Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 68

"And cut!"

Napalingon nalang si Daniel sa mga kaibigan niyang nakatayo na malapit sa pintuan.

"Wooh! Heavy, pare. I didn't know you could pull off something like that."

Pumalakpak pa si Katsumi. "Ikaw na, Daniel Padilla. It's you already!"

"Kuya, pang- "Best Actor" sa FAMAS na yata iyong iyak mo kanina," tawa pa ni JC.

Mas lalong lumalim ang kunot niya sa noo. "What the hell is this?"

Naramdaman niya ang mahinang pagpitik sa kanyang braso. Napalingon naman siya kay Kath.

Naka-plaster sa mukha nito ang napakalaking ngiti. "Um... surprise?"

"What the - so hindi totoong naaksidente ka?" nalilitong tanong niya dito.

Umiling ito. "No. We just made that up."

Agad na naningkit ang mga matang nilingon niya ang mga kaibigan.

"Sino sa inyo ang may pakana nito? Ha?"

Pare-parehong nanlaki ang mga mata nilang lahat at sabay-sabay na itinuro si JC.

"Uy, bakit ako?" inosenteng tanong ng nakababatang kapatid niya sa mga kaibigan niya.

"Eh ikaw naman talaga ang naka-isip nang lahat nang ito," paratang pa ni Katsumi kay JC.

"Hey, kayo ang nagsabi sa akin na gumawa ng paraan para huwag umalis si kuya," depensa naman ni JC. "And besides, hindi naman talaga ako ang naka-isip nito. It was Dominic."

"Dominic?" Lumalim ulit ang kunot niya sa noo.

"Hey," nakangiting bati ni Dominic na lumabas naman sa banyo ng kwarto. "What did I miss, guys?"

"Wala naman masyado," sagot ni Seth.

"Oh, just the part where Daniel cried his heart out to the girl he loves the most," sagot naman ni Danna na lumabas nalang bigla mula sa closet across the hospital bed.

"What the - ?" hindi makapaniwalang wika niya.

"Don't worry guys." Kasunod na lumabas si Aaliyah sa closet.

Wait, where they there the entire time?

"I got it all on tape," dagdag pa nito at iwinagayway ang hawak na video camera sa kamay.

Damn. He was played! He can't believe... really can't believe he was played!

Napatingin na naman siya sa babaeng mahal niya. Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. Hindi totoong na-aksidente ito. Hindi totoong mawawala na ito sa buhay niya. She is still here... still here with me.

"Um, guys... I think we need to go." Narinig niyang sabi ni Lester pero hindi na niya nilingon ito. Sa halip ay katahimikan nalang ang bumalot sa paligid nila ni Kath.

Nakita niyang napayuko ito. Kitang-kita niya ang pagdaloy ng mga luha nito sa pisngi.

Shit. Bakit ba parati nalang niyang pinapaiyak ang babaeng mahal niya? This is the reason why he chose to leave her but... alam naman niyang hindi talaga niya ito kayang iwan.

Agad naman na inabot niya ang magandang mukha nito. Iniangat niya ang mukha nito para tmakita niya ang magandang mga mata nito na hilam na sa luha. He moved in closer to see her beautiful face.

Ipinahid naman nito ang mga luha mula sa mata gamit ang likuran ng kamay nito. Lihim siyang napatawa. She looked like an innocent child crying like that.

"DJ, I'm so sorry - "

Hindi  na niya hinintay pang tapusin nito ang sasabihin nito. Instead, he inched his face closer to press his lips against hers.

__________

Hindi pa rin tumitigil ang pagdaloy ng mga luha ni Kath sa pisngi nang matapos na ang halikan nila ni Daniel. She can't just seem to stop herself from crying. His kiss was bittersweet and too good to be true. Nananaginip pa rin ba siya? Nananaginip pa rin ba siyang hindi na siya nito iiwan?

"DJ..."

Daniel pressed his lips to hers again to silence her.  "Shh. Don't."

Naguguluhang tiningnan niya ang mukha nito. "What?"

At hinalikan na naman siya nito sa mga labi.

"Kath," ani Daniel pagkatapos siya nitong halikan. "You are one hell of a crazy woman to pull a stunt like that."

Napatawa naman siya sa sinabi nito. "Crazy about you," banat niya dito at napatawa ito. Namalayan nalang niyang umiiyak na rin pala ito nang may tumulong luha nito sa pisngi niya.

"I thought I was going to lose you," sabi nito.

"I thought you were going to leave me."

Umiling-iling ito. "No. Hindi ko rin naman talaga makakayang iwanan ka. I had a feeling that when I board that plane, bababa rin ako dahil hindi ko kayang mawalay sa iyo even for just a day. Alam mo bang sobrang miss na miss na kita?"

Napayakap siya dito nang mahigpit. Oh God, how she missed this pretentious man, too.

"Please, please, please. Don't do that to me again. Please. Hindi ko kayang isiping tuluyan ka na talagang mawawala sa akin," patuloy nito.

Napakibit-balikat siya. "It was the only thing na naisip namin for you not to get on that plane."

"And it worked."

"At hinding-hindi mo na ako iiwan."

Napangiti ito and gave her a peck on the lips. "Hinding-hindi na."

"You promised, Daniel Padilla. Wala na talagang bawian."

Tumango naman ito at niyakap siya nang mahigpit. "Cross my heart and hope to die."

"Ay, huwag naman iyong die. Nag-promise ka ngang hindi ako iiwan, 'di ba? Tapos mamamatay ka?"

The room got filled with his beautiful laughter. "Hindi nga."

"Promise me again."

"I promise, Kathryn Bernardo... I promise to never let go of you or leave you ever again. I've almost lost you countless times, and countless times I've been a jerk to ever hurt or leave you. Pero ngayon, I promise... kahit na mamatay pa ako - "

She was about to protest but he cutt her off with a kiss.

"Okay, hindi na mamamatay... but, I promise, and this time try to make it real, that I won't ever, ever leave you again. Never. Okay?"

Malaki na ngayon ang ngiting naka-plaster sa kanyang mukha. "Promise?"

"I promise." And kitang-kita niya sa mga mata nito ang sincerity sa sinabi nito. At ramdam na ramdam niya kung gaano kabigat ang bawat salitang binigkas nito.

"I love you, DJ," she said with full and pure sincerity.

Kung may isang bagay man siya na siguradong-sigurado siya sa buong buhay niya, iyon ay ang mahal na mahal niya si Daniel. At wala na yata siyang iba pang mamahalin pa sa buong buhay niya kundi si Daniel lang. She didn't know if she could love a person more than she loved Daniel. It was crazy, she know... but she likes to be crazy. As long as it's because of Daniel.

"I love you more, Kath," sagot nito with the same full and pure sincerity.

"Forever and ever."

"Forever and ever, babe." And he kissed her again for the nth time.

__________

Nakaupo si Kath sa harapan ng salamin ng dresser ng dressing room niya. Kasalukuyan siyang inaayusan ni Mike.

She was steady breathing. Pinapakalma niya ang sarili bago niya harapin ulit ang entablado.

"Kaya mo iyan, teh. Ikaw pa?" wika ni Mike habang patuloy siyang inaayusan.

"And besides, kasama mo naman si Daniel," wika naman ni Vicky.

"Oo nga. Po-protektahan ka ng prince charming mo. So don't worry about anything, Kath," dagdag pa ni Danna na nasa loob rin ng dressing room niya. They are good friends now. Hindi niya alam kung papaano nangyari iyon but they just was. Maybe it was because they both loved Daniel... in their different ways, of course.

"Kath? Are you ready?" Mark's head just popped out of her dressing room door.

Napalingon siya dito bago huminga ng malalim. Kabado talaga siya. Today is the day.

"Yeah, I'm good. Ready na ako," sagot niya dito.

Ngumiti naman ito sa kanya. "Anytime, Kath. DJ is just waiting for you. No pressure."

She smiled at him and nod. Saka lang nawala ang ulo nito. Napatayo naman siya and shook herself.

I'm ready for this. I am ready for this.

Yes, ready na siya. Ready na siyang humarap ng bagong yugto ng buhay niya with Daniel. This is it. Today is really the day. Haharap na silang dalawa ni Daniel sa mga fans nila at sa buong mundo.

Naglakad na siya papuntang pintuan ng dressing room at lumabas. Tinatahak na niya ngayon ang hallway ng ABS Network papunta sa set ng Buzz ng Bayan where she and Daniel are getting interviewed.

Isang buwan na rin ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa kanila sa hospital at simula noon, they have been working out everything in their relationship. And they have been loving each other more, every day since that day.

Nang nakarating na siya sa set ng Buzz ng Bayan, nakita agad niya ang lalaking kanina pa laman ng isip niya. Nakatayo lang ito doon habang inaayos-ayos nito ang buhok. She stopped in her tracks and made time to stare at his handsome feature.

Wala na ang bakas ng pagkaka-aksidente nito mahigit isang buwan na ang lumipas. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong black skinny jeans, white polo shirt na napapatungan ng black skinny overcoat suit, at black Converse nito. Naka-updo rin ang buhok nito, and he hasn't been more handsome than he was today... as of this moment.

Naramdaman siguro nitong nakatitig siya dito dahil napalingon ito sa kinaroroonan niya. Nang nakita siya nito ay agad na sumilay ang ngiti nito sa mga labi. Saka lang siya naglakad patungo sa kinaroroonan nito.

"Hey, beautiful," bati nito sa kanya habang pinapasadahan ang buong anyo niya.

"Bolero ka talaga," natatawang sabi niya dito.

"Bakit? Totoo naman talaga," sagot nito. "You really look beautiful today, Kath."

"Thank you." Hinalikan niya ito sa labi. "And you look so handsome, too."

His expression turned smug. "As always."

Natawa siya sa sinabi nito. Saka nito inabot ang kamay niya and laced his fingers through hers.

"Are we really doing this? Are you sure?" tanong niya dito habang nilalaro-laro nito ang mga daliri niya.

"One hundred percent. Ikaw ba? Sigurado ka na ba dito?" balik-tanong nito sa kanya.

Tumango siya. "As long as we're together."

"Forever and ever, babe." Itinaas nito ang kamay niyang hawak nito saka hinalikan ang likuran ng kamay niya.

"Everyone, please welcome to the stage, ang loveteam ng bayan, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla!" Saka lang niya narinig ang announcement ni Tito Boy who was doing their interview.

Hinigpitan ni Daniel ang pagkakahawak sa kamay niya. Saka siya nito nilingon at ningitian.

This is it.

"Ready, babe?" tanong pa ulit nito bago sila tuluyang lumabas sa entablado.

She's ready for this... She is ready for the change in her life. As long as kasama niya si Daniel, ready na ready siyang harapin ang mga bagong paghamon sa buhay niya. As long as she's with the man she loves, she will and can do anything.

"Ready," ngiting sagot niya.

At magkahawak-kamay silang lumabas ng back stage and face the crowd and the lenses to tell the whole world their love story.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro