

Iscalade:
how can you say so?

Cayden:
Malamang
Sperm ko yun
I just know. 🥸

****

Chapter 4

Ang sakit sa pride kapag ang label mo para sa ibang tao ay 'hindi ligawin'. Hindi mo kasi alam kung saang part ka ba dapat mag-adjust. Di mo alam kung ano yung mali sa 'yo. Di mo alam kung may dapat ka bang baguhin o gawin para lang ligawan na ng ibang tao.

No one calls me ugly. Wala rin namang nagsasabi na bobo ako. Hindi rin naman ako nasasabihan na pangit ang ugali o di kaya may group chat na dedicated para sa akin dahil sa sobrang sama ng ugali ko. I was merely an average girl who had an obnoxious mouth sometimes. Medyo nabigyan lang ng kararampot na kapal ng mukha kaya naman madali para sa akin ang magsalita ng kung anu-anong kahalayan. I wasn't born in a conservation household kasi eighteen years old pa lang ang mama ko nang ipinanganak ako.

I remember that when I was on elementary, hatid-sundo pa ako. Kapag valentine's day sa school, hindi ako hinahayaan ng mama ko makatanggap ng chocolates or flowers nang di dumadaan sa kan'ya. Palaging may palatandaan ako na bawal ako makipag-holding hands sa mga kaklase kong lalaki. One time, no'ng junior high school ako, I had to turn down the offer of being the Maria Clara because mommy didn't want me to act touchy with another boy. Eh sabi ko nga noon, sa kumbento naman ang ending ni Maria Clara kaya bakit bawal?

Medyo lumuwag lang ang hawak ni mommy sa leeg ko no'ng college na ako. Pero halos too late na yata para sa akin. Si Diana ay nagka-jowa no'ng senior highschool, niligawan siya ni Jericho no'ng grade eleven at sinagot naman n'ya ito ng grade twelve. Ang tatag nga nilang dalawa eh. Halos lahat yata ng firsts nila ay sa isa't isa nila naranasan. Si Micah naman ay every other three months ang jowa. Never ko siyang nakitang umiyak sa lalaki pero never din siyang nakipag-balikan sa ex n'ya.

Both of my friends had active love lives. Samantalang ako ay inaamag na sa sobrang tagal na walang pumapansin sa akin. I was always just the extra friend. Ako lang ang tanungan nila kung available ba ang mga kaibigan ko. Minsan nga naiirita ako kasi nakikita ko sa newsfeed ng mga social media accounts ko na halos ang mga kaklase ko noon ay may mga relasyon na. Napag-iwanan na talaga ako.

"Thank you sa treat," I said as I pulled myself from the abyss of past memories.

The whiff smell of sizzling burgers, newly fried chickens, and saltiness of their golden fries entered my nostrils. Sa pamilyar na arko ng kanilang mismong logo ay napatingin ako. I was too preoccupied with my thoughts.

Kausap ko si Iscaleon ngayon. He was staring at me with his dark eyes. Ang ganda talaga ng mga mata n'ya. It was captivating enough that I could see it beyond his eyeglasses. Ang itim-itim na para bang pininturahan. It was just like the night. Ang mysterious n'ya tingnan.

"You're welcome," he said, nonchalantly.

"So, may classes nga talaga tayo sa sex ed?" I grinned then moved forward so I could see him better.

Napaurong naman siya. He blinked before looking down at his chicken burger. Hindi n'ya magawang tumingin sa akin. Suddenly, para bang sobrang interesting ng chicken burger n'ya dahil nanatiling doon ang tingin n'ya.

"I was only joking back then. Hindi k-ko lang kasi alam kung paano ka papayag na ilibre kita. . ." he uttered, his eyes still not meeting mine.

"Eh? Sayang," I sighed and slouched back to my seat, pretending to be disappointed. "Akala ko pa naman ay magkakaroon na ako ng student."

"Are you even serious to begin with?" He shot up a brow. Goodness! Ang pogi talaga ng isang ito! Kinikilig na agad ako dahil lang sa brief movement n'ya.

Binaba n'ya yung wrapper ng chicken sandwich at naglagay ng fries sa isang tissue. Unti-unti n'yang nilapit sa akin yung tissue na may fries. Kumuha naman ako dahil sasagarin ko na siguro ang kapal ng mukhang natitira sa akin.

"Doon? S'yempre hindi. . .pero sa 'yo, oo naman," sagot ko sa kan'ya.

"Bakit?" his voice came out as a hush whisper. Natitinigan ko ang pangliliit mula rito.

"Anong bakit?" I munched a french fry. Isasawsaw ko sana ito sa ketchup kaso preferred ko kasi yung nasa kabilang fast food, mas matamis kasi yun.

"Why me? Of all people. . ." he said. "Ang ganda-ganda mo tapos ako lang magugustuhan mo?"

My lips parted as my eyes popped widely with his statement. Bigla akong napainom ng tubig doon. I mean. . .that took me by surprise. Hindi ko inakalang marunong din pala talaga siyang lumandi! O baka effortless pa nga ito sa kan'ya?

"Are you okay?" he asked as he leaned forward to give me some tissues. Hinawakan n'ya pa ang buhok ko upang maka-inom ako nang maayos. His hand gently combed my hair so he could get a fistful of it.

"Thank you. . ."

"Huwag ka magmadali kumain," he told me. "Hihintayin naman kita matapos."

"Nagagandahan ka sa akin?" tanong ko sa sinabi n'ya nang matapos ako uminom.

He widened his eyes upon hearing me. His cheeks were colored in crimson as he slowly nodded. Nanatiling nasa ibaba ang tingin n'ya.

"Maganda ka naman talaga. Kaya nga. . .hindi ko alam. . .bakit ako yung niyayaya mo," he said.

"Have you seen yourself?! Ang gwapo mong hayop ka, unang tingin ko pa lang sa 'yo para na akong na-snatch-an ng panty at bra, alam mo ba yun?!" singhal ko sa kan'ya.

My voice reached some ears near us because they glanced at our direction. Ang isa pa ngang nanay ay tutok ang tingin sa akin, her eyes livid and flashing. Napa-inom ulit tuloy ako ng tubig nang wala sa oras. Sorry po! Ang ingay ko talaga!

"T-thank you?" nahihiyang tugon ni Iscaleon.

"Mahiyain ka ba talaga? Gan'yan kayo pinalaki? Or sadyang pangkuha mo lang ng chicks 'yang shy personality mo?" Prangkang tanong ko sa kan'ya.

I won't lie. Iba kasi talaga hatak kapag mahiyain yung lalaki. Parang walang kapal ng mukha para magloko at magkaroon ng 'lalaki' moments. Kadalasan pa ay mga tahimik kaya lalong nakakakuha ng interes mula sa mga babae dahil nga ang tino tingnan. Sobrang maamo pa naman ang itsura nitong si Iscaleon. Intimidating siya dahil siguro sa ang tahimik at ang tangkad n'ya. He's a man of few words and that's why bagay kami.

Ako na bahala sa mga dirty talk!

"Ah," tumikhim si Iscaleon. "Hindi naman. I just like my own company. Saka, madaldal naman yung household namin."

"Ikaw pinakatahimik sa inyo?"

"Mas tahimik yata yung mom ko. Kaya rin medyo. . .hindi ko alam paano kumausap nang hindi parang awkward dahil sa kan'ya ako lumaki," he said.

Nangunot ang noo ko. "Separated ang parents mo?"

I covered my mouth. Fuck! Hindi ko talaga kaya pigilan ang balahurang bibig na mayroon ako!

"No, but dad went overseas to gain experience and so the few years that he was there, kami lang ni mom ang magkasama. Si Iscalade yung nakasama talaga ni Papa."

"Oh," I nodded my head, para akong nabunutan ng tinik dahil mukhang di naman na-offend si Iscaleon. Iscalade, huh? Pamilyar ang pangalan n'ya sa akin. "Siya yung jowa ni Philomena."

"Yes," tumango si Iscaleon, to affirm my conclusion. "Nag-deliver din siya ng cookies sa bahay n'yo noon."

Siya siguro yung naabutan ni Mama. Pero kung si Iscalade yung nasa cover photo ni Philo, gwapo nga rin yung isang yun. Mas maliksi siyang tingnan kaysa kay Iscaleon. Siguro dahil mas malaki tingnan ang katawan ni Iscalade kaysa kay Iscaleon, mukhang mahilig sa gym itong si Iscalade eh—o baka may sports! Kaya gano'n ang katawan n'ya. Katamtaman lang kasi sa height ni Iscaleon ang katawan n'ya.

"Part time n'yo ba ang mag-deliver?"

Iscaleon shrugged off. "Di naman. I just can't say no to Philomena. Mabait kasi yun, di ko nga alam paano ginayuma ng kapatid ko eh."

"Ginayuma?" I asked.

Iscaleon looked like his tongue got pulled out. Pumalatak siya bago ngumuso. Nahihiya siyang umiling-iling.

"Wala," he said. "Bagay naman silang dalawa. Malapit na nga silang mag-three years."

"Oh? Ang tagal na nila? Ilang taon ang tanda mo ba kay Iscalade?"

"Two," he replied. "Hindi naman sobrang malayo ang edad namin sa isa't isa."

"Kailan naging sila?" I asked, my head teeming with curiosity.

"Senior high yata," sagot n'ya.

My lips shifted downward. Ah sige, gano'n pala talaga ang ibang tao, ha! Lumalamang na sila masyado sa aming mga college students na never been touched, never been kissed.

"Sana all," I can't help but sigh.

"Hmm?"

"Bakit?" I shot up a brow at his reaction.

"What do you mean by 'sana all'?"

"Wala pa akong nagiging boyfriend," I said, sounding like it should be a front page news.

His lips parted. "Really?"

"Yeah," I nodded, then proceeded to stray my eyes somewhere else. "Bakit gan'yan reaction mo? Mukha ba akong playgirl sa 'yo?"

"To be honest?" He clicked his tongue. "Makes me wonder why no one tried to court you."

I know he meant it well—even my friends would often word those out. Hindi rin nila alam kung bakit hanggang ngayon, despite my desperation, single pa rin ako. May balakid sa aking lalamunan habang magkausap kami ni Iscaleon.

"Pangit siguro ako," I laughed it off, my voice saturated in self pity.

"Maganda ka," he said without stuttering.

Bahagya akong natigil sa pekeng pagtawa. My hand halted from forcing myself to take from the french fries as my gaze steadied on him.

"What?"

Mabilis ang pag-iwas n'ya nang tingin. He adjusted his eyeglasses, forcing it to stay on the higher part of the bridge of his nose.

"I usually don't remember the face of most people. . .may tendency kasing hindi ko matandaan dahil malabo nga mata ko. Sometimes, I think I know their faces already but with a second look. . .ma-re-realize ko na iba pala ang itsura nila," aniya.

"Ano connect?" pagtawa ko. This time, ang mga mata ko ay sa kan'ya na nakatuon. I managed to tamp down the loud beating of my heart.

"I remember you vividly," he said. His eyes were looking directly at me. He didn't say anything after that, no explanation was added to his statement. All I heard was. . .he wasn't good at remembering faces but he was able to remember that I was Celest Haeia.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro