Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35


*****
Chapter 35

I dragged Iscaleon outside of the hospital's room. Hindi pa ako nakuntento at hinila ko pa siya patungo sa mismong labas ng hospital. Nakarating kami hanggang sa parking lot saka lang ako humarap sa kan'ya. Namamaga na ang mga mata dahil sa pagpigil sa mga luha.

"Bakit di mo sinabi sa akin?" tanong ko agad sa kan'ya. "Galit ako sa 'yo pero di naman ibig sabihin n'on idadamay ko na pamilya mo."

"How. . ." nakayukong saad n'ya. Hindi magawang humarap sa akin.

"Ano?"

"How can you tell someone. . .that your mother, who was never cruel and has always been kind to others. . .is slowly being consumed by cancer?" mahinang sagot n'ya sa akin.

My lips went agape as his words sunk into my soul. Bahagya akong nag-iwas ng tingin dahil tama naman siya. It was hard for him; it would be hard for anyone to tell that the kindest person is ill and has a battle she fights everyday on her own. Napalunok ako ng laway bago nagsalita muli.

"Is this the reason why you didn't attend my graduation?" I asked, because I wouldn't be able to forgive myself for cursing him if this was the reason.
Hindi siya nakasagot. He heaved a breath before turning his attention on me.

"Can we talk next time? Pagod na kasi talaga ako eh," he smiled at me faintly. "Huwag muna ngayon, Celest. Kakausapin naman kita. . .pero huwag lang ngayon."

I observed him. . .and saw the shadows underneath his eyes. Ang bahagyang pagiging matamlay ng kulay n'ya. He wasn't thin but there's this lethargic energy coming off from him. Hindi ko magawang magsalita dahil parang binunot ang dila ko.

"Sige," I sighed exasperatedly. "Same number pa rin naman ang gamit ko. I-text mo lang ako kung gusto mo ulit mag-usap."

"Naka-block ako sa 'yo."

I fumbled on my phone to immediately unblocked his number. "H-huh? Sinong nag-block sa 'yo? Baka wala lang akong signal kaya di umaabot mga messages mo sa akin."

Umiling siya. "Hindi mo naman kailangan i-unblock ako. I understand what you feel, Cel. Naiintindihan ko ang galit mo sa akin. It's valid to feel that way, nagkamali naman talaga ako sa 'yo."

"Hindi naman ako galit. . ." I lied under my breath. "Wala naman akong nararamdaman na kung ano sa 'yo. Sana lang sinabi mo agad."

"It's okay, kung ano man ang nararamdaman mo sa akin sa dumaang taon, naiintindihan ko kung saan galing yun. Hindi mo siya kailangan ipaliwanag."

"Pero ikaw. . .may dapat kang ipaliwanag sa akin."

"Sasabihin ko naman," he sighed once again. "Maguusap naman tayo, kung gusto mo lang."

Tumango ako sa kan'ya. "Tumawag ka o mag-text. Hindi ko sure kung masasagot ko agad dahil busy na rin ako. Pero, I'll make time."

Ayan ang sinabi ko sa kan'ya bago lumipas ang halos dalawang linggo n'yang walang paramdam. Aba ang gago, siya na nga ang kinukumbinsi na magbati na kami pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam? Pero baka busy lang sa pag-asikaso kay Tita Istelle. . . I should have more empathy and patience for him.

Sumisid ako sa aking kama. Kaharap ko ang laptop ko ngayon at may on-going meeting kaming tatlo ni Micah at Diana. Pareho silang sumagot sa tawag ng pangangailangan ng kaibigan nilang wala pa ring dilig—AKA ako na yun.

"Aba, umayos ka nga d'yan, Celest Haeia! Hindi porke't gwapo ay hahayaan mo ulit pumasok sa buhay mo! At diyan sa perlas mo!"

"May cancer nga yung nanay!"

"Aba, may balak ka pang i-comflirt!?" ani Micah.

"Tigilan n'yo ako!"

"Teh, tangina mo naman. Ginamit mo pa yung nanay sa karupok-an mong gaga ka! Hindi ka naman nurse o doktor para makatulong d'yan! At lalong hindi ka naman donor o kung ano para magkaroon pa ng koneksyon sa kan'ya," pataray na saad ni Diana. Kitang-kita ko ang background n'ya kung nasaan nandoon pa rin siya sa lumang bahay nila. Medyo nagbago lang ang interior ng kan'yang kwarto.

"Mabait mama n'ya at di pa yata alam na break na kaming dalawa ng anak n'ya," I sighed over the call. Problemadong-problemado ang itsura. "Ayoko lang na lalong dumagdag sa iniisip ni Tita Istelle."

"Ate ko naman," Micah chimed in. "Alam ko namang pusong mamon ka. Pero, it's not your responsibility anymore." She momentarily made a small pause. "Ano bang balak mo?"

Ano nga ba? The sudden news of Tita Istelle having cancer made my emotions take  a quick detour. Pakiramdam ko bigla ay ako yung naging masama dahil masyado akong nagpadala sa emosyon ko noon. There was this one time that I badly wanted to confront Iscaleon but I didn't have the guts to. . .because I knew deep inside that he was a good person. He might have had a few shitty decisions and questionable actions but he wasn't bad to me.

"I don't know. . ." I said. "Pero gusto ko kahit paano nandoon ako para kay Tita Istelle."

"Kay Tita Istelle ba talaga o para kay Tito Iscaleon?" pangaasar sa akin ni Diana. Nakadapa sa kan'yang kama ngayon.

"Bwisit ka." Umirap ako sa kan'ya.

"Seryoso kasi 'teh. Para saan ba ang pakikipagkita mo sa kan'ya ulit?" tanong ni Diana. "Para ano? To make connections again? Pinutol mo na eh. Pinutol na n'ya. You're just making this hard on yourself."

"I can't abandon him. . ." I said out loud. "I can't make him feel the way he made me feel."

"Ang bait mo talagang gaga ka." Halakhak ni Micah. "Iiwan mo rin naman siya, right? Kapag okay na Mama n'ya? Edi. . .quits na kayo. Mas okay na rason sana yun. Ibabalik mo lang yung favor n'ya sa 'yo noon."

"Tama!" I snapped my fingers. "Ayan talaga ang rason bakit gusto ko sanang makasama ulit siya. Kasi gusto ko lang ibalik yung favor n'ya noon sa akin. I could pretend that I'm still his girlfriend in exchange for him pretending to be my boyfriend before graduation."

May saglit na katahimikan bago natawa si Diana. Bumunghalit ang tawa nung dalawa ng mga kaibigan ko. Naiiyak pa nga si Diana dahil sa akin. Si Micah ay napailing-iling. Bumusangot naman ako dahil huling-huli nila kung ano talaga ang intensyon ko.

"Huy si Celest, miss na etits ni Iscaleon," bulgar ni Micah.

"Gaga! Paano ko ma-mi-miss yun?! Ni hindi ko nga nahawakan! Kaiyak," I ranted about my experience. I wiped my fake tears away. Natakot tuloy ako sa mga sumunod kong flings dahil baka makita nila na di naman ako magaling sa gano'n kahit mukha akong may experience.

Sa totoo lang din, si Iscaleon ang top 1 best kisser para sa akin. Puro dampi lang yung mga sumunod at di naman nakakalunod tulad nung kay Cal. It's hard not to compare when you had the best as your first. Nakakainis talaga, idagdag ko ito sa listahan ng mga kasalanan n'ya sa akin!

Bago talaga ako makipag-break kay Cal, this time, dapat naka-score na ako sa kan'ya. Papawiin ko lungkot n'on! Gamit ng katawan at kaluluwa ko. Napanguso na lang ako.

I was so sure that I could forgive Cal because. . .I still love him. Umaapaw pa rin ang pagmamahal ko sa kan'ya kahit na gano'n ang nangyari sa aming dalawa. I just need him to say something. . .explain something to me. . .make me understand why he wasn't at my graduation and even if the explanation didn't make sense to most; I knew in my heart that I would accept it wholeheartedly.

Di ako tanga sa pag-ibig. Pero tangang-tanga ako pagdating kay Iscaleon Jaiven Altreano.

Cal 🐯:
Hello?
You told me you still have
the same number.
I'm sorry it took two weeks
for me to reply.
Can I have your preferred time and
date? So, we could talk it out?

Celest:
Hi. Sure naman.
Kahit anong oras at date ako.

Uh, bawal pala ako weekdays
so preferred pala na weekends
see you.

Kumakabog ang dibdib ko sa kaba.  Ilang beses ko pang binasa ang text ko bago ko s-in-end sa kan'ya. I put my phone just in front of my chest. Hinihintay ang reply ni Iscaleon. The sudden vibration made me look at it immediately.

Cal 🐯:
Thanks. :)

Ang pogi mo talaga! My inner monologue was cut short because of my movement. Napatayo kasi ako dahil bakit ako kinikilig sa hayop kong ex?! Bawal na 'di ba?! Mahal ko pa pero bawal na! Besides, maybe I was just craving nostalgia and I don't really love him anymore. I'm just concerned, that's all! Wala na talaga akong nararamdaman para sa nerd na ito!

Celest:
Lol ok
Tulog ka na

Cal 🐯:
Can't sleep pa eh.

Ang bilis magreply ni gago?! Baka inaabangan din ako? I bit my lower lip to suppress a fighting smile. I replied back immediately.

Celest:
Tama na kakaisip sa akin
matulog ka na

AY TANGINA MO PALA CELEST!  Napamura talaga ako nang mabasa ko ulit ang sinagot ko sa kan'ya. Ano na lang ang iisipin ni Iscaleon n'yan?! Nakita ko na typing na siya pero inunahan ko na agad. Hindi ko hahayaan na mapahiya ako sa kan'ya!

Celest:
I mean
Kung worried ka sa nangyari before
wag na kasi whats done is done
just try to be better next time
Saka need mo rin ng rest and all
huwag ka na magreply
matulog ka na

Cal 🐯:
Okay.
Thank you po.

Celest:
Sabi na wag na magreply eh

Cal 🐯:
Sorry.
I just miss talking with you.

Oh shit. Ilang beses ako napakurap. I find myself typing the words that I wanted to say to him as well.

Celest:
I miss you too. | deleted

I left it on read and deleted the words that I was about to say. Alam ko naman na sobrang dismayado na ang mga kaibigan ko kapag masyado kong pinatulan si Iscaleon. Pero hindi ko kayang itanggi na mahal ko pa rin siya. Maybe the few flings didn't work out because my heart knew it already had its owner. My heart wouldn't acknowledge any other love if it wasn't from Iscaleon Altreano, pitiful, I know.

*****

We scheduled a 'date' in a nearby coffee shop around the hospital where Tita Istelle is confined. Naka-navy blue na polo shirt si Iscaleon at may ilang tikas ng buhok pang nakatayo; halatang kagigising lang mula sa pagkatulog.

"Hi," he sat in the chair in front of me, "kanina ka pa?"

"No," Umiling ako saka nagmuwestra na umupo lang siya. "Kumain ka na ba? May breakfast sila rito. I'll order for you."

Bahagyang nanglaki ang mga mata n'ya. A small smile gave way from his lips. "Thank you."

I ordered two breakfasts, one light and one heavy. Sasabayan ko lang siyang kumain para di siya mahiya. May terno itong kape kaya naman mas hahaba ang kwentuhan naming dalawa. I just. . .remembered that he used to say we have more time if we'll eat together.

"I'm sorry for what happened to Tita," I said as we waited for our order to arrive. "Did she used to smoke?"

"Secondhand smoke," Iscaleon answered briefly. "My Mom used to be surrounded with people who smoke. Bata pa lang siya ay panay na ang gamit ng sigarilyo ng mga magulang n'ya. They didn't care if she was around. They simply wanted to release their stress using their cigars, I guess. Pero baka wala lang talaga silang pakialam kay mama."

Napalunok ako. "Stage 4 ba agad?"

"Hindi. . .pero mabilis kumalat kasi hindi rin naman aware si mom," he answered, still looking down. "Because who would have thought?"

Cancer is indeed traitorous.

"Kamusta sina Iscalade? Si Tito?"

"Busy si Iscalade sa pagaaral," sagot ni Cal. "Maybe it was also his way of coping because he couldn't bear the thought that our mother is having a hard time living."

"Si Tito?" ulit ko dahil hindi n'ya sinagot ang aking tanong tungkol sa kan'ya.

"Hindi sila nagpapansinan ni Mama," he smiled, sadness marred his face. "It's hard to wake up knowing your parents loved each other very much, yet one day they don't talk to each other anymore."

Hindi ko mapigilan ang naramdamang lungkot dahil sa narinig. I lowered my head and sighed. I'm sure this is hard on their family.

"I. . .want to tell them the truth," sabi ni Iscaleon sa akin. "I'd tell them that we have broken up. I'm sorry for bothering you once again and being a burden. Hindi mo na ako kailangan makita."

"Why is it so easy for you?" I scoffed then looked at him. "Ang dali mo talaga akong pakawalan, ano?"

Bakit ganito siya? He needs someone to support him. Hindi n'ya kailangan solohin ang nararamdaman n'ya ngayon. Yet, here he is trying to distance himself from me. Samantalang ako naman ay kaya ko agad kalimutan ang nagawa n'ya sa akin.

He's so. . .unfair.

Ang daya n'ya sa akin.

"I'm sorry."

"You're so mean," halakhak ko habang unti-unting pumatak ang mga luha. "You can't just make someone feel so well-loved then distance yourself when you feel like it."

"I just don't want you to feel bad about me," sabi ni Cal at tumitig din sa akin. "I want to validate your pain because if I was in your shoes, I know it was painful to be left behind. Kaya ayaw ko tanggapin ang pagbalik mo dahil alam ko hindi ako karapat-dapat para roon."

"You really don't want me to be around, huh?"

"Magalit ka na lang sa akin, Celest," Cal uttered slowly. "Mas tanggap ko pa yun kaysa sa pagpapatawad mo sa akin agad."

I forgave you because I love you, damn it. Bakit ba kasi parang may harang tayong dalawa?

Napatayo ako. Nawalan na ng gana kumain. I swallowed the bile on my throat. I was willing to let go of my pride and my ego because for me, Iscaleon stood above them all. Pero ganito siya sa akin? He wouldn't even give me the chance? He's being unfair. . .I want to be here for him because I know he needs someone to lean on yet he's pushing me away?

"I paid for the bill already," I said then gathered my things. "Akala ko pa naman ay kahit paano maiintindihan kita. Pero tulad noon, hindi ko pa rin mabasa kung ano talagang gusto mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro