Chapter 1
to iscaleonj,
thank you sm for the warm welcome! let me know your thoughts by commenting :'p or by using #ioykWP on Twitter/X. thanks!
enjoy reading!
****
Chapter 1
"Pati ba naman delivery boy, pinagdidiskitahan mo," halakhak ni Micah habang nagbabasa ng kung ano sa laptop n'ya. Nasa isang malapit na Figaro Coffee kami.
"Ang gwapo nga!" I said while stirring my coffee. "Hindi naman kasi online shopping app yun para makita ko ang name at number nung nag-deliver. Kaya nga tinatanong ko sa 'yo eh, baka hawak mo yung details."
Nagkibit-balikat si Micah. "Honestly? Yung seller ang kausap ko. Si Philomena? Siya yung nag-text sa akin na malapit na yung delivery. Gusto mo ba ikaw kumausap doon?"
"Eh bakit ako ba? P'wede namang ikaw na lang? Maiintindihan naman siguro n'yan kung bakit," I said.
"Try mo kausapin! Sobrang bait. Parang nasa isang confession booth ako tuwing kausap ko yun eh. One time nga, nagpadala ng extra cookie dahil lang late siya nakapag-reply. Gano'n kabait yun, kaya nga maraming customers din eh."
Nakapangalumbaba ako habang iniisip kung paano ko malalaman ang pangalan ng nag-deliver ng cookies. Ang creepy nga naman kung biglaan ko siyang i-te-text at hindi naman ako gano'n ka-desperada. Pero hindi maalis sa isip ko ang medyo singkit n'yang mga mata at malambing na ngiti.
Ang sarap talaga! Ng cookies.
I decided to order once again. This time, chocolate fudge cookies naman ang balak ko. I clicked the direct message option and asked for the details. Ilang minuto lang ay nakatanggap na ako ng reply mula sa kan'ya.
Made With Philo:
🥐⋅𓂃🍰 . ━━━━━━
🥨• Hi! I'm Philo. Welcome to Made with Philo, a small business for pastries and anything that I could bake. By supporting this business, you're also helping me finish my education program. Thank you for your interest!
Here are my products (some can be made per request):
🍞Banana Loaf
🍰Carrot Cake
🥐 Bento cakes (design and flavor are negotiable. Must be ordered at least one week before delivery.)
🧁 Cupcakes (Flavors to be discussed.)
🍪 (BEST SELLERS) Cookies:
Triple Chocolate Fudge
Matcha Dream
Strawberry Cheesecake
Red Velvet
Vanilla Oreos
I'll try my best to satisfy your cravings po!
@celesthaeia:
Chocolate Fudge, please. Gcash payment pala. Thanks!
Made with Philo:
Yay! 🥨💛
Here's the invoice of your order.
Order received:
1 x triple chocolate fudge cookies
— payment details. (MOP)
↣ gcash : 09*********
name: Philomena Gracia V.
Take note po:
— delivery might be around 3 days to a week. If there's a delay, i will contact you immediately and offer a discount voucher on your next order.
— shipping fee will be shouldered by you; p'wede rin po na ipasuyo ko na lang po sa kakilala ko na i-deliver po sa inyo para wala na po kayong i-add na sf.
— exact amount lang po! if mag-tip po kayo, thank you po. pero wala po akong panukli kung sobra po ang bayad lalo na po if bangko po ang mop. huhu
— reviews are highly encouraged! tag me @/madewithphilo, @/philogracia.
Thank you po! 💛
Nag-thank you rin ako sa kan'ya. Tama nga si Micah. She looked like a sweetheart at mukhang siya rin ang dahilan bakit ako magkaka-sweetheart!
It took only three days for the cookies to arrive.
Ang problema lang ay si Mama ang naka-receive dahil nasa school ako nang i-deliver. Nagmamaktol ako habang kumakain ng cookies sa living room. Kahit malambot ang cookies ay parang ang tigas sa kalooban ko dahil di ko nakita yung poging nag-de-deliver.
"Gwapo ba yung nag-deliver?" I asked mommy to confirm my hunch. Kasi baka iisa lang naman yung inuutusan ni Philo mag-deliver ng cookies kapag walang courier.
"Oo," Mommy confirmed while she was eating my cookies as well. "Matangkad! Maayos manamit. Magalang din at ang ganda ng ngiti."
Lalong bumusangot ang mukha ko. Gumagawa siguro talaga ang mundo ng paraan para di ako mag-jowa eh. Ako na nga gumagalaw para magka-progress pero sino ba naman kasi ang nagpauso ng Saturday classes? Ang sakit talaga sa apdo!
I immediately contacted the seller to give her a review. Nakahiga na ako nang i-chat ko siya tungkol sa cookies na in-order ko. Balak ko mag-order ulit at i-request na Sunday i-deliver para maabutan ko yung pogi.
@celesthaeia:
Hi! Super sarap ng cookies mo. Ask ko lang kung sino nag-de-deliver ng cookies? Hehe.
Was I too frank? Pero wala naman akong sinabi kung bakit ko tinanong. P'wedeng puriin ko na lang kung di maka-pick up 'tong si Philo.
@madewithphilo:
Thank you so much po!
Boyfriend ko po yung nag-de-deliver.
May ginawa po ba siyang kalokohan. . .🥹
Tangina.
Nalaglag ang cellphone ko sa mukha ko. Para ang binuhusan ng malamig na tubig saka pinasok sa refrigerator sa sobrang panglalamig.
Kaya naman pala gwapo eh! Bwisit na 'yan! Taken na pala siya! Para akong tinaga sa puso dahil pakiramdam ko ay may nag-traydor sa akin. Ako naman ang nag-assume, ako rin naman ang nagpumilit mag-order, at ako rin naman ang umasa.
Gosh, when will it be me? Palagi na lang kasing iba ang nabibigyan ng biyaya pagdating sa lovelife. Hindi ko tuloy alam kung sadyang malas lang ako o ano.
I was contemplating whether to tell the news to Micah and Diana. Baka kasi ako na naman ang magmukhang clown sa aming tatlo. Pero alam ko naman na hihingi ng update yung dalawa kaya hindi pa rin ako makakatakas sa katyaw nila sa akin.
"Hey," Micah nudged me. Papunta kami ngayon sa auditorium para sa graduating council.
Bumusangot ako. "Ano?"
"Order ba tayo ulit? Gusto ko naman ng matcha dream."
"Wala akong pera."
"Huh? Eh parang last week lang gusto mong weekly ang pag-order dito?" Nagtatakang tanong ni Micah sa akin. "May nangyari ba? Di naman masungit yung seller ah."
I sighed, ultimately defeated. "Next week na ako mag-order ulit."
Ang hirap kasi umamin na talo na naman ako sa larangan na ito. Kulelat na naman ako. Ang dali lang para kay Micah at Diana makahanap ng boyfriend, kusang lumalapit sa kanila eh. Samantalang sa akin ay parang may karatula ako sa itaas ng aking ulo na may nakalagay na 'Huwag ito. Iba na lang ligawan mo.' Sa sobrang dalang ng pangliligaw sa akin.
Pagdating sa auditorium ay panay ang daldalan ng iba't ibang courses. Oo nga pala, hindi lang iisa ang course ng mga nasa graduating council. Halos lahat ay nandito na kaya naman medyo crowded ang datingan. Sa dulo kami umupo ni Micah, para malapit sa may aircon. Si Diana naman ay kasama ang mga tiga-Educ din dahil siya ang batch representative nila. Kami kasi ni Micah ay salingkit lang naman sa mga courses namin. Ako nga yata ang di seryoso sa buong batch namin eh.
"Te, si Alcazar oh," siniko ako ni Micah.
Lumingon naman ako. I mean, reflex lang. Kapag may tinuro naman talaga ay mapapalingon ka kahit di ka interesado. It was the reason why my stomach knotted. Kitang-kita ko si Temari na nakikipagtawanan sa mga kasama n'yang archi students din.
She was pretty and as much as I want to say that Felix lost a gem when he didn't pursue me. . .I couldn't help but compare how I shine compared to her beauty.
Mahaba ang buhok ni Temari, her body was proportionate to her height. Her uniform looked neat. It was a crisp, white, button up shirt paired with black trousers. Hindi ko marinig kung bakit sila nagtatawanan. All I could notice was how bubbly and happy she appeared to be.
I wonder, ano ang mayroon siya na wala ako? Bakit hindi nagawang i-pursue ni Felix kung ano ang mayroon kami kumpara sa kung anong mayroon sila ni Temari?
My phone beeped and I looked down to see what the messages were. It was from our group chat. I shifted my weight.
Diana:
Chismis alert!
Micah:
Ano meron!
Diana:
Nasa likod ako ng mga archi students. Kita nyo silang nagtatawanan?
Micah:
Yes naman.
All ears. So ano meron?
Diana:
One week lang pala since nakilala ni Temari si Felix. Nagtatawanan sila kasi ang bilis ng love story nung dalawa.
Hindi ba mas matagal mo na nakausap si Felix, Cel?
My mouth was clamped shut. Para akong isang kabibeng tulog dahil hindi ako makabuka ng bibig upang magsalita. Lumingon sa akin si Micah at hindi man n'ya sabihin, alam kong naaawa siya para sa akin.
Ako pala yung nauna talaga. Hindi lang talaga ako nagawang i-pursue ni Felix. Hindi n'ya lang talaga ako pinili. All the nights that I've spent talking to him were nothing for him. Hindi ako tulad nila Temari na kahit isang linggo pa lang kakilala ay sure thing na agad para sa kan'ya.
"Alam ko na excited na kayo pagusapan ang tungkol sa graduation picture," the speaker from the OSA department called our attention. "You can raise questions and concerns, habang maaga pa."
"May creative shot po ba?" tanong ng isa sa mga criminology students.
"Mayroon," the speaker nodded.
"P'wede po kasama jowa sa creative shot?"
Naghagikgikan ang crowd at ang ilan ay sumipol pa. Ang lalandi talga eh! Creative nga tapos magdadala ng jowa!? Kailan pa naging creative ang couple shot!? Nauurat akong bumaling ng tingin sa nagtanong.
"P'wede naman! Basta available sila sa mismong araw ng shoot," the speaker said. "Any more questions?"
"Uniform po ba yung susuotin para sa formal shot? Bukod sa isa pang naka-toga?" Someone from the architecture side asked. Napalingon naman ako. It was because his voice was awfully familiar.
My eyes widened a fraction. Kitang-kita ko ang pamilyar n'yang mukha. He was taller than I'd imagined him to be. Maganda ang tindig ng kan'yang katawan. He was holding the mic with his two hands while meekly waiting for the answer from the speaker.
"Yes! Depende 'yan sa course," sagot ng speaker. "May tanong pa?"
"Ano raw pangalan mo, kuya pogi!" Someone in the crowd shouted, kaya naman lalong lumakas ang mga hagikhik. The boys were loud and wild as well.
My heart pounded against my chest. To hear his low voice once again made me feel like I sipped a pitcher of coffee because of the adrenaline. Lumingon ako sa kan'ya at pinagmasdan siyang muli.
May manipis siyang itim na eyeglasses. Hindi n'ya magawang tumingin nang diretso sa crowd dahil siguro nahihiya siya. He was hiding his face with his huge palm. Ang gwapo n'ya talaga kahit na mukha siyang batang ayaw magpahatid sa magulang dahil sa ina-akto n'ya.
"Ako ba?" the speaker chuckled. "May anak at asawa na ako! Pero kung ang huling nagsalita ang tinatanong n'yo, ano ba ang pangalan mo, hijo?"
Hindi siya sumasagot. Nanatili siyang nagtatago ng mukha. Ang cute rin talaga ng hinayupak eh.
"Iscaleon Jaiven Altreano! Single na single! P'wedeng boyfriend sa umaga, tito sa gabi!" sigaw ng isa sa mga architecture.
Parang lumulubog na sa hiya si Iscaleon dahil sa mga katyaw sa kan'ya. My ears heard it loud and clear, single raw siya. How is that possible? May girlfriend 'yan from education na magaling mag-bake! Paasa naman itong katabi n'ya!
I grabbed my phone from my pocket. I dm-ed the seller because of my curiosity. Sana lang talaga ay hindi ma-weird-an sa akin itong si Philo!
@celesthaiea:
Hi! Noticed na school mates pala kami ng boyfriend mo. If ever may order ako, p'wede sigurong sa school na lang n'ya ibigay. Si Iscaleon boyfriend mo, right? I hope you don't find this weird.
Fuck! Tanga ko naman mag-message! Napahilamos ako sa sarili kong palad. Baka ma-weird-an sa akin itong si Philo dahil bakit ko kilala boyfriend n'ya? I shouldn't have sent this message! Maiintindihan ko talaga kung blocked na mamaya ang account ko!
@madewithphilo:
Hi po! Sure po, ask ko po kay Kuya Cal kung di siya busy. Same po pala kayo na graduating na. Congrats po in advance! 🤍💛
Hindi din po siya yung boyfriend ko po. Yung kapatid po n'ya.
Type n'yo po ba si Kuya Cal??? Pinapatanong po ng boyfriend ko po.
I bit my lower lip to stifle a cuss! Gano'n ba ako ka-obvious? My hands were shaking as I fiddled on my phone to reply to her.
celesthaiea:
hahaha ihhhhh
iihhhndi ka nagkakamali ☺️😇🤪
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro