Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

May lunch date pa sana sila Kath at ni DJ sa mga KathNiel fans nila sa Davao. But because of the accident, na-postpone ang date na iyon at ini-move sa dinner. So instead of lunch date, they will be having a dinner date with them.

"Okay ka na ba talaga, ha Kath?" tanong ni Vicky sa kanya. Nasa hotel room niya ito at tinutulungan siyang maghanda para sa dinner date niya with the KathNiel fans.

"Oo nga, ang kulit. Paulit-ulit ka lang, ha?"

"Eh, kasi naman. Hindi ko maiwasang mag-alala. Alam kong traumatic iyong nangyari sa iyo kanina. Baka gusto mo magpahinga?"

"Kung magpapahinga ako, hindi na matutuloy ang date ko with the KathNiel fans."

"Maiintindihan ka nila kung hindi ka makaksulpot."

"I know. But I want to go. Gusto kong pasalamatan sila sa pag-support sa akin... sa amin ni DJ. Ito lang ang way na mararamdaman nilang sobrang thankful ako sa kanila."

Napataas ang kilay nito.

"What?" nagtatakang tanong niya dito.

"Life-changing ba iyong nangyari sa iyo kanina?"

"Life-changing?"

"Oo. Kasi parang nagbago yata ang aura mo ngayon, eh. Parang naging bubbly at blooming ka," komento nito.

Natawa siya dito. "Bubbly naman talaga ako. At tsaka, blooming din ako everyday 'no."

"Hindi. Iba talaga ngayon, eh. Oh sige, ganito nalang. Mas bubbly at mas blooming ka today," sabi nito na talagang idiniin pa ang "mas".

Ngumiti lang siya dito and ignored her comment.

"Uy, uy, uy. May tinatago ka sa akin, 'no?"

"Ha? Wala 'no. Wala akong itinatago."

"Huwag ka ngang magsinungaling sa akin, ha? Alam ko na ang ibig sabihin ng ngiti mong iyan."

Inosenteng tumingin siya dito habang patuloy na ngumingiti. "Anong ngiti?"

"Iyan! Iyang ngiti mong iyan," sabi nito habang itinuturo-turo pa ang ngiti niya sa mukha.

Natawa siya nang malakas dito. "Basta."

"Basta?"

"Basta!"

Napaismid ito. "Sus. Ganyan ka na ngayon. Para ka namang others niyan, ah."

"Bahala ka diyan. Basta. Period."

"Whatever. Mag-ayos ka mag-isa mo," masungit na sabi nito at lumabas ng kwarto niya.

Mas natawa pa siya dito. Hindi na siya nabahala kasi alam naman niyang nagbibiro lang ito. At tsaka, tapos naman rin siyang ayusan nito kaya ready to go na siya.

Bakit mas blooming at bubbly ako ngayon? Isa lang ang masasagot niya. Dahil lang naman kay Daniel Padilla.

__________

Lumabas na rin siya ng hotel room. Nag-text na kasi si Vicky sa kanya na dumating na daw ang fans nila ni Daniel. Sa isang restaurant lang sa hotel magaganap ang thanksgiving party para sa KathNiel fans. Nagpa-reserve lang sila ng isang maliit na function room para maging pribado kahti papaano ang party. Nandoon na rin daw si Daniel. Nauna na ito doon kaya mukhang late entrance lang ang peg niya.

Naghihintay siya sa tapat ng elevator at hinihintay ang pagdating ng elevator. Ilang minuto rin ang hinintay niya nang marinig niya ang bell ng elevator. Dumating na rin ang elevator sa floor niya. Pero laking gulat niya sa bumungad sa kanya pagbukas ng elevator.

"Kath," ngiting bati ni Daniel sa kanya. He was smiling that famous one-sided smile of his. Nasa loob ito ng elevator at akmang lalabas na sana.

"Ah..."

"Tapos ka na pala. Halika na," sabi nito sabay hila sa kanya papasok ng elevator. Wala na rin siyang nagawa kundi ang magpahila dito.

Ang awkward nang sila lang dalawa ni Daniel sa elevator. Nate-tense siya kasi hindi niya alam ang gagawin o sasabihin dito. Napatingin siya dito. He was cooly leaning on the wall across the elevator door. Ang gwapo nito sa simpleng puting shirt lang nito at fitted black jeans.

Agad naman niyang iniwas niya ang tingin dito nang napatingin ito sa kanya.

Jusko, ano bang gagawin ko sa gwapong kasama ko ngayon?

"Okay ka na ba talaga?" narinig niyang tanong dito.

Napatingin siya dito. "Hmm?"

"Are you really sure you’re okay now?" tanong ulit nito.

"Yeah. Okay na ako."

Tumango lang ito. Nabalot na naman sila ng katahimikan.

"Kath, uhm... I don’t know how to tell you this," biglang wika nito. “But I’m sorry dahil sa pagsusuplado ko sa iyo.”

Biglang napatalon ang dibdib niya. "A-Ah, iyon? Wala iyon. Okay lang."

"No, I think I owe you an apology. Kasi napakasuplado ko sa iyo."

Napangiti siya. "Salamat."

Nagtatakang tumingin ito sa kanya. "For what?"

"Kasi nag-sorry ka sa akin."

Doon lang ito napangiti. "Well, salamat din."

Siya naman ang nagtaka dito. "For what?"

"Kasi tinanggap mo ang sorry ko."

Napangiti ulit siya. "You're welcome."

For the first time, feeling niya payapa ang puso niya kasi at least maganda na ang relasyon nila ni Daniel. It wasn't the one she was hoping for, pero ang pagka-ayos nila will bring less complications to her life. At least the part where her feelings weren't involve. Kasi sa part na involve ang feelings niya, hindi niya pa alam kung papaano lulutasin iyon with Daniel.

Nagulat nalang siya nang hinawakan nito bigla ang kamay niya.

"A-anong ginagawa mo?" gulat na tanong niya dito.

"We're here," sagot nito.

Sakto namang bumukas ang elevator door.

"Let's go,"sabi nito. Pero bago pa sila makalabas sa elevator ay pinigilan niya ito.

"Ah, bakit mo hinahawakan ang kamay ko?" tanong niya dito habang ininguso ang magkasalikop nilang mga kamay.

"Hinahawakan ko ang kamay mo."

"Bakit?"

"Wala lang. Just... just let me hold you like this. Mamaya kasi, madisgrasya ka na naman. Ayokong mangyari iyon."

Pwedeng mamatay sa kilig? isip-isip niya habang pilit na pinipigilan ang kilig.

"Let's go," at hinila na siya nito palabas ng elevator and to their screaming fans.

__________

Nasa story conference sila ni Kath at Daniel kasama sina Vicky, Mark, Miss Rose at Miss Mae. This time, kasama na nila ang ibang production teams. They were finalizing the movie they were working on.

"We have located places in Palawan already. We decided to shoot the stranded scenes in Ursula Island," sabi ni Miss Rose.

"Wala na ring problema sa production sa set. Our production team has already set it up," sabi naman ni Sir Reno, ang production head ng movie.

"Iyong mga ibang casts naman, we will announce it at a future date. Tentative pa naman ang ibang casts, hindi pa final," sabi ni Miss Rose.

"Wala na ba kayong problema sa story line ng movie?" tanong ni Miss Mae sa kanila.

Umiling siya and so did Daniel.

"This monday, sisimulan na ang workshop ninyo. And then next week, diretso tayo sa Palawan to shoot your stranded scenes. We have one month before the release of the movie's teaser. So we have to fix our schedules and budget our time kasi we have a deadline to meet," pahayag ni  Miss Rose.

"Any more questions?" tanong ni Miss Mae sa kanila.

Again, umiling lang silang lahat.

"So, I guess that wraps our meeting," sabi ni Miss Mae. Napatingin naman ito sa relo nito. "Lunch na pala. Have you eaten your lunch na guys?"

"No, we haven't." sagot ni Mark.

"Then, let's eat lunch together nalang. Para makapag-bonding na rin tayo," sabi ni Miss Mae.

Tumango lang silang lahat and then got up for lunch. They decided to eat lunch sa restaurant across the ABS Network compound kaya ay nilakad nalang nila ang distance.

Pagdating nila sa restaurant ay marami-rami na ring tao. But because they were public figures, may lugar ang restaurant na iyon for people who needed the privacy. Iyon ang maganda sa restaurant na iyon. Privacy.

The receptionist gave them that place in the restaurant. Magkatabi sila ni Daniel kasi, believe it or not, tumabi ito sa kanya.

When at least they got settled in, Miss Rose called the waiter in charged for their orders. It turned out that the waiter was a waitress. Pumasok ito sa private room na kinaroroonan nila and she swear, the girl was familiar. It was like she have seen her anywhere. Nang tuluyan na itong humarap sa kanila ay naramdaman niyang natigilan si Daniel sa tabi niya. Napalingon siya dito at halata ang gulat sa mukha nito. And when she turned to the girl, maputla na ang mukha nito.

"Ahm, excuse me lang guys, Miss Mae, but medyo sumama lang po ang pakiramdam ko. Mauuna nalang muna ako. Pasensiya na po," paalam ni Daniel sa kanila. Hindi na nito hinintay ang sagot nila kasi dali-daling umalis na ito doon.

"Ahm... I'm sorry. Kukuha nalang ako ng ibang waitress ninyo," ang paalam din ng waitress sa kanila. And then quickly disappeared.

Nagtatakang tumingin si Vicky sa kanya na katabi din niya. "Anong nangyari sa kanila?"

Napakibit-balikat siya. "Ewan."

"You know what? If this was a movie, iisipin kong may something ang dalawang iyon. Like may past or what. And then this scene right here, ito iyong nagkita silang dalawa at dahil may past sila, kaya ayun. Sumama ang pakiramdam ng lalake at nag walk-out si babae."

Napaisip siya sa sinabi ni Vicky. Hindi naman siguro posible iyon di ba? It only exists in movies, right? Or possible nga ba ang ganoon?

Wait, parang kilala ko talaga iyong babaeng iyon. Biglang naalala niya ang babaeng bumisita kay Daniel doon sa hospital.

Was it possible that that girl and the waitress, ay iisa lang? Oh, damn.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro