Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34



Calbo Natix:
x - x haha ganda mo talaga iiyak na ulit ako gabi gabi every night.

Miss na kita.
Sorry.

*****
Chapter 34

It's hard to pretend that I didn't cry over it but it's harder to pretend that things are already over between us. I had my legs crossed while Iscaleon was drinking just right in front of me. Naka-itim siyang fitted shirt at tahimik lang sa kan'yang pag-inom.

Mabilaukan ka sana habang natatandaan mo kung paano mo ako pinaasa, hayop ka! Pakialam ko kung mas gwapo at mas maganda na katawan mo ngayon? Lunukin mo yang sperm mo mag-isa!

Nanggigil ako habang sunod-sunod ang pag-inom. Wala na akong pakialam kung walang mag-uuwi sa akin ngayon. I usually call one of my girls but both of them were already too busy on their own. Si Diana ay busy dahil ikakasal na siya. Samantalang si Micah naman ay umuwi ng probinsya at doon na rin nakahanap ng trabaho. I doubt Ryker can drive me to my home because he would probably be bringing another girl home.

"Wala ka naman kaagaw, hinay ka lang, Cuervo 'yan," paalala sa akin ni Ryker at inagaw ang baso.

"Okay lang, may uuwian naman ako," pagpaparinig ko. Naririnig mo yun, Cal? Naka-move on na ako sa 'yo! Tagal na! I was about to do that even without your explanation so guess what? Wala ka ng hawak sa akin ngayon.

"Ha? Akala ko ba break na kayo nung Caleb?" Malakas na sabi ni Ryker kaya naman agad ko siyang siniko.

Mali-mali naman balita nito! Kakasabi ko lang na wala naman kami nung Caleb eh. Pero hinayaan ko lang nang makita ko na gumuhit ang isang linya sa noo ni Cal.

"Makikipagbalikan ako," matapang kong saad. "Sure naman akong hindi yun bigla-biglang mawawala na parang bula."

Nasamid si Iscaleon sa iniinom n'yang Smirnoff. Eastre chuckled upon seeing his reaction. Bilis talaga ng karma kapag sa gago eh. Umismid ako sa kan'ya. Aabutan ko dapat siya ng tissue pero pinigilan ko ang sarili ko at pinangpunas ko na lang ng pawis kahit fully air-conditioned yung lugar.

"I really have to go," mahinhin na sabi ni Iscaleon. "May pupuntahan pa kasi ako."

"Sige lang, Cal." Lumingon sa akin si Ryker. "Sabay ka na ba sa kan'ya, Celest?"

"No!" agap ko saka umirap at muling uminom sa shot glass. "Maghahanap pa ako ng lalaki ngayon. Yung marunong makipag-communicate! Yung kahit paano magpapaalam bago umalis."

"Magpaalam ka rin kasi sa kan'ya, Cal," halakhak ni Ryker na para bang tuwang-tuwa siya sa mga reaksyon namin ngayon.

"Ah," Cal shifted his weight and his voice turned a bit more tame. "Sorry. Alis na ako, Celest."

Fuck you.

Di ko alam bakit nanubig yung mga mata ko. Hindi ko na nga alam bakit ako tumayo at agad na lumayo mula sa kanila. Everything was currently being blurred in my sight. Tears pooled underneath my eyelids. Suminghot ako. Puta. Ang daya-daya naman n'ya. Isang taon naman na no'ng huling kita namin pero hanggang ngayon nagluluksa pa rin ako sa kan'ya.

I went to the restroom and cried my heart out. Ang daya ni Cal. Bakit parang okay lang siya? Bakit parang hindi man lang n'ya ako na-miss? Samantalang ako, ni hindi ko magawang pumasok sa isang relasyon kasi takot akong baka maulit yung nangyari sa aming dalawa.

I took a lot of tissues. Nakailang hila yata ako mula sa dispenser habang pinipilit kumalma. Naghilamos pa nga ako para naman hindi ako halata kapag lumabas na. Langitngit ng pinto ang unang bumungad na tunog nang lumabas ako. Ang sunod ay ang yapak ng isang tao.

"Celest," Cal went near me and I immediately flinched.

"Ano?" mataray na tanong ko sa kan'ya.

"I. . ." Cal sighed then diverted his sight. "You don't have to forgive me but I'm still going to say sorry for what I did."

"Anong gagawin ko sa sorry mo?" Halakhak ko sa kan'ya. The bile on my throat makes it hard for me to speak. "O-okay, forgiven. Okay na? Huwag ka na ulit magpapakita sa akin. Nakaya mo naman na di magpakita sa akin ng isang taon 'di ba? Isagad mo na, Cal. Gawin mo ng habangbuhay."

Hindi ko alam bakit traydor ang mga luha ko. They were pouring like rain and I was almost gasping for air because of my intense hatred for him. Hindi ko siya gustong saktan pero. . .bakit ba kasi n'ya ginawa yun? Deserve ko ba yun? Hindi ko kasi talaga maintindihan.

Wala naman akong ginawa sa kan'ya kung hindi mahalin siya ah. Kaya bakit? Anong ginawa ko para gawin n'ya sa akin yun?

"Sorry," Cal nodded and retraced his steps. "Gagawin ko ang gusto mo. Just. . .please stop crying over me. I'm not worth your tears."

Lalo akong umiyak. Binatuhan ko siya ng masamang tingin. Nagpupuyos na ako sa galit. I balled my fist as I seethed in anger. Nakakainis talaga siya!

How dare he!? Paano ko siya hindi iiyakan?! Eh minahal ko siya?! Hanggang ngayon nakatarak pa rin sa dibdib ko yung tinik ng ginawa n'ya sa akin. My chest fluctuated then I released a deeply insulted laughter.

"Whatever, just don't ever show your face again. Kung hindi ay mapipilitan akong umiwas kina Ryker para lang di na ulit kita makita," I said despite not wanting Ryker to be involved with our fight. Hindi naman ako gano'n. I wouldn't involve someone who's not even at war with me. Di naman ako hanap-gulo o warfreak.

Padabog akong umalis. Hindi pa rin tumatahan mula sa pag-iyak. I rubbed my eyes using the back of my hand as I uncontrollably wailed in the night. Lumabas na ako at namataan na hinihintay ako ni Ryker. He had a knowing look on his face, as if he was saying 'I told you so' right in my face.

"Akala ko ba, move on ka na?" Ryker shot up a brow. May naglalarong ngisi sa labi. Tarantado rin talaga. Nag-e-enjoy pa yatang makita akong patay na patay pa rin sa kaibigan n'ya.

"Gwapo pa rin eh," tawa ko kahit galing ako sa iyak. "Mahal ko pa rin yata."

Isang katangahan ang pag-ibig. Sa pag-ibig ka lang makakakita na nasugatan ka na sa unang pagtapak sa isang daan, pero uulit ka pa rin dahil sa tingin mo naman ay natuto ka na hanggang sa mapagtantuan mong tanga ka lang pala talaga.

Nakita ko na umalis na si Cal. Nainis pa nga ako dahil mukhang may dala siyang bulaklak. Namataan ko kasi na binuksan n'ya yung kotse n'ya at nakita ko roon ang isang bouquet ng bulaklak. Naiinis na naman ako dahil hindi ako nakatanggap sa kan'ya ng gano'n. . .kahit no'ng graduation ko na lang sana.

That was the last time that I met Cal once again. Totoo nga na hindi na kami muling nagkita. I never dated anyone after Caleb because I've realized it was indeed unfair that I kept on having numerous flings just so I could move on from Cal.

Lumipas ang panahon at di na siya muling sumagi sa isip ko. Hanggang sa nakasalubong ko mismo si Philomena sa isang grocery. Ako kasi ang toka sa pagbili ng grocery ngayong week kaya naman nasa Hypermarket ako. Philo was visibly surprised upon seeing me.

"Ate Cel," she smiled warmly as she pushed her cart towards me. "Pupunta rin po ba kayo sa hospital mamaya?"

Hospital? Nangunot ang noo ko sa kan'ya. Sino ang dadalawin ko sa hospital?

"Ha?"

"Miss na miss na po kayo nina Mommy Istelle. Hinahanap ka n'ya palagi kay Kuya Cal pero sabi ni Kuya busy ka raw po eh. . .nag-a-adjust ka pa raw po sa trabaho," siwalat ni Philomena. "Ayaw ko po sana sabihin sa inyo pero miss na miss ko na rin po kayo."

"Uh," natawa ako nang bahagya. "Sorry, I can't follow. Sino ang nasa hospital, Philomena?"

She gasped a bit. "Si Mommy Istelle po. Naka-confine po siya ngayon kasi. . .lalong lumalala ang sakit n'ya. Mahaba na po yung treatment na kailangan. Pero may mga improvements naman—"

"A-anong sakit?"

"Lung Cancer. . ." she trailed off, para bang nagpipigil na umiyak. "Stage 4, Ate Cel."

*****

My whole emotion spiraled down. I just found myself ditching the whole grocery errand and coming with Philomena. Tuwang-tuwa siya habang nakasakay kami sa isang jeep. Parang bata pa rin talaga siya. She was telling me stories of how Iscalade and her would commute from time to time. Iniiwas n'ya ako sa topic ng sakit ni Tita Istelle. . .na okay lang naman dahil alam ko kung gaano ito kasakit pagusapan.

We went to Tita Istelle's room. To find her completely isolated in a room makes my heart clenched in pain. Nasanay ako na nakikita ko siya sa bahay nila na inaayos ang mga tinanim n'yang halaman. She widened her eyes upon seeing me, despite her frail and pale appearance. . .she managed to plaster a sweet smile on her face.

"I miss you, Celest," she greeted me. "A-akala ko nagtatampo ka na sa amin eh. Cal always says you're busy. . .so we didn't budge anymore. Are you doing well now, Cel?"

"I. . ." I trailed off, completely taken aback with the sudden news of her being ill. "Okay lang po, Tita Istelle. Pasensya na po kung di ako nakadalaw agad. Naging busy lang after graduation."

"Sabi nga ni Cal," her lips quivered.

"Dadalas na po yung pagbisita ko, promise ko po 'yan," I smiled at her. "Dadalhan ko po kayo ng mga prutas. Kung okay lang po ba?"

"Oo naman, hindi ba ako magiging abala sa 'yo?" Her face contorted into a worried expression.

"Never, Tita! Kailan ka pa naging abala?" I said abruptly. Lumapit ako sa kan'ya upang yakapin siya. "Miss na miss na po talaga kita."

Nanubig ang mga mata ni Tita Istelle. She. . .doesn't have any hair anymore— I still think she remains beautiful. Napangiti siya kahit patuloy ang bagisbis ng kan'yang mga luha.

"Thank you, Cel," she said. "I was worried that Cal and you had a fight because he's the one who's mostly tending to me. Sorry kung kinukuha ko ang oras n'ya sa 'yo."

"Hindi po, Tita! Don't worry po, sasama na po ako kay Cal sa tuwing nandito siya lalo na po kung wala pa po akong pasok," I exclaimed, plastering a genuine smile on my face.

Binulabog kami ng langitngit ng pinto nang may magbukas nito. Agad kong sinipat kung sino yun st nakita na si Cal habang may hawak na bulaklak.

His eyes widened upon seeing me. I seethed once again yet instead of yelling at him or cursing him entirely, I managed to go in his direction and kiss his cheek.

"Nauna na ako rito, ha? Nagkita kasi kami ni Philomena kanina, love eh. Pero okay lang naman kung hindi mo ako nasundo," pagpapanggap ko.

"Celest. . ." tulalang saad ni Iscaleon. He managed to get back to his track by shaking his head. "What are you doing here?"

"Binibisita si Tita? Bakit di ko bibisitahin ang nanay ng boyfriend ko 'di ba?" I said in gritted teeth to show him that I'm doing my best to be at my best behavior, kaya umayos na siya.

Kumapit ako sa bisig n'ya at pinisil ang biceps nya. "Tara na love, bili muna tayo ng fruits kay Tita at maguusap tayo nang sobrang masinsinan!" At tatamaan ka sa akin, Iscaleon!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro