Chapter 30
Messenger
ALTREANO FAMILY
Iscaleon:
Curious ako.
Hindi ka ba talaga first love
ni mama? @Cayden Altreano
Cayden:
aba san galing yan
ibang balita ang nakarating yata sayo
pero ewan ko
mahalaga ba ang maging una?
ako naman yung huli eh
Iscalade:
Mahalaga yun.
Ako nga first crush ni Philomena.
Cayden:
Ayan ka na naman sa kwento
mong ikaw lang naniniwala.
Iscalade:
Deh, ako na talaga crush nya from
the start. Shy lang siya umamin sa akin kaya inunahan ko na.
Iscaleon:
Did it bother you? @Cayden Altreano
That she loved someone
else before you?
Cayden:
Nah. Di rin.
I'm just glad that among the guys she used to love; ako ang pinili n'ya.
it's hard to take good care of someone's heart and I'm glad your mother is the one who gently holds it.
I don't believe love should always be passionate and aggressive. I believe love is gentle and understanding. We lose ourselves when we're too passionate in love; we experience burn out as well. That's why I believe love also needs to be gentle; so even if the world is cruel, we still have someone who can say that we are here to be loved gently.
Iscalade:
Taray ang poetic!!! 🫰
Cayden:
Paturo ka muna kay Philo
bano ka sa ganito eh
🤣2
*****
Chapter 30
I was aware that days are passing by and my graduation is almost near. Sa isang pagkurap ko lang ay natapos ang unang semester ng fourth year ko sa college. I looked at my grades and for some reason. . . I passed; not only did I pass, I was able to clutch on the dean's list.
"Sorry, dadaan yung dean's lister," mayabang na sabi ko kay Iscaleon na ngiting-ngiti sa akin.
"I'm so proud of you," he kissed me on the side of my head. "Ang galing mo."
I believe that those words are usually used to encourage someone yet for me it sounded like an appreciation for my efforts despite how I was shamed before for falling short of my own expectations. Napangisi naman ako sa kan'ya.
"Altreano love making, ahem," tumikhim ako habang nasa hapagkainan kami.
We're currently at their house. Once a week, we visit their main house to bond with Tito Cayden and Tita Istelle. Natatawa nga ako sa dahilan ng dalawang Altreano kung bakit nila binibisita ang kanilang mga magulang—para raw matigil ang makamundong pagnanasa ng papa nila sa nanay nilang walang kamalay-malay. Mahiwaga ba yung sandata nitong si Tito Cayden para makabuo pa sila? Grabe talaga 'tong dalawang 'to eh.
Agad na pinamulahan si Iscaleon ng mga pisngi. He looked elsewhere and I giggled because of it. Hinawakan lang ni Cal ang kamay ko at hinalikan.
"Ang galing mo, Celest," he murmured, voice as smooth as honey. "Ang swerte ko sa 'yo."
Napangiti naman ako. He was my main motivation to be better. President's lister siya at tinitingala sa department nila. A part of me wants to be on par with him. . .or at least someone that he can be proud of. Yumakap ako nang mahigpit kay Iscaleon. I didn't care if someone would see us.
"I'm sorry for acting affectionate even if someone else might see us," sabi ko sa kan'ya, binabaon ang mukha sa kan'yang dibdib. Ang bango-bango talaga ni Cal.
He chuckled. "It's okay. My dad told us before that we shouldn't be shy to show our appreciation and love to someone. Baka kasi dumating ang panahon o oras na hindi na namin magagawa yun. We should be bold and loud when we love someone. . ."
"Pero kahit naman sa dahan-dahan at tahimik na paraan, pagmamahal pa rin naman kung maituturing yun," depensa ko sa kan'ya. "It's okay if you're taking your time with me. Nandito lang naman ako, Cal."
Nangako ako sa sarili ko na kaya ko siyang hintayin. Alam ko naman na kahit paano ay may nararamdaman na siya sa akin. All I need is his verbal confirmation and some assurance that what he feels for me is something that I can hold onto. Wala na akong pakialam kung ibig sabihin n'on ay mas matagal ko pa siyang hihintayin mag-open up sa sa akin.
His jaw slackened as he moved away from me. Hindi ko alam pero di ko mabasa ang dumaan na emosyon sa kan'yang mga mata. All I knew was he was thinking of something else while he was with me.
Hindi ko alam kung ano yun.
If only I knew what he's thinking, maybe I could understand his feelings more.
Sa dalas na pagbisita ko kina Tita Istelle at Tito Cayden; para na nila akong nawawalang anak. They would even joke around that I should have a room in their house already. Si Philomena raw kasi ay mayroon ng kwarto sa bahay nila. Pero dahil busy ito at malayo siya mula sa school, tuwing weekends lang nandito si Philomena.
Magkasama ngayon yung tatlong lalaki at naglalaro sila ng basketball. Gusto ko sana manood pero ayoko naman iwan mag-isa si Tita Istelle. Kaya naman sumama ako sa kan'ya para magluto ng meryenda at hapunan. Gusto ko rin kasi talagang matuto magluto sa totoo lang. I followed her furtively because her steps were short despite her height. Matangkad siya pero mas matatangkad ang mga anak n'ya sa kan'ya. Therefore, ako talaga ang pinakamaliit sa kanila.
"May gusto ka bang kainin para sa dinner?" tanong ni Tita Istelle sa akin. "Lulutuan kita."
Parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko alam kung sobra ba akong deprived sa ganitong klaseng atensyon dahil palagi akong napapangiti ni Tita Istelle kahit sa mga simpleng pagtanong n'ya lang. ang mama ko ay ganito rin naman. . .pero kadalasan ay di naman kami nagkikita mata sa mata. Kaya pakiramdam ko ay nakahanap ako ng pangalawang ina kay Tita Istelle.
"Ah," Napalunok ako. "Gusto ko po sana ng adobo."
"Manok o baboy?"
"Kahit ano po," sagot ko sa kan'ya.
Tumango si Tita Istelle at tumingin sa kusina na tila ba malalim ang iniisip n'ya. Nagsuot muna kami ng apron bago pumunta ng kusina. Nagulat ako dahil may apron na rin ako sa bahay nila. They always make me feel at home. Paano kaya kapag nalaman nilang hindi naman totoo nag girlfriend ako ng anak nila? Na halos pinikot ko lang naman si Cal?
She gathered the ingredients and I helped by defrosting the meat. Hiniwa na n'ya ang ilan sa mga ingredients. She prepared the vinegar and soy sauce as well. Kinakausap n'ya ako habang nagluluto kami ng adobo. Nagtatawanan kami dahil pinapakwento ko sa kan'ya kung paano n'ya nakilala si Tito Cayden.
"Oh, I came from a horrible break up," she laughed timidly, tinatakpan ang kan'yang bibig. "And I was visibly upset that time. Magulo pa ang isip ko n'on kaya pumasok ako na walang ligo.Lumapit si Cayden sa akin n'on, akala ko magtatanong lang ng direksyon pero kinakabahan din ako dahil baka halatang hindi man lang ako naghilamos. . ."
"Ano sinabi ni Tito? Nangligaw ba agad?" katyaw ko sa kan'ya.
She blushed. "Oh, tinanong n'ya lang naman ako kung nagpa-panty ba ako tuwing gabi."
"What!?"
"Kasi di siya naniniwala na walang panty matulog ang ibang mga babae," she flushed harder then continued to stir the adobo on the pan. Napapailing siya na tila ba may naalala.
"Kakaloka si Tito!" Halakhak ko sa kan'ya. "Did he ask that in broad daylight?"
"Y-yes. . ."
"Grabe pala talaga mga Altreano. . .mukhang bagay ako sa pamilya n'yo, Tita," pangu-uto ko kay Tita Istelle.
She laughed harmoniously. "Of course! Sobrang welcome ka rito, Celest. Sabi ko nga, hindi ba? Sabihan mo lang ako para maasikaso ko na ang kwarto mo kung gusto mo o kwarto n'yo ni Iscaleon para tuwing bibisita kayo rito ay may matutuluyan kayo."
"Ay gano'n, Tita?" I teased her and nudged her a bit. "Bakit si Iscalade bawal tumabi kay Philomena?"
"Iscalade is too. . ." nahihiyang sambit ni Tita Istelle. "He always sees his father kissing me before so I think he adapted to him a little too much. Baka araw-araw-in n'ya si Philomena."
Aba, aware pala siyang wild mga anak n'ya! Alam kaya n'ya na si Iscaleon marunong na mag-breastfeed sa di n'ya ina?
"Ay Tita naman! Dapat pati si Iscaleon! Dapat nung una pa lang ay nakapag-practice na para sa akin!" giit ko kaya naman bumunghalit ang tawa ni Tita Istelle. Ang cute talaga ni Tita! She was crying just because of too much laughing! Bakit ako mukhang hinihika kapag natawa nang gan'yan?
"You're so funny, Cel," aniya.
"Pero Tita, curious lang po, ano sinagot n'yo kay Tito Cayden no'ng tinanong n'ya kung may panty kayo sa gabi?"
Her face went entirely white. Bahagya siyang nanahimik bago sumagot sa akin. She blinked a few more times before opening her mouth to speak.
"Sabi ko sa kan'ya. . .may panty naman ako kahit tingnan n'ya pa," sagot ni Tita na nagpa-confirm na nanay talaga siya ni Iscaleon para sa akin.
*****
Nagulat na lang ako na Pebrero na. I managed to finish my OJT and my first semester. Hindi ko masabing madali siya pero masaya ako na finally ay tapos na yun. I can breathe even for a while. Hindi ko alam kung ano ang balak ni Iscaleon para sa February 14. Wala rin naman akong in-e-expect mula sa kan'ya dahil wala naman ito kontrata. Nagulat na lang ako dahil pinapunta n'ya ako sa condo unit n'ya. Of course, I went there and was in shock to see what was in store for me.
"Hello!" hinihingal na ngumiti sa akin si Iscaleon. "Alam ko na ang byahe papunta sa Baguio!"
"What do you mean?" saad ko nang lumapit sa kan'ya. He was wearing a white polo shirt and black slacks. Ang kan'yang kamay ay may relo at halos mukha siyang tumakbo dahil sa paghingal n'ya.
"You said you wanted to go there right? Inaral ko ang papunta roon para kapag dinala kita, hindi na tayo maliligaw," he explained while getting a red box to give to me.
Lumipad ang tingin ko sa hawak n'yang box at halos malaglag ang panga ko nang makita kung ano yun. It was a box of croissants. . .that are from Baguio.
"Apat na oras ang byahe papunta roon," he murmured as he catch his breath. "Apat na oras din ang pabalik. Kung kaya mo ang gano'ng kahabang byahe kasama ako, yayain sana kita sa Valentine's?"
Hindi ko alam bakit nanubig ang mga mata ko. He did that all for me? Gusto ko sabihin na bare minimum lang yun para sa iba o baka nga hindi naman talaga ma-effort yun kung tutuusin. Pero para sa akin? It only made me fall for him more. I was in deep trouble knowing that one day I have to let go of someone as thoughtful as him.
Kahit apat na oras ang Baguio mula sa kung nasaan kami; wala siyang reklamo sa pag-byahe roon. He even made sure to know the road so we won't get lost if we went there. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang hindi ako makahinga sa sobrang dami ng nararamdaman. Halu-halong saya, pagmamahal, at pagkamangha sa dedikasyon n'ya sa akin. I wished it was real. I hope it isn't because he's just too kind.
Muling dumikit ang tingin ko sa box ng croissants. He even took his time to order this for me. Ang sabi n'ya noon sa akin ay hindi siya magaling sa direksyon pero di yun naging rason para hindi siya pumunta ng Baguio para lang malaman ang mas madaling daan sakaling pumunta kami. He planned ahead for us, nakikita n'ya talaga na kasama n'ya ako sa mga bagay-bagay.
My heart felt warm. My love for him went deeper. Mas lalo lang napalalim ang inaalagaan kong pagmamahal para kay Iscaleon Jaiven Altreano. I bit my lower lip before finally going back to my senses. I have to thank him somehow.
"Thank you, Cal," saad ko kahit napapaos dahil sa matinding damdamin na nanaig sa aking dibdib. I wanted to cry out of happiness. This was making me too happy.
Ngumiti siya sa akin. I could distinguish the brimming happiness in his eyes. "Seeing you right now, it was all worth it."
******
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro