Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55

"Dominic!"

Agad na napabitaw si Dominic sa pagkahawak sa mukha ni Aaliyah nang narinig ang boses ni Danna. Nang napatingin siya dito ay agad na bumalot ang kakaibang damdamin na siyang si Danna lang ang nakakapagparamdam sa kanya.

Unti-unting humakbang siya papalapit dito. "Danna."

"Dominic, what do you think are you doing?"

Hanggang sa nakalapit siya dito ay hindi pa rin naaalis dito ang tingin niya. "Danna, I was just talking to Aaliyah."

"No," pailing-iling na sabi nito. "You know that's not what I meant. Ano ang ginawa mo kina Daniel at Kathryn?"

Naguluhan naman siya sa tanong nito.

"Ba't mo ginagawa lahat nang ito, Dominic? Bakit mo sinisira ang relasyon nila Kath at Daniel?" tanong ni Danna.

Nakakunot-noong tumingin siya dito. "But I thought you'd be happy to know that sira na ang relasyon nila Daniel and Kath. That's what you want naman, hindi ba?"

Mabilis na umiling ito. "No! I mean, yeah. But not in this way, Dominic."

Naguguluhan pa rin siya dito. Hindi ba't noong nakipaghiwalay na nang tuluyan si Daniel kay Danna, at nang sabihin ni Daniel dito na si Kath na ang nagmamay-ari ng puso nito, kulang nalang ay isumpa nito si Kath? Ito pa nga ang lumapit sa kanya at sinabihan siya mismo na gagawin nito ang lahat ng makakaya nito para mawala sa landas nito si Kath sa relasyon nito with Daniel. So what is this now?

"I thought you'd be happy, Danna. Hindi ba't you were rooting for this? Ang masira na nang tuluyan ang relasyon ng dalawa para bumalik na sa iyo si Daniel? Hindi ba?" naguguluhan pa ring tanong niya.

"Yes, I admit it. Iyon ang hinahangad ng puso ko noon. Kasi mahal na mahal ko si Daniel, handa kong gawin ang lahat para lang mapasaakin siya muli," sagot nito.

Naramdaman naman niya ang pagkirot ng bahagi na iyon sa puso niya dahil sa sinabi nito.

"Pero, pwede naman sigurong magbago ang isang tao, hindi ba? Dom, I've realized now na mali pala ako. Na hindi ko pwedeng gawin iyon. Dahil sa mahal na mahal ko si Daniel, kayo kong magparaya para sa kaligayahan niya," anito pa. "At alam kong hindi ako ang magbibigay sa kanya ng kaligayahang narararapat sa kanya. Dahil hindi ako ang mahal niya."

"Danna, I still don't understand you."

Sa pagkakataong iyon, ito na mismo ang lumapit sa kanya. "Dom, just let it go."

"Danna, I've done a lot of damage already. Nasira ko na ang relasyon nila. At ginawa ko iyon dahil sa iyo," wika niya dito.

"I don't understand why you're doing this, Dominic. Labas ka naman na dito, eh. It's my problem and not yours."

Nagpakawala siya ng malakas na buntong-hininga. "Iyon na nga, eh. Your problem will always be my problem, too. Kasi mahal kita, Danna. At dahil mahal kita, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Even if it means having to let go of my happiness, for the sake of yours."

Hinawakan naman ni Danna ang mukha niya. "You don't have to do that, Dominic. Kasi tanggap ko na. Tanggap ko na na hindi ako ang mahal ni Daniel. Na hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya."

Napapikit naman siya ng kanyang mga mata at dinama ang haplos ni Danna sa mukha niya.

"At ngayon, na-realize ko na rin na ang mahalaga ngayon ay kung sino ang meron ako ngayon. Ang mahalaga ay ang taong nagmamahal pa rin sa akin sa kabila ng lahat," ani Danna na tiningnan pa siya sa mata. "At ikaw iyon, Dominic. Kahit na hindi mo sabihin, alam kong ikaw iyon. Alam kong mahal mo ako. Kaya nagpapasalamat ako dahil doon."

Tuluyan na siyang napaiyak dahil sa sinabi ni Danna. Guilt has flooded all of his system. Alam niyang dahil sa ginawa niya ay may nasaktan siyang mga taong hindi naman dapat masaktan. May nasira siyang relasyong hindi naman dapat nasira.

"What have I done?" Sising-sisi siya sa ginawa niya. Dahil sa pagmamahal niya kay Danna ay nabulag na siya sa totoong kahalagahan ng pagmamahal. He was blinded and was not able to see the true essence of love. At hindi galit o paghihiganti ang sagot ng lahat. And he knew that what he just did was the most ugliest thing to do.

Narinig rin niyang nagbuntong-hininga si Danna. "Nang lumabas ako ng kwarto ni Daniel, nakita ko si Kath sa labas ng kwarto niya."

"And?"

Napayuko ito. "I knew she was hurting."

"I - I said some things to her." Sabay na napatingin sila ni Danna kay Aaliyah na nasa tabi lang pala at pinapanood ang munting eksena nilang dalawa.

"Ano ang sinabi mo?" tanong ni Danna dito.

"Noong iniwan na kita sa kwarto ni Daniel na inaayos ang mga gamit niyang kinalat ko, nakasalubong ko si Kath sa hallway. Well, I said a lot of lies to her that might ruin her trust for Daniel," sagot naman nito.

"Yeah," pagsang-ayon naman niya sa sinabi ni Aaliyah. "I told Aaliyah to make stories about you and Daniel."

"Sinabi ko kay Kath na nagpapanggap pa rin si Daniel na mahal siya nito, and that ikaw pa rin ang nag-iisang babaeng mahal ni Daniel."

Agad namang napasapo sa noo si Danna. "I knew I should've talked to her right then and there."

"Shh," alo niya kay Danna. "This is not your fault, Danna. Kasalanan ko ang lahat ng ito. I was the one who ordered Aaliyah to spike Daniel's drink. At ako rin ang tumawag sa iyo para puntahan ako dito."

"We have to do something," agad namang sabi ni Danna.

"Let me help. I want to make it up to Kath. Alam kong labis ko siyang nasaktan," wika naman ni Aaliyah.

"No."

Sabay na napatingin sila Danna at Aaliyah sa kanya.

"I made up this mess. I should be the one to fix this."

__________

Mag-isang naglalakad si Kath sa dalampasigan. Gustung-gusto na niyang isigaw at ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. She can't believe that she had fallen for his tricks the second time. Talaga bang tanga lang siya? O talaga bang bulag lang siya sa pagmamahal niya kay Daniel kaya hinayaan niya ang sariling paniwalaing kaya siyang mahalin nito nang tunay at buo?

She didn't know what to do anymore. Litong-lito na siya. Hindi niya alam kung ano ang susunod na hakbang ang gagawin niya. Kung sasabihin ba niya dito ang nalalaman niya. O pananatilihing magpanggap lang siyang walang alam para hindi na niya malaman pa ang totoo.

But she wanted to know the truth. And she wanted to know it from Daniel. Pero natatakot siya. Natatakot siyang marinig ang kinatatakutan niya. Natatakot siyang marinig na totoo ang sinabi ni Aaliyah. And she doesn't know if she can handle that kind of pain again. Mas mabuti na sigurong hindi nalang niya malaman iyon para na rin maisalba niya ang sarili sa ganoong klaseng sakit.

Nasa ganoong pag-iisip siya nang marinig niya ang tawag ng nag-iisang lalaking hinayaan niyang saktan ang damdamin niya.

"Kath!"

Nakita niya itong tumatakbo sa kinaroroonan niya. Agad na pinahid niya ang mga luha sa pisngi at mabilis na kinalma ang sarili.

"DJ."

"Kath, kanina pa kita hinahanap. I've been looking everywhere for you."

Napapikit naman siya nang mahimigan ang pag-aalala sa tinig nito. Bakit ba ganoon ito? Pinapakita at pinaparamdam naman nito sa kanyang nag-aalala ito sa kanya. But she doesn't want that. Dahil mas lalong mahihirapan lang siyang kumalas dito.

"Kath, may problema ka ba?" Narinig niyang nagtanong ito.

Nang mapamulat siya ng kanyang mata ay hindi na niya nakayanang pigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi.

Lumapit naman agad ito sa kanya, dahilan upang mapaatras naman siya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagtataka. "Kath, is there something wrong?"

Hindi pa rin niya magawang magsalita. Bagkus ay patuloy lang ang pagdaloy ng mga luha niya sa pisngi.

"Kath, please. Talk to me. May problema ka ba?" tanong uli nito.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Gusto na niyang ibuhos dito ang lahat ng sama ng loob na nakabalot sa puso niya. But she restrained herself.

"Kath, please. Tell me what's wrong," plead Daniel to her.

Nagkapa pa siya ng hangin at lakas ng loob para sa susunod na gagawin niya. Isa-isang ipinahid niya ang mga luha sa pisngi.

"DJ," panimula niya. "Ayoko na."

__________

"Ayoko na."

Nagulat si Daniel sa sinabi ni Kathryn. Feeling niya ay parang sinaksak ng one million times ang puso niya. Dalawang salita lang iyon, pero labis na iyong nagdulot ng sakit sa puso niya.

"Kath? Ano ba ang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya dito.

Umiling-iling pa ito. "Ayoko na, Daniel. I want to break up with you."

Kumirot na naman ang puso niya. Nananaginip pa rin ba siya? Kasi parehong-pareho ito sa panaginip niya, eh.

"Kath, please, huwag ka namang ganyan, o. Kung may problema tayo, pag-usapan natin ito," pakiusap niya dito.

"I'm sorry, Daniel. But I just can't do this anymore."

Hinawakan niya ang magkabilang braso nito. "Kath, please. Sabihin mo sa akin kung ano ang nagawa kong kasalanan sa iyo. Pag-usapan natin ito."

"I'm sorry," ang nasabi lang nito.

Agad na niyakap niya ito. "Kath, huwag naman ganito, o. Bakit ba? Ayaw mo na ba sa akin, ha? Hindi mo na ba ako mahal?"

Naramdaman niyang napatigil ito. Kumalas naman siya sa yakap at tiningnan ito sa mga mata.

"Kath, hindi mo na ba ako mahal? Kasi mahal na mahal kita. At hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko," naiiyak na na sabi niya.

Naramdaman na naman niya ang paninigas nito. Saka ito humakbang palayo sa kanya. "Please, DJ. Let's stop this. Ayoko na."

Napasabunot siya sa buhok niya. He was very frustrated. "Kath naman. Bakit ba hindi mo sabihin sa akin ang problema? Para naman maayos natin."

Kath just shook her head. "Hinding-hindi na ito maaayos, DJ. Hindi na."

Napasinghot siya. "Bakit, Kath?"

Tahimik lang itong napayuko. Natatakot siyang tanungin dito ang kaisa-isang katanungang bumabagabag sa isip.

"Kath, is there someone else?"

Agad na napatingin ito sa kanya. Hilam na sa luha ang mga mata nito.

"Is it because of Dominic?" nasasaktang tanong niya.

Hindi man ito sumagot, parang alam na niya ang magiging sagot nito.

Tumango-tango nalang siya. "I understand." At napayuko nalang siya.

Sumisikip na ang dibdib niya. Gusto na niyang magwala doon at ilabas ang sama ng loob niya. Sinasabi na nga ba niya at parang may iba nang namamagitan sa dalawa. Sa nakita lang niya kagabi na nagyayakapan ang dalawa, alam niyang may mali na sa relasyon nila.

Nag-angat siya ng tingin. Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Niyakap niya nang mahigpit si Kathryn. Gusto niyang madama ang yakap nito... kahit na sa panghuling pagkakataon.

"I just hope you're happy," wika niya. "I love you, Kath."

__________

"I love you, Kath."

Napapikit nang mariin si Kathryn nang sambitin ni Daniel ang katagang iyon. Gustong-gusto na niyang paniwalaan ang sinabi nito. It was the most wonderful lie she have ever heard in her entire life. Kahit na alam niyang kasinungalingan lang iyon, pero alam niyang babaunin niya pa rin ang kasinungalingang iyon for the rest of her life.

Nang maramdaman ang pagkakalas ni Daniel sa yakap ay napamulat siya nang mata. Kitang-kita niya ang paglalakad nito palayo sa kanya. At sa paglalayo ng distansiya nilang dalawa, mas lalong bumibigat ang puso niya.

When Daniel asked about her and Dominic, pinili nalang niyang hindi magsalita. At mukhang pinaniwalaan naman nitong totoo ang pinaghihinala nito dahil kitang-kita niya naman sa mga mata nito. She just couldn't bear to see how hurt he is, even when he is only pretending.

Mas ginusto nalang niya ang ganoon. Siguro, kung malalaman niya ang totoo, na nagpapanggap lang talaga ito, mas sasakit pa doon ang mararanasan niya. Mas mabuti na ang ganoon, hindi na masyadong masakit. Kahit na parang feeling niya ay mamamatay na siya sa sakit, alam naman niyang makakaya pa rin niyang mabuhay.

Mabubuhay siya kahit na ang mapait na alaala lang ang baon-baon niya mula dito. Kahit na ang mapait na kasinungalingan lang ang magiging alaala niya dito.

"I love you, Kath."

"I love you, too."

Napahagulhol na siya nang tuluyan habang napapaluhod sa buhanginan.

"Mahal na mahal kita, Daniel. Mahal na mahal."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro