Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11


to haiz,

*****
Messenger
Istelle Altreano

Cayden:
Alam mo ba
Syempre di pa kasi sasabihin ko
pa lang eh MWAHAHAHAHA

Di ko magawang mapalitan yung pangalan mo sa messages natin

Kasi shet na malagket I MISS YOU AGAD (12 hours without you is TORTURE. PANO KO KINAYA MAGABROAD DATI NANG DI NABABALEW IS A MYSTERY)

Istelle + Altreano = my wifey honeybutchi sugar diabetes?!?

I love you, Istelle Altreano.

I thank the Lord everyday that I get to see my wife and my kids. Thank you for giving me Iscaleon and Iscalade. Si Iscabella na lang hinihintay ko

Kaya pa ba natin try natin mamaya???? 🤔🥺🤔🥺🤔🥺

Istelle Altreano:

You and your randomness, Cayden. 😭

My love, thank you for being with me despite my shortcomings as a mother and a wife. 😔

I always fear that I wouldn't be a good mother since I never had a proper mother figure and I wouldn't be a good wife to you.

Thank you for giving me such a loving family. 😢

I love you more, Cade.

Uuwi ka ba mamaya??? 😭😭😭
I'm shy. Pero okay. . .😳

Oh! But Iscaleon and Iscalade will be at home. Philomena will be there as well. 🤔

Cayden:
Sagabal talaga mga anak natin
sa bebe time ko !!!!

paano mabubuo si Iscabella
😭😭😭😭

sira na naman family planning ko ❤️‍🩹❤️‍🩹❤️‍🩹

*****

Chapter 11

Parte na siguro ng buhay ko ang pagiging mundane. Tulad na lang ngayon, since halos kalahati na ang na-render naming oras sa OJT sa kompanyang pinapasukan ko ay naisip namin na huwag na muna pumasok. Halos araw-araw na kasi ang naging schedule namin sa OJT samantalang hindi pa naman kami employee. Deserve ko naman siguro ng kaunting pahinga dahil hindi biro ang 9AM to 6PM na schedule.

I was planning to sleep the whole day just so I can regain my energy back. Nagunat-unat ako habang nasa kwarto ko. Kinuha na yata ng pagbo-bookkeeping ang lahat ng lakas ko dahil parang di ko na maramdaman ang aking mga buto. Naglalakad na akong jelly fish sa sobrang lamya!

Okay na rin siguro ang ganitong pagod dahil kahit paano ay may nakukuha naman akong skills st experience mula rito. Mabuti nga na hindi kami inuutusan bumili ng kung anu-ano habang tirik ang araw eh. I've heard from my other blockmates the horror of being an errand girl or boy if you're an intern. Ultimo yelo ay ipapabili sa 'yo mula sa kabilang kanto raw. Medyo maswerte na rin ako sa company na intern ako kung iisipin.

Cal 🐯:
Busy ka?

Pota, paano ako tatanggi rito kung ang gwapo n'ya magtanong ng bebe time!?

My lips curled into a smile before thinking of a reply.

Celest:
di naman
bakiiit?

Cal 🐯:
Nagyaya, Iscalade.
Sama ka?

Iscalade? Ah? The other brother. I didn't see any reason not to go. Gagawin ko na rin sigurong pahinga ito dahil kahit paano ay hindi tutok sa screen ang mga mata ko at di ako maghapon nakaupo.

Celest:
sige!
san tayo kita?

Cal 🐯:
Sunduin kita sa inyo.
Text me if you're ready.
And take your time. 🤓

I went to my closet immediately. Mabuti na lang na bagong laundry ang mga damit ko ngayon, some of them were even ironed by me. Kumuha lang ako ng isang pink shirt at dark blue skirt. I'll pair it with some white slip ons, I didn't want to look too fancy but I didn't want to look too laidback.

Naligo lang ako ng halos kalahating oras, nagbabad para naman kumapit ang body wash na gamit ko. I wanted to overpower Iscaleon's scent which always lingered on my nostrils whenever he was near. Sobrang vivid ng amoy n'ya sa akin na kahit kinabukasan na ay kaya ko pa rin i-describe ang amoy. I never knew floral scents could be so good to a man.

I texted him that I was ready and he immediately replied that he was on the way. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at naglagay lang ako ng hair clip para sa curtain bangs ko na pumupuslit. I was looking at a mirror when I saw a familiar Ford Ranger parked outside the gate. Nagmadali tuloy ako upang tingnan kung sino yun. Although, I already have a hunch.

"Iscaleon," I managed to utter. He rolled down the windows upon seeing me.

"You okay?" tanong n'ya sa akin. He was wearing a light blue striped polo. His black wire-rimmed glasses perfectly shaped his face.

Napalunok naman ako. Ang gwapo talaga ng isang ito eh. Feeling ko di maniniwala sina Micah at Diana na naging 'jowa' ko ito kapag pinakita ko mukha n'ya.

Pumasok na ako sa passenger seat. Bumungad sa akin ang malamig na aircon mula sa sasakyan. Hindi ko alam kung nanglalamig ako dahil doon o dahil sa ang gwapo-gwapo ni Iscaleon sa tabi ko ngayon. Partida, hindi naman siya mukhang bihis na bihis. It was his usual casual style.

"Saan pala tayo?" tanong ko. Sana ay hindi beach o kung ano dahil wala akong dalang extra na damit! And my current clothing isn't fit for a beach trip.

"Bahay lang," aniya. "Nagyaya sina Iscalade at Philomena."

Oh, it was them who probably wanted to see me. Siguro dahil curious sila kung sino yung order nang order sa kanila dahil sa poging delivery boy nila. Well, they could finally see me in flesh as I burned in embarrassment. To be fair, masarap naman talaga ang pastries ni Philo kaya uulit talaga ako nang uulit!

This is my first time going to their house. Hindi ko alam kung dapat ba ako kabahan o ano dahil paano ako magpapakilala sa kanila? Hindi naman nila alam arrangements namin ni Iscaleon. P'wede kayang sabihin kong temporary girlfriend lang ako?

Sa isang subdivision nakatira sina Cal. Since we were able to bypass the gate without needing to give an ID, I concluded that he's a long time resident here. We stopped over a huge house but I could say that the space inside isn't that big. Pinagbuksan ako ni Iscaleon ng pinto kaya naman nauna siyang bumaba.

"Tara na?" anyaya n'ya sa akin.

Their house. . .was a bit modern. Parang mga bahay ng mga mayayaman sa isang k-drama. They even have an automatic gate which really made me feel that Iscaleon was well off. Gawa rin sa mga modernong materyales ang bahay nila. Umangat ang kaba sa dibdib ko dahil paano kung matapobre sila? Pero mukhang maayos naman ang pagpapalaki kay Iscaleon.

"Cal? Nand'yan na sina Philo at Iscalade?" a woman who was sporting short hair and a black eyeglasses turned her attention to us. She was tending to her plants when we arrived, nahiya tuloy ako! Ganda ng garden nila, the fences were black and had vines on them. Maliit lang ang space ng garden nila dahil mukhang compact ang kanilang bahay.

"Wala pa po. Sinundo po yata ni Iscalade si Philo sa school," Cal immediately went to her and kissed her right cheek. "Kasama ko po si Celest."

"Oh! Celest is here," his mom blurted out. Ang cute ng mama ni Iscaleon! She acts animatedly. May pahawak-hawak pa sa bibig.

Nagulat naman ako dahil parang kilala na ako ng mama n'ya nang sabihin n'ya lang ang pangalan ko. He didn't even have to introduce me at all; rumihistro na agad ang pagkakakilanlan ko sa mga mata ng mama n'ya, as if nakukwento na n'ya ako rito.

Her eyes abruptly went towards me. Awtomatiko naman akong napayuko nang kaunti saka nag-hello nang mahina. Goodness! She's intimidating! Ang ganda eh! She looked like Cal! But feminine and a bit shorter, of course.

"Hi, Celest. Halika, pasok ka." She smiled at me which for some reason eased my mind. "Kumain ka na ba ng lunch? I'm cooking Hainanese Chicken, you should eat with us."

"Sige. . .po," I managed to say. Grabe, sobrang sophisticated naman n'yang magsalita! Paano na akong pang-kanal lang ang pananalita?!

"Punta lang po kami ng living room, Mom." Pagpapaalam ni Iscaleon sa Mama n'ya.

Tumango naman yung Mama ni Iscaleon. "Sige, para makapagpahinga rin kayo. By the way, you can call me Tita Istelle, Celest."

"Sige po, Tita Istelle." sabi ko saka tipid na ngumiti. She radiates goodness so much! Para bang running for a saintness ang tita n'yo. Samantalang demonya naman ako kaya siguro nahihiya ako sa kan'ya!

Naku, tita. Kung alam mo lang yung mga masasamang plano ko sa anak n'yo baka i-ban n'yo ako nang tuluyan sa buhay n'yo. Buti na lang na nanatili lang sa utak ko ang mga balak ko.

"Pasok na tayo, Cel," bahagyang hinawakan ni Iscaleon yung kamay ko. The skinship made me jump a little, the bolt of static managed to make my heart race. Natulala ako sa sobrang pagkabigla!

Wala man lang warning itong si Iscaleon! Bigla-biglang nagpapakilig! Hawakan mo na pati puk—

"Nandito na si Iscalade!" Tita Istelle shouted from the outside. "Kasama si Dad at Philomena."

Naantala ang pagpasok namin dahil doon. Hinintay na namin pumasok yung tatlong bagong dating. One was probably the tallest among them, he looked like a sporty person based on his whole body. Fitted na fitted ang white shirt sa kan'ya. He had facial hair but it wasn't really a beard, saktong mga stubbles lang. The other two were the most familiar to me because I've already seen them in pictures.

Iscalade looked like the younger version of the man beside him. Naka-green siyang T-shirt at beige khaki pants habang buhat-buhat n'ya ang isang aso. He looked like your typical heartthrob, yung tipong magpapa-picture ka sa kan'ya kahit di naman siya artista.

The girl beside him was the epitome of a living porcelain doll. Maputi, makinis, at bilugan ang mga mata. Her lips were slightly parted upon seeing me. Gago? Ang ganda n'ya lalo sa personal! She blinked a few more times before giving a small smile. I was sure it was Philomena.

"Ate Celest. . .'' she greeted me using a small voice. "Hello po."

"Si Celest na yan? Yung nanghingi ng profile ni Kuya?" Halakhak ni Iscalade. Tangina, ang ingay naman nito! Napalingon tuloy sa akin si Iscaleon, his brows briefly furrowed.

"Huy? May dalang babae si Iscaleon?" Sumilip yung lalaking matangkad sa amin. Napangisi siya nang makita ako. "Grabe, binata na talaga yung sperm ko."

"Kadiri naman, Dad!" Iscalade's lips twitched then he immediately looked at me again. "Pasensya na, gan'yan talaga kapag tumatanda na."

"Anong matanda ka d'yan, Iscalade!"

Iscalade pouted. Natawa naman si Philomena sa in-akto ni Tito, I'm going to refer to him as Tito because I think Papa siya nila Iscaleon.

"Hindi ka ba busy, Celest? Sorry for the sudden invitation," sabi sa akin ni Iscaleon na ngayon ay nasa tabi ko.

"Hindi naman. . ."

"Then why aren't you texting me?" dugtong n'ya na kinagulat ko.

Nangunot naman ang noo ko. Ngayon ko lang napagtantuan na halos isang linggo ko nga siyang hindi na-contact. It was because I was busy being an intern. Syempre needed ng documentation kaya naman ganap na ganap kaming magsipag-picture ng mga ginagawa namin.

"OJT kasi," I said then proceeded to follow them to the kitchen. "Eh ikaw? Bakit di ka nag-te-text sa akin? May iba na ba?" biro ko sa kan'ya.

"I was waiting for your reply. . ." Ngumuso siya at saka ko naalala yung huling conversation namin.

Oo nga pala! Nilalandi ako nito sa chat! Tapos iniwan ko siya sa ere kasi di ko alam paano mag-function pagkatapos ng ganap na yun? I was glad I got busy with my training back then, kaya naman nawala rin sa isip ko!

"I'd reply. . .later," saad ko sa kan'ya. Ang weird naman kasi na mag-reply ako ngayon kahit nasa harap ko lang siya.

He smiled as if I just gave him a sweet candy. "Okay. Hintayin ko."

Parang tanga talaga 'to! Namumula akong nag-iwas ng tingin. Okay. Ano yun? Bakit ka kikiligin kung maghihintay lang siya ng reply? Hello ka d'yan, Celest? Nalasahan mo na nga laway n'yan—pero bakit parang palaging first time yung feeling ng kilig ko sa kan'ya?

"Sama ba kayo sa amin mag-bake o buong araw kayo magtititigan?" tanong ni Iscalade sa amin habang nakasandal siya sa countertop ng kitchen. Ganda ng kusina nila! Parang yung mga kusina sa mga morning TV show!

"Mag-bake?" I asked in confusion.

"Dito nagpa-practice si Philomena mag-bake saka gumagawa ng mga orders sa shop n'ya. Magastos kasi kung magre-rent pa siya ng mga gagamitin saka mismong pwesto," paliwanag sa akin ni Iscalade. Oh, mukhang mas madaldal siya sa kapatid n'ya.

"Ginagamit mo lang yan na dahilan, ang totoo mas gusto mo na nandito si Philomena. Kumpletuhin ba naman yung baking set kahit walang baker sa pamilya namin," bulgar ni Tito na kadarating lang sa kusina.

Tito slightly looked over to his other son, Iscaleon. "Malalaman ko na rin kung paano ka didiskarte, Cal."

Tinaasan lang siya ng isang kilay ni Iscaleon. Wow! Nakaka-pressure naman bigla dahil hindi ako baker o wala akong hobby na pang-malakasan! Unless, samahan ako ni Cal mag-camping! Mukhang taong bahay pa naman itong si Cal.

"You want to help po?" tanong sa akin ni Philomena. She was wearing a yellow dress with white ruffles on its sleeves. Ganda n'ya talaga! May apron siyang suot na light yellow. Sakto, she was sifting the flour.

"Ate Celest, dito ka na lang sa gitna para tabi kayo ni Philo," hinila ako nang kaunti ni Iscalade. Grabe, halatang gym rat!

"Thank you?" I laughed. "Maka-ate ka naman! Eh mas matangkad ka sa akin. Ako nga yata pinaka-maliit dito."

Ngumisi lang si Iscalade. "Baka ma-jinx pa kapag di kita tinawag na ate eh."

I was pulled by another force when someone put an apron on me and tugged me on his side by pulling the strings behind the apron. Hindi naman sobrang lakas ang paghila kaya di ako nagreklamo.

"Apron," bulong sa akin ni Iscaleon. Tanginang boses yan, pang-bedroom voice eh!

"Seloso mo naman! Naguusap lang kami!" Umalik-ik si Iscalade. "Gan'yan ka pala, Kuya? Sarap mo naman pag-selos-in."

"As if," Iscaleon scoffed. "Gaya mo ako sa 'yo."

Hindi ko magawang sumabat sa kanilang dalawa dahil hinuli ni Philomena ang atensyon ko.

"Hindi ako bakerist, ha! Pero gusto ko i-try," saad ko saka lumapit kay Philomena. Grabe, amoy vanilla siya.

"Sige po," she said, then nodded her head. "Can you separate the dry ingredients from the wet ones?"

"Ha? Gago? Paano yun?" I asked her back. Ano yun? Ihihiwalay ko yung shell sa laman ng itlog? Tama ba?

"Oh, hala," Philomena blinked numerous times before separating the ingredients herself. "Ako na po pala, sorry po."

Tinabi ni Philomena yung flour, chocolate chips, baking powder, at salt. "Ito po pala yung dry ingredients. Pagsamahan mo lang po sila saka i-mix."

I did what I was told. Nilagay ko muna yung flour sa isang lalagyan, gumamit ako ng measuring cup at sinunod yung sinabi ni Philo. After that half teaspoon lang ng baking powder ang pinalagay n'ya sa akin sa sumunod at ¼ naman ng salt. Nagulat ako dahil bakit may asin!?

"Ito naman po yung wet ingredients," sabi ni Philomena, pertaining to the other side that has the white sugar, brown sugar, egg, at butter na softened. Siya naman ang naghalo ng mga ito sa iisang mixing bowl. It was the bowl that was used by mixers. Yung malalim na stainless bowl!

"Pagsasamahan lang ba after?" tanong ko sa kan'ya.

She nodded right after. "Yes po. Gusto n'yo po ba i-try?"

"P'wede ba? Di ka ba naco-conscious na alam ko na recipe mo?" I teased her.

She frowned at me. "Kailangan ko po bang ma-conscious?"

"Malay mo mag-tayo ako ng business na lalaban sa business mo!"

"Okay lang po," Philomena beamed, her face radiating. "Gusto n'yo po ba ng help?"

Grabe! Ang bait naman nito! Parang nung nagpa-ulan ng kabaitan, siya mismo yung nagdo-donate mula sa mga ulap! Sobrang bait!

I laughed. "I'm kidding! Baka puro sunog ang magawa ko eh."

"I had burned cookies as well," she shrugged off. "We all commit our fair share of mistakes. It's okay. We can do better, it doesn't always have to be perfect at our first try po."

Mabilis lang ang pagba-bake namin ng chocolate chips cookies. After mixing the ingredients together. We scooped them into medium sized balls.

"Hindi ba siya kailangan i-flat?" tanong ko kay Philomena habang binibilog-bilog yung cookie dough.

Philomena shook her head. "Di na po. Kusa po siyang magiging flat kapag naluto na sa oven."

"Oh, gano'n ba yun?"

"Yes po," she said. "Iscalade, may parchment paper na po ba yung para sa oven?"

Iscalade simply raised his thumb up. "Yep! Napagod nga ako eh. Parang need ko ng kiss, Philo."

"Naglagay ka lang naman ng parchment paper?" reklamo ni Iscaleon na halos hindi mapinta ang mukha. Natawa tuloy ako! Ang lakas naman kumontra nito!

"P'wede po pa-pre-heat po ng oven? Thank you po," pasuyo ni Philomena kay Iscalade.

"Two kisses na ha!"

"Ako na gagawa," sagip ni Iscaleon kaya naman bumusangot si Iscalade.

"Gusto rin ng kiss nito, aba," pagpaparinig ni Iscalade at tumingin sa akin. "Nagpapakitang gilas din."

"Hala! Baka pawisan ka d'yan, Cal," dugtong ko naman sa pangaasar ni Iscalade. "Kiss na lang kita mamaya."

Hindi ako nililingon ni Cal pero kita ko na namumula yung bandang leeg n'ya. Hindi ko lang sure kung dahil sa kilig o hiya. Dire-diretso lang n'yang inasikaso yung sa oven. Ang sabi ni Philomena ay fifteen minutes lang ang kailangan para sa first batch.

After we baked our first set of cookies, hindi ito nagtagal dahil sa sobrang sarap. Sobrang lambot nung cookies! It almost melted in my mouth! Naubos agad! Nagulat din ako dahil bago ipasok sa oven ay nilagyan n'ya pa ito ng asin sa ibabaw. It blended with the sweetness of the cookies!

"If gusto n'yo po ng medyo crunchy, dapat po ilalagay mo sa refrigerator," Philo said while we were eating for dinner. Ang sarap ng Hainanese Chicken na luto ng Mama nila! Napa-extra rice tuloy ako.

"Yung cookie?" I asked.

"Yung cookie dough po mismo."

"This is so good, Philomena," puri ni Tita Istelle habang nasa hapagkainan kami. She was eating Philomena's cookie.

Philomena smiled genuinely, as if it was the first time that she was praised.

"Pakiramdam ko sinagip ko buong mundo kasi ako ang napili mo as father-in-law," dugtong pa ni Tito na halos umabot sa tainga ang ngiti.

Iscaleon only smiled and sipped from his water. Tahimik pala talaga siya kapag sa iba. I wonder what makes him a bit talkative when it's me? Dahil ba sa makulit ako? Dahil sa madaldal?

"Guys, please, may pila, nasa unahan ako sa pagpupuri kay Philo, okay?" Iscalade said while trying to calm his parents down.

Ang saya naman ng pamilya nila.

I wonder if Mama never left Papa, ganito rin kaya kami? Paano kung pinanindigan ni Papa si Mama? Will we have this kind of discussion at the dinner table? Medyo. . .nakakainggit.

Nagulat ako nang tumunog ang phone ko. I checked it immediately.

Cal 🐯:
You okay?

Napaangat ang tingin ko kay Cal na nakatingin na sa akin. His eyes were kind and gentle as if trying to resonate with me.

Celest:
NAMAN!?
saya ko nga eh.

Cal 🐯:
Hatid kita mamaya.
Pero kung gusto mo,
dito ka na tulog.
Ipagpaalam na lang kita kay Tita at kuhanan ng damit sa inyo.
It's late already.

Celest:
uwi na me 🥺
may OJT pa ako tomorrow eh.

Cal 🐯:
Okay. 😢😢😢
Celest
(❤️)
walang d

Celest:
haaaaa
gagi anong
walang d ka dyan
bakit ka nagrereact sa
sariling text mo

LASING KA BA SA WATER

Kumunot ang noo ko sa text n'ya. Parang ewan eh. Kita ko lang na nagtatago siya ng isang ngiti sa gilid. Ano kaya yun!?

Matapos kami kumain ay nagligpit kami ng pinagkainan. Ayaw nga dapat ako pagalawin ni Tita Istelle pero nag-insist ako dahil napansin ko rin na wala silang masyadong helper. Ang ganda nga ng set up ng household nila. Malaki bahay nila pero maliit space kaya di sila layo-layo sa isa't isa.

"Tita, sorry po kung salingkit po ako ah," I managed to say while getting the plates. "Baka po nagulat kayo may dinalang babae si Iscaleon."

"Oh," she laughed heartily. "We don't mind at all. Girlfriend ka n'ya, wala naman kaming nakikitang mali kung pupunta ka rito."

"Po? Girlfriend?" I was shock. Eh kasi alam ko naman may kontrata kami pero di ko alam na kasama pala sa contract ang ipakilala sa family at friends? After all, tapos na kami sa graduation. Para akong natuliro roon.

"Yeah," tumango si Tita Istelle. "Nagpaalam din kanina si Iscaleon na dadalhin n'ya girlfriend n'ya sa bahay."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro