Chapter 6
Nasa harapan ngayon si Kathryn at sinipat-sipat ang repleksiyon sa salamin. She was at the Abreeza Mall at Davao dahil may mall show siyang ginagawa para sa Princess and I Royal Caravan.
"Nasaan na ba kasi si Daniel?" Narinig niyang nagpa-panic na tanong ni Mark. He was pacing back and forth sa nag-iisang dressing room sa activity center sa mall.
Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit kay Khalil, isa sa mga co-actors niya sa show.
"Anong nangyari kay Kuya?" tanong niya dito, referring to Mark.
"Wala pa kasi si Daniel, eh," sagot lang nito.
Kumunot ang noo niya. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?
It has been a week since nailabas na ito ng hospital. Nalaman niyang kaya pala ito inatake ng asthma kasi na-trigger ang allergy nito sa bulaklak.
"Grabe 'no? I heard na kaya inatake si DJ ng asthma last time ay dahil sa bulaklak," ang sabi ni Khalil sa kanya.
Grabe. Pyschic ba 'tong si Khalil? Paano niya nalaman kung anong iniisip ko?
Tumango nalang siya dito.
"Paano ka bibigyan ni DJ ng bulaklak niyan? Eh, allergic pala siya doon?" tanong nito.
"Okay lang iyan. Ayaw ko naman ng mga bulaklak, eh. Matatapon lang kasi iyon. Okay na ako sa chocolates," natatawang sagot niya dito.
"Choosy ka pala." Napalingon siya sa taong nagsalita at nabigla nang makita si Daniel. So, dumating na pala ito.
"Mabuti naman at dumating ka na," ang sabi lang niya dito.
"Siyempre. Ayokong malungkot ang mga fans natin," sagot nito.
"Buti kung ganoon."
"Baka malungkot ka rin. Ayokong mangyari iyon."
And again, for the nth time, she was rendered speechless.
Ano ba itong si Daniel? Jusko, bipolar ba ito?
"What's with the stare?" tanong nito sa kanya. She then realized that she was staring at him. As in, intently staring at him.
"Nothing." Iniwas niya ang tingin dito at tumingin nalang kay Khalil.
Narinig niyang tumikhim si Vicky. "Guys, go na kayo. Five minutes na lang."
Umalis nalang siya doon para umiwas kay Daniel. Pilit niyang itinuon sa ibang bagay ang atensiyon niya. She breathed in and out. Kailangan na talaga niya ng gamot pampakalma. At gamot panlaban kay Daniel.
"Kath, ano? Ready ka na?" tanong ni Vicky nang lumapit ito sa kanya.
"Uhm... I think?"
Tumawa si Vicky ng mahina. "Kung ako sa iyo, mag-ready ka na talaga. Baka mamaya, himatayin ka sa kilig dahil kay Daniel."
Siniko niya ito nang mahina. "Ate naman."
Natawa lang ito.
"Guys, ready na ba kayo para sa KathNiel?" Dinig na dinig niya ang pag-announce ng emcee sa stage kasabay ng mga hiyawan ng mga fans.
"Oh, iyon na yata ang queue niyo, eh," sabi ni Vicky.
And indeed, pinalabas na sila ni Daniel sa stage. Nakahawak ang kamay nito sa bewang niya. His innocent but killer smile was already fixated on his face. Kaya ay napa-smile na rin siya.
Hindi niya talaga alam kung anong chemistry ang meron sila ni DJ na napupuno talaga nila ang mga malls kapag may mall show sila. Wala naman talaga silang ginagawa na extra sweet. Simpleng titigan lang ang ginagawa nila pero grabe na ang hiyawan ng mga fans. Pero kung alam lang ng mga ito ang totoong nangyayari sa pagitan nila ni Daniel, ewan nalang niya kung titili pa ba ang mga ito sa kanilang dalawa.
They were singing the song, "Lucky" by Jason Mraz and Colbie Caillat. Iyon na yata ang naging theme song nilang dalawa. Rather, ang theme song ng pekeng loveteam nila. While he was busy wooing her at the stage, she was busy suppressing the kilig Daniel was giving her. Pero ang hirap. Napakahirap. Dahil kahit ano pa ang gawin nito, kahit simpleng-simple lang, hindi niya talaga mapigilan ang makilig. Daig pa niya ang fangirl kung makilig.
Hay buhay!
"Thank you so much, Daniel Padilla and Kathryn Bernardo," pagpapasalamat sa emcee sa kanila ni Daniel pagkatapos ng song number nila.
"Maraming salamat din po sa lahat ng pumunta ngayon sa mall show namin!" sabi ni Daniel sa mga fans.
"So, may tatanungin lang kami. Kung okay lang sa inyo?" baling ng emcee sa kanilang dalawa.
Sabay silang tumango bilang sagot dito.
"Ano na nga ba ang estado ng relasyon ninyo ngayon?"
Natahimik siya sa tanong nito. Why? Kasi wala naman talaga siyang masasagot dito. Ano ba ang sasabihin niya dito? Na malabo ang relasyon niya at ni Daniel dahil hindi naman talaga siya pinapansin nito. Kung pinapansin nga, palagi namang sinusungitan siya nito. So what was she gonna say?
"We're getting there," narinig niyang sagot ni Daniel. Napatingin siya dito. Cool na cool lang itong nakangiti nang sinagot nito ang tanong ng emcee. Habang ang mga fans naman ay grabe na ang tilian.
"Oh, so you're getting there? Kailan naman dadating, Kath?" tanong ng emcee.
Wala na naman siyang maisasagot.
"Parang speechless yata si Kath ngayon," natatawang sabi ng emcee.
She tried to pull off a hearty laugh. Para naman hindi mahalata nito at ng mga fans na wala talaga siyang masabi.
"Hindi po. Pagod lang po si Kath," sabi naman ni Daniel.
Nagtilian na naman ang mga fans.
"Ay, ganoon naman pala. Pagod pala si bebe Kath ngayon."
"Oo nga po, eh," sabi pa ni Daniel. Laking gulat nalang niya nang biglang pinunasan ni Daniel ang noo niya ng kamay nito. Pinahid nito ang pawis sa noo niya. Pagktapos ay ipinalibot ang braso nito sa bewang niya. Siya naman si kinikilig, hindi makagalaw at nangangapa pa ng hangin dahil kinakapos na ng hininga.
Mas lalo pang lumakas ang tilian ng mga fans.
"Naku, mahiya naman kayo sa mga langgam," tukso pa ng emcee sa kanila. "Anyways... guys, please invite everyone to watch Princess and I."
Naramdaman niya ang mahinang pagpisil ni Daniel sa bewang niya. Doon lang siya tila natauhan.
"Ah, ano po... Salamat po sa lahat ng nanonood ng Princess and I gabi-gabi. Maraming salamat po talaga sa lahat," ang nasabi niya.
"Opo. At tsaka, huwag niyo pong kalimutang manood ng Princess and I. Pagkatapos po ng TV Patrol," dugtong ni Daniel.
"Okay. Thank you Daniel Padilla and Kathryn Bernardo!" pagpapasalamat ng emcee sa kanila.
Nagsimula na silang lumakad ni Daniel paalis ng stage. Lutang pa rin ang isip niya. Hindi na niya namalayang she was going in the wrong direction kung hindi lang siya hinawakan ni Daniel sa bewang at hinila sa tamang exit.
Naka-exit na sila sa stage pero nararamdaman pa rin niya ang init na hatid ng pagkadikit ng palad ni Daniel sa bewang niya. Napatingin siya dito pero dire-diretso lang ang tingin nito.
"Kath! Ba't ang lutang mo yata ngayon?" tanong ni Vicky nang bumungad ito sa kanilang dalawa. Umalis naman si Daniel na hindi man lang nagpaalam sa kanya.
"Ha?"
"See that? At tsaka, kung hindi ka pa hinila ni Daniel, you would've fallen down the stage because you were going in the wrong direction. Ano bang nangyayari sa iyo?"
"Wala naman. Hindi ko alam. Gutom yata ako," pagsisinungaling niya dito.
"Naku, Kath. Ako pa talaga ang pagsisinungalingan mo?"
She sighed. "Wala nga. Huwag na nga natin pag-usapan. Alam kong nagmukha akong ewan. Sorry."
Tumango-tango ito. "Okay, okay. Hindi na. Tara na nga. Hinihintay na nila tayo. May reserved lunch pa kayo ni Daniel para sa mga KathNiel fans ninyo dito sa Davao."
Sumunod lang siya dito. Nadatnan nila sina Mark at Daniel na naghihintay sa pintuan ng labasan ng backstage.
"Ba't hindi pa kayo lumalabas?" tanong ni Vicky sa mga ito.
"Hindi kami makalabas dahil sa daming tao," sagot ni Mark. "Kulang nalang talaga at mag-stampede ang mga tao dahil sa dami nila. Grabe talaga kayong dalawa. Ang dami ninyong fans."
"Sila Khalil?" siya ang nagtanong dito.
"Nakaalis na sila. Kanina pa, while the both of you were having your turn sa stage. Kaya madali lang silang nakalusot," sagot ni Mark.
"Paano na tayo makakalusot nito?" naiinip na tanong ni Daniel.
"Teka, tatawag ako ng additional security," sabi naman ni Vicky habang inilabas na ang cellphone at nag-contact ng karagdagang security.
Tahimik lang sila habang naghihintay matapos ang tawag ni Vicky.
"They're sending additional securities na para makalabas tayo ng maayos," announced Vicky pagkatapos nakipag-usap sa telepono.
Napaupo nalang silang lahat habang hinihintay ang pinapadala ng mall na security. Lihim na napatingin siya kay Daniel. Naka-plug na naman sa tenga nito ang earphones nito.
Kahit na nakaside-view, ang gwapo mo pa rin, lihim na paghanga niya sa ka-loveteam.
May natanggap naman na tawag si Vicky.
"Guys, pwede na daw tayong lumabas. Nandiyan na ang security," pahayag nito after ng tawag nito.
Tumayo silang lahat at lumabas na ng backstage. And indeed, tama nga si Mark. Ang daming tao talaga. Halos napuno ang mall ng tao.
"Ang dami niyo talagang fans," namamanghang sabi ni Mark.
"Oo nga," segunda pa ni Vicky.
Nauna sila Daniel at Mark kesa sa kanila Vicky. Kahit na may maliit na na pathway na inilaan sa kanila para makadaan sila, dahil sa dami ng tao, mahirap pa rin para sa kanila ang makalusot. Nagtutulakan kasi ang mga fans pagkakita sa kanilang dumaan.
Dahil may ibang fans ang inaabot ang mga kamay sa kanila para makipag-kamay ay nahila ng isang fan ang buhok niya.
"Aw!" Napa-aray siya sa sakit. Hindi niya namalayang napalayo na pala siya kina Vicky.
"Ate Vicky!" tawag niya dito.
Pero malayu-layo na ang mga ito at malamang ay hindi na siya naririnig. Hindi na rin napigilan ng mga security ang mga fans kaya ay naipit na siya sa mga ito.
Oh God, sana ay mabuhay pa ako. Ayokong mamatay, isip-isip niya habang naiipit na sa siksikan ng mga tao. Pinipilit niyang labanin ang dagsa ng mga tao pero natatakot siyang hindi siya magtatagumpay. Halos hindi na siya makahinga dahil sa sikip. Pinapanalangin niyang sana ay makalabas na siya sa gulong iyon.
When all her hopes were crumbling down and she felt like giving up, bigla namang may humila sa kanya at niyakap agad siya. Napa-angat ang tingin niya sa lalaking nagsagip sa kanya.
"DJ?"
"Huwag kang mag-alala, Kath. I'm getting you out of here. Just hold me tight and never let me go," ang sabi lang nito sa kanya.
Yes, DJ. I'll hold you tight and will never, ever let you go.
__________
Malaking buntong-hininga ang nailabas ni Daniel nang nakalabas na sila ni Kathryn sa tumpok ng crowd na halos ikapahamak na ni Kathryn. He breathed in a sigh of relief.
"Okay lang ba siya?" tanong ni Vicky sa kanya nang nakasakay na sila ng van. Nasa van na si Vicky at Mark at naghihintay sa kanila. Binalikan niya pa kasi si Kath sa loob ng mall.
Tumango lang siya. Napatingin siya kay Kath na tahimik na umiiyak. Nanginginig pa nga ang mga kamay nito. Katabi niya ito sa van. Halatang natakot ito sa crowd kanina. Grabe pala talaga ang mga fans nila. Napaka-wild ng mga ito. Pero hindi rin niya masisisi ang mga ito.
Inaamin niya, talagang natakot siya kanina nang ma-realize na naiwan si Kath at hindi na nakasunod sa kanila palabas ng mall. Kaya hindi siya nagdalawang-isip na tumakbo papasok ng mall at hanapin ito. Baka kasi naipit na ito sa kumpulan ng mga tao. Grabe pa naman ang siksikan doon.
He felt relieved nang nakita niya agad si Kath. Nakarehistro ang takot sa mukha nito. Napapikit ito ng mga mata habang nakahawak sa ulo nito. Hindi niya alam kung anong iniisip nito sa panahong iyon pero sa palagay niya, naiisip na nitong mamamatay na ito. Kaya hinila niya agad ito at niyakap. He felt the urge to make her feel that she was safe in his arms. That he will protect her.
"Kath? Okay ka lang?" mahinang tanong niya dito.
Napatingin ito sa kanya. He felt the urge to pull her again for a hug. Namamasa kasi ang mga mata nito.
"Kath..." Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap na ito. Hinahagod-hagod niya ang likod nito. He wanted to comfort her the best way he could. Napahagulhol ito sa balikat niya.
"Natakot ako kanina, DJ," ang sabi nito sa pagitan ng hikbi nito.
"Shh. It's okay. You're safe now. Hindi ko hahayaang masaktan ka," pag-comfort niya dito. Napahigpit ang yakap niya dito.
"Thanks, DJ," pagpapasalamat nito.
Nararamdaman niya that her grip was starting to loosen up. Pagtingin niya dito ay nakita niyang nakapikit na ang mga mata nito. Nakatulog na ito. Napagod siguro ito dala na marahil sa rush nang maipit ito sa karamihan ng tao kanina. Pero ramdam niya pa ring nanginginig pa rin ang buong katawan nito.
Hush now, Kath. You're safe now.
__________
Kath was already in the hotel room that they were staying in Davao nang inimulat na niya ang kanyang mga mata. Inikot niya ang tingin sa paligid at nakita ang mama niya at si Vicky na nag-uusap.
"Kinausap ko na po ang management ng ABS at ire-report nila ang insidente sa management ng mall. Nagre-request na sila na sana sa susunod na may mall show ulit ay padagdagan na talaga nila ang security para maiwasan na ang nangyari kay Kath. Buti nalang po talaga at hindi nasaktan si Kath," narinig niyang sabi ni Vicky sa mama niya. Sasagot sana ang mama niya nang tawagin niya ito.
"Ma?"
Napalingon ito sa kanya at agad naman siyang dinaluhan nito. "Kath... honey, are you okay?"
Kitang-kita niya sa mukha ng mama niya ang pag-aalala. "Ma, okay lang po ako. Na-shock lang po ako nang kaunti pero maayos naman po ako."
"Thank God at hindi ka nasaktan. Mabuti nalang at dumating si DJ."
As if on cue, pumasok si Daniel sa kwarto niya. Agad na nabaling ang atensiyon niya dito. Ngumiti naman ito sa kanya.
"Sige, mag-usap muna kayo. Pupuntahan ko lang si Vicky at kakausapin ko rin siya," sabi ng mama niya saka ay lumabas ng kwarto niya. But before her mom went out of the room ay nagpasalamat muna ito kay Daniel.
"Kamusta ka na?" tanong ni Daniel sa kanya nang sila nalang dalawa sa kwarto.
"Okay naman ako. Mabuti-buti na rin ang pakiramdam ko."
Lumapit ito sa kanya. "Mabuti kung ganoon."
They went silent for a while. Walang gustong magsalita sa kanilang dalawa. Hindi rin naman niya alam kung anong sasabihin niya dito.
"Ah, by the way, may dala akong chocolates," pagbasag nito sa katahimikan. Doon lang niya napansin ang hawak-hawak na plastic nito. Inabot nito sa kanya iyon kaya tinanggap naman niya. Nang tumingin siya sa loob ng plastic ay nakita niya ang favorite chocolate niya.
"Wow! Reese!" nasisiyahang sabi niya. "How'd you know these were my favorites?"
Natawa naman ito sa reaksiyon niya. "Tinanong ko kay Ate Vicky."
Abot hanggang tenga ang ngiti niya. "Wow! Salamat talaga! Sa chocolates."
Tumango-tango lang ito. "Your welcome."
"At tsaka, thank you rin sa pagligtas mo sa akin kanina."
"No problem."
Tahimik lang silang dalawa habang nilalantakan niya ang ibinigay nitong chocolate. When she looked his way, she saw him genuinely smiling at her for the first time.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro