
Chapter 9
Nasa rehearsal room si Kath at kasalukuyang umiinom ng jug ng tubig habang nakaupo sa isang sulok sa studio. Nagwo-workshop para sa upcoming movie nila ni Daniel. Siya lang mag-isa ang um-attend ng workshop nang araw na iyon kasi may mallshow si Daniel para sa bagong release na album nito.
Daniel was now officially a singer. Ang ganda-ganda nga ng boses nito. Well, alam naman niyang may ibang mga tao pa diyan ang mas magaganda ang boses kay Daniel. Pero iba pa rin ang boses nito, eh. Parang kapag kumakanta na ito, tagos sa buto hanggang sa laman mo ang kilig.
Or is it just because I like him? Posible rin. Pero hindi lang naman siya ang nakakaramdam ng ganyang pakiramdam kapag naririnig na ang boses nito. Almost every single, in a relationship, at pati married o widowed women, and possibly men, parehas lang ng pakiramdam ng sa kanya.
"Kath! Tawag ka na ni Miss June," tawag sa kanya ni Vicky.
Uh, pagod time again, naisip niya habang tumatayo at inuumpisahan na ang another set of acting workshop.
Miss June was their acting mentor. Ito ang magtuturo sa kanilang ipalabas ang other side ng acting abilities nila. Since the roles they were portraying were just their age, madali lang ipakita ang natural expressions and reactions as a teenager. But because the story was a little bit mature, they were riping those natural expressions and reactions up para maging suitable din sa story ng movie.
Ang hirap pala talagang gawin ang isang bagay na malayo naman talaga sa totoong ikaw. Naiisip pa lang niya ang role ni Julia Montes as Katerina sa bagong soap opera nito, parang nanghihina na ang tuhod niya. Julia Montes was her co-star in her former soap opera "Mara Clara". Naging bestfriend niya na rin ito kasi kasa-kasama rin niya ito sa mga variety shows when they were still younger.
"Kath, okay lang ba na may kissing scene kayo ni Daniel sa movie?" tanong ni Miss June sa kanya sa kalagitnaan ng pagwo-workshop nila. Nabigla naman siya sa sinabi nito.
Kissing scene? "Ah, Miss June. Kailangan po ba talagang may kissing scene kami ni DJ?"
"Mas maganda kasi kung may kissing scene."
"Saang parte ba iyon ng movie?" She was hoping Miss June's answer would be different from what she had in mind.
"Sa part kung saan na-stranded kayo ni Daniel."
Napalunok siya. "Meaning, next week na po namin isu-shoot?"
"Yeah, possibly. Di ba next week ang punta ninyo ng Palawan to shoot the stranded scenes?"
Dahan-dahan siyang tumango.
"Okay lang ba sa iyo iyon, Kath?" tanong ulit ni Miss June.
"Pwede ba akong tumanggi?" balik-tanong niya dito.
"Pwede naman, kung hindi ka pa talaga ready. Pero I think the movie would be much nicer kung may kissing scene kayo. Kasi parang sa time na mangyari iyon, doon kayo mafa-fall in love sa isa't-isa. Pero kung ayaw mo talaga, pwede naman sigurong pakiusapan si Direk Mae na ibahin nalang ang part na iyon sa movie."
Nagbuntong-hininga siya. "Sige po. Pag-iisipan ko po."
"Okay. Just tell me para ma-take note na rin ni Direk Mae. At tsaka, you really don’t have to worry. Hindi naman masyadong heavy ang kissing scene, eh. Iyong smack lang."
Napatango-tango nalang siya. "Sige po. Salamat," pagpapasalamat niya dito.
__________
Kakatapos lang ng workshop nila. Ramdam na ramdam niya ang pagod mula ulo hanggang paa, mind and body. Nakakapagod ang ginawa niya sa araw na iyon. Talagang todo ang pagsasanay na ginawa nila kasi nga sa minamadaling deadline na hinahabol nila.
"Nakakapagod ang workshop mo ngayon," komento ni Vicky sa kanya nang pauwi na sila ng bahay nila.
"Oo nga, eh." Hinilot-hilot pa niya ang sentido niya.
“I heard na may kissing scene daw kayo ni DJ sa movie na ito," sabi nito.
Napabuntong-hininga siya. Pero tumango lang siya dito.
"Ba't parang hindi ka naman masaya?"
Napatingin siya dito. "Kasi, Ate Vicky... kinakabahan kasi ako."
Vicky burst to laughter. "Iyon lang ang inaalala mo?"
"Ate Vicky naman, eh. Hindi nakakatawa."
Vicky sighed. "Kath, eto na nga ang hinihintay mong pagkakataon di ba? Baka dahil sa kissing scene niyo ni Daniel na ito, magkakagusto na siya sa iyo."
"Ate Vicky, it's not that. Siyempre, gustong-gusto ko siyang halikan. Pero, what if? What if hindi ako marunong humalik? Nakakahiya iyon!"
Tumawa na naman ito nang malakas. "You're afraid that Daniel might not like your kiss?"
"Yes!"
"Bakit? Nahalikan ka na ba noon, Kath?"
"Iyon na nga, eh! Hindi pa ako nahalikan! As in, never!" pagpa-panic niya.
Napapalatak ito. "Don't worry, Kath. Feeling ko, magaling humalik si Daniel."
Namula naman agad ang pisngi niya. "Ate Vicky naman! Pinapalala mo, eh."
Tumatawa pa rin ito pero tumahimik na rin. Busy ito sa laptop nito kaya ay ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata. Mahaba-haba pa naman ang biyahe papuntang bahay nila kaya she decided to take a nap.
She was on the brink of dreaming when Vicky woke her up.
"Bakit?" naiinis na tanong niya dito.
"Sorry dahil ginising kita, but you have to read this," sabi nito saka ay inimuwestra sa kanya ang screen ng laptop nito.
On the page was Daniel's photo together with a girl. Mukhang nasa isang coffee shop ang mga ito at nag-uusap. Parehong nakangiti ang mga ito at halatang nage-enjoy sa company ng isa't-isa.
"Di ba, iyan iyong waitress kahapon?" tanong nito sa kanya, referring to the girl on the picture.
Napatango lang siya. Tama nga ito. Ang babaeng nasa larawan ay ang waitress sa restaurant na nakita niyang kasamang paalis with Daniel.
"Magkasama pala sila. And by the looks of it, parang nagkakabalikan na sila," komento nito.
Inignora niya ang komento nito and read the article.
Daniel Padilla spotted with another girl.
Nagkalat na sa buong internet ang larawan na ito ni Daniel kung saan may kasa-kasama siyang isang babae. Reliable witnesses were saying how sweet the two have been. They were spotted at a coffee shop nearby the ABS Network compound. May nagsasabi ring nakita pa raw nilang nagkahawak ang mga kamay nito. By the looks of it, it seems that there's something going on with the two. Sinusubukan ngayon ng mga media ang hingin ang panig ng kampo ni Daniel but as of this moment, they remained mum on the issue.
But the main question on this issue is... who is this girl?
"Danna," wika niya.
"Who's Danna?" tanong ni Vicky sa kanya.
"Danna. That's her name. Narinig kong tawag sa kanya ni Daniel."
She continued reading the article.
Sino kaya ang babaeng ito? Ito ba ang tunay na girlfriend ni Daniel Padilla? Ibig bang sabihin nito, hindi totoo ang pagkakagusto nito kay Kathryn Bernardo na ka-loveteam nito? Kung ganoon, Daniel and Kathryn's seeming budding relationship is all a show. Hindi ba unfair sa mga fans nila kung nagpapanggap lang pala ang dalawa na may namamagitang pagtingin sila sa isa't-isa when in fact, wala naman talaga kasi may ibang babae si Daniel.
"Kath," tawag ni Vicky sa kanya.
"What?"
"Stop crying."
Doon lang niya napagtantong umiiyak na pala siya. Dali-dali niyang pinahid ang mga luha niya.
"Huwag kang magpa-apekto. Picture lang iyan. Hindi pa natin alam ang buong istorya."
"I'm not affected."
"Ba't ka umiiyak?"
"Because..."
"Because?"
"Because!"
Napapalatak ito. "Hindi ka nga affected."
She took in a deep breath. "Ate Vicky, ba't ako nasasaktan ng ganito?
Vicky pulled her for a hug. "Kath, tahan na. Huwag mo munang isipin iyan. Let's wait for Daniel's explanation."
"I mean, I know I don't have any right to feel this way kasi ano lang ba ako sa kanya? Ka-loveteam lang niya ako, di ba? And hindi naman totoong nagkakagusto siya sa akin. Hindi rin totoong mag-MU kami. Kasi nga, pagpapanggap lang ang lahat. Pero nasasaktan pa rin ako."
Hinagod-hagod ni Vicky ang balikat niya. "Kath, tumahan ka na. You know what? Your crying won't do anything good for you. Kaya tumahan ka na muna."
She sighed and tried to stop herself from crying. Pero hindi niya pa rin mapigilan ang maiyak. Nasasaktan siyang makita si Daniel na may kasamang ibang babae. Lalong-lalo na at alam niyang may posibilidad na magkabalikan pa ito at si Daniel.
__________
Nasa mall show pa si Daniel nang panahong iyon at naga-autograph signing pa nang bigla siyang hinila ni Mark at kinausap sa backstage.
"Mark, kita mo namang marami pang magpapa-autograph sa akin sa labas. What's this all about?" sabi niya dito.
"DJ, tumawag ang management ng ABS Network at gusto ka nilang makausap ngayon din. Pinapa-pull out ka muna nila ngayon sa mall show mo," imporma nito sa kanya.
"Is it urgent?"
"Malamang! Ipapa-pull out ka ba nila kung hindi?"
Tumango lang siya dito saka ay sumunod na dito palabas ng mall. Inannounce nalang ng emcee na may importante pa siyang commitment kaya ay kinailangan na niyang umalis.
"Ano ba kasi ang problema, Mark? What's this about?" tanong niya kay Mark nang tinatahak na nila ang office ng head management ng ABS Network.
"DJ, I think you should see this," sabi nito while handing him Mark's phone.
Nagulat nalang siya sa nakita. His face was in the internet tabloids. At hindi lang iyon. It was a picture of him. With Danna.
"Shit." Napamura siya. Hindi niya aakalaing may makakakitang reporters sa kanila doon. Hindi kasi siya nag-iingat. Sana pala ay hindi nalang niya ito niyayang lumabas. Kahit na wala silang ginagawang masama, pero ayaw niya pa ring nadadamay si Danna sa gulo ng mundo niya.
"Ano ba kasi ito, DJ?" tanong ni Mark sa kanya.
"Si Danna."
"What? Anong Danna?"
"Si Danna. I need to talk to her." Nagsimula na sana siyang lumihis ng direksiyon nang pigilan siya ni Mark.
"Saan ka pupunta?"
"I need to talk to Danna. Now."
"No, DJ. Ayusin mo muna ito sa management."
"Pero si Danna - "
"Ano ka ba? Reputasyon mo ang nasisira dito. Reputasyon ninyo ni Kath as a loveteam, pero ang unang iniisip mo ay si Danna?"
"Alam kong nasasaktan si Danna ngayon. At dahil iyon sa akin!"
"Hindi mo rin ba iniisip si Kath? Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman niya sa pagkakataong mabasa niya ang article? Don't you think, masasaktan din siya?"
"I... uh - "
"O, ano?"
"Hindi ko naisip iyon," he honestly said to Mark.
"Iyan kasi. Si Danna lang kasi ang inaalala mo. Hindi mo na inisip si Kath."
Natahimik siya.
"Bago ka pumunta kay Danna, makipag-usap ka muna kay Ma'am Cory. Naghihintay siya sa explanation mo. Pagkatapos, puntahan mo si Kath kasi kailangan rin niya ng explanation mo."
Tumango lang siya at tumuloy na rin sa office ni Ma'am Cory, ang head management ng ABS Network. Sumunod naman si Mark sa kanya.
Nang nakapasok na siya ay nadatnan niya si Ma'am Cory na nakaupo sa office chair nito behind her office table. Pero ang ikinagulat niya ay nandoon din si Vicky and, to his surprise, Danna. Pero wala si Kath. Nasaan kaya ito?
"Daniel, mabuti naman at dumating ka na," sabi ni Ma'am Cory sa kanya nang nakita siya nitong pumasok ng office.
"Ah, kailangan niyo raw po akong kausapin?" tanong niya dito.
Inimuwestra nito sa kanila ang dalawang upuang bakante sa harap ng table nito. "Maupo muna kayo."
Umupo siya kaharap si Danna. Nakayuko ito at tahimik na pinaglalaruan ang mga daliri nito. He knew Danna was nervous because she was fidgeting.
"Alam mo naman siguro kung bakit kita pinatawag at kailangan usapin, Daniel," panimula ni Ma'am Cory.
"Opo," simpleng sagot niya dito.
"Now, tell me. Ano nga ba ang relasyon ninyo ni Danna?" tanong nito.
Umayos muna siya ng upo bago sumagot dito. "Naging magkasintahan po kami."
"And?"
"At hanggang doon lang po."
"So, hindi kayo ngayon?"
"Hindi po."
"And gusto mo pa rin si Kath?"
Napatingin siya kay Danna bago sumagot dito. "Opo."
"Ano naman ang ibig sabihin ng mga litrato ninyo?" tanong pa nito.
"Ma'am Cory, kung pwede lang po akong magsalita," biglang sabi ni Danna.
Tumango lang si Ma'am Cory dito.
"Huwag niyo pong alalahanin ang lahat. Dahil kung ang ikinatatakot po ninyo ay ang magkaroon kami ng relasyon ulit ni Daniel, hindi po mangyayari iyon. Kasi nga po, gusto niya po si Kath. At tsaka... h-hindi ko na po siya gusto. Kaya imposibleng maging kami uli," sabi nito.
Tumango na naman si Ma'am Cory na tila naiintindihan ang sinabi ni Danna. Habang siya, hindi makapaniwalang nakatingin dito. Nasasaktan siya. Nasasaktan siya sa sinabi nito. Dahil kung totoo man ang sinabi nito, talagang wala na palang pag-asa ang pagmamahal niya para dito.
"Thank you, Danna," pagpapasalamat ni Ma'am Cory dito.
"Walang anuman po. Sorry din po kasi naka-cause ako ng problema sa inyo. I'm sorry, Daniel," ang sabi nito bago pa tumayo. "Aalis na po ako." At tuluyan na itong umalis sa office ni Ma'am Cory.
"Thank you, Vicky for bringing Danna here," ang sabi ni Ma'am Cory kay Vicky na ikinagulat naman niya. Si Vicky pala ang nagdala kay Danna doon. He needed to talk to her.
"Walang anuman po. Mauuna na rin po ako. Kailangan ko pa pong puntahan si Kath, eh. Nilalagnat po siya," imporma nito.
"Nilalagnat si Kath?" wala sa sariling tanong niya kay Vicky.
Tumango lang si Vicky.
"Ah, Ma'am Cory, aalis na rin po kami. May mall show pa si Daniel, eh," paalam naman ni Mark.
Tumango lang si Ma'am Cory at sabay na silang lumabas ng opisina nito. Pagkalabas na pagkalabas nila ay kinausap niya si Vicky.
"Bakit mo dinala si Danna kay Ma'am Cory?"
"DJ, inutusan lang ako ni Ma'am Cory na dalhin siya dito."
"Sana sinabi mo sa kanyang hindi mo siya kilala. Mas lalo kasing lumala ang sitwasyon."
Kumunot ang noo nito. "Sa tingin ko naman, mabuti at maayos lang ang usapan kanina."
"Pero - "
"Unless kung tumututol ka sa sinabi ni Danna kanina?"
Natahimik siya sa sinabi nito.
"Tell me, DJ. Ano nga ba talaga ang estado ng relasyon ninyo ni Danna? Totoo ba ang sinabi niya? Na hindi na kayo magkakabalikan? O talagang posible pang magkabalikan pa kayo? Kasi sa tingin ko, mukhang may bagay na hindi mo sinasabi sa amin, eh. Mahal mo pa si Danna?"
"That's besides the point. Nasasaktan siya ngayon."
"At nasasaktan din si Kath ngayon."
Nagtatakang tumingin siya dito. Paanong nasasaktan si Kath?
"Well, siyempre naman. Sino ang hindi masasaktan kapag mababasa sa internet ang ganoon? Para kasing ano... parang sinasabi doon na sinungaling si Kath."
May point nga naman ito.
"Kung okay na DJ, kailangan ko nang umalis. Kailangan ko pang puntahan si Kath."
"Teka lang," pigil niya dito bago pa tuluyang umalis ito.
"May kailangan ka pa?"
"Kamusta na si Kath?" tanong niya dito.
"Napagod siya masyado sa workshop kanina. Kaya hayun, nilagnat. Pero pinainom ko na siya ng gamot kaya medyo okay na ang pakiramdam niya ngayon," sagot nito.
"Okay." Nakaramdam naman siya ng relief sa sinabi nito. Kahit papaano'y nag-aalala rin siya para kay Kath.
"Eh, alam na ba niya ang tungkol sa - ?"
"Yes, DJ. Alam na niya."
Tumango-tango siya. "Ah, ano iyong sinabi niya?"
"Alam mo, DJ, mabuti pa at ikaw nalang ang kumausap sa kanya. Mas maganda kasi kung kayong dalawa talaga ang mag-usap, eh. Para at least, klaro sa inyong dalawa."
Tama nga naman ito. "Sige. Salamat."
"No problem."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro