Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57

"Danna..."

Hindi makapagsalita si Kath. Kaharap niya si Danna at mukhang hindi rin nito alam kung ano ang sasabihin sa kanya.

"Uhm, mabuti pa't iwan ko muna kayo. I think both of you really need to talk," paalam ni Vicky, saka ito tuluyang umalis at iniwan silang dalawa ni Danna sa tabing-dagat.

Wala pa ring nagsasalita sa kanilang dalawa. Nakikiramdam lang sila sa isa't-isa. Pero humakbang naman ito palapit sa kanya nang ilang pulgada, saka ito nagbuntong-hininga.

"Kath, I honestly don't know what to say to you. Or kung saan ko sisimulan ang mga dapat kong sabihin sa iyo," panimula ni Danna.

"Why don't you just tell me the truth. Iyong wala nang paligoy-ligoy pa. Kasi napapagod na akong makinig sa mga kasinungalingan, eh. Pagod na pagod na ako, Danna. Kung totoo man iyong mga sinasabi ni Aaliyah sa akin, then diretsuhin mo na ako. Kasi ayoko na, eh. Kung totoo man iyon, habang nasasaktan pa ako ngayon, sagarin mo nalang. Para matapos na ang lahat nang ito," aniya dito.

"Kath, lahat nang sinabi sa iyo ni Ate Vicky, totoo lahat nang iyon. Mahal ka talaga ni Daniel," wika ni Danna.

"Danna, please... Don't let me hear that."

"Kath, why won't you just believe it?"

"Masisisi mo ba ako?" Hindi na naman niya napigilan ang umiyak. Parang naging non-stop nang lumalabas ang mga luha niya sa araw na iyon, ah.

"Okay, I'm sorry. I know I messed up. Nagulo ko ang damdamin mo noon. I tried to point out to you and prove to you na wala kang pag-asa kay Daniel, dahil ako ang mahal niya. Iyon ang pinapaniwala ko sa iyo, dahil iyon rin mismo ang pinapaniwala ko sa sarili ko," explained Danna.

Napahilamos ito sa mukha nito gamit ang mga palad.

"You know what, Kath? I was so jealous of you. Kasi kahit na nakikita kong sinusungitan ka ni Daniel noon, pagkatapos ng inyong pag-uusap, hindi mawala-wala ang mga ngiti niya sa mga labi. Kaya alam ko na napapasaya mo siya. And I was scared. Because alam kong dahil doon, hindi na namalayan ni Daniel na napamahal ka na sa kanya."

"Why were you jealous of me? Eh, ikaw nga ang mahal niya."

"Kath, DJ never told me that. Simula noong nagkahiwalay kami, wala siyang sinabi sa akin na mahal niya ako. Maraming nangyari sa amin na hindi mo maiintindihan dahil wala kang alam."

"Then why don't you make me understand?"

Nagbuntong-hininga ito. "I became his stylist so just that I could have him back. Plano ko na talagang mapalapit sa kanya dahil gusto kong magkabalikan kami. I know na may kaunting pag-asa pa ako... na may kapit pa ako sa puso niya.

"And then you... when I saw you with him, I felt horribly scared. Kasi iba ang nakikita ko sa mga galaw ni Daniel. The way he acts around you... well, he had never been like that to me. Kaya alam kong nagiging espesyal ka na sa puso niya. Kaya nga kita kinausap noon sa Palawan, eh. Kasi nagbabakasakali akong wala ka ring special feelings para kay Daniel. But I was wrong. Kasi nararamdaman kong matagal mo nang minahal si Daniel," dagdag pa nito.

Damn, right. Matagal ko nang minahal si Daniel. Pero hindi niya pa rin ako nakuhang mahalin.

"Noong nag-shooting kayo sa Palawan, kinabahan ako. Kasi alam kong maaaring may mangyari sa inyong dalawa. That kissing scene you had, doon ko na na-confirmed. And when he kissed me that night, alam ko nang talo ako," wika ni Danna.

Nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata. Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha niya galing doon. Memories of that painful night flashbacked through her mind.

"Kath, are you listening to me? I said talo na ako. Talo ako sa laban. Kasi nang hinalikan niya ako, alam kong may nagbago na. Because after he kissed me, he whispered your name. Your name, Kath, at hindi sa akin. Kaya alam kong habang hinahalikan niya ako noong panahong iyon, hindi ako ang iniisip niya, kundi ikaw.

"That night, he told me he loves you. And it broke my heart into million pieces. Dahil nagmukha akong tanga. Pilit kong nilalabanan ang sarili kong tanggapin na hindi na ako ang mahal niya, kundi ikaw na. I went rogue after Palawan dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Hindi ko kayang harapin si Daniel dahil nasasaktan ako nang sobra. Because I wanted him bad... so bad," said Danna.

"So, what's Aaliyah got to do with all this?" tanong niya dito.

"I came up to Dominic to talk to him about what happened to me and Daniel," sagot naman nito.

"Dominic? Magkakilala kayo ni Dominic?" nagulat na tanong niya dito.

Tumango naman ito. "Yes. He's my brother... well, not technically. Kasi inampon siya ng mga magulang ko. But yeah, para sa akin, nakakatandang kapatid ko siya."

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman. Bakit hindi man lamang sinabi sa kanya ni Dominic na magkapatid pala ito at si Danna. "So? Paano nadamay si Dominic dito?"

"Well, si Dominic ang nag-utos kay Aaliyah na sabihin sa iyo ang lahat ng kasinungalingang sinabi ni Aaliyah."

"What?" Mas nagulat siya sa rebelasyon nito.

"So, you mean, si Dominic ang may pakana ng lahat?" tanong niya.

"Yes," sagot naman nito. "But, please, don't blame him. Siguro nagawa lang niya iyon dahil nag-aaalala siya sa akin. And he's a very protective brother to me."

Sumisikip ang dibdib niya. Talagang bang habit na niya ang magtiwala sa mga taong sinisira naman ang tiwala niya? Hindi siya makapaniwala sa lahat nang nangyayari.

"Kath, please, huwag kang magalit kay kuya Dom. Nagawa lang niya ang lahat dahil sa akin. But, I promise you, I'll fix this. Aayusin namin ito ni kuya. Aayusin namin kayo ni Daniel," anito pa.

Umiling-iling nalang siya. "Do you think basta-basta niyo lang maaayos ang gulong ginawa niyo? Kahit na sabihin mong kayo ang may kasalanan nito, but you've done the damage already. Hindi ko alam kung papaano pa ito maaayos. Because for one, iniwan na ako ni Daniel. Kung talagang mahal niya ako, hindi niya ako basta-basta pakakawalan. And second, sa lahat nalang ng nalaman ko mula sa iyo at sa mga taong akala ko ay pagkakatiwalaan ko, hindi ko na alam kung alin ang totoo sa hindi. Dahil nasira niyo na lahat ng tiwala ko," panunumbat niya dito.

"Alam kong hindi madali ang lahat, Kath. Kaya nga ginagawa namin ang lahat para lang maayos ito, eh. Please, just give us a chance," plead Danna.

"You had your chance, Danna. Noong nagkita tayo sa labas ng room ni Daniel, you had your chance. Pero hindi ka nagsalita. You didn't talk to me. Hinayaan mo akong paniwalaan ang mga sinabi ni Aaliyah," galit na turan niya dito.

"I was stupid. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa iyo," pagdedepensa nito sa sarili.

Ayaw na niyang makipag-usap pa dito. Napapagod na siya. "Let's just forget this ever happened, Danna. Kakalimutan ko na ang lahat nang ito. Kakalimutan ko na ring minahal ko si Daniel."

At tumalikod na siya dito para iwan itong mag-isa doon. Pero bago pa siya tuluyang umalis, hinarap niya ito sa pangalawang pagkakataon.

"I hope you are happy. Thank you... salamat sa lahat ng taong sinira ang tiwala't kaligayahan ko."

And with a tear in her eye, she walked out of that place... where she left the broken pieces of her heart.

__________

"Anong sinabi mo?"

Napayuko si Danna. Obvious namang narinig mo, eh. Ba't pinapaulit mo?

"Aaliyah, anong sinabi mo?"

"Ha?" Napalipad ang tingin niya dito. "Ah... w-wala. Wala naman akong sinabi, ah."

"No, I heard you say something. At sure ako sa narinig ko. I just wanted to confirm," ani Dominic sa kanya.

"Ah, h-ha? Wala iyon. Kalimutan mo nalang iyon," nahihiyang tugon niya dito.

Hindi naman ito umimik. Hay, salamat sa Diyos!

Ilang minuto lang silang natahimik doon sa loob ng kotse nito. Pero hindi niya pa rin maiwasang hindi ma-awkward. Para kasing ang lalim ng titig nito sa kanya. Narinig nga kaya nito ang sinabi niya?

Sana naman hindi. Naku, Aaliyah!

Nagulat nalang siya nang pinaandar ni Dominic ang sasakyan.

"Daniel is taking a U-turn. Mukhang babalik na siya sa resort," imporma ni Dominic sa kanya.

Agad na nabuhayan naman siya ng loob. Ibig sabihin nito, willing pa itong makipag-usap at makita ulit si Kath. May pagkakataon pa para gawin niyang tama ang mga mali niya.

"Sige, dalian mo, Dom. Mag-U-turn ka na rin," pag-uutos niya dito.

"Oo na. Huwag kang atat," suway naman ni Dom sa kanya.

Hinintay pa ni Dominic na umusog ang sasakyan ni Daniel. Daniel was already taking a U-turn sa highway nang makita niyang may isang sasakyan na mabilis ang takbo ang hindi humihinto habang nagu-U-turn si Daniel.

"No, Daniel!" napasigaw siya sa gulat.

Everything was so fast. It felt like a blur. Feeling niya ay kinapos siya ng hininga sa nasaksihan. Gumulong ang sasakyan ni Daniel sa gitna ng daan. Habang yupi naman ang harapan ng sasakyang nakabangga dito.

Agad na tumalima si Dominic at lumabas ng sasakyan para puntahan ang nabanggang sasakyan ni Daniel. Habang siya ay naiwan sa loob ng kotse nito at tulalang hindi makapaniwala sa nangyari.

__________

Mabilis na tinungo ni Kath ang parking lot. Gusto sana niyang umuwi nalang kahit na walang pahintulot ni Vicky. Talagang gusto na niyang umalis doon. Dahil sa sobrang sama ng loob, gusto na niyang magwala nang tuluyan. Pero hindi niya gagawin iyon. Ayaw niyang magka-issue pa siya sa endorsee niya. She just wanted to let off her steam kaya napagpasyahan niyang umalis nalang muna.

Nang narating na niya ang parking lot ay naabutan niya si Mark doon. Nakatalikod ito sa kanya at may kinakausap sa cellphone nito.

"What?"

Nagtaka naman siya sa narinig na urgency sa boses nito.

“What happened to Daniel?"

Bigla namang umahon ang kaba sa kanyang dibdib. Bakit? Anong nangyari kay Daniel?

Lumapit pa siya sa kinatatayuan nito, without him knowing she was nearing him to eavesdrop his conversation on the phone.

"What? Hindi kita maintindihan, Aaliyah. Pwedeng huminahon ka? Anong nangyari kay Daniel?" tanong uli nito sa kausap nito sa cellphone.

At mukhang si Aaliyah ang kausap nito, base sa tinawag nitong pangalan.

"What? Na-aksidente si Daniel? How's he?" may pag-aaalala nang sabi nito. Siya man ay nagulat sa sinabi nito. Kaya hindi na niya alam kung anong nangyari, basta't bigla nalang niyang naagaw ang cellphone nito mula dito, at siya na ang nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya.

"I don't know. A car just crashed into Daniel's car. Pilit binubuksan ni Dominic ang pinto ng sasakyan ni Daniel, but it won't budge. I called the ambulance and they're on their way," ang naghihikbing Aaliyah. "Kuya Mark, he might not be breathing. Oh, God. Please, huwag naman sana."

"Kath."

Hindi na niya namalayang napaiyak na rin pala siya. Was that all real? Totoo ba ang mga pinagsasabi ni Aaliyah? Or baka naman pinagti-tripan na naman ulit siya nito?

Inagaw ni Mark sa kanya ang cellphone nito saka ito na ang kumausap kay Aaliyah dahil hindi na siya tumatahan sa pag-iyak.

"Kath? Anong nangyari?" Ang concerned na Vicky at Danna ang lumapit sa kanya.

"S-si D-Daniel. Ate Vicky, si D-Daniel," humihikbing wika niya.

"Bakit, Kath? Anong nangyari kay Daniel?" asked Danna with urgency.

"N-naaksidente siya," napahagulhol na na sabi niya.

"What?" parehong gulat na tanong ni Vicky at Danna.

"Guys, pupuntahan ko kung saan ang aksidente. Sama kayo?" si Mark naman ang nagsalita. Mukhang tapos na itong mag-usap at si Aaliyah.

Agad na tumalima siya. Gusto niyang puntahan si Daniel. Gusto niya itong makita. Hindi siguro niya kakayanin kung totoo ngang... Napailing-iling siya.

Huwag, Kath! Huwag. Huwag kang mag-isip ng masama. Okay lang si Daniel.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng sasakyan ni Mark. At habang papunta sila sa location kung saan nangyari ang aksidente ay wala siyang ginawa kundi ang manalangin sa Maykapal.

Sana wala namang nangyari kay Daniel. Please, Lord. Huwag Niyo siyang kunin sa akin.

Kasi alam niyang sa kabila ng lahat ng nangyari, na-realize niyang hindi siya mabubuhay nang wala ang lalaking mahal niya.

Lord, please... Don't take Daniel away from me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro