Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18



to acia,
thank you for this art!

*****
iMessage
BFFS ni Iscalade

Iscaleon:
Ano gagawin n'yo kapag nag-thirst trap yung girlfriend n'yo?

Iscalade:
Nangiinsulto ka ba???

Alam mo namang mas malabo pa
mangyari yun kaysa sa mata mo 😢

Gio:
Hihimatayin AKO 😳😳😳😳😳

Tapos mapapa-thank you, damihan mo pa 🫶🏻

Sath:
The heck?
Mauuna muna akong ilibing
ni Zafi kapag hiningian ko
siya ng thirst trap.

Ade:
Hala ano yan
Bata pa po ako.

Sachael:
Ang dami natin dito
wtf ka Iscalade

Kile:
taena

BAT AKO NANDITO

??!??!

nd wat da fuck
anong fucking
thirst trap k dyan

Iscalade:
ano ginagawa mo
kapag nagt-thirst trap
gf mo? @Kile

Kile:
TAENA KA
wala
gaguh ka tlg
E1 k sau

Iscalade:
Expert ka sa ganito di ba

Kile:
xpert k dyan
WALA NGA

Iscaleon:
😢😢😢😢😢

*****
Chapter 18

Di ko alam kung marami lang talagang naghahanap ng kalandian ngayon o gumana ang push-up bra ko sa picture. Bahagyang tumulis ang nguso ko dahil wala na yung comment ni Iscaleon. Deleted na agad. Ni hindi ko man lang na-screenshot para man lang may patunay na nagselos talaga siya!

I didn't entertain Geronimo Hilario. Ngayon ko nga lang nakita yung lalaki na yun eh. Siguro kung di lang dumating si Iscaleon sa buhay ko ay nag-settle na naman ako sa lalaking yun dahil mukhang interesado sa akin. He's not bad looking but compared to Iscaleon?

Iscaleon raised the bar to heavens and beyond for me. Kapag kailangan ko ng palatandaan na bawal ako mag-settle for less; si Iscaleon lang ang ginagawa kong batayan.

Iscaleon would treat me better than this.

Iscaleon wouldn't do this.

Iscaleon has abs.

Iscaleon is a good kisser.

Iscaleon is partially not mine.

Ayun lang. Nobody's perfect nga siguro talaga. Siya lang talaga ang standards ko pero di siya akin. This whole thing isn't forever. Hanggang graduation lang siya ganito sa akin.

I fidgeted my fingers. It's hard to think about it, in the utmost honesty. This whole thing was absurd in the first place. Kung paano ko siya niyayang maging fake boyfriend kahit hanggang graduation lang; halata na ang pagiging desperada ko. I want to make the most of it because I know he wouldn't love me back; I'm just scared of falling too fast and too far that I wouldn't be able to catch myself once the sand of time runs out.

I want to treat myself out. Sanay ako makipag-date sa sarili ko dahil kadalasan nga ay may mga lakad din si Micah at Diana. Niyaya ko naman sila kanina pero sabi nila ay pareho silang busy. This time, Diana even sent a picture of her currently being in school. Busy siya dahil may inaasikasong mga seminar para sa department nila. Si Micah naman ay naghahabol ng mga deadlines dahil finals na namin this semester. Oh, right. One semester left and this whole fake dating thing is done.

I swallowed the sticky bile on my throat. It wouldn't just leave me alone, huh? One semester left and things are done between us. Gusto ko lang malaman kung pagkatapos ba nito ay magkaibigan pa rin ba kami? O hindi na? Can I still talk to him? Can I still be in his dump account?

You complicate things further, Celest! Sana naging masaya ka na lang sa kissing buddies eh! Pinagalitan ko ang sarili ko sa sobrang inis.

Di man nga lang natinag si Iscaleon sa picture ko eh. Akala ko pa naman ay nag-book na siya ng hotel at yayayain na lang ako saka bubukaka na lang ako. Hindi eh, di nga lang nag-react ng heart! Hayop! Gusto ko tuloy i-delete yun!

Kaya naman lalabas na lang ako ngayong araw. Baka sa sobrang inis ko ay pumunta ako sa Ortigas. Probably in Robinsons Galleria, ilalayo ko talaga ang sarili ko sa mga maaaring kakilala ko dahil ayaw ko sa mga tao ngayon. Naiirita talaga ako.

Nagpaalam muna ako kay Mama. She was busy once again so she just replied that I should eat outside already since she'll be coming home late. Nag-oo naman ako dahil wala rin akong balak magluto dahil alam ko na ako lang naman kakain kung sakali. She eats outside as well. Baka mag-pizza na lang din ako.

I wore a white spaghetti strap top and black jogging pants. I partnered my top with some black Adidas jacket that I usually used in going out. Mukha akong sasayaw pero ayaw ko naman maging over-dressed kung ako lang din naman ang pupunta roon.

Nag-commute lang ako dahil mas gusto ko ang commute kapag mag-isa lang. Ewan ko, mas nakakapag-isip ako saka na-e-explore ko kung hanggang saan ang survival instincts ko.

I was scrolling through my feed when a picture caught my attention. Halos malaglag ang cellphone ko, buti na lang nakuha ko na agad! Nalaglag din ang puso ko sa sobrang kaba! Tangina mo, Iscaleon! Nagngingitngit ako sa sobrang pagkabigla sa nakitang post n'ya.

Iscaleon Altreano
Medyo.

2921 likes • 105 comments • 34 shares
Most relevant

Ryker Adeva thats my thirst trap king right there!!! reto ko sayo kapatid ko

Audrey Adeva kuya!!! stop!!!

Eastre Zaguirre tito @Cayden Altreano ang laki na po pala ng anak nyo

Cayden Altreano @Eastre Zaguirre aaaa nakita mo???? oo mahaba yan mana sa akin

Hindi ko na pinagpatuloy yung mga nakita kong comments dahil kumpara naman sa mga comment sa post ko, talong-talo ako sa engagement ng mga babaing gusto si Iscaleon! Ang iba ay talagang tinatag pa si Cal. Partida, nagpakita lang naman ng kaunting balat yung tao eh. Eh ano kung sumilip yung biceps?! I-he-headlock ba ako n'yan!? Sana! Tangina n'ya talaga eh!

At saka anong medyo!? Ha? Medyo ano!? Sagot ba yan sa sinabi kong 'miss mo na ako'? Edi nag-post siya nang gan'yan dahil din sa akin? Wow, parang kasalanan ko pa pala.

Badtrip na badtrip ako habang papasok ng mall. Deserve ko talaga ng isang buong pizza! Yung large o family pan na siguro ang o-order-in ko sa sobrang inis ko! Pumanhik na ako gamit ng escalator. Ang alam ko ay malapit sa Playlab yung nga pizza parlors dito eh. Lalamon na lang ako dahil di ko ako lalamunin ni Cal eh!

"Mommy!" a child rushed towards me. Yumakap pa siya sa mismong paa ko kaya naman halos manigas ako sa kinatatayuan ko.

I controlled my whole body so I wouldn't fall and so I could keep my balance. Nilingon ko yung bata at nakitang mahigpit ang kapit n'ya sa akin. He was so small and fragile. Naka-polong stripe blue siya at red shorts. He was only wearing his socks on.

"Hi," I softened my voice. "Baby boy, hindi ako yung mommy mo eh. Are you lost?"

"Mommy ko," he started to sob. "Ikaw. . .mommy po."

My heartstrings were tugged as he slowly let my leg go. I squat in front of him so I could talk to his level.

"Hanapin ba natin si mommy mo?"

"Mommy won't go here," he said. "Di naman ako. . .priority. Ikaw po mommy ko."

Oh.

"Is she working?"

Tumango yung bata. I couldn't help myself and slowly embraced the kid. Once in my life, I was in his shoes. My mother didn't go to events or even go out with me because she was working to provide for me. Hindi n'ya alam mas kailangan ko ang presensya n'ya kaysa yung pera.

"Warren!" someone yelled out and his steps faltered upon seeing us. Ang hinhin naman sumigaw nito!

My eyes widened a fraction because hell no! Nandito lang pala yung hayop na thirst trap king! I glared at him unconsciously as he went towards us.

Iscaleon mirrored my expression; he probably didn't expect me to be here as well. Malayo ang Ortigas mula sa lugar kung saan kami nakatira kaya naman naiintindihan ko ang naging reaksyon n'ya. Medyo magulo ang buhok n'ya at. . .bukas ang unang butones ng kan'yang puting polo. Para siyang hinabol dahil sa gusot ng damit n'ya.

Napalunok naman ako.

No.

I'm strong!

Kahit maghubad pa yan si Iscaleon sa harap ko—oh my god, bakit ang gwapo kasi talaga ni hayop!?

"Daddy!" Warren, the kid who was hugging me, ran towards Iscaleon who immediately hugged him back. Binuhat n'ya si Warren habang papalapit sa akin.

"Ginagawa mo rito?" he asked me, coldly. Aba! Porket malalim at soft spoken ang boses mo, akala mo matitinag ako!?

Yes.

My legs were already acting like a pair of gelatins. Hindi ko rin magawang tingnan siya sa mga mata dahil sa pagkakaalam ko ay may hidwaan kami ngayon. Partida, naiinis pa ako sa thirst trap n'ya! Kapal ng mukha! Dapat sa akin lang n'ya sini-send yung mga gano'n eh. Tapos haharap siya sa akin ngayon na magulo ang itim na itim na buhok, bukas ang unang butones ng damit, at masungit ang titig sa akin? Aba, titikman.

Lalo akong napailing dahil sa mga naiiisip ko. Ang lala na talaga!

"K-kakain," I stuttered, umiiwas ng tingin mula sa kan'ya.

"Sa Rob?" He shot up a brow. "Sa Galle?"

"Oo bakit?" I can't help fighting the urge to talk back. "Nandito yung favorite pizza place ko? Problema mo?"

Dinuro ni Iscaleon yung katabi ng Kidzoona na pizza shop. He was as if questioning my decision. Napalunok naman ako dahil kadalasan ay makikita naman ito sa ibang mga malls. It's not that it's special or a rare restaurant! Bakit ba!? Basag trip naman sila eh. Gusto ko nga talagang dito kumain! Maganda ambience! Sila ang lumapit kung gusto nila.

"Mommy, daddy," Warren said in a sing-song voice. Kinuha n'ya ang mga kamay namin saka hinila papasok sa Kidzoona. I was hesitant at first but I could see myself in the kid.

Alam ko yung pakiramdam na walang kasamang magulang. I know how he feels so I couldn't take my hand away from him. I refused to be like my mother.

"Sorry," patiuna ni Iscaleon. "Pamangkin ko si Warren sa mother side. May birthday party kasi na invited siya pero may last minute kasing meeting yung parents n'ya."

"Last minute ba talaga?" I scoffed in the air. Matanda na ako; ilang beses ko na narinig ang excuse na gan'yan.

"Please don't let the kid hear it," pakiusap sa akin ni Iscaleon. His eyes softened. Naantig naman agad ako. Gets ko naman bakit.

I kept my mum. Ayoko rin naman masira yung childhood nung bata. Pero imagine? Nag-promise sa 'yo yung mga magulang mo tapos last minute biglang di sila makakadalo? Some parents are just so fucked up. Gets naman na may mga commitments din sila sa iba pero sana huwag na lang mag-promise.

Umaasa lang yung bata eh.

Di nila alam yung pakiramdam na akala mo makakasama mo sila, mahihiram mo oras nila, at makakausap mo sila nang mas matagal—pero sa huli ay di naman pala sila makakasama. Alam naman nilang importante 'to sa bata eh.

Huwag kasing mag-anak, parang mga tanga. Gagawa ng tao pero di kayang itrato na parang tao.

"Hi," Iscaleon greeted the employee of the kid's playden.

Naka-pink uniform ito at halatang masaya sa trabaho. Ngumiti naman agad yung empleyado. Dire-diretso na pumasok sa loob si Warren dahil na-excite sa mga palaruan pero hinintay n'ya kami sa mga lockers ng mga sapatos.

"Asawa ko," turo sa akin ni Iscaleon kaya naman nalaglag ang panga ko. "Pahingi na lang party guest sticker. Thanks."

Ilang beses pa akong kumurap. Did he just call me his wife!?!

Inabutan naman siya ng empleyado ng isang maliit na sticker at tinuro nito ang isang papel na kailangan yata fill-up-an. Medyo hindi ko pa ma-proseso ang mga bagay-bagay dahil sa sinabi ni Iscaleon.

Asawa? N'ya? Ako?

He gently removed the sticker from its paper and stuck it near my chest area. My heart thumped against my chest.

"Tara na, mommy," anyaya sa akin ni Iscaleon. Tarantado pala to eh!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro