Chapter 54
"Kath."
"I'm breaking up with you, DJ."
Napatigil si Daniel. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng girlfriend niya. Alam niyang mahal na mahal siya ng girlfriend niya kaya hindi siya nito kayang iwan. Kaya sigurado siyang nagbibiro lang ito.
Napatawa siya. "Funny joke, babe," aniya at nilapitan ito. Pero humakbang lang ito palayo sa kanya, which made him knot his forehead.
"Do you think I'm joking? Seryoso ako, Daniel."
Sa pagkakataong iyon, bigla nalang umahon ang kaba sa kanyang dibdib. "What? No. Alam kong nagbibiro ka lang."
Umiling ito. "Hindi, DJ. Hindi ako nagbibiro. Totoong gusto ko nang humiwalay sa iyo," seryosong sabi nito. Ni hindi niya makita sa mukha nitong nahihirapan itong makipaghiwalay sa kanya.
Sumikip naman ang kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwalang totoo ngang gusto na nitong humiwalay sa kanya. "Why?"
Nagkibit-balikat ito. "I am just so sick and tired of you. Ayoko na. Gusto ko nang humiwalay sa iyo."
"What?" nasasaktang sabi niya. "What do you mean, Kath? Hindi mo na ba ako mahal?"
Mahina lang ang pag-iling nito, pero nagdulot pa rin iyon ng malaking kirot sa kanyang puso.
"Why, Kath? May nagawa ba akong mali sa atin?" may hinanakit na tanong niya dito.
"I just don't love you anymore. I'm sorry," walang pag-aalinlangang sagot nito.
"Is there someone else?" tanong uli niya dito.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na ito sumagot. Bagkus ay humingi lang uli ito ng "sorry" bago tuluyang tumalikod sa kanya at umalis na doon. Nakatayo lang siya doon habang pinapanood itong naglalakad palayo sa kanya.
But, no. Hindi siya papayag na mawawala lang ito sa kanya nang ganun-ganun lang. Nangako siya sa sarilli niyang hindi niya ito basta-basta susukuan.
"Kath!" Pilit niya itong hinahabol. Pero kahit na anong bilis niya sa pagtakbo, hindi niya ito mahabol.
"No, Kath!" Habol-habol pa rin niya ito. Pero sa tuwing binibilisan niya ang pagtakbo ay parang mas imposible na niyang mahabol ito.
"Nooooooo!"
Biglang napabangon si Daniel sa kama. His ragged breathing filled the room. Pawis na pawis ang buong katawan niya at sumasakit ang ulo niya.
Napamura siya nang mapagtanto niyang nasa hotel room pa rin siya ng resort na tinutuluyan nila. He was just dreaming. It was all a dream.
Napahawak siya sa kanyang ulo. His head was throbbing. At hindi na niya naaalala ang nangyari sa kanya kagabi. When he looked under his sheets, napamura pa siya nang mapagtantong nakahubad na siya.
Damn. What happened to me? Ang huling natatandaan lang niya ay magkasama sila ni Aaliyah sa bar ng resort at nag-iinuman. And the rest was a blank memory to him.
"Shit." May nangyari ba sa kanila ni Aaliyah?
Napatingin naman siya sa espasyo sa tabi niya. Wala namang palatandaan na may natulog doon katabi niya. Baka wala naman talagang nangyari at nalasing lang siya. Baka hinatid lang siya doon ni Aaliyah.
Baka nga.
Agad na tumayo siya para maghanda. Kailangan niyang kausapin si Aaliyah. Aalamin niya dito ang nangyari sa kanya kagabi.
__________
"O, nagawa ko na ang pinagawa mo sa akin. I'm sure naman, sasabihin mo na sa akin ang tungkol sa totoong pamilya ko."
Napatingin siya sa magandang mukha ni Aaliyah. Lihim siyang napatawa. Kung alam lang nito ang totoo. Kung alam lang nitong wala na itong pamilyang mauuwian, eh di sana hindi nagawa ni Aaliyah ang paghiwalayin sina Daniel at Kath.
But no. Magaling siyang magsinungaling at manloko para makuha ang lahat ng gusto niya. At nakuha na rin niya ang gusto niya mula kay Aaliyah. Kaya panahon na para mai-dispatsa niya ito.
"Are you sure napahiwalay mo na talaga silang dalawa?" tanong niya dito.
"Yes, I'm sure. I did what you told me to do. So, please tell me about my parents. Are they still alive? Please," nagmamakaawang sabi nito.
This time, talagang napahalakhak na siya.
"Why are you laughing? May nakakatawa ba?" tanong nito sa kanya.
“Wala naman. It's just that, ang dali mo palang mauto, Aaliyah. Did you really believe na may pakialam ako tungkol sa pamilya mo?"
Napalitan ng galit ang maamong mukha nito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Your parents are dead. They died a long time ago. Even before you even knew they were your real parents," diretsang sagot niya.
"You - " Napasugod agad ito sa kanya ng sampal na agad namang naiwasan niya. "Damn you! How could you do this to me?"
Sunod-sunod pa ang sampal na pinakawalan nito na naiilagan lang niya.
"Paano mo nagawa sa akin ito? I thought iba kang tao. Na mabuti kang tao. I did you a favor... expecting for another favor from you in return. At ito lang ang susuklian mo sa akin?" may hinanakit na turan nito.
Napaiwas siya ng tingin dito. Ayaw niyang ma-guilty sa ginawa niya. At baka umatras pa siya sa plano niya.
"I ruined a relationship... a perfect relationship. Sinaktan ko ang dalawang taong walang kasalanan sa akin. Pinahirapan ko ang mga damdamin nila for no reason at all," umiiyak na sabi nito. "Bakit mo ba ginagawa ito?"
Napabuntong-hininga siya. Aaliyah wouldn't understand kahit na sabihin niya dito ang totoo. Hindi nito maiintindihan iyon dahil hindi naman nito naranasang magmahal ng tunay... ng sobra. Iyong pagmamahal na kaya mong gawin ang lahat para lang mapasaiyo ang mahal mo.
"What? Do you really expect me to believe that you did all of this dahil mahal mo siya? Ha?"
Napatingin siya dito. No, she really wouldn't understand everything.
"Sa tingin mo ba, pagmamahal iyan? Ha? Hindi iyan pagmamahal! Dahil kung pagmamahal iyan, hindi mo sinasakal ang sarili mo at ang taong mahal mo dahil lang sa kagustuhan mo. That is not love! Obsession na ang tawag diyan!" galit na turan nito.
Napatiim-bagang siya. "Wala kang karapatang sumbatan ako tungkol sa pagmamahal! You don't know anything about how I feel."
"You're sick!"
Agad na hinawakan niya ang mukha nito. "What did you say?"
Nagpupumiglas pa itong kumawala sa hawak niya. "Bitawan mo ako! Nasasaktan ako, ano ba?"
"Don't you ever mess up with me, Aaliyah! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo! So, don't try me," pagbabanta niya dito.
"I said, let go of me!" malakas na sigaw nito.
"Dominic!"
Agad na lumuwag ang pagkakahawak niya nang marinig ang tinig na iyon. Napatingin naman agad siya sa taong siya lamang dahilan ng lahat ng ginagawa niya.
"Danna."
__________
"Ate Vicky, gusto ko nang umuwi," agad na sabi ni Kath nang madatnan niya si Vicky sa hotel room na tinutuluyan nila.
"Kath?" nagtatakang sagot nito. "Saan ka ba galing, ha? Magkasama ba kayo ni Daniel buong magdamag?"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Gusto ko nang umuwi, Ate Vicky," pag-ulit niya dito.
"Ha? Bakit naman, Kath?"
"I just don't want to do this anymore. Napapagod na akong masaktan," sagot niya dito.
Nagbuntong-hininga naman si Vicky. "May problema na naman ba kayo ni Daniel?"
"He's cheating on me! - Oh no, wait. Hindi pala "cheating" ang tawag doon. Kasi in the first place, hindi naman pala totoo ang lahat. Nagpapanggap pa rin si Daniel na mahal niya ako para lang makuha uli ang loob ko. In that way, posible nang bumalik ang loveteam namin. At sisikat na siyang muli!" galit na wika niya.
"What? Totoo ba iyang mga sinasabi mo?" tanong ni Vicky sa kanya.
"I saw him and Danna with my very own eyes! Hindi ako pwedeng magkamali!"
"Kath, huminahon ka muna. Baka nagkamali ka lang - "
"Would you please stop? I am so through with that damn nonsense! Hinding-hindi na ako magpapaloko pa sa Daniel na iyon!" galit pa rin na wika niya.
"Kath - "
"Please, I want to go home!" she said with urgency.
Nagpakawala na naman ng buntong-hininga si Vicky bago humarap sa kanya. "No."
Kumunot ang noo niya. "What did you say?"
"I said no. You know what, ang dami nang nangyari sa inyong dalawa ni Daniel, and I've witnessed everything. Magkasama kami ni Mark sa love story ninyong dalawa. And right now, I think everything is just a misunderstanding... a complication to your relationship. Hindi ba't ang sabi ko sa iyo, maraming hahadlang at susubok sa relasyon ninyo?"
"Oh, c'mon, Ate Vicky! Relationship? Ni hindi ko nga alam kung may relasyon ba talaga kami ni Daniel dahil nga nagpapanggap lang siya!"
"May proof ka ba, Kath?"
"Yes! Nakita ko nga si Danna na lumabas ng kwarto ni Daniel. And when I entered Daniel's room, naabutan ko nalang siyang nakahubad na nakahiga sa kama."
"Kath..."
Nagsimula nang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. "Ayoko na, Ate Vicky. Ayoko na. I just want to run away from all of this."
"Kath, hindi ba't ang sabi sa iyon ni Daniel, pagkatiwalaan mo lang siya? I'm not letting you run away, Kath. Pag-usapan niyo ni Daniel iyan. Don't you know, maraming namamatay sa maling akala?"
She shook her head. "No, I can't do that. Sobrang nasasaktan pa ako, Ate Vicky. I don't want to face him."
“Whether you like it or not, you have to face him. Kayong dalawa ang apektado sa sitwasyong ito. You have to talk to him."
"Hindi ko kaya."
"Mahal mo ba siya?"
Tears have already clouded her vision. Hindi niya alam ang isasagot niya. Her heart whole-heartedly says yes. Pero ang sinasabi ng utak niya ay hindi na dapat niyang mahalin si Daniel. Dahil paulit-ulit nalang siyang sinasaktan nito.
"Pag-usapan niyo iyan, Kath. And when you have both talked about everything, then you can run away," anito bago iniwan siyang mag-isa sa kwarto.
Buong puso na niyang iniyak ang lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman niya sa panahong iyon. Gulong-gulo na siya sa kung ano ang dapat gawin. Tama nga naman si Vicky. Kung noon, iniwas niya ang sarili sa sakit na maaaring magdulot sa kanya, ngayon ay kailangang harapin na niya iyon.
Pero paano ba siya haharap kay Daniel nang hindi siya magdadalawang-isip na iwan ito? Paano siya haharap dito para sabihin dito ang totoong nararamdaman niya nang hindi iniisip na kahit sa kabila ng lahat ng nangyari at nalaman niya, nananatiling ito pa rin ang tinitibok ng puso niya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro