"I Found You" - Aaliyah and Dominic (Special Chapter)
"Kuya! Kuya!"
Pilit na tinatakpan ni Dominic ang kanyang kumot sa kanyang mukha.
"Kuya! Gising na! Ano ba?"
Napaungol siya. Itong babae talagang ito.
"Hoy, kuya!!"
Napabalikwas siya ng bangon. "Ano ba? Natutulog ang tao, eh," naiinis na napakamot siya sa ulo.
Bigla naman siyang niyakap ng nakababatang kapatid. "Eh, kuya naman, eh. Hindi ba't sabi mo sa akin na sasamahan mo ako sa mall dahil bibili tayo ng dress ko para sa JS Prom namin?"
Naiinis na napakamot siya sa kanyang noo.
"Kuya! Sige na! Kailangan ko ng tulong mo! Kasi, nagpapaganda ako para kay Daniel."
Agad na nawala ang inis niya dito at napalitan iyon ng kuryosidad. "And who is this Daniel guy?"
His sister smiled dreamily. "My one and only prince charming."
Napataas ang isang kilay niya. "Hoy, ikaw Danna ha. Anong one and only prince charming diyan? Akala ko ba ako lang ang prince charming sa buhay mo?"
Sumimangot naman ang mukha nito. "Eh, kuya naman, eh! Siyempre magkaiba kayo!"
"At tsaka, sino ba itong Daniel na ito ha? Bakit hindi mo pa sa akin napakilala? Boyfriend mo ba siya?" sunod-sunod na tanong niya dito.
"Oo," agad na sagot ng kapatid niya.
"Aba, Danna ha. Sino ba ang maysabing pinapayagan na kitang mag-boyfriend?"
"Kuya naman. In the future! Sa future pa naman iyon," natatawang sabi ng kapatid niya. "Sige na, kuya ha? Samahan mo na ako, please? Please? Please?" pagpipilit pa rin ng kapatid niya.
"Oo na! Oo na! Sige na!" napatango nalang siya para matahimik lang ang kapatid.
"Yes!!!" masayang sigaw ng kapatid niya. Nagtatalon pa ito na para bang nanalo ng lotto.
"Just... let me continue my sleep first," pagko-kondisyon niya dito.
"Oo na. Pero... fifteen minutes lang, kuya ha?" paghirit pa ng kapatid bago ito tuluyang lumabas ng silid niya.
Napapailing nalang siyang napahiga ulit sa kama niya at natulog ulit.
_________
"Kuya, doon tayo!!"
Kanina pa nababagot si Dominic habang hila-hila pa rin siya ng kapatid papunta sa isang boutique. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang boutique na iyon na pinuntahan nila pero wala pa rin itong mapili na bestidang gusto nito para sa prom nito.
"Danna, kanina pa tayo paikot-ikot dito sa mall. Halos napasok na natin ang lahat ang lahat ng boutiques dito, eh wala ka pa ring napiling kahit isang damit man lamang," pagrereklamo na niya dito nang nakapasok na sila sa isang boutique.
"Kuya, umupo ka nalang diyan habang ako ay pipili na ng damit, okay? Tapos, magpapalit ako at sasabihin mo sa akin kung alin ang gusto mo sa mga damit na sinuot ko, okay?" ani pa ni Danna.
Napabuntong-hininga siya habang napapaupo nalang sa isa sa mga sofa na nasa loob ng boutique.
Eh, ano pa nga ba ang magagawa niya? Wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod nalang sa gusto nito. Hindi rin nga niya alam kung bakit napapasunod nalang siya sa lahat ng sinasabi nito. Ganoon lang siguro niya kamahal ang kapatid para pagbigyan ang lahat ng gusto nito.
Kinuha nalang niya ang kanyang cellphone at nagsimulang maglaro ng larong nasa cellphone niya. Nagsisimula na siyang mag-enjoy sa lalaruin nang mahagilap sa paningin niya ang isang babaeng nakatayo sa harapan ng isang salaming nasa loob rin ng boutique. Kaya ay nahinto ang paglalaro niya, at sa halip ay natuon ang atensiyon niya sa babaeng tinitingnan ang sarili at ang sinusukat na damit sa harapan ng salamin.
The girl had pretty eyes and cute cheekbone. Maliit ang labi nito pero malapad. Mapagkakamalan na niyang si Anne Curtis ito if not with her smile. Iba lang kasi ang ngiti nito, eh. Parang nawawala siya sa katinuan dahil sa ngiti nito.
The girl was still smiling while checking out her outfit in front of the mirror. Mukhang hindi nito alintanang nagmamasid na siya dito.
"The dress suits you," nang sa wakas ay hindi na niya napigilan ang sariling kausapin nito.
Halatang nagulat ang babae dahil sa sinabi niya, pero kapagkuwan ay hinarap siya at ningitian pa. "Thank you."
Tumango lang siya dito. "I'm sure, your boyfriend would love it when he sees you in that dress."
Namula naman ang pisngi nito na nakapagdagdag pa sa kagandahan nito. Pero hindi ito nagsalita.
Humarap lang ito pabalik sa salamin and gave the dress a final look, and then went inside the fitting room, marahil para magpalit. And when she got out, lumapit agad ito sa counter.
"Kuya! Look! Maganda ba?"
Doon lang siya natauhang napatitig na pala siya sa mukha ng babae kanina kung hindi lang dahil sa pagtawag ni Danna sa kanya.
"Hoy, ano na? Ito na, 'no? Maganda, kuya 'no?"
Danna was wearing a cream strapless dress. Maganda naman ang damit at bumagay sa kapatid niya. But he would not permit his sister to wear such a thing at a party nang wala siya. Kasi hindi niya ito mababantayan. And worse, pinili iyon ng kapatid niya para gayumahin ang isang lalaking inaangkin nitong boyfriend nito.
"Magpalit ka nga!" saway niya dito.
Kumunot naman ang noo nito. "Bakit, kuya? Maganda naman, ah?"
"Hindi ako papayag na iyan ang susuotin mo sa JS mo," aniya dito.
"Ha? Bakit naman, kuya? Eh, ang maganda naman, ah."
"Hindi ako papayag! Ang seksi kaya! Ang ikli ng tabas ng damit, o. Hindi ako papayag!"
Lumapit naman ito sa kanya saka ay inuuga siya sa upuan. "Kuya naman, eh. Ito na kasi."
Umiling-iling siya. "Hindi nga ako papayag. Mamili ka nalang ng iba," he said with finality.
Nagdadabog naman nitong tinungo ang fitting room nito.
Ang tigas kasi ng ulo, napapailing na isip niya.
Napatingin uli siya sa cashier, only to find out na wala na pala ang babae doon. Mukhang nakaalis na ito.
Nagbuntong-hininga siya. Sayang, hindi ko nakuha ang pangalan niya. Maganda pa naman sana.
Pero siguro magkikita pa rin naman sila balang araw. Napangiti naman siya.
One of these days, I'll find you.
__________
Gabi na nang nakauwi sila Dominic at Danna sa bahay. Pero nang pag-uwi nila ay nagulat nalang silang dalawa sa bumungad sa kanila.
Nakaupo ang kanilang mga magulang sa living room habang may kausap na isang maganda at sopistikadang ginang.
Agad na nagmano silang dalawa ni Aaliyah sa kanilang mga magulang, saka ay nagbigay na rin ng respeto sa kanilang bisita.
"Ma, sino po siya?" Siya na ang nagtanong sa kanyang mama.
Nag-aalinlangang napatingin ang mama niya sa papa niya.
"Carol, siya na ba?" ang tanong ng ginang.
Nagkatinginan sila ng kapatid na waring iniintindi ang sinasabi ng ginang.
"Siya na ba ang anak ko?"
Parehong nagulat sila ni Aaliyah sa sinabi ng ginang. Anong ibig nitong sabihin? Sino ang tinutukoy nito sa kanila ni Aaliyah?
"Ate..."
Ate? May kapatid ang mama niya?
"Dominic? Son?"
Mas lalong nagulat pa siya sa sinabi ng ginang. Anong ibig nitong sabihin?
"Ma? What's happening?" ang tanong ni Danna sa mama nila.
"Danna, could you please go upstairs? To your room? May mahalagang pag-uusapan lang kami ng kuya mo," ang sabi ng papa nila.
"But, Pa - "
"Now, Danna. Please," pagputol ng papa nila sa sasabihin ni Danna. Wala naman itong nagawa kundi ang sumunod nalang sa sinabi nito. At naiwan siya sa sala, kaharap ng magulang niya, at ang taong gumulo ng buhay niya.
__________
Hindi makapaniwala si Aaliyah sa nalaman. Hindi siya makapaniwalang ang masaya sanang araw na iyon ay magiging malungkot.
Mag-isa siya ngayon sa isang swing sa park ng subdivision kung saan ang clubhouse na ipinagdaraos ang birthday ng papa niya. Mag-isa siya doon at umiiyak dahil naguguluhan siya sa mga pangyayari sa buhay niya. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang lahat ng nangyari sa buhay niya.
Nang maramdaman na naman ang pagtulo ng luha niya sa mata ay agad na pinunasan niya iyon.
"It's you."
Agad na napatingin siya sa lalaking nagsalita. Napakunot ang noo niya. Parang familiar kasi ang mukha nito.
"Kilala mo ako?" nagdadalawang-isip na tanong niya dito.
Ngumiti lang ito sa kanya, saka ay walang salitang tumabi sa kanya ng upo sa swing. Tahimik lang ito doon habang dinuduyan ang sarili. Hindi na rin siya umimik.
"So, binili mo talaga ang damit na sinabi kong bagay sa iyo," maya-maya ay narinig niyang sabi nito.
That's when flashback hit her. Ito ang lalaking nagsabi sa kanyang bagay ang damit sa kanya.
"By the way, tama nga ang sinabi ko. The dress really suits you. And you look amazingly beautiful," anito pa.
Kung hindi lang siya malungkot sa panahong iyon ay sigurado siyang mafa-flatter siya sa sinabi nito.
"Pero mas gaganda ka kung mawawala na ang mga luha sa iyong mga mata."
Doon lang siya napapahid uli sa kanyang mga mata. Nahalata pala nitong umiiyak siya.
"Would you mind telling me your problem, miss beautiful?"
She would've blushed because of what he said. Pero masyado siyang malungkot para maramdaman pa iyon.
"Let me guess, hindi nagustuhan ng boyfriend mo ang damit?"
Napatawa siya ng mapakla. Sana nga iyon lang ang dahilan kung bakit siya malungkot. But in the first place, hinding-hindi naman mangyayari iyon. Dahil wala naman siyang boyfriend.
"Wala akong boyfriend," matamlay na sagot niya dito.
She saw him smile. "Really?"
Hindi niya sinagot ito.
"Then why the sad face, pretty miss?" tanong uli nito.
Umiling lang siya dito. Hindi pa niya kayang pag-usapan ang nangyari.
"Let me guess again. You found out that you were only adopted by your parents? That the parents that you loved are not your real parents?"
Agad na napatingin siya dito at nanlaki ang kanyang mata. Paano nito nalaman iyon?
Halatang nagulat rin ito sa ekspresyon niya. "Seryoso?" seryoso at gulat na tanong nito.
"H - How did you know?" gulat rin na tanong niya dito.
Umiling-iling ito. "I - I didn't. I was just... joking."
Muli na namang tumulo ang luha niya sa mga mata. Pero napatigil naman siya nang biglang pinunasan nito ang kanyang luha.
"Don't cry."
Napasinghot siya. "Hindi mo lang alam kung gaano kasakit para sa akin ang malaman na ang mga taong binigyan ko ng tiwala at pagmamahal, ay hindi pala mga totoong magulang ko," hindi na niya napigilan ang sariling ilabas ang saloobin.
Nagbuntong-hininga na lamang ito at napatingin sa kawalan. "I feel you."
"Ang tanga ko," hirit niya pa.
Nagbuntong-hininga na naman ito. "Makes two of us."
At doon lang siya napatigil sa pag-iyak. Ano ba ang trip nito? Ampon lang din ba ito kagaya niya?
"Are you - are you adopted, too?" lakas-loob na tanong niya dito.
But he just smiled at her. And for the first time in that night, nang makita niya ang ngiti nito, parang nawala na parang bula ang lahat ng lungkot niya. Tumigil ang tibok ng puso niya. Dahil sa kabila ng lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman niya, parang bigla siyang sumaya.
"Hey, huwag ka nang umiyak, ha? Since pareho lang pala ang sitwasyon nating dalawa, damay-damay nalang tayo," anitong natatawa pa, na parang pilit pinapagaan ang sitwasyon nilang dalawa.
Nagulat pa nga siya nang bigla itong tumayo at hinila rin siya patayo. Saka nito hinawakan ang dalawang kamay niya.
"What's your name?" tanong nito.
"A - Aaliyah."
Ngumiti na naman ito. "Beautiful name."
"T - thank you."
"Just like you," nakangiting sabi nito.
Namula na naman ang pisngi niya.
"Dominic nga pala," pagpapakilala nito sa kanya.
Ningitian nalang niya ito. The first smile she ever did after what she learned from her parents.
"Friends na tayo, ha?" sabi pa nito.
Nahihiyang tumango nalang siya. Saka siya nito inakbayan.
Narinig niyang nagbuntong-hininga ito. "Kahit pala ang badtrip ng araw ko ngayon, may maganda pa rin palang nangyari."
Napatingin naman siya dito. Ang lapit-lapit nalang ng mukha nito sa mukha niya dahil nakaakbay ito sa kanya. Isang galaw nalang niya ay mahahalikan na niya ito sa pisngi.
Lumingon naman ito sa kanya kaya ay agad na iniwas niya ang tingin dito. Saka lang niya narinig ang mahinang bulong nito.
"I found you."
Uminit ang magkabilang pisngi niya. Ano ba ang ibig sabihin nito? Na siya ang magandang nangyari sa araw na iyon?
Lihim siyang napangiti. Well, hindi lang ito ang may magandang nangyari sa buhay nito nang araw na iyon. Dahil siya rin ay may magandang nakuha sa kabila ng lungkot na nararamdaman niya sa araw na iyon.
I found you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro