Chapter 53
Nasa bar ng resort si Daniel sa kasalukuyan. Doon siya dinala ni Aaliyah pagkatapos siya nitong yayaing mag-celebrate para sa success ng kanilang kakatapos lang ng isa na yata sa pinakamalaking project sa buong career nila.
Nakapanglumbaba pa rin siya habang tinutungga ang bote ng beer. Hindi na niya alam kung pang-ilang beer na iyon na nainom niya sa gabing iyon. Ang alam lang niya ay gusto niyang makalimutan ang nakita niya kanina. Dahil nasasaktan siyang makitang may kayakap na ibang lalake ang kasintahan niya.
Hindi talaga niya maintindihan si Kath. Kung may problema man itong dinadala, bakit ba hindi siya ang sinabihan nito? Dapat ba talagang sa ibang tao pa ito unang lumapit kesa sa kanya? Siya naman ang boyfriend, so siya dapat ang isa sa mga taong dapat unang makaalam sa problema nito.
Or did he hurt her again? If so, kailan niya ito sinaktan? As far as he could remember, okay pa naman sila noong huli silang naghiwalay noong pananghalian. Tinanggihan pa nga niya ang alok ni Aaliyah na makisabay dito ng lunch para lang makabawi kay Kath. Nakapag-sorry na rin siya sa dito para sa naging kasalanan niya dito, at mukhang okay naman na sila. So ano ba ang naging mali sa kanila?
He knew he needed to talk to her. Pero sobra pa siyang nasasaktan ngayon. Gusto muna niyang linawin ang isip niya bago niya ito komprontahin. Kasi sa ngayon, inaamin niyang nagagalit pa siya dahil sa nakita niya kanina. Hell, he was hurting. So bad.
"Do you want another one? How about a scotch?" Narinig niyang tanong ni Aaliyah sa kanya na nasa tabi lang. Kakatapos lang din nito ang bote nito ng beer.
Tumango lang siya dito. Kaya naman ay sinenyasan nito ang bartender na bigyan ulit sila ng dalawa pang baso ng scotch.
Tumayo siya dahil gusto muna niyang magpahangin. Feeling niya kasi, sumisikip na ang espasyo ng bar. Mukhang nagsimula na siyang tamaan ng alak na iniinom.
"Saan ka pupunta, Deej?" tanong ni Aaliyah sa kanya.
"Magsi-CR lang ako," sagot naman niya dito bago tuluyang umalis at tuluyang iniwan ito doon para magpahangin sa labas.
__________
Sinundan lang ni Aaliyah ng tingin ang papalayong bulto ni Daniel. At nang nakasigurado na siyang tuluyan nang nakaalis ito ay agad na kinuha niya sa bulsa ang isang capsule ng pill.
Kinuha agad niya ang baso ni Daniel. Pasimple pa siyang pasulyap-sulyap sa paligid at tiningnan kung wala bang makakahalata sa gagawin niya. At nang nakasigurado na siya ay dali-dali niyang binuksan ang capsule at ibinuhos ang laman noon sa baso ng scotch ni Daniel.
Nang makita na niyang papalapit na si Daniel sa kinaroroonan niya ay dali-dali niyang inilagay sa tapat ng upuan nito ang baso.
Nang naka-puwesto na si Daniel sa upuan nito ay dali-dali nitong naubos ang baso nito. Napangiti naman siya nang tuluyang nalinis na ni Daniel ang baso nito. Nag-order pa ito ulit ng isa pang baso.
"Cheers," sabi niya dito habang iniangat dito ang baso niya. Iniangat din ni Daniel ang baso nito sa kanya nang natanggap na nito ang bagong order nitong scotch.
Napapangiti nalang siya nang tuluyan nang naubos ang baso ng scotch niya. Her plan is working. Sigurado siyang wala nang kawala si Daniel dito.
Maya-maya lang ay naramdaman na niyang umeepekto na ang ibinigay niyang pill dito. Dahil unti-unti nang bumubuway ang katawan nito. Napahilig pa nga ito sa balikat niya.
"Deej?" tawag niya dito nang nanatili pa rin sa balikat niya ang ulo nito.
Wala siyang natanggap na sagot mula dito. Kaya alam niyang umepekto na talaga ang ginawa niya sa drink nito. Kaya agad na kinuha niya ang cellphone para tawagan ang isang taong dapat niyang tawagan.
"Hello?" Narinig niya ang boses nito nang sagutin nito ang cellphone nito.
"Hey. Nagawa ko na ang pinapagawa mo."
"Good. Ihatid mo na si Daniel sa kwarto niya."
Nang ibinaba na niya ang cellphone ay isinilid agad niya ito sa bulsa niya. At buong-lakas na dinala si Daniel sa kwarto nito.
__________
Papunta ngayon si Kathryn sa kwarto ni Daniel. Nakapag-decide na siyang kakausapin ito at linawin ang mga dapat linawin sa kanilang dalawa. Tama nga naman si Dominic. Hindi siya dapat magpadalus-dalos sa mga bagay lalo na't hindi pa niya naririnig ang panig ni Daniel sa isyu.
At bakit ba siya nagpapaniwala sa Aaliyah-ng iyon? Baka talagang may gusto itong paghiwalayin sila ni Daniel. At iyon ang hinding-hindi niya papayagang mangyari.
"Hi, Kath."
Napaangat siya ng tingin sa taong tumawag sa kanya. Nagulat siya nang makita ang mukha ng babaeng naging dahilan ng kaguluhan ng isip niya.
"Have you seen Daniel?" tanong agad niya dito.
Nagkibit-balikat naman ito, saka ay umiling.
"Well, do you have any idea where he might've been? I really need to talk to him," aniya dito.
"You're thinking about what I told you, aren't you?" tanong sa kanya ni Aaliyah. "Iniisip mong baka totoo nga ang mga sinabi ko sa iyo."
Nagbuntong-hininga siya. "It's none of your business, Aaliyah. You've done enough damage."
Tumawa ito ng mapakla. "Hey, I'm just telling you the truth, Kath. In fact, tinutulungan nga kita. Gusto kong makita mo kung ano ang totoong Daniel. Na nagsisinungaling lang siya sa iyo at hindi ka niya tunay na mahal. Dahil mahal pa rin niya si Danna."
Dahil sa sinabi nito ay tumigil bigla ang tibok ng kanyang puso. Totoo ba ang mga sinasabi nito?
"What?" taas-kilay na tanong nito. "You think I'm lying again? Well, why don't you see for yourself?"
Kumunot ang kanyang noo. "Anong ibig mong sabihin?"
"I just saw Daniel and Danna went inside Daniel's room a while ago," tila bale-walang sagot nito.
"What?" Mas lumalim ang kunot niya sa noo. "I thought you said you didn't saw Daniel?"
"Well, I lied."
Napailing-iling nalang siya dito. She can't believe how cruel this girl could be!
"I just don't want you to get hurt, Kath. Pero kung talagang hindi ka magpapaawat, then go ahead. But don't say I didn't warn you," anito lang bago ito lumakad at iniwan na siya doong marami pang katanungan sa kanyang isipan.
Napabuntong-hininga na naman siya. Hindi na talaga niya alam kung anong gagawin. Totoo ba talaga ang lahat ng sinasabi ni Aaliyah? Papaano nito nalaman ang tungkol kay Danna at Daniel, at tungkol na rin sa relasyon nila ni Daniel? Bakit ba napakarami nitong alam?
Kung kanina ay desidido siyang kausapin si Daniel, ngayon ay parang nagdadalawang-isip na siya kung itutuloy pa ba niya ang plano. Natatakot siyang baka totoo nga ang sinasabi ni Aaliyah. Natatakot siyang masaktan ulit. Hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang sakit kung sakaling tama nga si Aaliyah.
But I need to find out. Her final conviction led her to walk through the corridors and into Daniel's hotel room.
Nang nasa tapat na siya sa kwarto ni Daniel ay naghintay pa siya ng ilang segundo bago nagpasyang kumatok. Kinailangan pa niyang mag-ipon ng lakas ng loob at maraming hangin sa kanyang sistema. Para kung sakaling totoo man ang sinabi ni Aaliyah ay alam niyang inihanda na niya ang sarili.
Pero mali pala siya. Kasi kahit na ilang hangin at lakas ng loob pa ang ipunin niya, hindi pa rin siya magiging handa sa bumungad sa kanya. Dahil hindi niya naihanda ang sarili sa muling pagkikita nila ni Danna.
"Kath!" gulat na sabi nito nang nakita siya nito sa tapat ng pintuan ni Daniel habang papalabas ito roon.
She couldn't believe it! Talagang totoo nga ang sinabi ni Aaliyah! Bigla nalang niyang nararamdamang sumisikip ang dibdib niya at kinakapos na siya ng hininga.
"I..." Mukhang hindi rin makuhang magsalita ni Danna. Nakatunganga lang ito doon habang nakaharap sa kanya at wari'y hindi alam ang susunod na gagawin.
She wanted to pull her hair and beat the crap out of her. Pero kahit iyon ay hindi niya magawa. She was just so stunned to find out the truth... the unmistakable, painful truth. And it just hurt her so bad.
"I'm sorry," sa wakas ay nasabi ni Danna bago tuluyang umalis na doon. Habang siya ay naiwan nalang doon na hindi pa rin malaman ang gagawin.
__________
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin nagalaw si Kath sa kanyang kinatatayuan. Nanantiling nakatayo't nakatingin siya sa pintuan ng kwarto ni Daniel. Hindi niya alam kung anong nag-udyok sa kanya pero napagpasyahan niyang pasukin si Daniel sa kwarto nito.
It was really a shock to her when she saw Danna again. Parang hindi pa rin niya mapaniwala ang sarili na talagang totoo ang mga sinasabi ni Aaliyah. At kung totoo nga ang sinabi ni Aaliyah ang tungkol kay Danna, malamang ay totoo din ang sinabi ni Aaliyah na nagpapanggap pa rin si Daniel na mahal siya nito.
And there's only one way to find out.
Dahan-dahang binuksan ni Kath ang pintuan ng kwarto ni Daniel. Alam niyang maari siyang masaktan sa kung ano ang bubungad sa kanya. But she didn't care. Gusto lang niyang malaman ang totoo.
Magulo ang loob ng kwarto ni Daniel. Nakakalat ang mga damit ni Daniel sa sahig. Makulimlim sa loob ng kwarto at ang mumunting liwanag na nagmula sa side table lamp sa tabi ng kama nito.
But she didn't need another light to see Daniel in his bed. Dahil sa mumunting liwanag na nanggaling sa lampara nito ay kitang-kita na niya si Daniel na nakahiga sa kama nito. Natutulog na ito at nakahiga sa kama nito... nang nakahubad. Ang siyang kumot lang ang nakatakip sa hubad na katawan nito.
She didn't need any more explanation to know what had happened. After seeing Danna went out of Daniel's room, and now Daniel lying in his bed naked... estupido lang ang taong hindi nakakaintindi kung ano ang nangyari.
Natutop nalang niya ang kanyang bibig bago tahimik na lumabas ng kwarto ni Daniel. Hindi na napigilan ni Kath ang kanyang mga luha.
She couldn't believe it! Talagang totoo ang sinabi ni Aaliyah. Totoo iyon, at wala na siyang magagawa pa sa katotohanang iyon. Ang malaking katangahan lang na ginawa niya ay ang mabulag ulit sa pagmamahal niya para kay Daniel at ang maniwalang kaya siya nitong mahalin gaya ng pagmamahal na inaasam niya mula dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro