Chapter 65
Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo na ang lumipas simula nang huling pag-uusap nila ni Daniel. Pero sa isang linggong iyon, nananatiling sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Nananatiling sariwa pa sa isip niya kung paano kadaling iwan nalang siya ni Daniel nang ganoon-ganoon na lang.
Napatitig siya sa kisame. Sa isang linggong iyon, wala na siyang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto niya. Wala na siyang ginawa kundi ang magmukmok at umiyak. Kailan kaya siya titigil sa kahibangan niya? Kailan kaya siya mapapagod sa mga pinaggagawa niya? Alam niyang marami na ring taong nagmamahal sa kanya ang naaapektuhan dahil sa sa kahibangan niya. Kaya alam niyang kailangang matuto na siyang bumangon at mag-move on.
She know she have to move on soon. Dahil iyon naman ang gusto ni Daniel, hindi ba? Ang mag-move on na siya at kalimutan na ito. Kalimutan na ang pagmamahalan nilang dalawa. Kaya niya ba?
Napatulo na naman ang luha niya sa pisngi.
Damn it. Inis na pinahid niya ang luha mula sa pisngi. Hindi ba't nangako na siyang hindi na siya iiyak pa? Magmu-move on na siya. Hindi na siya iiyak. Kakalimutan na niya si Daniel. Kakalimutan na niyang minahal niya ito. Kakalimutan na rin niyang ito lang ang lalaking nakakapagpatibok ng puso niya. Kakalimutan niyang ito lang ang lalaking mamahalin niya panghabang-buhay.
Damn it! Stop it, Kathryn! Stop it! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, eh.
Tama. Dapat ay makalimutan na talaga niya si Daniel. Tama. She will move on. But how?
"Kath?"
Narinig niyang may kumatok sa kanyang pintuan. Napatayo siya mula sa pagkakahiga, saka ay inayos ang sarili.
"Pasok."
Laking gulat nalang niya nang makilala kung sino ang mga panauhin niya.
"Hi Kath!"
"What - what are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga bisita.
"May we talk to you?"
"Lester, what is the meaning of this?"
__________
"Nasaan sila Lester? Si Seth? And Katsumi? Ba't hindi sila kasama?" tanong ni Daniel sa nakababatang kapatid.
"May dadaanan daw sila, eh," simpleng sagot lang sa kanya ni JC.
"Dadaanan? Ano naman?" tanong niya pa rin dito.
Nagkibit-balikat lang ito. "Hindi ko alam Basta't sinabi nila na sa airport nalang daw tayo magkikita."
Napakunot ang noo niya. Saan naman ang mga ito pupunta, eh wala namang ibang mapupuntahan ang mga ito?
__________
"Kuya, where are you going?" tanong kay Dominic ni Danna.
"I'm going to the airport," sagot lang niya sa babaeng kapatid.
"To the airport? Bakit? Aalis na si Aaliyah?"
"No. Aalis na si Daniel."
Halatang nagulat ang kapatid sa sinabi niya. "What? At saan naman pupunta si Daniel?"
"He's going to America. And if we don't stop him, tuluyan na niyang maiiwan si Kath dito sa Pilipinas."
Agad na kinuha niya ang susi ng kanyang kotse para pumunta ng airport.
"Kuya," tawag ng kapatid niya habang sinusuot ang jacket nito. "I'm coming with you."
"No, it's okay. I can handle this on my own," sagot niya sa kapatid. "I made this mess. Kaya ay gagawa rin ako ng paraan para maayos ko ito nang maayos."
"Kuya, I was the reason why you made this mess. Kaya ay tutulong rin ako," sagot ng kapatid niya.
"Can I help, too?"
Pareho silang napalingon ng kapatid niya sa may labas ng gate. Nakaabang si Aaliyah sa harapan ng gate at nakatingin sa kanilang dalawa ng kapatid niya.
"Aaliyah, anong ginagawa mo dito?" tanong niya dito.
"Well, I came to talk to you. Pero mukhang may importante kayong lakad. Pwede ba akong sumama?" sagot nito sa kanya.
"Aaliyah - "
"No, Dom. I made this mess as well. Kaya tutulong rin ako."
Napatingin siya sa kapatid niya at kay Aaliyah. Are they really gonna help him fix up his mess?
Napangiti siya. "Okay. Let's fix this mess."
__________
“Kath, kailangan ka naming kausapin," ang wika ni Lester.
Nakaupo ito sa may desk sa tapat ng kanyang kama. Ang dalawa pang kaibigan nito na ipinakilala nitong si Seth at si Katsumi ay nakatayo lang kaharap niya. Habang siya ay nakaupo sa kama niya.
"What are you gonna say? Are you gonna say sorry for me in behalf of your friend?" She couldn't keep the sourness in her voice.
Nagbuntong-hininga si Seth. "Kath, we know DJ has done many things - hurtful things - to you. At alam naming wala kaming karapatan para hingin sa iyo ang bagay na ito."
"But," pagpapatuloy ni Katsumi. "Since mahal na mahal namin ang kaibigan namin, we'll take the risk."
Napatayo si Lester at lumapit sa kanya. "Kath, huwag mong hayaang makaalis si DJ at iwan ka nang tuluyan."
"What?"
__________
Nakaabang si Aaliyah sa entrance ng NAIA 3 terminal para mag-abang sa pagdating ni Daniel. Ibinaba siya doon ni Dominic para abangan nga ito. Naghahanap pa kasi si Dominic ng parking space.
Iniayos niya ang scarf na nakabalabal sa buhok niya, pati na rin ang suot niyang shades. Hindi siya pwedeng mamukhaan ng mga tao at baka magkagulo pa doon.
Mga ilang minuto rin siyang nakatayo lang doon nang mamataan niya ang isang lalaking pababa ng isang kotse. Nakasuot ito ng baseball cap at naka-shades rin. Nakasuot ito ng hood jacket at ang signature skinny jeans nito. Kahit na kagagaling lang nito sa isang aksidente, hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito. Medyo pumayat lang ito nang kaunti pero walang masyadong nagbago sa pisikal na anyo nito.
Mabilis at tahimik na nilapitan niya ito. Ayaw sana niyang mahalata nito ang paglapit niya, pero mukhang namataan na siya nito bago pa niya narating ang katayuan nito.
"What are you doing here?" tanong agad ni Daniel nang nakalapit na siya dito. Bakas sa tinig nito ang matinding galit nito sa kanya. Pero hindi na niya inintindi pa iyon. Naiintidihan niya kung bakit ito galit sa kanya.
"I need to talk to you, Daniel," mabilis na sagot niya dito.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Aaliyah. Get out of my way," matigas na sabi nito.
Akmang lalagpasan na siya nito pero hinarangan niya ang dinaraanan nito. "No, Daniel. We really need to talk."
Matigas na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago siya nito hinarap. "What part of what I said did you not get?"
"Look, I know I have no right. Alam kong wala akong karapatan para humingi sa iyo ng pagkakataon para pakinggan ako. But please, I'm begging you to give me a chance. I just really need to explain myself," pagmamakaawa niya dito.
"I have a plane to catch. So, I'm sorry. Pero hindi ko maibibigay ang kailangan mo," sagot naman nito.
Nilagpasan na niya ito. Ano ba ang pwede niyang gawin para mapakinggan siya nito?
"Daniel. You don't deserve Kathryn."
And just as she was expecting, napahinto ito sa paglalakad at unti-unting nilingon siya. Saka ito lumapit sa kanya.
"Alam ko," mahinahong sabi nito. Pero evident sa boses nito ang pagpipigil ng galit. Hindi lang niya alam kung para sa kanya ba ang galit na iyon, o para sa sarili nito. "Alam kong hindi ako karapat-dapat para sa kanya. Dahil ano lang ba ang naibibigay ko sa kanya? Pain. That's the only thing I could give to her."
Ah. How stupid Daniel could be? Can't he see that happiness is what he gives Kathryn?
"At ayaw ko na siyang masaktan pa. Kaya nga ako nag-decide na iwan na siya. Dahil ayokong nakikita siyang nasasaktan nang dahil sa akin. Dahil mas nasasaktan ako. Because I don't want to see her hurt. And I vowed to myself that I would never, ever hurt her again."
"Alam mo, Daniel? You're a coward. Dahil hindi mo kayang panindigan si Kathryn."
"Can you even hear what you're saying, Aaliyah? I'm not a coward. I just want to make her happy. And her being with me, does not make her so. Dahil maraming mga katulad mo ang gustong sumira sa kaligayahan niya. And it's all because of me."
"Daniel! Pakinggan mo nga muna ako!" aniya sa pagmamatigas nito. "Okay, I know I messed up bad. And I know that mahirap na ibalik ang tiwalang ibinigay mo sa akin."
"Damn right you are!"
"Will you let me finish?" Malapit na siyang mainis dito. Talaga ngang matigas ang ulo nito kung ginusto nito.
"Go ahead," sarkastiko pang sabi nito.
She inhaled deeply. Mahaba-habang pasensiya ang kailangan niya para masabi niya dito ang dapat niyang sabihin. "Daniel, kung talagang mahal mo si Kath, you wouldn't do anything to hurt her."
"I - "
She raised her finger to him to silence him. Eventually ay nakinig naman ito. "Daniel, do you think by leaving her, it will make her happy? Sa tingin mo ba talaga, kapag iiwanan mo na siya, magiging masaya siya at kakalimutan ka niya nang tuluyan?"
Natahimik naman ito.
"Don't say you know what's best for her, Daniel. Because you don't. All you're giving her is pain, kasi hindi ka nakikinig sa kanya. You don't listen to what her heart tells you. All you think about is what you think is good for her, which isn't at all. Dahil kung talagang iniisip mo ang kaligayahan niya, iisipin mong ikaw ang nagbibigay ng kaligayahan niya."
Nakatingin lang ito sa kanya at tila pinag-iisipan ang sinabi niya.
"Daniel, Kath loves you very much. At kung mahal mo ang isang tao, talaga bang iiwan mo siya?"
Doon lang ito tila natauhan sa sinabi niya.
"Would you really leave the woman you love the most? Even if you know it that's the best for her, do you think that's best for you?"
__________
"What?"
Hindi makapaniwala si Kathryn sa sinabi ni Lester.
"Why would I do that?"
"Because we know it would hurt him so much," sagot naman ni Seth sa kanya.
Napailing siya. "Pero iyon naman talaga ang gusto niya, hindi ba? Gusto niyang umalis. Gusto niya akong iwan. I can't stop him from leaving."
Nilapitan din siya ni Katsumi. "Kath, we know that DJ's only blinded fo stupidity because he feels like he is doing everything he thinks is best for you. We don't want him to regret forgetting the best thing that ever happened in his life."
"And that's you, Kath. That is falling in love with you," pagpapatuloy ni Lester. "You may be blinded now by the hurt he has given you, pero please, don't make him regret that. We know this is too much to ask from you, given all the sacrifices you have done for him. Pero Kath, mahal na mahal ka ni Daniel. Will you just let him leave you like that?"
"Will you just let him push you out of his life like that?" added Seth.
"Will you just let you unlove him like that?" said Katsumi.
Unlove him? Will she ever unlove the man she loves the most? She knew the answer to that question. She can never unlove him. Dahil ito lang ang nag-iisang lalaking mamahalin niya nang ganito sa buong buhay niya.
"Nasaan na si Daniel?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro