Chapter 62
Napansin ni Daniel na tahimik na lumabas si Kathryn mula sa kwarto niya. Saka siya lihim na napabuntong-hininga.
Hindi madaling magkunwaring hindi niya natatandaan si Kathryn. How could he forget the girl that makes his heart beat and stop at the same time? Mahal na mahal niya si Kathryn para lang kalimutan ito. Hinding-hindi niya ito makakalimutan. Pero he has to endure everything. Lahat nang mga ginawa niya ay may dahilan. Lahat nang ginawa niya ay para na din sa ikabubuti kay Kathryn.
"Bro, hindi ba't si Kathryn Bernardo iyon?" Bumalik sa tamang huwisyo ang pag-iisip niya nang marinig ang tanong na iyon ni Seth, ang kaibigan niya.
"Ah, yes," simpleng sagot niya.
"Bro, ang ganda niya pala talaga, ano?" ang wika naman ni Katsumi.
Sinamaan lang niya ito ng tingin.
"Hey, shut up, Katsumi. Pasalamat ka't hindi pa nakakatayo iyang si DJ, kundi bugbog-sarado ka na niya," natatawang sabi ni Lester kay Katsumi.
"Yeah, right. As if naman ipagpapalit ako ni DJ sa babaeng iyon, 'no," Katsumi jokingly said while waving his hand in the air like a gay guy would.
His friends burst to laughter dahil sa iniakto ni Katsumi. How he missed these guys. Nasa States na kasi ang mga ito. Doon na ang mga ito nanirahan. Unti-unti na rin itong nakakabuo ng pangalan in the scene of band and music. Nakakapag-gig na ang mga ito sa mga local bars doon.
He used to be a part of the band, actually silang dalawa ng kapatid niya. Pero nang lumipat na ang mga ito sa States at naiwan silang dalawa ni JC sa Pilipinas ay ipinagpatuloy nalang nila Seth ang pagbabanda doon.
"Pare, you should've seen our fans in the States. Grabe! Magaganda, mapuputi at matatangkad!" may amusement na wika ni Seth.
"Pero kahit ganoon, mas type ko pa rin ang mga Filipina. Grabe, ibang-iba talaga, pare, eh. I mean, look at Kath. She's so beautiful," hirit na naman ni Katsumi.
Isa nalang talaga at tatamaan na niya ito, eh.
"O-kay," pag-iiba ni Lester sa usapan. Napansin siguro nitong umiinit na ang ulo niya. "Pare, speaking of her, bakit hindi mo naman kami ipinakilala sa kanya? Bali-balita na rin sa States ang tungkol sa inyong dalawa, eh. Ano ba? Totoo bang may relasyon kayo?" tanong ni Lester sa kanya.
Napaiwas siya ng tingin sa mga ito.
"Oh, come on, DJ. Ngayon nga lang tayo nagkita uli, magsisinungaling ka pa talaga sa amin?" wika ni Seth.
Nagbuntong-hininga siya. "Yes. She was my girlfriend," sagot lang niya sa mga ito.
Kita sa mga mukha nito ang approval at amazement.
"Was? What do you mean was?" tanong naman ni Katsumi.
"Naging girlfriend ko siya," simpleng sagot niya.
"You broke up with her?" Si Lester ang nagtanong.
Mahinang iling ang ibinigay niya sa mga ito.
"Then, what do you mean by "was"?" naguguluhang tanong ni Katsumi.
He knew he couldn't keep a secret from these guys. These guys were practically his brothers. "I pretended I don't remember her. Nagpanggap akong may amnesia at hindi siya matandaan."
"What?" gulat at sabay na tanong ng tatlong kaibigan niya.
Nagbuntong-hininga na naman siya. Alam niyang mahaba-habang explanation ang gagawin niya sa mga kaibigan niya. So he started telling them the whole story about him and Kath.
__________
"Kath?"
Mula sa pagkakayuko habang umuusal ng mahinang panalangin ay napaangat ang tingin niya.
Ningitian siya ni Dominic bago naupo sa tabi niya. "What are you doing here?"
Napatingin siya dito. "Praying."
Kumunot ang noo nito. "What for? Okay na si Daniel."
Napabaling naman ang tingin niya sa krus na nasa altar. "Oo. I'm praying because I'm thankful na okay na siya. Gising na siya."
Namalayan nalang niya ang pagpahid ni Dominic sa pisngi niya. Napahawak naman agad siya sa pisnging hinawakan ni Dominic.
Shit. She's crying again. Bakit ba hindi nauubos ang mga luha niya?
"Kath - "
Napatingin siya kay Dominic. Bakas sa mukha nito ang pagsisisi sa lahat nang ginawa nito sa kanya. At bakas din doon ang awa nito para sa kanya.
"I am really sorry. I am at loss for words. I don't know what else to say para maibsan ang lungkot na nararamdaman mo ngayon dahil sa mga kagagawan ko," wika ni Dominic.
Pinahid niya ang mga luhang patuloy pa ring tumutulo mula sa kanyang mga mata.
"Kath, I - "
"No, it's okay, Dom," napasinghot siya. "It's just - alam kong dapat akong maging grateful dahil sinagot ng Panginoon ang pinapanalangin kong magising na si Daniel. At oo, nagising nga si Daniel. Pero hindi naman niya ako matandaan."
Hindi na niya napigilan ang sariling mapahagulhol. Lahat ng sakit na nararamdaman niya noon ay hindi nakakapantay sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Mas pipiliin nalang niyang paulit-ulit na masaktan ni Daniel kesa ang ganitong nakakalimutan na siya nito.
"Selfish bang hingin ko ulit sa Panginoon ang isa na namang pabor para sa akin? Selfish bang humingi ako sa kanya na sana ay hindi nalang nangyari ang lahat nang ito? Na sana ay matandaan na ako ni Daniel at mahalin niya ako ulit. Na sana ay ako na ulit ang dahilan ng mga ngiti at tawa niya," hagulhol niya.
"Shh, Kath," pagpapatahan ni Dominic sa kanya.
"Hindi ko na kasi kaya Dom, eh. Hindi ko na kaya. I'd rather him ignore and snob me for hurthing him, than forget about me and everything we had."
"Kath, hindi mo naman kasalanan lahat. Kasalanan ko. It is all my fault. Ako dapat ang pagsisihan sa lahat nang ito."
"Dahil din sa ginawa mo, marami akong na-realize. I've been too afraid and selfish. Ang mga feelings ko lang ang parating inaalala ko sa relasyon namin ni Daniel. Hindi ko na halos naaalala ang feelings ni Daniel. Alam ko naman, eh. Nararamdaman ko naman, eh. Kung sana ay ipinaglaban ko si Daniel. Kung sana binigyan ko siya ng pagkakataon na magsalita. Kung sana ay hindi ako nagpadalus-dalos sa mga nararamdaman ko, hindi sana mahahantong sa ganito ang lahat."
"Kath, please... don't say that. Hindi mo kasalanan ang lahat nang ito."
"No, Dom. Kasalanan ko ang lahat nang ito. Kung sana ay hindi ko sinaktan si Daniel nang huli kaming nag-usap, he wouldn't leave and get into an accident. Kasalanan ko ang lahat."
"No," pag-iling ni Dom. "Hindi mo kasalanan ito. Kasalanan ko ito. And I promise Kath. I promise. I would make everything right. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging tama ang lahat," promised Dominic.
And all she could do was hope. Na magiging maayos nga ang lahat. Even if that hope was faint, still, all she would do is hope.
__________
“Pare, bakit mo naman nagawa iyon? You could have just settled everything like two matured adults," wika kay Daniel ni Seth.
"Wow, Seth. Astig n'un, ah?" tukso ni Katsumi.
Seth just rolled his eyes at him, habang siya ay natatawa sa inasal ng kaibigan.
"Pero seryoso, pare. What were you thinking?" tanong uli ni Seth sa kanya.
Nagbuntong-hininga siya. Aminado siya, hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng desisyon niya. Pero sa palagay niya, iyon ang mas makabubuti para kay Kath.
"Dude, kung gusto mo lang palang palayain si Kath from you, pwede mo namang sabihin sa kanya nang maayos. You could ask her to give you space... to give both of you space. Hindi naman siguro ganoon kahirap iyon," adviced Lester.
"Hindi. Mas mabuti na ang ganito. Iyong wala na siyang inaalala kung saan ba nagkamali ang relasyon namin. Ayokong maghiwalay kami na ang pinapaniwalaan niya ay ang hindi ko na siya mahal," sagot niya dito.
"Oh, and you think by acting all 'you-forgot-everything-about-us' will really make her think otherwise? Bregs, ganoon pa rin iyon," ani naman ni Katsumi.
Come to think of it, totoo nga ang sinabi ni Katsumi. Pero mas mabuti na ang magpanggap siyang walang natatandaan. Nahihirapan na siyang makita si Kathryn na malungkot.
"Ano ba talaga ang napasok sa kukote mo't nagiging ganyan ang pag-iisip mo, ha, Daniel John Ford Padilla?" wika ni Seth.
Napailing-iling siya. "Ayoko nang nakikita siyang nasasaktan nang dahil sa akin. Gusto kong bigyan siya ng space mula sa akin. Gusto kong mabuhay siya nang wala na ako sa buhay niya."
"Pare, honestly? It doesn't make sense. Ang hirap mong intindihin," nangangayamot na wika ni Katsumi.
"You don't have to understand everything, Kats. Gusto ko lang talagang mawala na ako sa buhay ni Kath."
"And by doing that, you think it would make her happy?" tanong ni Lester.
"I think that would be the best for her."
"And what do you really know about what's best for her? Hindi ba't kapag masaya lang ang isang tao, it's when they're really at their best? I don't think this is the best for her," komento naman ni Seth.
Napakamot siya sa kanyang noo. "Alam ninyo, you're just clouding my judgements."
"Because we think your judgements are crazy," sagot ni Kats.
"Crazy or not, my decision is final. I need to let go of her. For her future happiness... for her future peace."
"And how about your happiness, dude? After you letting go of her, will you be alright? Will that make everything better for you?" tanong ni Lester.
No, it won't. He knew it won't make everything easy for him.
"Do you really think you could just leave her like that and live normally like she doesn't exist in your life?" pagtatanong rin ni Seth.
"I'll make do," sagot niya sa mga ito.
Nakita niya ang disapproval sa mga tingin nito sa kanya.
He sighed. "This is for the best. Para ito sa ikabubuti niya."
Siguro nga para sa mga kaibigan niya, hindi magiging madali ang lahat para kay Kath. Pero wala na siyang iba pang maisip na madaling paraan para sa lahat. Kailangang bigyan niya ng space si Kath. Gusto niyang mabuhay ito nang wala siya sa tabi nito. Gusto niyang bigyan ito ng pagkakataong mabuhay na hindi lang siya ang palaging iniisip at inaalala nito.
He knew it might sound selfish on his part. Pero kung gagawin niya kasi ang lahat nang ito, it would give Kathryn a chance to see another perspective of her world wherein wala siya sa buhay niya. Gusto niyang matutunan nitong magtiwala muli. Gusto niyang palayain si Kathryn sa lahat nang maaaring maging sakit na maranasan nito sa kanya.
He doesn't want to hurt her again. Hindi na niya kayang nasasaktan ito nang dahil lang sa kanya. Alam niyang lubusan na niya itong nasaktan. Ayaw na niya itong masaktan. At alam niya, kung ipagpapatuloy lang nila ang relasyon nilang dalawa, masasaktan at masasaktan lang ito. Dahil hindi buo ang pagtitiwala nito sa kanya. That's why he need to let her go. Kailangan niyang palayain si Kath mula sa kanya.
I'm sorry, Kath. Even if I'm letting you go, nothing will ever change. I still love you. Forever and always.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro