Chapter 12
to brieadeary,
*****
Messenger
YBANEZ REUNION
Agnes:
2loy ba tau
Fred:
oo xcited mga bata
Dorothy:
uuwe c Alexander?
Agnes:
oo ata
bale countdown tau
Agnes kids - 4 (Alanie, alexander, alena, allen)
fred kids - 3 (walter, noel, ruthy)
dorthy kids - 1(celest)
ok
Fred:
Sama mo mga asawa
Agnes:
ok
Kaso wala asawa yan dorty
haha makakalibre sya galeng
tapos isa lang ank.
Fred:
parang aywan k agnes
Dorothy:
👍
*****
Chapter 12
My mom had me when she was only eighteen. First love n'ya si Papa kaya naman no'ng minahal n'ya ito ay todo ang binigay n'ya. He was her first everything. Sa first kiss, sa first boyfriend, sa first ungol, and the rest is history. Basta ang ending ay nabuo nila ako at di nila ine-expect na magkakaroon ng bata sa tyan ni Mama. Parang tanga rin eh.
Ang sabi nila ay matalino raw si Mama. Muntik na maging valedictorian ng batch n'ya kung hindi lang daw sana nag-stop mag-aral dahil sa akin. She wanted to study again but as how clichè stories goes; hindi siya nagawang panindigan ni Papa. She had to be both my mother and father figure. Sinisisi ng mga magulang ni Mama si Mama mismo dahil siya raw ang may utak kaya bakit di n'ya ginamit. Eleven years old ako nung tinanggap na nilang nag-e-exist na ako at di na ako fetus na p'wede pa nilang itakwil.
"Nasaan si Papa? Kailan siya uuwi? Bakit ayaw n'ya magpakita sa akin?"
I remember asking those questions to her and oftentimes she would stop functioning by the mere mention of his name. Nagugulat na lang ako kapag unti-unti na siyang nagpapadaloy sa emosyon n'ya at umiiyak kahit wala pa naman siyang sinasabi. Ever since I got older, iniiwasan ko na maging topic si Papa dahil ayoko naman nakikitang gano'n si Mama.
Love fucked up Mama real bad.
Kahit ang mga kamag-anak namin ay alam ang nangyari sa kan'ya. Puno palagi ng panghihinayang sa hapagkainan kapag si Mama na ang usapan. She would often laugh it off and say that she was still lucky because she has me. Pero alam ko naman na kapag umuwi na kami, kapag patay na ang mga ilaw, kapag akala n'ya ay tulog na ako, saka siya nakikidalamhati sa tahimik na langit. Umiiyak sa gabi at itatago sa umaga.
Tangina kasi ng tatay ko di marunong gumamit ng condom eh. Edi sana valedictorian si Dorthy ngayon.
It's hard to be the topic of the dinner table; much more when it's all about the past mistakes that you cannot undo anymore.
"Huwag na kaya tayong pumunta?" saad ko habang nasa living room kami. I was having a junk intake, kumakain ako ng Tomi habang nanonood ng Manifest. Ewan ko ba anong season ko na rito, pinapanood ko lang kung saan natatapos si Mama eh.
"Saan?"
"Sa Reunion? Halos every year na lang eh. Kasawa."
"Sayang naman kasi once a year lang kayo nagkikita ng mga pinsan mo," napabuntonghininga si Mama habang nagtutupi ng mga damit. I was done with mine hence I was watching while intaking a quick snack. Iba kasi yung pagtupi ni Mama kaya ayaw n'ya ako tumulong sa kan'ya.
"Yun nga eh, buti na lang once a year lang talaga," I snorted after remembering them.
Una sa lahat, hindi kami close ng mga pinsan ko. I was the oldest among them since I was the first one who ruined my mother's life. Sumunod si Tita Agnes dahil idol n'ya nanay ko eh. Nagpabuntis din pero natakot sa itak yung asawa n'ya kaya naman natali sa kan'ya. It worked well on her because she had another three kids, to be fair, kasing-annoying n'ya yung mga anak n'ya.
Alanie is the eldest one, madalas sa kan'ya ako nakukumpara. Buti pa si Alanie ganito. Buti pa si Alanie gan'yan. Well, news flash! Walang may pake kay Alanie. Okay naman si Alanie pero 'wag lang talaga siya magsasalita dahil si Tita Agnes ang naalala ko sa kan'ya.
Alexander was named after Alexander the great and he lived up to his name. Ang tanging magandang nagawa ni Tita Agnes ay si Alexander mismo. He's a working student and probably the golden child among us. Mabait din siya sa akin kaya naman di ko siya lalaitin.
Si Alena at Allen naman ay mga bata pa pero sobrang spoiled kaya naman minsan di ko kasundo. Close lang kami kapag inuuto ko silang magpa-order ng Jollibee dahil gusto ko ng peach mango pie.
Si Tita Agnes ang panganay kaya naman siya kadalasan ang nasusunod kung saan ang venue ng reunion, napakadaya nga dahil kadalasan ay malapit lang sa kanila.
Si Tito Fred ang pangalawa sa magkakapatid kaya madalas ay neutral din siya kapag may away sa kanilang mag-anak. His children are lukewarm to me. Hindi ko maipaliwanag pero may ere sila na parang 'you can't touch us'? Siguro dahil sa foreigner nilang nanay. Kamukha rin ni Mama si Ruthy kaya naman galing sa Dorothy ang pangalan n'ya. Weird talaga minsan si Tito Fred kaya di ko yun kinakausap eh.
"Isang beses lang sa isang taon, Celest," Mama said. "Bakit di mo na lang pagbigyan?"
"Yun nga eh, this year lang naman tayo hindi pupunta, bakit ayaw mo pa, Mama?"
"Para namang di naging mabuti si Tita Agnes at Tito Fred mo sa 'yo," pangg-guilt trip pa ni Mama. Napailing na lang ako. Di naman talaga?!
My lips pressed in a thin line, it's my way to prevent myself from telling her the truth. Ayoko kasing napapahiya kami. Alam ko naman na para sa kanila si Mama ang black sheep dahil nga sa nangyari sa kan'ya pero kailangan bang every year ipaalala sa kan'ya yun? Nagka-anak na sila pero ang trato pa rin kay Mama ay parang di nagtanda.
Si Mama lang talaga hindi nakaka-gets na ginagawa siyang laughing stock o di kaya point of comparison ng mga kapatid n'ya lalo na ni Tita Agnes. Ang sakit pa naman ng comparison na palaging ikaw yung mas malala o mas masama. Nakakainis.
"Pag-isipan ko," I said. "May OJT din kasi ako no'n."
"Isang araw lang yun, Cel."
"Hinahabol ko po yung oras," I lied, kahit pa ma-late ako this semester ay okay lang dahil p'wede ko pa naman ituloy next semester yung kulang kung sakali. Ang sabi kasi ay puro review na lang daw kami for board exam next semester, hindi ko lang sure kung totoo ang chismis.
"Cel naman," pagsusumamo ni Mama. "Miss ko na rin mga kapatid ko."
Kahit pinagtatawanan ka na nila?
Kahit ang baba ng tingin nila sa 'yo?
Kahit di mo sila maasahan kapag ikaw yung may kailangan sa kanila?
How can you miss them?
Family is a complex concept I couldn't grasp. How can blood be a good reason to withstand harsh words and degrading treatment?
Hindi ko magawang isatinig ang mga salita na yun pero napailing na lang ako at tumigil na sa pagkain ng junk food. Nawalan ako ng gana. Wala rin naman akong nagawa kundi pumayag dahil ginamitan na n'ya ng 'miss' card eh. Pero kung personal choice ko lang ang masusunod ay hindi na ako sasama talaga. Mabulok na lang ako sa bahay kaysa makisama sa mga bulok ang paguugali.
Nag-rent sila ng isang private pool sa Pansol, Calamba, Laguna. It was almost a two hour ride from where I came from. Halos wala pa sa kalahating oras ang byahe nila Tita Agnes dahil tiga-Laguna lang din naman sila.
I unpacked my things in our room. Tatlo ang room na designated para sa amin dito sa naupahan na private pool. Dalawa lang naman kami ni Mama kaya naman sa amin napunta yung pinakamaliit, not that I mind.
"Mamaya na yan, Cel!" Malakas na kumatok si Alanie sa pinto. I know that it was her immediately just by hearing her high pitched voice.
"Bakit ba?" I half-yelled back.
"Nandito na yung ibang bisita! Dali na! Labas ka na!"
Huh?
Napatigil ako sa paglalabas ng damit ko mula sa totebag na dala ko. May iba pa palang bisita? Sino naman? As far as I know, wala naman kaming kamag-anak mula sa abroad at wala rin naman ibang kasama yung mga asawa ng mga Tito at Tita ko.
Lumabas naman ako at bumungad sa akin si Alanie. She was smaller than me, payat din, maganda ang kutis na morena. Her lips puckered at my sight. Tingnan mo 'tong isang ito tatawagin ako tapos mukhang nayayamot naman kapag nasa harap na n'ya ako.
"Halika, Celest, ipapakilala kita sa boyfriend ko."
Kaya naman nandito ako sa isang sitwasyon na iniiwasan ko—ang maka-round table ang mga pinsan ko na kasing edad ko lang halos. I was the eldest yet for some reason all of them already had girlfriends and boyfriends. Bukod kay Alanie ay dala rin ni Alexander yung jowa n'ya. Sa mga anak naman ni Tito Fred ay si Walter din ang may dalang plus one. Wala naman yun sa usapan namin eh.
"Pahingi ngang San Mig Light," I snatched the bottle from Walter who was beside me. Kumukuha siya ng mga alak sa maliit na cooler. Agad naman n'yang inabot sa akin ito.
"Bakit? No show na naman ba yung boyfriend mo?" tanong sa akin ni Walter habang nakangisi. "Ah, wala ka nga palang boyfriend."
I was fed up with all the annoying banters that they were pulling, kaya naman nag-shrug lang ako sa kanila saka ininom yung San Mig ko.
"Meron," I said. "Papuntahin ko pa eh."
Oh shit.
Saan galing yun!?
"Talaga?" Alexander seemed interested. Lumapit siya sa akin mula sa pagkakaahon sa pool. "Bakit di mo sinama, Cel? Sayang naman."
"Busy."
"Sobrang busy na di ka mabigyan ng time?" Walter laughed, hysterically. "Gagi, Cel! Red flag naman yan."
"Totoo naman," Alanie agreed. "Tingnan mo mga jowa namin, naglaan ng oras para rito."
I almost barfed.
In my defense, hindi naman alam ni Iscaleon na may reunion kaming mag-anak at di naman Ybanez ang apilyedo n'ya para pumunta rito. I was beginning to feel upset because of the constant comments I've been receiving from them.
"Di ko naman alam na kailangan kasama yung mga jowa," I managed to say. "Kung alam ko lang, niyaya ko na si Iscaleon dito."
"Iscaleon?" Alexander shot up a brow. "Altreano?"
"Yes?" kabadong saad ko. Kilala ba n'ya? Alam kong nasa engineering
field din si Alexander pero di ko alam kung kilala n'ya ba ang mga Altreano.
"Gawa-gawa mo lang yata yan eh," Alanie said. "I mean? Si Alexander nga swerte dahil matalino kaya nakapag-intern sa mga Altreano. Ikaw pa talaga magkaka-boyfriend? Not to compare pero sure ka ba?"
"Baka pantasya mo lang yan, Cel," dugtong ni Walter. "Can't blame you, ilang taon ka na pero wala pa ring nangliligaw sa 'yo."
"You don't have to lie, Cel," saad ni Alexander. "I don't want to sound rude but that's a bit of a desperate move."
Napasinghap ako. Bakit ba ayaw na lang nilang maniwala!? "Jowa ko nga si Iscaleon?! Bakit ba ayaw n'yong maniwala na lang?"
Nagkatinginan ang mga pinsan ko. Alanie whispered something to her boyfriend, Daniel. Si Walter naman ay umiling lang habang papunta naman ang girlfriend n'yang si Zyra sa direksyon namin. Alexander has his hands on his girlfriend's waist, si Fiona.
"Maybe because you don't have any proof?" Fiona uttered suddenly. "No offense ha? Ako kasi from Architecture department ako eh. So, medyo kilala ang mga Altreano sa amin. I've heard nga, yung panganay nila is nagta-take ng Architecture rin. So, parang impossible na boyfriend mo yun."
My jaw slackened as I drank from my liquor bottle. Sandali lang ha? Masyado na yata akong pinagtutulungan eh. Ano laban ko kung lahat sila ay magkakampi tapos mag-isa lang ako?
"Wala ka bang picture?" tanong ni Zyra. "I mean, boyfriend mo naman siya 'di ba? Kahit sana picture lang ay mayroon ka."
"Picture n'ya? Malamang mayroon," sagot ko.
"Picture n'yo together, I mean," Zyra laughed.
"Wala. . ." I said as I've realized that we never took pictures. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam kung bakit kailangan may picture kami!
Zyra smiled, knowingly. Para bang nahuli n'ya akong nagsisinungaling. When in fact, I'm telling the truth—at least half of it is real.
Napalunok naman ako. I speared them with a knowing glare as well. Hindi naman sila natinag at lalo lang umingay tungkol doon.
"Patingin nga ng cellphone," ani Walter. "Di ba dapat wallpaper mo yung jowa mo?"
"Ay? Required? Di mo naman sinabing kailangan ko pa ng jowa para magka-wallpaper?" I sarcastically retorted.
"Case is, wala kang proof na may jowa ka," Alexander said.
"The thing is din, required ba?" I mocked because how dare he insinuate na nagsisinungaling ako?!
Nakaka-ulol naman mga tao these days talaga! Tumunog ang cellphone ko na malapit sa electric socket. I went there and looked who messaged me—speak of the devil and he shall reply talaga.
Cal:
Parang gago! Napangiti tuloy ako nang wala sa oras. Sumilip yung mga pinsan ko sa direksyon ko dahil sa impit na tili ko.
Celest:
kung totoo yan
puntahan mo nga ako 😊
Cal:
Where ka?
Celest:
Laguna 🙃
haha dejk
LAYO
Cal:
Send waze or full address.
Mag-on the way na ako. 🤓
Celest:
?!?!
BAKIT
Cal:
Kasi miss kita?
Sobrang expressive naman nito sa chat? Pero kapag sa personal, medyo hindi siya ganito? My lips curled into a smile because of it. Cute talaga.
I sent him the address, kung pumunta man siya o hindi, okay lang. After all, everything is just a contract between us. Para sa kan'ya, sumusunod lang siya sa kontrata namin sa isa't isa.
"Oh? Kailangan pa ba magpanggap na may kausap sa phone?" pasaring ni Alanie. "You can just admit that it's all false. Wala namang mali sa pagiging single."
Nagtaas lang ako ng kilay sa kan'ya. Nagtawanan ang mga pinsan ko.
Ayun nga eh, wala naman talagang mali sa pagiging single. Pero kung paano nila ako itrato o pakisamahan ay para bang nakakalamang sila sa akin dahil may mga jowa sila.
Saksak ko sa ngalangala nila mga jowa nila eh.
There's this notion that being single is universally not bad; it is actually considered to be good as it means less responsibility for another person's feelings and more time for yourself. You could vividly see the advantages of it however as time reaps, you'll notice that you might want to try being responsible for someone else too. Gusto mo na magkaroon ng taong p'wede mong angkinin. P'wede mong masabihan. Your own person, ba.
I'm tired of waiting for that person. Everyone makes it seem like I'm too picky, I have high standards, or I'm going to be bad at handling relationships because I'm inexperienced. I hate how all of those hearsays could be true.
"Pang-ilan mo na yan," puna ni Alexander nang makita akong ina-arrange yung mga bote ng San Mig. Boring eh, halos lahat ng mga pinsan ko ay kalampungan sa pool yung mga jowa nila.
Sayang naman yung bikini ko dahil wala namang hahawak ng baywang ko. Hindi man ito two-piece, I'm sure I still look good in a one-piece swimsuit.
"I know," I barely shrugged off. Too much for expecting him to go here. Umasa lang ako eh. Honestly, I don't even know why he agreed with the contract. . .
"Celest, nandito yung boyfriend mo," sabi ni Tito Fred kaya naman lahat kami ay napalingon sa direksyon n'ya.
Wait what?
"Boyfriend ni Celest?" Mommy stood from sitting. Napalingon sa akin si mommy dahil sa narinig. Her face contorted as if she got punched in the gut.
Shocks. Di ko nga pala dinala si Iscaleon sa bahay. Malamang, magugulat yang nanay ko dahil may jowa na ako bigla! Parang ewan ksi parang nagtanim lang ako tapos nagulat ako biglang may bunga. Tumikhim na lang ako saka pumunta sa direksyon ng gate.
"Oops, sorry," I faked a chuckle. "Punta lang ako sa boyfriend ko."
Sinalubong ko si Iscaleon sa may gate. Halos papalubog na yung araw nang makarating siya. Kung tutuusin ay halos isang oras ang byahe n'ya kung dadaan siyang SLEX. I was a bit nervous that he was already tired from driving and we wouldn't be able to make time for each other. Baka nga makitulog lang ito eh.
"Hello," bati ni Iscaleon nang pagbuksan ko siya ng gate. He was wearing a dark blue polo with its buttons open and underneath it was a simple white shirt.
"Ang galing mo naman sa directions," puri ko sa kan'ya. I've tried driving once and it was a good experience. Kumuha lang ako ng license para sa valid ID pero di ko naman masyadong napa-practice ang driving skills ko dahil bano ako pagdating sa mga direksyon.
"Actually?" He looked away. "Naligaw ako, kanina pa ako umalis sa amin."
"Oh."
I learn new things everyday whenever it comes to him and apparently he's bad at directions too. Pero at least honest siya.
"Boyfriend mo yan?" Sumulpot si Tita Agnes sa likod ko. Napalingon naman ako at nagulat ako nang lapitan ni Tita si Iscaleon.
"Ilang buwan na kayo mag-jowa? Parang di ka naman nangligaw sa amin?"
Huh? Eh di rin naman nangligaw sa amin yang sina Daniel, Fiona, at Zyra! Bakit kailangan silang ligawan ni Iscaleon?
Bumusangot ako. "Papasukin n'yo muna nga si Cal. Kanina pa yan sa byahe, pagod yan."
"Ikaw nag-drive papunta rito?" Si Walter.
Tumango si Iscaleon, his eyes were a bit drowsy. Ang cute talaga ng isang ito eh.
"May dala po akong lechon manok," Iscaleon raise two paper bags. "Baka po gusto n'yo?"
Hindi na ako nagtaka na si Iscaleon ang naging star of the night. Ang lagkit din ng tingin sa kan'ya ni Zyra at di nakakatakas sa akin yung pagpapapansin nito. Fiona would often ask something to Alexander as well, habang nakatingin sa amin. Si Walter naman ay nagpapabida rin kay Iscaleon.
Cal would often look at me whenever someone would tug him out of his seat. Nahihiya naman akong umiiling sa kan'ya. Mukha talaga siyang inaantok. His chinky eyes say so.
"Bale, panganay ka ng mga Altreano?"
Tumango si Cal sa tanong ni Tito Fred. For some reason, mga Tito at Tita ko ang nakakasalamuha n'ya. Mama was eyeing Iscaleon like a cat who's ready to scratch its prey. Awang-awa na ako sa isang ito! Para siyang naka-box dahil ang liit ng space n'ya. Pinapagitna ba naman eh.
"Sino ba yang mga Altreano na yan?" Si Tita Agnes, who looked reproving.
Tito Fred gasped, lalaking-lalaki ang tono. "Di mo kilala? Mga kilalang engineer at architect yun. Ganda nga ng dynamics ng pamilya nila eh."
"Ano naman magiging ambag ni Celest sa pamilya n'yo? Alam mo bang accountancy yang si Cel? Babagsakin pa," tawa ni Tita Agnes.
"Di po ako bumabagsak," apila ko. Parang tanga naman 'tong si Tita Agnes.
"Oo nga pero halos di rin pumapasa dahil ang baba ng grades mo 'di ba? Samantalang si Alexander ko, working student na nga tapos running for magna cum laude pa, kilala mo ba si Alex?" aniya.
"Ah?" Tumango si Iscaleon. "Di naman po si Alexander yung jojowain ko; di ko po alam bakit kailangan kong malaman kung sino siya."
Nanatiling tikom ang bibig ni Tita Agnes. Cal only tilted his head, not really getting the gist that he's currently getting on Tita Agnes' nerves. Napangiti naman ako, he might look like a pushover but apparently Cal doesn't give no fucks when it comes to his opinion.
Ilang minuto pa nilang kinausap si Cal. He gradually got the approval of my relatives and even my mother (surprisingly, kasi kanina pa siya minamata ni mommy) kaya naman nang magkaroon kami ng alone time ay napansin ko ang bahagyang pagdaan ng pagod sa kan'yang mga mata.
"Di mo na sila kailangan kausapin," I told him. "Okay ka na sa kanila. Hindi ko alam paano mo nakuha boto nila pero mukhang Tito of Manila ka talaga."
Hindi ko talaga alam pero buong oras magmula nang makarating siya rito ay sina Tito, Tita, at Mommy lang ang kausap n'ya. I was worried that they were interrogating him but all I heard was about plants, news, occasionally politics, and even old movies. Gago, di ko talaga alam paano alam ni Cal ang mga yun. Kaya siguro kinakatyawan siyang Tito dahil ang oldies n'ya kung minsan!
He smiled half-heartedly. "Ah, right."
"Pagod ka?" I asked, obviously stating the obvious. "Pahinga ka sa akin," biro ko.
"Pahinga naman talaga kita," he said in his low voice.
There was a bile on my throat that I couldn't get rid of. This was certainly a new feeling. Hindi naman kasi sumasagot nang ganito sina Felix o kung sino man yung mga dumaang happy crushes ko.
"Ayaw mo muna matulog?"
"Di ako inaantok," he said.
"Mukha kang pagod. . ." I said then realized something. "Mababa na ba social battery mo?"
He puckered his lips then slowly nodded. "Sorry."
"Ano ka ba?! Bakit ka nagso-sorry!? Okay lang, dapat nga ako yung humihingi ng sorry kasi biglaan 'to eh," sabi ko saka kinapa yung pisngi n'ya. "Matulog ka kaya muna sa kwarto namin? Sa kama ko?"
Umiling siya saka namula. "I'm fine."
"Ayaw mo? What if magswimming?"
"Wala akong dalang pamalit," aniya.
"Maghubad ka na lang," I said then looked at his outfit. "Gusto mo hiraman kita ng shorts?"
"Next time. . ." He shook his head. "I really need some alone time with you. Yun lang."
"Okay," I nodded. "Pero baka ma-bored ka na kausap lang ako."
He smiled. "It was actually the one thing that I was anticipating the most. I just really wanted to talk with you."
"Paano social battery mo? Sabi mo, pagod ka na."
"There's always exceptions. . .and reservations," he said.
"Isa ako roon?"
Umiling siya.
"Ikaw lang yung exception at sa 'yo lang may reservation," he managed to say, then rested his face on my shoulder. I could feel his hot breath near my neck. "I miss you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro