Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 67

"Kuya, this way."

Tahimik lang na sinusundan ni Daniel ang nakababatang kapatid. Mula sa airport ay dumiretso na sila sa Makati Medical Center para puntahan si Kath. Nandoon kasi ito.

Hindi pa niya alam kung ano talaga ang nangyari kay Kath. Pero ang sinabi ni JC sa kanya ay naaksidente daw ito sa sinasakyan nitong motor kasama ni Lester nang humabol ito sa flight niya.

Nang narating na nila ang kwarto kung nasaan si Kath ay nakita niyang nakaabang sa labas sila Lester, Seth at Katsumi. Lulugo-lugo pa si Lester at evident sa mukha nito ang mga pasa mula sa pagkaka-aksidente.

"Si Kath?"

Pare-pareho ang mga itong napayuko nang binanggit niya ang pangalan ng babaeng mahal niya. Nakikita niya ang sadness at guilt sa mga mata ng mga ito.

"Damn it! Answer me! Si Kath?"

Panic was rising from his system. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o magwawala doon. Ang alam lang niya ay ayaw niyang mawala ang taong mahal niya. Ganito pala kasakit ang mawala na ito sa buhay niya. And to think, nag-isip pa siyang iwan ito. Eh, hindi naman niya kaya ang mawala ito nang tuluyan sa buhay niya.

"I'm sorry, DJ." Si Lester na ang nagsalita. "But... she's - "

Sinugod niya ito at inihamba sa puting pader ng hospital. Hindi na niya kayang marinig pa ang susunod na sasabihin nito.

"Damn it, Lester! Bakit mo hinayaang may masamang mangyari kay Kath? Ha?" sigaw niya dito.

Napayuko lang ito at hindi siya tiningnan.

"DJ!' awat ni Seth sa kanya. "Stop it."

"We're sorry, DJ. Hindi namin ginusto ang nangyari," wika naman ni Katsumi.

Napamura siya nang malakas kasabay ng mabilis na pag-agos ng mga luha niya sa mga mata. Why is this happening? Hindi niya ginusto ito. Hindi niya ginustong tuluyan na nga itong mawala sa buhay niya. Gusto lang niyang pansamantala siyang mawala sa buhay nito dahil ayaw na niya itong masaktan nang dahil sa kanya.

He will always love Kath. At hinding-hindi magbabago iyon. Hindi ito pwedeng mawala sa kanya. Pero ano ang nangyari? What have he done? Dahil sa kanya, nawala na nga ang babaeng mahal niya. For good. At hinding-hindi na niya ito makikita kailanman. Hindi na niya makikita ang mga magagandang ngiti nito, o ang mayakap ito nang mahigpit, o ang maramdaman ang malalambot nitong mga labi.

Napatingin siya sa pintuan ng kwarto kung nasaan si Kath. Hindi niya alam kung kaya ba niyang pumasok sa kwartong iyon at harapin si Kath... harapin ang babaeng mahal niya na tinangka niyang iwan. Pero hindi pala siya ang nang-iwan sa kanilang dalawa, dahil siya ang iniwanan nito.

"Kuya, you don’t need to do this. Kung hindi mo pa kaya - "

"It's okay, JC. I'm fine," wika niya sa kapatid saka ay lumapit sa pintuan. Ipinihit niya ang seradura ng pinto at dahan-dahang binuksan iyon.

Bumungad sa kanya ang hospital bed na nasa gitna ng kwarto. At lulan doon ang nakahigang babaeng bukod-tangi lamang na nakakapagtibok ng puso niya, at ang siyang tanging nakakapagpaikot ng mundo niya.

Nang makita niya ito ay hindi na niya napigilan ang sarili. Tuluyan na siyang napahagulhol. Agad namang nilapitan niya ito at niyakap nang mahigpit. Gusto niya itong maramdaman sa mga bisig niya, kahit na sa huling pagkakataon.

"Kath," hagulhol niya. Kahit sa tulog nito, napakaganda pa rin nito. Hindi siya makapaniwalang mawawala na ito sa buhay niya.

Napahaplos siya sa pisngi nito. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga kamay niya, saka niya hinalikan ito sa noo.

"Kath, wake up, baby. Wake up. I'm here. Hinding-hindi na kita iiwan," naiiyak na wika niya habang nakatitig sa magandang mukha nito.

It was too late. He knew it was too late. Bakit ba napaka-estupido niya't inisip pa niyang iwan ito kung hindi naman talaga niya kayang malayo dito nang tuluyan?

"Baby, please."

Napahagulhol na siya nang tuluyan. Hindi niya kaya ito.

"I am sorry. I am sorry, babe. I am sorry for everything. Sorry sa pagsusuplado ko sa iyo noon, at sorry dahil palagi akong nagpapanggap sa iyo. I know it's too late to say this. Pero alam kong naririnig mo pa rin ako.

When I first saw you back then, there were two things on my mind. Hating you or loving you. I chose the first, hoping that everything I felt for you the first time I saw you would go away. Because yes, the moment I saw you, I knew na wala nang takas ang puso ko sa iyo. I fell in love with you the moment I laid my eyes on you... and just everything about you, especially your smile.

Kaya kita palaging sinusungitan. Because I couldn't explain how I could be captivated with such smile of yours. Hinding-hindi ako naniniwala sa love at first sight. And at that time, alam kong imposibleng ma-in love ako sa iyo when in my mind, I thought I was in love with someone else. So, I keep ignoring you, hoping to ignore the confusing feelings I felt for you back then.

Pero nang kalaunan, hindi ko na namalayan pero unti-unti ko nang nakalimutan ang una kong naisip. Because I could no longer hate you, I was already helplessly loving you."

Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha niyang hilam na sa mga luha niya.

"Kath, minahal na kita before I knew I was loving you. Minahal na kita even before you even loved me. Hindi mo lang alam, sa tuwing sinusungitan kita at makikita ko sa mukha mo ang inis dahil sa pagsusungit ko, napapangiti nalang ako pagkatapos. Hindi ko alam pero hindi na nako-kompleto ang araw ko kung hindi ko nakikita ang inis sa mukha mo. Because I knew only I could affect you in that way. It somehow made me happy. Dahil alam kong naaapektuhan kita... even in that most perplexed way.

So, I keep on pretending. I keep on faking... faking my feelings for you. Dahil hindi ko kayang aminin sa sarili ko na minamahal na kita. But when I was already about to give up pretending, it was too late. Because you chose to leave me. And it broke my heart to pieces, knowing that I was hurting you so much. Pinilit pa kitang labanan noon, but I thought that I should give you some time to think about everything about us. Gusto ko ring ihanda ang sarili ko sa paglaban ng nararamdaman ko para sa iyo.

Noong huling pag-uusap natin noon sa roof deck about you leaving our loveteam, nasaktan ako. Sobrang nasaktan ako. Not because you were leaving me... but because sinaktan kita. And ever since then, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na kita sasaktan pa. It was my promise to myself. That I won't hurt you... but I won't stop loving you either."

Napahigit siya ng malalim na hininga. He didn't know if he could continue to stare at Kath's lifeless face.

"I love you so much, Kath. Heaven knows how much I do. When I knew you loved me too, I felt like the happiest man alive. How can someone like you possibly love a man like me? I don't deserve you, Kath. Iyon ang alam ko. Sa lahat ng nagawa ko sa iyo, sa lahat ng mga pasakit na ibinigay ko sa iyo, I know I don't deserve you.

Nangako na akong hindi na kita sasaktan pa. I will protect you from anything or anyone that could hurt you. But after what just happened, I knew I could just do that. Dahil ako mismo, the mere fact of me in your life, I know I can't keep my promise of not hurting you. That's why I made the most absurd decision in my life. I chose to leave you. Kahit na alam kong hindi ako magiging masaya sa desisyon ko, all was just thinking about was you. I don't want you to get hurt anymore, Kath. I don't want you to cry for me again.

Nagpanggap ulit ako sa iyo. Nagpanggap akong hindi kita matandaan. It was the only thing I could do to make everything easier... not for you, but for me. Alam kong mali pero wala na akong ibang paraang maisip that would make it easier for me to let go of you. Siguro, sa pagpapanggap kong nakalimutan kita, mas madali rin sa part mo at mas makakapag-move on ka... at mas madali kitang iwan at bitawan without saying those painful goodbyes. Pero alam kong hindi unfair sa part mo. And Lester talked me out of it."

Ikinulong uli niya ang mukha nito at mahinang tinapik-tapik iyon, in hopes na baka ay magising ito kapag ginawa niya iyon.

"Baby, please... please, wake up. I would stop making stupid decisions. I would stop being a jerk. I would stop pretending. But I would never stop loving you. And I would die if you leave me. Kaya, please, huwag mo akong iwan. Mahal na mahal kita, Kath."

Tuluyan na niyang inihilig ang ulo sa dibdib nito at niyakap ito nang mahigpit. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. Right now, nananalangin nalang siyang magmilagro at magising ang babaeng pinakamamahal niya.

"Baby, I promise. Hinding-hindi na kita iiwan. Kahit hilahin pa ako ng gravity ng earth palayo sa iyo, hindi pa rin kita bibitawan. Hinding-hindi na ako mawawala. Kath..."

"Really, DJ? You would really do that?"

Agad na lumipad ang tingin ni DJ sa nakangiting mukha nito. She was smiling widely as if he was caught at the right place and at the right time.

"Hindi mo na talaga ako iiwan? Ever?" Mas lumapad pa ang mga ngiti nito sa labi.

"What the - ?" Nalilitong tiningnan niya ito.

"You promised, Daniel Padilla. Wala nang bawian," nakangiting sabi nito.

What the hell just happened?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro