Chapter 60
"Ma'am Cory? Pinatawag niyo daw ako?"
Napabaling ang atensiyon ng kanyang head talent manager mula sa peryodikong binabasa nito sa kanya.
Agad itong tumayo at nilapitan siya. "Is he alright?"
Nagbuntong-hininga siya. Alam niyang tatanungin nito iyon sa kanya. Kaya ay agad na sinagot niya ito. "He is still unconscious, Ma'am Cory."
"Oh my God. Will he be alright?" anito pa na may matinding pag-aalala sa binata.
"Ang sabi ng doctor ay stable na daw po ang kondisyon niya. Pero inoobserbahan pa daw nila si DJ," agad na sagot niya dito.
Tumango-tango ito, saka siya iginiya sa sofa na nasa opisina nito. "So, how are you coping up?"
Nagbuntong-hininga siya. Ano ba ang sasabihin niya dito? Alam niyang hindi siya okay. At ayaw niyang magsinungaling kay Ma'am Cory.
Napayuko siya. "I don't know, Ma'am Cory. Hindi ko talaga alam."
Naramdaman niya ang mahinang paghimas nito sa braso niya. A gesture of sympathy and comfort. Iyon iyong kailangang-kailangan niya sa panahong iyon. Ang may makiramay sa kanya sa panahong iyon.
"I know I needed to be strong sa panahong ito. Kasi kailangan iyon. Para na rin kay DJ. Alam kong ayaw niyang nakikita akong nanghihina."
Hindi na niya napigilan ang sariling humagulhol. Agad namang dinaluhan siya ni Ma'am Cory.
"Kailangan kong maging malakas para kay DJ. Para gumaling na siya. Dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin, Ma'am Cory. Hindi ko kaya."
"Shh," pagpapatahan ni Ma'am Cory sa kanya. "Huwag kang magsalita nang ganyan. Gagaling si DJ. At gagaling iyon para sa iyo. Dahil ayaw ka niyang maging malungkot. Kaya huwag kang magsalita nang ganyan. Gagaling siya, okay?"
Napatango-tango nalang siya sa sinabi nito.
"Daniel is strong. Makakaya niyang lampasin ang pagsubok na ito sa buhay niya. Manalig ka lang sa Panginoon," patuloy pa nito.
Sana nga. Sana gumaling na si DJ. Para sa akin.
__________
Masama ang kutob ni Dominic. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ayaw ipasabi ni Daniel kay Kath ang tungkol sa nalaman nito mula sa kanya.
Hindi niya namalayang kanina pa pala ito nagising. At alam niyang narinig nito ang lahat nang sinabi niya. Narinig nito ang pag-amin niya sa mga kasalanan niya dito. And he knew, na kung magaling lang ito at nakakakilos nang maayos, bugbog ang aabutin niya dito.
Pero talagang hindi maganda ang kutob niya sa paglilihim ni Daniel kay Kath. At hindi rin siya mapakali dahil hindi niya alam kung anong gagawin. Kung susundin ba niya si Daniel at mapatawad siya nito, o kung sasabihin niya kay Kath ang tungkol doon para maibalik ang tiwala nito sa kanya?
He was devastated with the dilemma he has. Ano ba ang dapat niyang gawin? Ano ba ang tama niyang gawin? Ano ba ang dapat niyang sundin?
Kahit na maghalungkat siya sa isip nang kung anong dapat gawin, ay wala siyang mahalungkat. Nananatiling walang sagot ang mga tanong niya sa isip.
Nagbuntong-hininga siya. Ang gulo-gulo na ang pinasukan ko. Ikaw kasi Dominic, eh!
Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad. Mamaya na niya iisipin kung ano ang dapat niyang gawin sa sitwasyon. Dapat muna niyang ipaalam sa doctor ang kalagayan ni Daniel.
Nang nakarating siya sa nurse's station ay agad na hinanap niya ang doctor ni Daniel.
"Nasa operating room pa po si Dr. Gonzales. Bakit po?" tanong ng nurse sa kanya.
"Gising na si Daniel Padilla," ang sagot niya dito.
Tumango lang ang nurse na halata namang natuwa sa sinabi niya, bago nito tinawag sa intercom ang butihing doctor.
Kinapa niya naman sa bulsa ang kanyang cellphone at hinanap doon ang number ni Kath. She needs to know that Daniel is already awake.
________
"You need a time off, Kath. Sa tingin ko ay kailangan mo iyan hindi para bantayan si Daniel, pero para sa sarili mo na rin," narinig ni Kath na sabi ni Ma'am Cory.
Tama nga naman si Ma'am Cory. Siguro iyon ang kailangan niya sa ngayon. Kailangan niya ng oras para sa sarili niya. At oras para alagaan niya si Daniel.
"But as much as I want to give you that, pero hindi ko magagawa. I'm sorry. I can't do anything, Kath. Hindi ko pwedeng baliin ang mga kontratang napirma mo na," patuloy pa nito.
Yes, she needed the break. Hindi niya alam kung may maganda bang idudulot iyong break from show business na kailangan niya. Pero wala na siyang pakialam. Dahil isa lang ang hinahangad niya sa ngayon.
At iyon ay ang maalagaan si Daniel. Her career doesn't matter to her anymore. Aanhin pa niya iyon kung ang taong siyang nagtayong inspiration sa buhay niya at sa pagpapatuloy niya sa career niya ay hindi naman niya maalagaan. She would sacrifice it for the man she loves.
"Ma'am Cory, willing po akong isakripisyo ang career ko, para kay DJ. Kaya kahit na labag po sa inyong kalooban, pasensiya na po. Pero nakapagdesisyon na po ako kung ano ang gagawin ko," buong-pusong pahayag niya dito.
Alam niyang wala nang bawian pa sa sinabi niya. Pero talagang desididong-desidido na siya sa gagawin. Gusto niyang alagaan muna si Daniel. Siguro, may iba pa naman siyang pangarap bukod sa pagiging isang artista. Makakahanap rin siya ng iba. Pero sa ngayon, kailangan siya ng taong mahal niya.
"Are you sure about this, Kath?" tanong ni Ma'am Cory.
Napatingin siya dito, at mahinang umiling. "Hindi po. Pero kailangan ko pong gawin ito. Dahil iyon ang kailangan ko... iyon ang kailangan ni DJ."
Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "Kath, kung gagawin mo ito, wala nang bawian. If you bail out, I can't promise you another slot. Marami nang pagkakataong bumitaw ka sa pangarap mo, at hindi sa lahat nang panahon ay maibibigay ko ulit iyon sa iyo."
Tumango-tango siya. "Alam ko po iyon, Ma'am Cory. Pero desidido na po ako."
Natahimik ito saglit at tinitigan siya. Siguro ay tinatantiya nito ang desisyong gagawin nito sa sinabi niya.
"Ma'am Cory, pasensiya na po talaga. At sorry sa lahat-lahat ng kabiguan na idinulot ko sa iyo. Marami na po akong hiningi sa inyo, at kayo naman, wala kayong sawa sa pagsuporta sa lahat ng mga naging desisyon ko. Ito na po ang kahuli-hulihang pagkakataon na hihingi ko po sa inyo ito. Pagkatapos nito, wala na po akong iba pang hihilingin pa sa inyo," mahabang sabi niya dito.
Hindi pa rin ito umiimik. Bagkus ay nanatiling nasa kanya lang ang tingin. Kapagkuwan ay napatango nalang ito, ibig sabihin, nakagawa na ito ng desisyon.
"I'm really sorry, Ma'am Cory - "
"Kath, hindi ko tinatanggap ang sinasabi mo."
"But, Ma'am Cory - " pagtutol sana niya sa sinabi nito.
"Okay, you go and take your break. Take your break and take care of Daniel. Pero huwag ka munang bumitaw sa career mo. Just... you do whatever you have to do. Ako na ang bahalang mag-asikaso sa mga dapat aasikasuhin mo dito," ang wika nito.
Hindi niya napigilang yakapin si Ma'am Cory. Sobrang biniyayaan talaga siya ng mabuting boss kagaya ni Ma'am Cory. Ang laki-laki na ng utang na loob niya dito. Sobrang-sobra lang talaga ang pasasalamat niya dito.
"Ma'am Cory, hindi mo lang alam kung gaano ako kasobrang nagpapasalamat sa iyo. Sobra-sobra na po ang tulong niyo sa akin... sa amin ni DJ."
Hinagod-hagod lang nito ang kanyang likuran habang patuloy lang ang pag-iyak niya sa masasandalang balikat nito. Nasa ganoong posisyon pa rin siya nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone.
Agad na inayos niya ang upo at pinahid ang mga luha sa pisngi. Kinuha niya ang cellphone mula sa dalang bag na nakapatong sa mesita sa tabi ng sofang kinauupuan. Nang makita kung sino ang tumatawag ay agad na sinagot niya ito.
"Dominic?"
__________
Nagmamadaling nilakbay ni Kathryn ang hallway ng hospital kung saan in-admit si Daniel. Lakad-takbo ang ginawa niya para lang mabilis siyang makarating sa kwarto nito. Nang matanggap niya ang tawag ni Dominic ay kinabahan siya. Dahil sa inaakala niyang may masama nang nangyari kay Daniel. Pero laking tuwa nalang niya nang ibinalita nitong gising na si Daniel.
"Kath, dahan-dahan lang," pagpapaalala ni Vicky sa kanya nang may mabunggo siyang isang pasyente sa wheelchair. Agad na humingi siya ng paumanhin dito bago naglakad ulit papunta sa kwarto ni Daniel.
Nasa likuran niya ito, kasama si Mike, at hinahabol siya. Gusto na niyang makita si Daniel. Hindi na niya matiis ang hindi ito makita. Ito na ang matagal niyang ipinagdarasal sa Panginoon. Ang magising na si Daniel. At sa wakas, pinakinggan siya Nito.
Nang narating na niya ang pintuan ng kwarto nito ay hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at binuksan agad ang pintuan. Doon niya nakita si Daniel na gising na nga. Tumatawa ito habang pinapalibutan ito ng mga taong nagmamahal dito. Nandoon na rin kasi si Mark, JC, Dominic and Danna at kinakausap ang natatawang si Daniel.
I can't believe he's really awake and laughing!
Napakalaki ng ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Hindi talaga siya makapaniwala. Talagang epektibo ang ginawa niyang pag-usal ng panalangin sa Panginoon araw-araw. Hindi pa rin pala dapat tayong mawalan ng pag-asa dahil dinidinig ng Panginoon ang lahat ng pinagdarasal natin.
"DJ..." nakangiting bati niya dito.
Lumipad ang tingin nito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mga mata.
Oh, how I've longed to see your eyes again.
Agad na napasugod siya dito at niyakap ito nang mahigpit... nang sobrang higpit. Nami-miss na niya ito. Nami-miss niyang marinig ang tawa nito. Nami-miss niya ang yakapin ito nang mahigpit kagaya ng ginagawa niya.
"Babe, salamat at gising ka na! Na-miss kita, sobra! Salamat at pinakinggan rin ng Panginoon ang panalangin ko sa kanya," hindi niya mapigilang maiusal habang nakayakap siya dito.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin dito, para lang makita ang gulat at nagtatakang mukha nito.
"Bakit? May masakit ba sa iyo? May nararamdaman ka ba?" agad na tanong niya dito. Baka kasi may nararamdaman itong hindi maganda.
Ibinaling niya ang atensiyon sa mga kasamahan niya sa kwarto.
"Teka, nasaan si Dr. Gonzales? Bakit wala pa siya? Dapat nandito na siya't tinitingnan ang kalagayan ni Daniel ngayong nagising na siya," aniya sa mga kasamahan.
Nagkibit-balikat lang ang mga ito. Hindi nalang niya hinintay pa ang sagot ng mga ito at ibinaling uli ang atensiyon sa nobyo.
Agad na napahaplos siya sa mukha nito. Ghad, hindi niya alam kung anong dapat mararamdaman sa pagkakataong iyon. Feeling niya ay maiiyak siya dahil sa sobrang kasiyahan. Dahil alam niyang magiging okay na ang lalaking mahal niya.
"Okay ka lang ba talaga, ha? Babe? Bakit hindi ka sumasagot?" tanong niya dito.
Pero ang pagtataka pa rin ang nakukuha niyang sagot dito.
“Hoy! Bakit hindi mo ako kinikibo, ha? Na-miss mo ba ako? Ano?" natatawa nang sambit niya.
Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat na maging reaction niya sa reaction nito. Parang kinakabahan siya na masaya na ano. Hindi talaga niya malaman. Ito ba ang tinatawag nilang overwhelmed na feeling? Sobra-sobra yata ang nararamdaman niyang ganoon.
Lumipad ang tingin niya, at pati na rin ng lahat ng kasamahan niya sa kwarto, nang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Dr. Gonzales, ang doctor ni Daniel.
"Doc," nakangiting bati niya dito.
Ningitian din siya nito, bago ibinaling ang atensiyon kay Daniel.
"Hi, Daniel," bati ng doctor dito.
"Doc," nakangiting wika ni Daniel.
"How are you feeling now?" tanong ng doctor dito.
"Mabuti naman po," sagot nito.
"Wala ka bang nararamdaman na pagkahilo? O kaya'y nasusuka?"
Umiling-iling ito. "Wala naman po, Doc."
Inilabas ng doctor ang stethoscope nito at nagconduct ng check - up test kay Daniel. Habang siya naman ay masaya pa ring tinitingnan ang mukha ni Daniel habang ichini-check up ito.
Nang matapos ang doctor ay tinapik nito ang balikat ni Daniel.
"Kamusta po, Doc?" siya na ang nagtanong dito. Hindi na niya mahihintay pa ang i-aanunsiyo ng doctor. Kailangan na niyang marinig ang sasabihin nito.
"Well, mukhang wala namang problema. At wala namang ibang nararamdaman si Daniel," sagot ng doctor. "Sa tingin ko, everything is just fine. Fully recovered na si Daniel."
Mas lumaki pa ang ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Malaking relief ang marinig iyon mula sa doctor.
Hinarap ng doctor si Daniel. "Makakaramdam ka lang ng kaunting sakit pa sa mga injuries mo, Daniel. But aside from that, mukhang okay naman na ang lahat. Pero, kailangan mo pa ring uminom ng pain reliever at ang inireseta kong gamot para sa fast healing at recovery ng mga injuries mo."
Tumango lang naman si Daniel.
Tinapik ulit ng doctor ang balikat ni Daniel. "So, kung wala ka nang tanong, Daniel. I think I better go. May mga ibang pasyente rin akong titingnan," nakangiting paalam ng doctor.
Pero bago pa man tuluyang nakaalis ang doctor ay tinawag ito ni Daniel.
"Yes, Daniel?" tanong ng doctor dito.
"Ah, may tanong lang po kasi ako, eh."
"Go ahead."
Nakita niyang napatingin si Daniel sa kanya, bago ito humarap ulit sa doctor.
"Ahm, Doc? Bakit po hindi ko siya maalala?" ang tanong ni Daniel sa doctor habang itinuturo siya.
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Ano ba ang ibig nitong sabihin? Napatingin siya sa doctor at nakita rin ang nagtatakang mukha nito.
Napabaling ang tingin niya kay Daniel at walang ekspresyon ang mababakas sa mukha nito.
"Ah... D-DJ? Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya dito.
"Ah, Miss... I'm sorry. Pero hindi kita maalala, eh. Sino ka nga?"
Nagulat na napatingin siya sa doctor. Ano ang ibig sabihin nitong hindi siya nito maalala? Kinalimutan na ba siya ni Daniel?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro