Chapter 69
8 years later...
"And cut!"
Napangiti agad si Kath nang marinig ang sigaw ng direktor nila. Saka siya napatingin sa ka-eksena.
"Good one, Kath!"
Ningitian niya ito. "Thanks, Dom! Gumagaling ka na rin, ha?"
Napahalakhak naman ito. "Thanks to you? Ang galing mong partner, eh."
At natawa rin siya sa sinabi nito. Saka sila sabay na naglakad mula sa set patungong tent niya.
"How's Aaliyah?" tanong niya dito.
Sinulyapan siya nito bago nagsalita. "She's good, she's good. And oh... we're having a baby."
Napahinto naman siya sa sinabi nito at agad itong niyakap. "Wow! That's really great news! Congrats, Dom! I'm so happy for you."
Narinig niya ang masayang tawa nito. "Thanks, Kath. Sobrang saya ko lang talaga."
"Magiging tatay ka na!" she squealed.
"Magiging tatay na ako!" tawa nito. "Ninang ka, ha?"
"Oh, I would love to!" sagot niya.
"Eh, kayo ba ni Daniel, kailan ba kayo makakabuo?" tanong nito.
Napahampas siya sa balikat nito. "Hindi pa nga kami kinakasal, eh. Huwag ka nga."
"Eh, kailan ba kayo ikakasal? Tumatanda ka na, Kath. Magpakasal na kayo."
"Huwag ka nga! At tsaka, bata pa ako, 'no!"
Tawa lang ang nakuha niyang sagot mula dito.
"Eh, si Danna?" tanong niya dito, remembering his little sister.
“Ayun, busy na sa business niya sa Barcelona," sagot nito.
"Talaga? Wow," masayang wika niya. "I heard, too, na magba-branch out na si Danna sa mga shops niya here sa Philippines. I'm so happy for her."
"Ako nga, eh. And, she has a new boyfriend."
"Oh, good for her," sabi niya nang nakarating na sila sa tent niya. "Say hello to her for me naman kapag magka-chat kayo. Wala na kasi akong time para mag-open ng facebook, eh."
Tumawa naman ito. "Will do. And say hello to DJ na rin for me."
"Sure will." Kumaway pa ito sa kanya bago ito tuluyang umalis at pumunta na rin sa sariling tent nito.
Pumasok na siya tent niya at nadatnan doon si Vicky na hinihimas-himas ang tiyan nito. She is pregnant too, seven months to be exact. This is Vicky's second child to Mark. Yes, can you believe it? Nagkatuluyan si Vicky at si Mark. Akala pa naman niya ay zero ang love life nito, pero all along ay may relasyon pala sila ni Mark. Ngayon ay happily married na ito with Mark at may isa na ang mga itong anak, and an upcoming second baby. She's so happy for them.
"Hi, buntis!" bati niya dito.
"Hi, Kath! Kamusta naman ang taping?"
"Okay naman. Kamusta ang inaanak ko diyan?" balik-tanong niya dito at lumapit para himasin rin ang tiyan nito.
"Okay din," sagot nito, saka ito tumayo. "Teka lang, Kath ah. Pinatawag daw kasi ako ni Direk, eh. May pag-uusapan pa yata kami ng mga producers ng bago niyong show ni Dominic."
"Ah, okay," tangong sabi niya dito. "Mag-ingat ka, ah," tawag pa niya dito nang papalabas na ito ng tent niya.
Pumunta naman siya sa harapan ng dresser niya sa tent. Eight years na ang lumipas at marami nang nagbago sa buhay niya.
Nang nagtapat sila ni Daniel sa buong mundo tungkol sa totoong relasyon nila, hindi naging madali ang lahat. Maraming pagsubok at hadlang ang dumating sa kanila. Maraming mga issue at intriga ang ibinato sa kanila. Pero after all those years, wala pa ring bumibitaw sa kanila. And she was proud to say, after all of those eight years, matatag pa rin ang relasyon nilang dalawa.
Simula noong pagtatapat nila ni Daniel, napagdesisyunan nila ni Daniel na huwag nang ibalik ang loveteam nila. They decided it was the best for both of them to be away onscreen, and together offscreen. At sa eight years na nagdaan, si Dominic ang naging ka-loveteam niya. Wala namang problema sa kanya dahil naging magkaibigan na sila sa katagalan ng panahon. And she wouldn't want to be paired with anyone else than Dominic. At agree naman si Daniel doon. Mas mapagkakatiwalaan daw nitong si Dominic nalang ang humawak sa kanya and do all those intimate scenes with her dahil mas mapagkakatiwalaan nito si Dominic than anybody else.
Dominic, on the other hand, is happily married to Aaliyah, na ngayon ay isa nang housewife and businesswoman at the same time. Isang taon na rin silang kasal at simula noon ay napagpasyahan nalang ni Aaliyah na mag-quit na sa showbusiness at ituon nalang ang atensiyon nito sa growing business nitong pastry shops. Mahilig din kasi itong mag-bake ng cake kaya mas pinili nito iyon kesa ang showbiz. Habang si Dominic ay nasa industry pa rin at kasa-kasama siya sa mga shows and movies.
Si Danna ay nasa Barcelona na. May mga boutique shops ito doon na ito mismo ang nagde-design sa mga apparels na binebenta nito. Mahigit limag taon na rin itong namalagi doon at ngayon, her business is already paving way to success and fame. Wala pa rin itong naging steady boyfriend sa nagdaang panahon. Ang sabi lang nito, hindi pa raw dumadating ang taong nagpapatibok ng puso nito kagaya ng pagtibok ng puso nito noon kay Daniel. Napapatawa nalang siya sa tuwing binibiro siya nitong hiwalayan nalang daw niya si Daniel para maagaw nito ulit.
Si Vicky at Mark naman ay happily married na rin sa isa't-isa. Naging magkasintahan pala ang dalawa for the past ten years. She had no idea that they were both an item. Wala naman kasi ang mga itong sinasabi. They have been married for three years now. At ngayon, may one-year old boy na ang mga ito at isang upcoming baby girl.
Si MIke, on the other hand, ay may sarili nang beauty salon chain sa buong Metro Manila. At ngayon, may plano na rin itong mag-expand sa labas ng Metro Manila. Pero siyempre, stylist at make-up artist pa rin niya ito. Hindi yata siya nito kayang iwan. Kaya mahal na mahal niya ito, eh.
Ang lalaking pinakamamahal naman niya sa buhay ngayon ay isa nang record and label producer, kasama ang kabarkada-slash-kabanda nito. Noong nagtapat sila ni Daniel eight years ago, napagpasyahan nitong huminto na sa acting career nito at ituon na ang career sa music scene. He had been doing music together with his bandmates, JC, Seth, Katsumi and Lester. They have been very popular in the music scene, not only in the Philippines, but also around the world. Ngayon ay isa na itong head tycoon sa music industry having built a recording empire of his own. At wala nang mas proud sa mga na-accomplished nito sa career nito but herself, of course.
At siya naman, ipinagpatuloy niya ang acting career niya. For the past years, si Dominic lang ang naging ka-loveteam niya. She has been so picky with her roles dahil sa isa na rin si Daniel sa mga taong pumipili ng mga roles na gagampanan niya. At wala naman siyang reklamo doon. Kasabay din ng pagta-trabaho niya sa industry ay ang kanyang pag-aaral na fashion designing and management. At ngayon, isa na siyang degree holder. She is planning to open up a boutique of her own. And gusto niyang maging isang wedding fashion designer.
For the past eight years, her relationship with Daniel has been fruitful and full of love. Naging matatag rin ang relasyon nilang dalawa. Though hindi niya masasabing perpekto ang relasyon nilang dalawa, punong-puno pa rin iyon ng pagmamahal. They always fight, but they never cease to tell each other how much they love each other everyday. Ganoon naman sigruo talaga ang lahat ng relationships. It will never be perfect, but it will always be full of love.
"Kath." Nagulat nalang siya nang marinig ang urgency ng boses ng taong pumasok ng tent niya.
"Kats?" nagtatakang bungad niya dito. "Anong ginagawa mo dito?"
"Kath! Kath! Si ano - ahm, si ano..." Mukhang hindi nito alam ang sasabihin sa kanya.
"What? Kats? Anong problema?" Napatayo na siya. It's not like Katsumi to be like this way.
"Si ano - ahm, si A-Ate Vicky! Oo! Siya!"
Agad na nag-alala siya. Baka may nangyari nang masama sa kanya? "What happened to her?"
"Uh - come with me..." anito at lumabas na ng tent niya. Kaya ay dali-dali niyang sinundan ito.
Sumakay sila ni Katsumi sa sasakyan nito. Nagtaka naman siya.
"Wait, Kats. Nasaan ba kasi si Ate Vicky? Eh, ang sabi lang niya ay mag-uusap lang sila ni Direk at ng mga producers," wika niya.
"Uhm, ano kasi... Ini-rush siya sa hospital," sagot nito.
"What? Bakit? Ano ba ang nangyari?" nagpa-panic na tanong niya dito.
"Yeah. But ano... dumaan muna tayo sa ABS Network. Ano... sunduin muna natin si Kuya Mark," sabi nito.
Wala na siyang sinabi kundi napatango lang. Ang importante sa kanya ngayon ay si Vicky at ang baby nito. Oh God, she can't imagine if something bad happen to her and her baby.
Nang sa wakas ay dumating na rin sila sa ABS Network ay bumaba agad siya. Nang nakababa naman siya ay agad na sinalubong siya ni Seth.
"Kath!"
"O, Seth? Ba't ka nandito?" nagtatakang tanong niya dito.
"Pumunta ka ng rooftop. Ngayon din!" sabi nito.
"What? Bakit?"
"Basta! Kailangan ka ni Mark," sagot nito.
"Why would he be in the rooftop?" kunot-noong tanong niya dito.
"Because... because nandoon siya. I don't know. Nandoon lang siya. Hindi ko rin alam basta ang sabi nandoon siya," sagot nito.
Hindi naman siya nagtanong pa at dali-dali niyang tinahak ang daan papuntang rooftop. Nang nakarating na siya sa exit door ng rooftop ay hindi niya ito mabuksan.
"Kath!"
"Lester? What the - anong ginagawa mo dito?" tanong niya dito.
Okay, this is getting weird.
"Tinutulungan kitang buksan ang pintuan," sagot lang nito at walang hirap na binuksan ang pinto.
The next thing she saw just captivated her and surprised her. She slowly stepped into the roof deck, hanging her speechless.
The roof deck was covered with night lamps, roses and balloons everywhere. At ilang pulgada mula sa kinatatayuan niya, Daniel was waiting for her with a bouquet of flowers.
"DJ, what is the... what is all this?" tanong niya dito.
Sinenyasan naman siya nitong lumapit dito. Napalingon siya kay Lester na nasa likuran pa rin niya at sinensyasan rin siya nitong lumapit kay Daniel.
Unti-unti siyang humakbang papalapit kay Daniel. When she was walking towards her, music started to fill the place. When she turned around, nakita niya ang Parking 5, ang banda ni Daniel, or what was left of it, playing the instruments that was their music.
Nang nakalapit na siya kay Daniel ay agad na inabot nito sa kanya ang bouquet.
"Hi, beautiful!" he said, flashing that famous crooked smile of his. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong puting polo na nakatupi hanggang sa siko nito, black skinny slacks, at leather shoes.
"What is all this, babe?"
"Something that I've been planning for a long time, now."
He reached for her hand and placed it on his shoulder, saka nito ipinalibot ang kamay sa baywang niya.
"Will you dance with me, babe?"
Ngumiting napatango lang siya. And then he started to sing.
"I wanna make you smile, whenever you're sad. Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do... is grow old with you."
Wait, is he doing what she think he's doing?
"I'll get your medicine, when your tummy aches. Build you a fire if the furnace breaks. All I wanna do... is grow old with you."
Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya. She was crying... because she was very happy.
"I'll miss you, kiss you, give you my coat when you are cold; need you, feed you, even let's you hold the remote control. So let's me put the dishes in our kitchen sink. Put you to bed when you had to much to drink."
He leaned in closer to her.
"All I wanna do is grow old with you. I want to grow old with you."
Tuluyan na niyang niyakap ito. She can't believe this is happening.
Kumalas siya sa yakap at tiningnan ito. "Are you proposing to me?"
Natawa ito. "Ha? Sino ang maysabi?"
Mas lumakas pa ang tawa nito dahil sa sapak niya sa braso nito. "DJ naman, eh!"
"I'm kidding! I'm kidding!" anito at hinalikan siya sa labi. "Well... what do you think I'm doing?"
Napasinghot siya. "I think you are telling me that you want to spend the rest of your life with me."
Isinandal ni Daniel ang noo nito sa noo niya. Saka nito hinalikan ang tungki ng ilong niya.
"I love you, Kathryn Chandria Manuel Bernardo," buong-pusong wika nito habang tinititigan siya sa mga mata. "I love you more than anything in the world. I can't seem to live in a world without you. You are my everything. And I want to spend the rest of my life with you. I want to be the first one you see when you wake up in the morning, and the last one before you go to sleep. I want to be yours, forever. And I want you to be mine."
Patuloy lang sa pagpatak ng mga luha niya sa mata. She can't really believe it's happening now.
"I want to grow old with you, babe. Will you spend eternity with me?" tanong nito, sabay labas nito ng kahon kung nasaan ang engagement ring at inilahad sa kanya. "Will you marry me?"
She had to blink many times. Spend eternity with him? Iyon lang ba ang hinihingi nito? Because she would gladly do that.
"Yes," sagot niya na siyang ikinatuwa ni Daniel. "Yes, DJ. I will marry you."
"Yes!!" sigaw ni Daniel at niyakap siya nang mahigpit, before getting the ring and placing it on her ring finger. Then he lifted her up in the air with a hug. "Yes! Yes! Yes!"
Napatawa siya sa iniakto nito. Narinig naman niyang nagpalakpakan ang mga tao sa likuran niya. When she turned around to look at them, hindi nalang ang member ng banda ng Parking 5 ang nakita niya pero pati na rin sina Aaliyah, Dominic, Danna, Mark at Vicky. Pati na rin ang iba niyang mga kaibigan na sina Julia Montes at ang asawa nitong si Enrique Gil, ang bestfriend niyang sina Miles at Kiray, ang mama at papa niya at ang mga kapatid niya, si Tita Karla at Tito Rommel, both DJ's parents at ang iba pa nitong mga kapatid, at si Ma'am Cory.
She can't believe they are all here.
"She agreed to marry me!!" sigaw ni Daniel sa mga ito.
Natawa naman ang mga ito sa sinabi nito. Then she turned to look at the man who just asked her to give her eternity to him.
Hinalikan siya nito ng buong-puso. She's going to spend her eternity with him... the man who is her world and her life now.
"I love you, Kathryn Chandria Manuel Bernardo, and soon to be Padilla," anito matapos ang halik.
"I love you too, Daniel John Ford Padilla."
"Forever and ever."
"Forever and ever."
And he kissed her again with all of his heart, and she gladly exchanged his kiss with all of her being.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro