Chapter 61
"Ah, Miss... I'm sorry. Pero hindi kita maalala, eh. Sino ka nga?"
Ilang ulit na kumurap-kurap si Kathryn sa sinabi ni Daniel. Ano ba ang ibig sabihin nito? Bakit sinasabi nitong hindi siya nito maalala?
Napatingin siya kina Mark at sa iba pang kasamahan nila sa kwarto. Tila ang mga ito ay gulat rin at naguguluhan sa sinabi ni Daniel.
"Babe? Nagpapatawa ka lang ba?" tanong niya ditong natatawa. Pilit na tinatawanan niya ang sinabi ni Daniel at sa kaba na bumubuo sa dibdib niya.
Umiling naman ito. "Sorry, Miss ah. But I wish I'm just joking, but I'm not. I really don't remember you."
Tila huminto ang tibok ng puso niya, saka siya napatingin sa doctor. "Doc?" tanong niya sa butihing doctor.
"Let's talk outside," sagot naman ng doctor sa kanya.
Napatango lang siya, saka ay napasunod sa doctor sa labas ng kwarto ni Daniel.
Nang nakalabas na sila ay agad na hinarap niya ang butihing doctor.
"What does he mean he doesn't remember me, Doc?"
Napatango ang doctor sa kanyang likuran. Malamang ay lumabas rin ang mga kasamahan niya sa loob ng kwarto. Pero hindi na niya inalam kung sino ang kasama niya sa labas. She just wanted to know the truth about what's happening.
"Dahil conscious na si Daniel, we have to continue to monitor his situation. Dahil kakagising lang niya, maaaring disoriented lang siya sa paligid. Hindi naging madali ang pinagdaanan niya over these past few hours na na-unconscious siya. Maaaring nagtamo siya ng cognitive problems such as headaches, attention deficits, and memory problems. Kaya kailangan ay ma-monitor namin siya sa loob ng twenty-four hours," mahabang paliwanag ng doctor.
"So, Doc, posibleng memory problem lang ang nangyari sa kapatid ko?" tanong ni JC. Ito pala ang kasama niya doon."
"Yes. That is in the span of the twenty-four hours," sagot ng doctor dito.
"What if after twenty-four hours, hindi pa rin naibabalik ang memory niya kay Kath?" tanong naman ni Mark.
This time, napatingin na siya sa mga kasamahan niya. Halos silang lahat pala ang lumabas ng kwarto, except for Danna. A pang of jealousy swept over her system, but she brushed it off. Hindi iyon ang importante sa ngayon. Ang importante ay ang malaman niya ang kalagayan ni Daniel.
"Then Daniel might be experiencing memory loss," sagot ng doctor.
"Memory loss?" naguguluhang tanong niya.
"Yes. Pero ayon naman sa observations ko, mild lang ang natamong brain injury ni Daniel. Maaaring temporary memory loss lang ang natamo niya."
"Pero bakit ako lang ang hindi niya matandaan, Doc?" tanong uli niya dito.
"Daniel might be experiencing dissociatve amnesia, or ang tinatawag nating selective memory loss. Usually, ang mga nakakalimutan ng pasyente na mga memories niya ay iyong mga ayaw rin niyang matandaan. It might be temporary. But in the case that the patient will be unwilling to recall his memories, maaaring maging permanent na ang ito."
Nanlambot siya sa sinabi ng doctor. Ibig sabihin ba nito, ayaw siyang matandaan ni Daniel? Na gusto na siya nitong makalimutan?
Hindi nalang niya namalayang napahikbi na pala siya. Naramdaman nalang niyang may nakayakap na pala sa kanya. Napatingin siya kay Vicky na mahinang hinahagod-hagod ang likuran niya habang humihikbi siya sa balikat nito.
"But don't worry, Kath. May magagawa ka namang paraan para bumalik ang ala-ala niya sa iyo. Kailangan mo lang siyang tulungang maalala ka. You can do that by keeping on reminding him of his role in your life. Kapag araw-araw ay nagagawa mo iyan, then puzzles of his memories of you will fit in the right places. Kailangan lang ng kaunting panahon at pag-uunawa galing sa iyo," pampalubag-loob ng doctor sa kanya.
"Thank you, Doc," narinig niyang sabi ni Vicky.
Tumango lang ang doctor bago nagpaalam sa kanila at tuluyan nang umalis. Nakaalis na nga ang doctor ay nasa labas pa rin silang lahat sa kwarto ni Daniel at tila pinoproseso sa utak ang impormasyong sinabi sa kanila ng doctor.
Kahit siya rin, pilit niyang iniintindi ang mga sinabi ng doctor. Naguguluhan siya at nasasaktan. Ayaw ba talaga siyang matandaan ni Daniel? Siguro nga tama lang iyon para sa kanya, dahil alam niyang nasaktan niya ito. Pero hindi ba't nasaktan lang din naman siya? Alam niyang maaaring nagkamali siya ng desisyon para huwag paniwalaan ang tunay na damdamin nito para sa kanya. Kaya nga nandito siya't pilit binabago ang maling desisyong nagawa niya.
"Don't worry, Kath. We'll help you. We'll make a way para matandaan ka ulit ni Daniel," ang sabi ni Dominic pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Oo, Kath. Babawi kami sa kasalanan namin sa iyo. Gagawa kami ng paraan," segundang tugon ni Mark.
Naramdaman naman niya ang mahinang tapik sa balikat niya galing kay JC. "Don't worry. My brother won't forget you. Hinding-hindi iyon makakalimot sa mga taong mahal niya, especially the girl he loves the most."
Somehow, dahil sa mga encouragement ng mga tao niya sa paligid, naging kampante siya. Naging mas malakas siya para gawin ang lahat ng makakaya niya para matandaan siya ng mahal niya. Gagawin niya ang lahat para kay Daniel. Ganoon niya ito kamahal. Kahit na paulit-ulit pa siya nitong masaktan, gagawin pa rin niya ang lahat para dito. Ibibigay pa rin niya ng buo ang kanyang puso dito.
__________
"O, Kath, anak. Aalis ka na ba?"
Napahinto si Kath sa may pintuan ng bahay para lingunin ang ina. "Opo, Ma. Alis na po ako, ah. Kailangang maaga akong makarating sa hospital, eh. Hahatiran ko si Daniel ng breakfast."
Lumapit naman ang mama niya sa kanya dala-dala ang isang brown paper bag, saka ito inabot sa kanya. "Iyan. Dalhin mo rin iyan kay Daniel. Lasagna iyan, ang paborito niya. Sigurado ako, na-miss rin niya ito."
Mahinang napatango siya saka niyakap ang ina. "Salamat, Ma."
Hinagod-hagod lang nito ang likod niya. "No problem. Huwag kang mag-alala. DJ will come around. At nandito lang ako para sa iyo, huwag mong kalimutan iyan."
She hurriedly swept away the tear that escaped from her eyes bago ito makita ng ina. Bagkus ay hinigpitan lang niya ang yakap niya dito. "Thanks again, Ma."
"O, siya, siya," wika ng mama niya saka siya binitawan. "Lumakad ka na. Naghihintay na si Daniel sa almusal niya," natatawang sabi ng mama niya.
"Opo, Ma. Sige po. Alis na ako," huling bilin niya sa mama niya bago niya ito hinalikan sa pisngi at tuluyan nang umalis ng bahay.
Habang nasa biyahe papuntang hospital ay bigla nalang may nag-text sa kanya. It was Aaliyah.
"Kath, can we talk? Please?"
Hindi pa niya nakakausap si Aaliyah. Ayaw niyang kausapin ito dahil masyado pa siyang nasaktan sa mga ginawa nito. She decided not to reply to her texts.
"Kath, please. Let's talk. I'm desperate to talk to you. Please, give me a chance to explain. Please?"
Napatitig nalang siya sa screen ng cellphone niya. Bibigyan ba niya ito ng pagkakataong kausapin siya.
"Is it a little too much to ask for a chance to explain? Please, Kath. Give me a chance."
This time, hindi na siya nakatiis. Maybe she needs to talk to Aaliyah. Kaya ay nag-reply siya dito. She decided to give her a chance to talk and to explain her side fo the story.
"Let's meet at the hospital. Papunta na ako," ang pag-reply niya sa text nito.
When she arrived at the hospital ay nadatnan niya si Aaliyah na nag-aabang sa kanya sa labas ng pintuan ng kwarto ni Daniel. Aaliyah smiled at her when she arrived, but she didn't welcome and exchange the warm greeting back. Hindi pa siya handa para doon.
"Kath," bati nito sa kanya.
She gave her a curt nod before she entered Daniel's room, habang ito ay sinundan lang siya sa loob. Tulog pa si Daniel nang naabutan niya ito sa room. Kaya mas mainam sigurong sa labas nalang sila ng kwarto mag-usap.
"Let's talk outside, Aaliyah," aniya dito saka ay lumabas ng kwarto ni Daniel.
They went to the hospital's chapel. Mas gusto niyang doon sila mag-usap.
"Kath," panimula nito. "Thank you for giving me this chance."
"Let's get straight to the point, Aaliyah. Kailangan ko pang puntahan si Daniel after this."
Nagbuntong-hininga ito bago siya tuluyang hinarap. "Look, Kath. I know hindi sapat ang "sorry" ko sa lahat ng nagawa ko sa iyo."
Damn, right. Hindi nga talaga sapat ang sorry sa lahat ng nagawa nito sa kanya.
“But I just really want to let you know how sorry I am. Sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng sinabi ko, sa lahat ng kasinungalingan ko... I'm so sorry, Kath. Believe me, I just did that because I had to."
Napataas ang kilay niya. "You had to? Well, now, masaya ka ba sa mga nangyari? Masaya ka bang dahil sa mga ginawa mo ay nakahiga na ngayon si Daniel sa hospital bed at hindi pa ako maalala?" Hindi niya mapigilan ang galit na mamuo sa dibdib niya.
Umiling-iling ito. "Kath, I know I've done damages that I couldn't take back. I've hurt a lot of people and I couldn't take that back. Malaki ang naging pagsisisi ko sa mga pinaggagawa ko."
Nagsimula na itong umiyak. Naiiyak na rin siya pero hindi siya nagpatinag.
"Kath, nagawa ko lang naman iyon dahil sa pagmamahal," humihikbing sabi nito.
"Pagmamahal? Do you really know anything about love?" tanong niya dito.
"Kath, whether you can see it or not, lahat tayo na involved sa sitwasyon na ito ngayon, lahat tayo ay nagmamahal. Nagagawa natin ang mga bagay-bagay dahil sa lintik na pagmamahal na iyan," Aaliyah said. "You love Daniel, Daniel loves you, Danna loves Daniel, Dominic loves Danna, and I... well, I love Dominic. Can't you see? Lahat tayo ay nagugulo lang dahil sa pagmamahal natin."
"You love Dominic?" tanong niya dito.
Hindi niya aakalaing maririnig niya iyon mula kay Aaliyah. Parang nakakalula ang mga pinagsasabi ni Aaliyah. At first, para sa kanya, this was just all about her, Daniel and Danna. Parehong nagmahal sila ni Danna sa iisang lalake. Iyon ang naging komplikasyon sa sitwasyon. At akala niya iyon lang. Pero there's more of the story untold.
"I have loved him the moment he wiped away the tears off my face and made me smile," sagot ni Aaliyah sa tanong niya.
Hindi na siya nagtanong pa. Bagkus ay nagpatuloy lang ito sa kwento nito.
"Yes, Kath.. nagawa ko ang lahat ng nagawa ko dahil kay Dominic. Mahal na mahal ni Dominic si Danna na gagawin niya ang lahat para dito. To the point na gagawin niya ang lahat para protektahan ito. Noong iniwan ni Daniel si Danna, naging miserable si Danna. At naging miserable din si Dominic.
"Dominic and I were both adopted. Dahil doon kaya kami nagkakilala. One day, Dominic came to me telling me he knew about my real parents, and that kung gusto kong malaman ang tungkol sa mga totoo kong mga magulang, may kapalit na kabayaran iyon."
Nagbuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy.
"You know, hindi naman ako pumayag sa kagustuhan ni Dominic dahil lang sa parents ko, eh. Well, partly yes, I wanted to know what happened to my real parents. Kung bakit nila ako inabandona at ipinaubaya sa iba. But also, part of me did what I did because I wanted more. I wanted Dominic. Gusto kong magkaroon ng pagkakataon na makasama siya. Gusto ko siya. Mahal ko siya."
"And you think, by doing what you did, nakuha mo na siya?" tanong niya dito.
"Well, I did got all his attention, right? Kahit dahil doon lang, kahit mali ang ginawa ko, as long as I got a little of his attention, okay na ako."
"Crazy, stupid love," mahinang nasambit niya.
"Yes. Crazy dahil nagagawa mo ang lahat ng kabaliwan dahil sa pagmamahal. And stupid, dahil hindi mo na iniintindi kung tama ba o mali ang mga pinaggagawa mo." Nagbuntong-hininga ulit ito. "Look, Kath, I am not expecting you to forgive me. Kasi alam kong hindi madaling gawin iyon sa pagkakataong ito. Because I know I've hurt you so much and I swear, pinagsisisihan ko iyon. I just wanted to let you know my side of the story. Para kahit konti, you would understand and would eventually find a reason to forgive me."
Maybe, yes. Pero hindi pa sa ngayon. "In time, Aaliyah. All in God's time."
She gave Aaliyah a weak smile and she saw in her eyes a liitle faint of hope. In time, magkakaroon rin siya ng lakas na patawarin sila Aaliyah at Dominic sa mga ginawa nito sa kanya. Pero sa ngayon, she needed time for her to forgive herself. Para naman mas mabibigyang daan ang pagmamahal niya para kay Daniel.
__________
After their heart-to-heart talk with Aaliyah, gumaan ng konti ang pakiramdam niya. Dahil alam niyang kahit papaano, alam niya kung bakit nagawa iyon ni Aaliyah sa kanya. Somehow, naiintindihan rin niya ito, and so does with Dominic. Naiintindihan niya ang mga ito. Nagawa lang nila ang mga ginawa nila dahil sa pag-ibig. And perhaps, kung siya man, alam niyang gagawin rin niya ang lahat para sa mahal niya sa buhay.
Nang papasok na siya ng kwarto ni Daniel ay narinig niya ang malutong na tawa nito, kasabay ng tawa ng isang babae. When she finally entered the room ay nakita nga niyang tumatawa si Daniel... at si Danna. Pumiga na naman ang isang bahagi ng puso niya dahil sa nakita.
"Kath," nakangiting bati ni Danna sa kanya.
Napatango lang siya dito at binigyan rin ito ng konting ngiti. She still is uncomfortable having her around. Pero ang advise naman ng doctor ay healthy para dito ang makasama ang mga taong malapit dito para lahat na ng memories nito ay bumalik. Mapapabilis ang recovery ng memory loss nito. And she wouldn't want to ban Danna out of Daniel's life. Dahil naging kaibigan rin ito ni Daniel.
Napatingin siya sa lalaking mahal niya. He was just staring blankly at her. Walang emosyong nababakas sa gwapong mukha nito, which made her heart break the more.
"Ah, DJ, alis pala muna ako, ah. Pupuntahan ko pala si Stef, eh," paalam ni Danna dito.
Napakunot ang noo ni Daniel. "Aalis ka na kaagad? Eh, kakarating mo palang, eh. Mamaya na. I-text mo nalang si Stef na mamaya na kayong magkita."
Nag-aalangang tumingin si Danna sa kanya bago ito tumingin uli kay Daniel. "Eh, hindi pwede, eh. Alam mo naman ang babaeng iyon. Naghi-hysterical kapag hindi natutupad ang kagustuhan niya."
Dahil doon ay napahalakhak na naman si Daniel. Oh, how good it is to hear his laugh again. Sayang nga lang at hindi siya ang dahilan sa mga tawa nitong iyon.
"Sige, DJ ha? Una na ako," anito at bineso si Daniel sa pisngi bago ito naglakad papunta sa kinaroroonan niya sa may pintuan. "Sige, Kath," paalam nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Sila nalang ni Daniel ang naiwan sa loob ng kwarto. It was awkward dahil walang ni isa man sa kanila ang nagsasalita. Nagpapakiramdaman lang silang dalawa.
"Kathryn, right?" narinig niyang tanong ni Daniel.
Mahinang napatango lang siya.
"Come. Umupo ka muna dito," anito habang itinuturo ang upuang nasa malapit sa kama nito.
Agad na tumalima siya at umupo sa silya. Saka lang niya naramdaman ang dalang pagkain.
"Ah, siyanga pala babe - ah, este, DJ. I brought you food," nakangiting sabi niya sabay abot dito sa paper bag na kinalalagyan ng pagkain. "It's lasagna. Gawa pa iyan ni Mama. Paborito mo iyan."
Inabot nito sa kanya ang paper bag saka ay tiningnan ang laman. Then he closed it and placed it on the bedside table.
"Thanks. But, lasagna's not my favorite," Daniel said a matter-of-factly.
"Oh." Napayuko siya saka ay huminga ng malalim. "Kamusta ka na pala?"
Tumango lang ito. "Better."
"May masakit pa ba sa katawan mo?" tanong uli niya dito.
Umiling ito. "Wala."
"Okay ka na ba talaga?"
Tumango ito. "Yes."
Napabuntong-hininga siya. Are they back from the past? Balik na naman ba sila sa pagwa-one-word-monologue ni Daniel sa kanya?
Well, bahala na si batman. Ang mahalaga para sa kanya ay nag-uusap sila ni Daniel.
Magtatanong pa sana siya dito nang bigla nalang bumukas ang pintuan at lumabas doon ang tatlong lalakeng matatangkad. Nakangiti itong lumakad papunta kay Daniel at inulanan ng yakap.
"Bro, salamat naman at ligtas ka!" wika ng lalakeng kulot ang buhok.
"Salamat at hindi ka pa kinuha ni Lord. Masama ka kasing damo!" wika naman ng lalaking naka-bonnet.
"Pare, you look good. Hiyang na hiyang ka sa pagka-disgrasya mo," sabi naman ng lalaking nakasalamin.
Napatayo nalang siya sa kinauupuan habang tinatanaw ang mga itong nagkakagulo. At napapangiti nalang siya habang tinatanaw ang mahal niyang nakangiti habang niyayakap ng mga kaibigan nito. Kahit na hindi na naman siya ang dahilan ng mga ngiti nito.
Napabuntong-hininga siya. Hay, Daniel Padilla. Kailan kaya ulit magiging ako ang dahilan ng mga ngiti mo?
Napagpasyahan nalang niyang umalis nalang doon. She didn't want to interrupt the mini-reunion Daniel is having with his friends. Hindi pa niya nakikita ang mga iyon habang magkasama pa sila ni Daniel, so malamang ay ngayon lang ulit ang mga iyon na nagkita.
So, she discreetly went out of Daniel's room. Sa chapel nalang ulit siya maghihintay ng oras para balikan si Daniel. She would pray again for him. She would pray that he would remember her again and the memories they shared together.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro