
Chapter 8
Napamura agad si Daniel nang nakalabas siya ng restaurant. Hindi siya makapaniwalang sa lahat pa ng mga waitress na pwedeng pagsilbihan sila, si Danna pa ang magse-serve sa kanila.
Damn. Nabigla siya kanina kaya ay hindi siya nakapag-isip nang mabuti. Napaalis tuloy siya ng wala sa oras. Hindi kasi niya malaman ang gagawin kung saka-sakaling magka-encounter sila ni Danna.
Pero di ba Daniel, sabi mo the next time you see her, you will tell her that you love her? Iyon nga dapat ang plano. But he didn't expect it to be this sooner.
Ghad, ang tanga-tanga mo, Daniel. Napasampal siya sa sariling mukha. Siya na talaga ang tanga sa lahat ng tanga sa mundo.
May naramdaman siyang may lumabas ng restaurant. Paglingon niya'y nanlaki ang mga mata niya.
"DJ..."
Napatikhim siya bago nakapagsalita. "Danna."
Halata rin sa mukha nitong nagulat itong makita siya doon sa labas. "Ah.. Sorry. Aalis nalang ako," sabi nito at akmang aalis na.
DJ, ito na ang pagkakataon mo. Ano pa ang hinihintay mo?
"Ah, Danna."
Napalingon ito sa kanya. Ilang metro pa lang ang layo nito sa kanya.
"Bakit, DJ?"
Huminga muna siya ng malalim. "Pwede ba kitang makausap?"
Nakita niyang ngumiti ito bago dahan-dahang tumango. Napangiti na rin siya dito.
__________
Habang hinihintay ang pagkain nilang ma-serve ay napagpasyahan ni Kathryn na pumunta muna ng powder room.
"Ate Vicky, ladies' room muna ako," pagpaalam niya dito bago tuluyang umalis.
Papasok na sana siya ng comfort room nang makabangga niya ang isang babae.
"Ay, sorry po," napayuko na sabi nito.
"No, it's okay. Sorry din," sagot niya dito.
Ningitian niya ito pero dagli ring nawala ang ngiti niya nang makilala ang nakabangga.
Ito iyong waitress kanina, isip-isip niya nang mamukhaan ang babaeng nakabangga. Umalis na ito doon at dumiretso sa pasukan ng kitchen ng restaurant kaya ay pumasok na rin siya sa comfort room.
Naghugas lang siya ng kamay at inayos nang kaunti ang sarili bago lumabas ng C.R. Dali-dali siyang pumunta sa private room kung nasaan sila Vicky. Pero bago pa siya tuluyang makapasok sa room ay nakita niya si Daniel sa labas ng restaurant. Dahil transparent glass lang ang nakalagay na bintana sa restaurant ay kitang-kita niya ito sa labas.
Anong ginagawa niya diyan sa labas? Napagpasyahan niyang puntahan ito sa labas. Pero bago pa siya makalabas ay may nakita pa siyang ibang tao. May kausap itong babae.
Sinilip niya ang babae at nakita na ang waitress pala ang kausap nito. Nakita niyang naglalakad na ito palayo nang huminto ito at lumingon kay Daniel. Parang may sinabi si Daniel dito na nakapagpangiti nito. Pagtingin niya kay Daniel ay nakita rin niyang nakangiti ito.
That smile. Iyon ang tunay na ngiti nito. Iyong ngiti nitong abot tenga. Iyong ngiti nitong masaya. At kahit kailan, hindi niya pa naranasan ang ngitian siya nito niyon.
Nakita niyang kasabay ang mga itong umalis. Naramdaman naman niyang pumiga ulit ang puso niya.
Imbes na maghimutok doon ay bumalik nalang siya sa private room. Nang nakaupo na siya sa upuan niya ay binalingan agad siya ni Vicky.
"May nangyari ba sa iyo?" tanong nito.
Patay-malisya siyang lumingon dito. "Ha? Wala naman."
Tila nagdududa pa itong tumingin sa kanya. Saka ay tumango bago siya binulungan. "Magkuwento ka sa akin mamaya."
Napabuntong-hininga nalang siya.
__________
"So? Sabihin mo na sa akin," wika ni Vicky sa kanya. They were at Vicky's office. Kakatapos lang nila sa lunch out invitation ni Miss Mae.
"Si DJ kasi..." she started.
"What about him?"
"Feeling ko, may girlfriend siya."
Kumunot ang noo nito. "Walang girlfriend si DJ. At kung mayroon man, sasabihin niya sa atin iyon."
"Nakita ko nga sila ni DJ."
"Ha? Saan?"
"Doon, sa restaurant. Nakita ko siya sa labas. May kausap siyang babae."
“Over ka naman, Kath. Para nag-usap lang, eh, girlfriend na kaagad?”
“Hindi talaga, Ate Vicky. Parang may something kasi sa kanila.”
"At sino naman iyong babae? Nakita mo ba ang mukha niya?"
Tumango siya. "Yeah. Siya iyong waitress sa restaurant."
Nagulat ito sa sinabi niya. "The waitress? Iyong umalis din pagkatapos umalis ni DJ?"
She just nodded her head.
"I knew it!" Napapitik ito sa mga daliri nito. "Sinasabi ko na nga ba! May something talaga sa kanilang dalawa. Sa titigan palang ng dalawang iyon, halatang-halata lang, eh."
Napapikit siya ng kanyang mga mata.
"Di ba sabi ko sa iyo kanina, na parang sa movies lang? May dalawang taong nagmamahalan. And because of some circumstances, nagkahiwalay silang dalawa. Until one day, nagtagpo ang kanilang mga landas. And then iyon, nagkaiwasan ang peg ng mga loko. Kasi may mga bitter or awkward feelings sila sa isa't-isa. And then, they would kiss and make up. Tapos magkakatuluyan sila in the end. Typical romantic drama movies."
"Thanks ha? You're really making me feel better." Ngiting-aso ang ibinigay niya dito.
"Ay, sorry.... Okay, erase that," agad namang alo nito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. "But you know what? I think you're right."
"I'm what?"
"You're right."
"Paano ako naging right?"
"Kasi... remember noong na-confined pa si DJ sa hospital? Well, nakita ko iyong waitress sa restaurant doon sa hospital."
"Ano namang ginagawa niya doon?"
"She was visiting DJ."
"And...?"
"And well... I heard what they were talking about."
"Which was...?"
"About the two of them."
"Ano nga about the two of them? Alam mo, ikaw? Pabitin ka rin ano?"
She groaned. "Alam mo na iyon. Iyong sinasabi mo sa akin. You know? The typical romantic drama movies."
"Hindi ko alam! Sabihin mo sa akin."
Napakamot siya ng ulo. Isinalaysay naman niya dito ang nangyari sa hospital. On what she heard sa conversation ni Daniel at sa babae.
Napa-oh naman ito. "Okay. Now, I get it."
Tumango-tango siya dito.
"Well, so what now?"
"What now?” balik-tanong niya dito. “Well, you're my manager. You tell me what."
Tila nag-isip ito. "I tell you what..."
"What?"
"Talaga bang gusto mo si DJ?"
"Yes! Tinatanong pa ba iyan? Alam mo naman kung anong nararamdaman ko para sa kanya, di ba?"
"Well, are you willing to do anything for him?"
"Everything!"
"Then step it up, girl. Hindi porke't una siyang minahal ni DJ, siya ang mananalo."
"But, hindi naman ako nakikipag-kompetensiya sa kanya, eh."
"Talaga? Paano kung maging sila na ni DJ? Ano? Magmumukmok ka tapos iiyak? Tapos you're gonna put up another facade that shows how happy you are when in fact, you're breaking down inside."
Napaisip siya sa sinabi nito.
"O, ano? You know, you've been keeping up with your broken heart for a long time already. It's time for you to fight for what you feel for Daniel. Huwag ka nang duduwag-duwag. I know, he's been putting up a show all of these times. Pero ikaw, hindi lang pang-show ang nararamdaman mo para sa kanya. Totoo iyon, Kath."
"Pero, may pag-asa ba naman ako kay DJ?"
"I believe that everyone have a chance on anyone. And myghad! You're so beautiful in your own way, inside and out. You have that to fight for. Imposibleng hindi mahuhulog ang loob ni DJ sa iyo."
Biglang umahon ang pag-asa sa puso niya. "You really think so?"
"Yes, Kath. I really think so. Pero be careful, too. Kasi baka makasira ito sa working relationship ninyo ni DJ. Pati na rin sa career ninyo. And now, I think naman na okay na kayo ni DJ, di ba? So, I think that you should go for it."
Napangiti siya dito at napayakap.
"Thanks Ate Vicky!"
__________
Nasa isang coffee shop si Daniel kasama si Danna. He was drinking iced tea while Danna was drinking coffee. He didn't liked coffee. Sasakit lang ang ulo niya.
"You still don't drink coffee," puna ni Danna habang sinisipsip ang coffee nito.
Tumango lang siya dito.
"Well, it's weird. Ang sabi sa mga tabloids, you love coffee because it's what keeps you awake kapag may taping ka at inumaga na," sabi nito.
"Well sometimes, tabloids and reality just don't match," sagot lang niya dito.
"Sa tingin ko rin."
Binalot na naman sila ng katahimikan. Hindi niya pa rin masabi-sabi dito ang gusto niyang sabihin.
"Is that the same case for your feelings with Kathryn Bernardo?" tanong nito na kinabiglaan naman niya.
Sasabihin ko ba? O hindi? Nagdadalawang-isip pa rin siya.
"Well, I guess that's a no," malungkot na sabi nito. "Talaga palang totoong gusto mo siya."
Ningitian nalang niya ito. Damm, DJ. Anong nangyayari? Paano mo na sasabihin kay Danna ang gusto mong sabihin?
"Akala ko kasi, you were just saying you like her kasi para sa loveteam ninyong dalawa."
"Paano mo naman nasabi iyon?"
"Well, for one, she's not your type. Type mo ang mga maputi at chinita. Just like me."
Tahimik lang siya habang nakikinig dito.
"And well, she's not maputi at chinita. She's morena and she got big eyes. She's far from your type. No offense to her," dugtong pa nito.
"But she's a beauty," nasabi niya out of nowhere. Saan ba iyon nanggaling?
"I guess you're right," nakayukong sabi nito.
"But enough about her. Huwag na natin siyang pag-usapan," pag-iiba niya ng paksa.
"Anong pag-uusapan natin?"
"Let's talk about us."
Halatang nailang ito sa sinabi niya. "What's there to talk about? Wala naman, di ba?"
"What happened to us, Danna?"
Napasinghot ito. Hindi siya sigurado kung naiiyak ito o ano. Pero kung naiiyak man ito, she's good at hiding it. "We grew apart, Daniel. That's what happened. Nawalan ka ng time para sa akin because you were busy with your career. And nawalan rin ako ng pasensiya sa kakahintay kung kailan mo mapapansin ang relasyon nating dalawa."
He felt a pang of guilt. "I know na nagkulang ako sa relasyon natin. Pero I thought you understood."
"I tried to. Pero hindi ko kinaya. And then may ka-loveteam ka pa. I got jealous and I felt that I wanted you to be mine. Just mine, Daniel."
“But all of that was behind us now, right?" Gusto muna niyang malaman kung may pag-asa man kung umamin siya ditong mahal pa rin niya ito.
"Yes. I guess. That's all behind us now. You've moved on already, right?"
Hindi niya alam kung tatango siya o iiling.
"I guess we've both moved on with our lives, now," ang nasabi lang nito.
He remembered what she told him at the hospital a week ago. "Iyong sinabi mo sa hospital...?"
"Huwag mo nang isipin iyon. It was nothing."
He felt a sting on his chest. Ibig sabihin nito, wala na itong nararamdaman sa kanya. Kasi nga, nakamove-on na ito. Siya lang ang hindi nakapagmove-on sa kanilang dalawa.
"So, I guess, we're just friends now?" tanong nito.
It was painful for him pero kailangan niyang tanggapin iyon.
"Friends?" Inilahad pa nito ang mga kamay nito sa kanya.
He didn't want to be her friend. Gusto niyang siya pa rin ang mahal nito. Na magmahalan sila muli. How can he tell her that?
"Sure. Friends." At tinanggap niya ang kamay nito.
"And, ah... good luck. With your career and all. And also with Kathryn," ngumiti pa ito sa kanya. "I hope you two really end up together. Bagay kayo."
Pagbitaw nila ng kamay ay tahimik na inubos nito ang coffee. Habang siya naman, tahimik na nasasaktan. This is not what he planned. This is not what he wanted.
Kung ano ang gusto niya? Iyon ay ang magkabalikan sila ni Danna. To have her in his arms again. Na-miss niya ang piling nito. But how can he tell her that when all she believed in was that he was pining for his ka-loveteam and that he have totally moved on with his life now?
How am I gonna tell you, Danna, that I am still in love with you?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro