Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Agad na tinungo ni Daniel ang parking lot. He needed to go out of there and get away from there as far as possible. Kailangan niya ng hangin at oras para pag-isipan ang mga bagay-bagay na nangyari lang sa kanila ni Kath.

"DJ?"

Napatingin agad siya sa taong tumawag sa kanya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mark habang pilit na inaabot siya.

He stopped on his tracks and faced him. "Aalis muna ako."

Kumunot ang noo nito. "What? Saan ka pupunta?"

"Hindi ko alam."

"Bakit? May nangyari ba sa iyo?"

"Kath just broke up with me."

"What?" Shock ang rumehistro sa mukha nito. "But, why? I thought okay lang kayo?"

I thought so too. "Hindi ko alam. Gusto ko munang magpakalayo-layo para makapag-isip."

"Ha? Sure ka?" may pag-aalalang tanong nito. "Gusto mo, samahan kita?"

Umiling siya dito. "Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko. At babalik lang naman ako. I just really needed space."

Mukhang nagdadalawang-isip pa itong sumang-ayon sa pasya niya, pero pumayag naman ito. Mukhang nakita nitong talagang iyon ang kailangan niyang gawin sa ngayon.

"Mag-iingat ka, ha, DJ," huling tugon pa nito sa kanya.

Ningitian nalang niya ito at dumiretso na sa sasakyan niya. Sumakay siya sa sasakyan niya at pinaandar iyon. Napasulyap pa siya uli sa kinatatayuan ni Mark, bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan palayo doon.

He needed space and think about everything that just happened. Kasi pakiramdam niya, kung hindi siya umalis doon, wala siyang ibang gagawin kundi ang lumuhod sa harapan ni Kath and beg not to break up with him. Kaya kailangan niya ng panahong mag-isip nang mag-isa para makagawa siya ng paraan kung papaano aayusin ang problema nilang magkasintahan.

"Damn!" pagmura niya, sabay napahampas sa manibela ng sasakyan niya.

Hindi talaga niya alam kung bakit nagkakaganoon si Kath. Noong huli pa naman nilang pagsasama, okay naman ang lahat sa kanila. Nagsimula lang ang lahat ng problema nila nang makita niya itong magkayakap with Dominic.

Nagpakawala uli siya ng hampas sa manibela. He can't believe that she would just let go of their relationship that easy. At kahit na involved si Dominic sa relasyon nilang dalawa, hindi pa rin siya makapaniwalang ganoon lang kasimple para kay Kath ang pakawalan siya.

Pero hindi siya makapapayag na mangyari iyon. Hindi niya iniwan si Kath dahil tinanggap na niya ang desisyon nito. Pero umalis siya para makapagisip-isip. HIndi siya makapapayag na ganoon-ganoon nalang iyon.

He had made a promise to Kath, and to himself. He promised he won't let go of Kath. He just needed time to think. Pero hinding-hindi siya susuko sa relasyon nila ni Kath. Kasi in the first place, hindi nga siya sinukuan nito noon. Kaya kung ano man ang problema nila, aayusin niya iyon. Gagawa siya ng paraan para magiging maayos silang dalawa.

__________

Nanatiling nakaluhod lang si Kath sa buhanginan. Hindi niya alam pero tumigil na sa pagluha ang kanyang mga mata. Para bang naubos na ang lahat ng luha niya sa mata at wala nang natira pa para dumaloy sa kanyang pisngi.

"Kath?"

Narinig niya ang tawag ni Vicky sa pangalan niya. Hindi niya ito nilingon. She was partly mad of her. Kasi hindi ito sumang-ayon na umalis nalang sila doon para hindi na niya kailangang harapin si Daniel. At dahil naglihim ito sa kanya tungkol sa pagpapanggap ni Daniel.

Naramdaman niyang hinawakan nito ang balikat niya, pero iniiwas niya ang sarili dito.

"Kath?" Nagtatakang tanong nito nang nakaharap na siya dito.

"Don't touch me," mahina lang pero ma-awtoridad na sabi niya.

Nagtataka pa rin itong tumingin sa kanya. "Bakit?"

"Just... don't."

Lumapit naman ito sa kanya. At sa panahong iyon, hindi na siya nagtangka pang umiwas. Lumuhod din ito sa harapan niya, kaya ngayon ay magkaharap na sila sa isa't-isa.

"Kath? Bakit? Okay ka lang ba?" tanong nito.

Nararamdaman na naman niyang muling may tutulo na namang luha sa kanyang mga mata. Ang akala niya ay naubos na lahat iyon, pero parang nag-recharge lang pala ang mga tearbuds niya. Kasi heto na naman ang isang set na namang luhang tutulo.

"May nagawa ba akong mali?"

Doon na niya nagawang mag-react. "Do you really want me to tell you kung may nagawa ka bang mali?"

Umiling-iling naman ito. "Hindi kita maintindihan, Kath."

"Why don't you just tell me about that night kung kailan hindi mo ako nasundo sa restaurant na pinag-meeting namin with Ma'am Cory and Mrs. Valleley? Siguro natatandaan mo pa ang tunay na dahilan kung bakit hindi mo ako nasundo. And would you care to tell me the truth, this time? Huwag iyong kasinungalingang sinabi mo sa akin noong gabing iyon," she blurted out.

Base sa ekspresyon sa mukha nito, mukhang na-gets na nito ang pinupuntirya niya. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. "Kath..."

"No, enough, Ate Vicky! Just tell me the damn truth!!"

Umiling-iling ito. "Kath... I - I..." Mukhang hindi nito alam ang sasabihin.

"I knew it! Sinasabi ko na nga ba. Sinasabi ko na nga ba't totoo ang lahat ng sinabi ni Aaliyah! Totoo lahat ng sinabi niya."

Hindi na niya napigilang mapahagulhol ng tuluyan. Hindi siya makapaniwalang pinaglalaruan lang siya ng mga taong pinagkakatiwalaan niya... ng mga taong akala niya'y kakampi niya. Iyon pala ay para lang ang mga itong si Daniel. Mapagpanggap at mga walang pusong tao.

"Paano niyo nagawa sa akin ito, ha, Ate Vicky? Paano?" may panunumbat na tanong niya dito.

"Kath, I swear, we have no harm intentions. Ang gusto lang namin ay ang mabigyan kayo ng chance ni Daniel na magkasama't magkausap. Para magkalinawagan na kayong dalawa," pagrarason pa ni Vicky.

"No, I won't listen to your stupid reasons. Hindi ako ganoon ka-estupido para maniwala na naman sa isang kasinungalingan ninyo."

"Kath, I promise you. Iyon talaga ang dahilan kaya namin nagawa ni Mark sa iyo iyon," anito pa.

"So totoo rin palang kasabwat si Mark dito," she said. Natatandaan pa niya ang sinabi nito noon sa kanya sa tent ni Daniel. Na mag-ingat daw siya't baka masaktan na naman siya ni Daniel. Pero ito rin pala ay sinasaktan siya.

Mahina lang ang pagtango ni Vicky.

Napailing siya dito. Hindi talaga siya makapaniwalang magagawa ng mga ito iyon sa kanya. "So, hindi pala totoong nagka-aberya ang van kaya hindi mo ako nasundo?"

Umiling ito bilang kasagutan.

"At hindi rin totoong mga adik iyong nagtangkang rape-in ako doon sa labas ng restaurant?"

"No, mga ekstra ang mga iyon sa pelikula. Mga kaibigan iyon ni Mark," sagot naman ni Vicky sa kanya.

Iniwas niya ang sarili dito at humarap nalang sa dagat. Hindi na niya kaya pang tumingin sa isang taong binigo ang tiwalang ibinigay niya dito.

"Kath, please, kahit na ayaw mong paniwalaan pero pakinggan mo muna ako," pagpupumilit ni Vicky.

Hindi lang siya tumugon dito. Nakatingin parin siya sa dagat at hindi ito pinapansin.

"Kath, nagawa lang naman talaga namin iyon dahil gusto naming bigyan kayo ng chance ni Daniel para magkausap. Gusto naming mag-usap kayo ng masinsinan nang kayong dalawa lang. Wala kaming masamang balak. We just gave Daniel a chance to gain you back."

Napatingin naman siya dito. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mata nito. Na para bang totoo lahat ng sinasabi nito.

"I promise you, Kath. Hindi lang naman nagpapanggap si Daniel na mahal ka niya, eh. Talagang totoong mahal ka niya. Kaya niya nagawa iyon sa iyo noong gabing iyon ay dahil gusto ka niyang makasama. At kaya nagawa namin iyon ay dahil gusto naming tulungan kayong dalawa."

She can't believe she's listening to her explanations.

"Kath, mahal na mahal ka ni Daniel. Nagawa na ni Daniel ang lahat para lang patunayan sa iyong mahal ka niya. Did you think na napapayag mo si Ma'am Cory na maghiwalay na kayo ni Daniel ng loveteam? No."

"What do you mean?"

"Kath, noong kinausap mo si Ma'am Cory, after noon ay nag-usap kami. At sinabi niya sa akin ang pinag-usapan ninyo. As much as she sympathized with you, hindi pa rin siya pumayag na maghiwalay kayo ng loveteam ni Daniel. Malaking risk kasi kung papayag siya sa pakiusap mo."

"But, I thought..."

"Napapayag lang si Ma'am Cory dahil kinumbinsi siya ni Daniel. The next day, Daniel went to see Ma'am Cory. Siya na ang nagkumbinsing pakawalan na ang loveteam ninyong dalawa."

"Pero kung sinasabi mong mahal talaga ako ni Daniel, bakit niya pinayagang kumawala na ako sa loveteam namin. Hindi ba't dapat nga mas pinaglaban niyang huwag kaming maghiwalay?"

"Daniel loves you so much, Kath that he's just not thinking of his happiness. Iniisip ka niya. Iniisip niya ang kaligayahan mo. At that moment, naisip ni Daniel na mas mabuti sigurong bigyan ka niya ng panahong mag-isip. Bigyan ka niya ng pagkakataong ipagpatuloy ang career mo na wala siya. He was giving you space to breath from all the heartbreaks he gave to you."

"Ate Vicky, why are you telling me all these?"

“Kasi gusto kong paniwalaan mong totoo na si Daniel this time. Na hindi siya nagpapanggap. Na mahal na mahal ka niya. He's been doing everything for you, Kath. Pati ang career mo, halos siya na ang nagma-manage. He has been the one who've been trying to get all your endorsements. Mas nagmukhang manager mo pa nga siya kesa sa akin, eh. Hindi ka niya pinabayaan, Kath."

"Pero, si Danna - "

"Nang nasa airport tayo paalis ng Palawan, Mark called me to tell me na hinahabol ka daw ni Daniel. Pinigilan ko si Mark kasi alam kong ayaw mo pang makausap siya," anito sabay napabuntong-hininga. "Ang sabi ni Mark, gustong sabihin sa iyo ni Daniel na mahal ka niya."

"But, he just talked to Danna that time. Nakita ko pa nga silang dalawang naghahalikan, eh," she reasoned out.

"Hindi ko alam kung anong nangyari between Daniel and Danna, but after Palawan, hindi na nagpakita si Danna sa kanila ni Mark. Nang nagkausap kami ni Mark after that, ang sabi ni Mark sa akin na ipinagtapat daw ni Daniel kay Danna na ikaw na ang mahal niya. Na hindi na magawang mahalin ni Daniel si Danna dahil ikaw ang mahal niya, Kath."

Natutop ni Kath ang kanyang bibig. Totoo ba itong mga pinagsasabi ni Vicky? Or baka nagsisinungaling na naman ito? Hindi na niya alam kung ano ang papaniwalaan niya.

"It's true, Kath. Tama lahat ng sinasabi ni Ate Vicky."

Napatingin naman siya sa nagsalita.

"Danna..."

__________

"Dom, bilisan mo. Baka hindi na natin maabutan si Daniel!"

Mabilis na pinatakbo ni Dominic ang kanyang sasakyan para maabutan si Daniel. Kasama niya si Aaliyah habang hinahabol nila ito.

"Ano ba naman iyan, Dom, eh? Ang bagal-bagal mo namang magpatakbo. Hindi katulad kay Daniel, ang tulin magpatakbo."

Kanina pa siya naiinis dito. Talagang kung makasatsat ang babaeng ito, kulang nalang talaga ay parang nanay na niya, eh.

"Dom, ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Baka mamaya niyan, eh mabangga pa tayo."

Hindi na niya namalayang nakatitig na pala siya dito. Napatawa siya ng lihim.

"O, anong ningingiti-ngiti mo diyan? Mag-concentrate ka nga sa pag-drive!" reklamo pa nito.

Napailing naman siya. He can't believe how fast his mood changes around this girl. Parang nagro-roller coaster lahat ng emosyon niya sa babaeng ito, eh.

Pagkalipas ng ilang minuto, tumahimik naman ito. Kaya nagtatakang napatingin siya dito.

"Hoy, mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah?" tanong niya dito.

Narinig niyang nagbuntong-hininga ito. "Wala. It's just that, sobrang nagi-guilty ako, eh. Nagi-guilty ako sa mga pinaggagawa ko."

Hindi rin siya nakaimik. Kahit siya, sobrang nagi-guilty rin sa mga ginawa niya.

"I mean, ako ang dahilan kung bakit nagkasira ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Nang dahil lang sa kagustuhan kong malaman ang tungkol sa totoong pamilya ko."

"Hindi, Aaliyah. Hindi ikaw, kundi ako. Ako ang nag-utos sa iyong gawin mo iyon. Kaya ako ang dapat sisihin," aniya dito.

Siya naman talaga ang dapat sisihin, eh. Siya ang may pakana ng lahat. Nang dahil sa kagustuhan niyang ipaghiganti si Danna, nagawa niya ang lahat nang iyon.

"Bakit ba kasi gusto mo pang ipaghiganti si Danna? Eh, kahit siya, wala nga siyang ginagawa para paghiwalayin ang dalawa?"

Napakibit-balikat siya. "I don't know. Dahil mahal ko siya?"

Tumahimik naman ito. Kaya ay nagtatakang napasulyap na naman siya dito.

"What? May nasabi ba akong mali?" tanong niya dito.

"Mahal mo ba talaga siya? O mahal mo siya dahil nakasanayan mo na?" balik-tanong ni Aaliyah na nakapagpaisip sa kanya.

Hindi nalang niya sinagot pa ito at nag-concentrate nalang sa pagda-drive. Hanggang sa huminto si Daniel sa isang open space sa gilid ng kalsada. Kaya ay napahinto rin siya hindi kalayuan sa kinaroroonan nito.

"So... ano ba ang ibig mong sabihin doon sa sinabi mo kanina?" tanong niya kay Aaliyah nang napag-isipan niya uli ang sinabi nito.

"What? Talagang dinibdib mo ang sinabi ko kanina?" anito pa.

Nagkibit-balikat siya as if to answer her question.

"Well, hindi ba nga't magkasabay kayo ni Danna na lumaki sa bahay ng mga magulang niya? That you were adopted by his parents and that you and Danna have been very close with each other for a very long time?"

"So?" tanong niya dito.

"Well, I just think na baka lang nasanayan mo nang kasama siya, and that you've mistaken love with comfortability. Kasi nga, magkasama kayong lumaki. Siya na ang kasa-kasama mo sa buong buhay mo. And when you found out that she's not your real sister, you've mistaken fondness to love."

Napaisip siya sa sinabi nito. Oo nga't tama ito. Magkasama silang lumaki ni Danna. Mahal na mahal niya ito mula pa noong bata sila. Kaya nang malaman niyang hindi pala sila tunay na magkapatid, parang mas lumalim ang pagmamahal niya para dito. Na para bang gagawin niya ang lahat para lang mapasaya ito at huwag lang itong masaktan. Dahil ito ang parating nandiyan sa tabi niya sa kabila ng lahat ng mga naging problema niya sa buhay.

"Baka lang hindi mo talaga siya mahal bilang babae? Na baka kaya ka napaka-overprotective sa kanya ay dahil mahal mo talaga siya bilang isang kapatid. And you've just mistaken that two different kind of love into one," pahabol pa nito.

Nagbuntong-hininga siya. Baka nga. Hindi rin niya mawari sa sarili kung ano ba ang totoong nararamdaman niya. Naguguluhan na rin siya dahil kay Aaliyah.

Nagulat nalang siya nang biiglang hinawakan ni Aaliyah ang kanyang kamay. "You're a good man, Dom. Despite everything, alam ko namang kaya mo lang ginawa iyon ay dahil may gusto kang protektahang isang mahal mo sa buhay."

Hindi niya mawari ang sarili. Parang may gumapang na kakaibang kuryente sa kamay niyang hinawakan ni Aaliyah.

"Kahit nga ako, eh. Kahit alam kong mali, gagawin ko pa rin lahat para lang sa taong mahal ko," dugtong pa nito.

Gusto niyang tanungin ito sa gustong itanong ng isip niya kahit noon pa. "You fell in love with Daniel, didn't you?"

Bumitaw ito sa kamay niya na siyang pinaghinayangan niya. Sana pala hindi na niya tinanong pa ang tanong na iyon.

"Were you really in love with him?" tanong uli niya dito.

Umiling-iling ito. "No, Dom. Hindi sa kanya. Sa iyo," sabi nito na siyang nakapagpagulat sa kanya nang labis.

Was she kidding? Or was it real?

"I already fell in love with you the day you saw me that night at the park crying."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro