Chapter 3
to hatchi (iscaleonjaiven),
*****
Chapter 3
Iscaleon:
I don't think I need to enroll to your class. 😭🙏
Celest:
Huh!? Kailangan mo ako, oy.
Manahimik ka,
need mo ang class ko.
Iscaleon:
Para saan? 😭
Ang cute naman nito! My smile was having a one-on-one meet up with my ears. Napaupo ako sa kama ko, ramdam ko ang paglubog ko sa mismong kutson at kahit dumidikit na ang ilan sa mga buhok ko sa mismong balat ko ay hindi ko ramdam ang pagiging iritable.
Celest:
Oh sige.
Ano ito.
(.).)
Iscaleon:
Mata?
That earned a scowl on my face. Binibiro-biro ko lang siya pero mukha nga siyang prudish dahil hindi siya maka-pick up agad. Wala man akong personal na experience sa ganito, I've tried Bumble and Tinder already to know the script of how this usually goes. Dapat by now ay nagbo-book na kami ng hotel! Parang gago naman.
Celest:
Boobs 'yan!
Nakakaloka ha.
Iscaleon:
Sorry.
Celest:
Bakit ka nagso-sorry? 😭
Iscaleon:
Hindi ko alam. 😭
Ang bait naman nito! Siguro nga maling account ang naisipan kong i-add dahil sobrang tino n'ya. Makes me wonder kung may CCTV installed ba sa mga accounts na school purposes dahil sobrang tino ng replies nitong si Iscaleon.
Hindi bale, sabi nga ng isang kanta, Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno, ako ang demonyong gagabay sa iyo. Naknang, naging demonyo pa ngayon ang peg ko dahil sa pagiging angelic nitong isang ito.
Celest:
Anyway, Celest nga pala.
Iscaleon:
Celest.
I can read your name on your profile. And I kind of know you.
Celest:
Kilala mo ako? Ha? Paano?
Iscaleon:
I delivered cookies to your house. . .yata?
Celest:
Di ka sure?
Iscaleon:
Sometimes, nanay mo yung kumukuha ng cookies.
Celest:
Right! kaya nga irequest ko sana kung p'wedeng ikaw na lang mismo magdala rito sa school.
schoolmates naman tayo.
kung okay lang?
Hindi man halata pero unti-unti na akong binabalot ng hiya. Kaunting kaluskos lang ay hindi na ako mapakali, hindi ko nga yata ipakita ang conversation na ito kahit kanino dahil alam ko naman ang maaaring sabihin nila. I swear, I heard it a little too much that it built a home inside my ears.
Desperada na masyado.
And I hate the fact that it seemed to be true. Hindi ko naman siguro ibebenta ang kahihiyan ko nang ganito kung hindi ako desperada na magkaroon man lang ng kalandian habang nasa college pa ako. After this, I don't even know if someone will view me as available. All the greatest love stories were told in highschool, junior man o senior high. . .sabi nila!
This was my last chance at a college romance. Kung pati rito ay hindi ako makalusot, baka para talaga ako sa rated SPG o adult romance. Kumuyumos ang mukha ko habang hinihintay ang sagot ni Iscaleon.
Iscaleon:
Sure po.
If that would be less of a hassle to you.
Celest:
Thanks, Iscaleon!
Iscaleon:
You're welcome. 🤓
Goodnight, Cel.
*****
"Buti hindi ka pa blocked?" Diana said while we were at the mall. Nagkita kaming dalawa dahil isang sakay lang jeep ang papunta sa mall kung magmumula kami sa kung saan kami nago-on the job training.
Her shirt was a bit soaked in sweat and her hair was slightly sticky as well, despite that, she still looked pretty. Ilang hours din siyang nasa initan dahil nga sa labas naman ang mga activities kapag PE teacher. Kapag nasa loob naman ng isang classroom, sa pagkakaalam ko ay electric fan ang gamit nila. Hindi rin kasi magandang tutok agad sa aircon kapag pawis ka.
"Magpunas ka nga muna ng pawis," ngumiwi ako sa kan'ya. Hindi ko alam bakit kaya n'yang lumabas ng mukhang nakipaghabulan siya sa isang jaguar eh.
Ngumisi siya. "Mamaya na, magkikita naman kami ni Jericho. Magpapalit din talaga ako ng damit."
I couldn't help but cross my arms across my chest. Nangi-inggit lang sila eh. Alam naman kasi nilang hindi ko pa nararanasan ang masundo o mahatid man lang.
"Edi hindi ka kakain dito?" tanong ko pa. Balak ko pa naman dumaan ng isang fast food chain para bumili ng burger at fries; I was starving already.
"Baka hindi na," sagot ni Diana. "Ikaw ba? Samahan ba kita? Bibili na lang ako ng sundae o di kaya apple pie."
I bit my lower lip knowing fully well that she was adjusting to my situation. Ayoko talaga ng ganito, minsan nga ay di na sila nagkukwentuhan tungkol sa lovelife dahil alam naman nilang medyo malas ako sa usapan na 'yon. They would divert the topic elsewhere. Madalas ay dinadaan lang nila sa biro pero alam ko naman na awang-awa na rin sila sa akin.
"Hindi na siguro," I shook my head then smiled at her. "Basta ha? Magpalit ka mamaya ng damit."
"Malamang! Saka huwag mo ako masyadong alahanin, papawisan din naman talaga ako ngayong magme-meet kami eh."
I drew a deep breath then released it. "Ang laki siguro talaga ng kasalanan ko nung past life kaya wala pa rin nagpapawis sa akin."
"Huh? Bumalik nga tayo roon kay poging delivery boy, akala ko ba ay naka-chat mo na?"
"Oo nga pero feeling ko kinakausap lang ako n'on, out of courtesy. Mukhang mabait eh," saad ko at huminto na sa paglalakad dahil nasa tapat na kami.
"Ayaw mo 'yun? Bagay kayo, kasi opposites attract," pabirong tugon ni Diana. Agad ko siyang siniko at nangliit ang mga mata ko.
"Joke lang! Ang bait mo kaya, ikaw pa nga gumagawa ng plano para sa mga crushes mo kung paano sila mangliligaw sa iba," dagdag n'ya.
I clasped my hand together and tightly shut my eyes. "Sana ma-traffic si Jericho o di kaya ay pagod na siya para di ka na n'ya mapagod din."
"Hoy ka! Tagal ko ng walang dilig!"
"Eh paano pa ako?!" I pouted my lips. Sa mga TV series nga lang ako nakakakita ng human anatomy!
"Alam mo, nararamdaman ko naman na malapit na yung sa 'yo eh."
"Magdilang-anghel ka 'teh, please. Sana naka-salamin na architecture student na mabait na may bio sa Facebook na 'for school purposes'," I said.
"Sobrang detailed naman n'yan," she laughed then frayed her eyes in a certain direction. "Sa miniso kami ni Jericho magkikita. Okay ka na ba rito?"
"Yeah," I nodded my head. "Umalis ka na nga sa harap ko dahil baka di na kayo magkita ng bebe mo."
We bid our goodbyes as I went to the ordering kiosk of the store that I went to. Halos manglaki ang mga mata ko dahil sa presyo. Tumatanda na ba talaga ako? Dati kasi ay fifty pesos lang ang dala ko sa mga ganito pero kahit paano ay busog na ako. Complete meal na yun. Ngayon kasi ay burger pa lang nila ay umaabot na agad ng isang daan at mahigit.
"Gamit ka na lang ng app nila," someone spoke from behind me.
Out of curiosity, lumingon ako sa nagsalita at nakita ang isang matangkad na bulto ng isang tao. His eyes were looking down on me. He was wearing his usual white and crisp uniform. May nakasabit sa likod n'ya na parang tube. His thin eyeglasses rested on the bridge of his nose comfortably as he tilted his head.
"H-huh?" I managed to utter. Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ngayon na nagkita ulit kami. I know that our worlds might be smaller than I think; schoolmates nga kami eh. Possible talaga na magkita kaming dalawa. Pero pati ba naman outside school ay magkikita kami?
He smiled. "Yung o-order-in mo kasi, nakita ko rin na nasa app nila. Medyo mas mura roon, mas makaka-save ka."
"Wala akong app nila," I said. Hindi rin naman ako madalas sa mga fast food eh, pugad kaya ito ng mga couples kadalasan. Kung swerte ka pa nga, nagsusubuan pa o di kaya may nakahilig sa mga jowa nila ang makakasabay mong kumain. No to McDo talaga ako.
"You can use mine, sabay na lang tayo mag-order," anyaya ni Iscaleon sa akin.
My mind went blank for a bit as I trudged near him. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa akin na nandito siya sa harap ko ngayon at kaswal kami mag-usap na para bang hindi ko pinahiya ang sarili ko sa kan'ya sa chat. Sex Education. Boobs. Ikaw na lang maghatid. Ngayon ko lang talaga nararamdaman ang pag-init ng aking mga pisngi.
We went to the cashier. Iscaleon asked for my order then he was the one who talked to the cashier. Hindi nakatakas sa akin ang tingin ng cashier kay Iscaleon, halatang nagpipigil ng kilig dahil sa monitor lang ito halos lumilipat ng tingin sabay ngiti. Parang ayaw ko na talaga sa McDo.
Hindi ko pa nga boyfriend itong si Iscaleon pero ang batak ko naman magselos agad. Pero anong magagawa ko? Gwapo talaga siya eh. It was hard not to notice how the heavens favored his face a little too much. Hindi pa nakakatulong na ang amo ng mukha n'ya at soft spoken siya gamit ng malalim n'yang boses.
"Bayad ko," abot ko sa kan'ya ng pera. Cheeseburger Solo with Coke Zero meal lang naman yung sa akin eh. Compare nga sa presyo na nakalagay sa ordering kiosk, mas mura nga rito sa app.
"Ako na."
"Huh? Huy, di ako sanay ng nililibre," I said.
"Edi masanay ka na."
What does that supposed to mean?
"Bayaran ko yung akin," I insisted because. . .this was new to me. Madalas man ako ilibre ng iba—it was always with my friends. Binabalik ko rin naman ang libre nila.
Kaya bakit. . .my stomach felt like butterflies were being caged inside it. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba ito sa gutom o kung ano pa man ang dahilan.
"Bayad ko na lang ito. . ." he uttered in a small voice. "Para sa mga classes ko."
My lips went thin as the realization of what he just said slowly dawned on me. Payag talaga siyang mag sex-ed kami!?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro